What Really Happen 15 Years Ago,
Habang nasa Bus Stop si Czkea at Qyuni at naghihintay tumila ang ulan. Nasa biyahe naman paalis ng Pilipinas si Louie, Si Louie ay anak ng isang shareholder sa Company nila Qyuni. Ito ay kasing edad lang din niya at si Louie ay nanliligaw rin kay Qyuni.
Na traffic ang sasakyan na gamit ng pamilya ni Louie papasok ng Manila. Habang binabagtas nila ang kalsada ay sa likod nila kasama ang ibang sasakyan ay naararo ng rumaragasang Pickup Truck.
Vehicular Collision Accident. Reason, madulas ang daan at hindi kumapit ang preno ng Truck. Dito na aksidente si Louie at nadala pa sa Ospital. Ngunit ito ay binawian na habang inooperahan sa dib-dib.
---
Present,
Habang nasa biyahe si Louie, bigla namang tumawag sa kanya ang kanyang Nanay, "Anak bumalik ka, si Qyuni nawalan ng malay sa Eskwelahan nila". wika ng kanyang Nanay na nag aalala. Pinabalik ni Louie ang sasakyan at dumeretso ito pauwi.
Pagkauwi ni Louie ay nagbihis ito at pumunta na sa Eskwelahan upang dalawin si Qyuni. Pagkaraan ng Limang Minuto ay nakarating na si Louie sa Eskwelahan at dumertso siya sa Clinic.
Pagkapasok niya ng Silid ay nakita niyang tulog at nagpapahinga si Qyuni. Ngumiti si Louie at siya ay umalis na. Sa kanyang paglabas ay siya namang niyang naka salubong ang Nanay ni Qyuni.
"Oh? anak? akala ko ba paalis ka ngayon"? tanong ng Nanay ni Qyuni. Nag mano si Louie at sabing, "Tumawag po si Mama, nabalitaan niya raw po na nawalan ng Malay si Qyuni kaya bumalik po ako at dumaan po ako dito. hindi muna ako tutulo Paalis ng Bansa. Hihintayin ko pong gumaling si Qyuni", wika ni Louie. Pagkatapos nilang magusap ay nag paalam na si Louie at ito ay umuwi na.
Dumaan ang isang araw at maayos naman na ang kalagayan ni Qyuni.
Kinabukasan ay Hinatid siya ng kanyang Nanay Papasok sa Eskwelahan. Nang ibababa na si Qyuni sa Gate ay nakita ng Kanyang Nanay si Czkea, "Anak, si Keng yon diba?", tanong ng Nanay ni Qyuni. Bago bumaba ay napatingin si Qyuni kay Czkea at sabing "Opo, yung anak ni Mang Joel", sagot naman ni Qyuni.
"Ang tangkad na bata no? Parang ka edaran mo lang haha", wika naman ng kanyang Nanay. Bumaba na si Qyuni at ito ay nagpaalam nang papasok. Sa di kalayuan din ay napansin din ito ni Czkea.
Natapos ang isang araw sa Eskwelahan, at habang pababa ng hagdan si Qyuni ay nakatanggap ng Text Message si Qyuni sa kanyang Nanay. "Anak narito ako sa labas sunduin kita, pupunta tayo sa Ninang mo".
Nagmadali bumaba si Qyuni at nakarating na siya sa Sasakyan. Umalis na sila papunta sa lugar ng Ninang ni Qyuni at si Czkea namaan ay Sumakay ng Tricycle upang Sundan ito.
Pagkaraan ng Limang minuto ay nakarating na sila Qyuni sa Tahanan ng Kanyang Ninang. Bumaba na ang Mag Ina at sila ay tinawag dumeretso sa Hardin nito. At pagkaraan din ng ilang minuto ay dumating na ang Ninang ni Qyuni at si Louie.
Nag kumustahan ang mag kaibigang nanay ni Qyuni at ni Louie. At siya rin namang lumapit si Louie at kinausap niya si Qyuni. "Kumusta ka naman?, Maayos ka na ba?", tanong ni Louie kay Qyuni.
"Okay naman na, kahit papaano eh hindi rin naman na ako nahihilo na," sagot ni Qyuni.
"Oo nga pala, sabi ni Mama kaya ka hindi tumuloy paalis dahil sa akin? Totoo ba?", tanong naman ulit ni Qyuni kay Louie.
"Hehehe, Oo, alam mo naman ako praning sa mga ganyang pangyayari kay nag alala ako sayo", sagot naman ni Louie kay Qyuni. Napangiti na lang si Qyuni at inasar asar niya si Louie.
Habang naguusap naman ang dalawang Magulang ay napansin ng Nanay ni Louie na may naka masid sa likod ng hardin at dali dali siyang tumawag ng mga Guard upang habulin ito.
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na ang mga guard at hindi nila ito nahuli. Sila ay pumasok na sa Loob ng tahanan at doon na nagpatuloy mag usap.
Nang makauwi na si Czkea sa kanyang Tahanan. Napahiga na lang siya sa kanyang Kwarto at napapaisip siya. Napapaisip siya kung bakit nabuhay si Louie.
Bigla niyang na alala ang pagkawala ng malay ni Qyuni. At dahil doon napaisip siya na dahil doon sa pangyayari na yon.
"teka teka teka, nababago yung mga nangyayari? bakit nangyayari ang mga to?", wika ni Czkea na may pagaalala. Nagbihis si Czkea at umalis ulit gamit ang Bisikleta ng kanyang Tatay.
Nagmadali si Czkea at may dalawa siyang bagay na naiisip bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na siya sa isang lugar na kung saan sa hinaharap ay doon naka pwesto ang 7/11.
Bumaba siya ng bisikleta at hinahanap niya ang matandang nagbigay sa kanya ng Candy noon. Nawawalan na siya ng pagasa at umalis na ulit siya. Sa oras na ito ay papunta naman siya sa Gate ng School upang hanapin ang Guard na naroon.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na siya. Sa di kalayuan ay nakita niya ang Guard at bumaba siya biskleta. Nilapitan niya ang Guard at pagkatingin niya sa kanyang mukha ay namukhaan niya ito at kamukha siya ng matanda sa hinaharap.
"Manong.... este..
"Hoy? anong manong? kita mong bata bata ko pa...
"Ayun nga, kuya naalala mo ba ako? tanong ni Czkea.
Nagpatuloy ang Gwardiya sa paglilinis ng Pwesto at hindi niya sinasagot si Czkea.
"Kuy...
"Kilala kita, estudyante ka dito diba? araw-araw kitang nakikita, wika naman ng Gwardiya sa kanya
Naiinis na si Czkea at hinablot niya ang kwelyo ng Gwardya, "Hindi na ako nakikipag biruan sayo kung sino ka man, mag pakilala ka!! Bakit mo ginawa sa akin to!?, sumbat ni Czkea sa Gwardiya.
Nainis din ang Gwardiya at tinulak niya si Czkea papalayo. Susuntukin na dapat ni Czkea ang Gwardya ngunit naunahan ito ng sipa mula sa Gwardya. Napaupo si Czkea at siya ay umiyak sa harap nito. Ngunit ang gwardiya ay patuloy parin sa paglilinis at pagaayos ng kaniyang pwesto sa Gate.
"gusto ko nang umuwi sa pamilya ko, hinahantay na ako ng anak ko. Ngunit naka kulong parin ako dito. Ako ay tuliro na at hindi ko alam ang gagawin bakit ako bumalik dito, tulungan mo ako", wika ni Czkea sa harapan ng Gwardiya.
Habang umiiyak si Czkea ay inabutan siya ng Gwardiya ng Tatlong Candy.
"Mga nangyari na ngayon ay hindi mo na maibabalik, kaya'y pwede mo itong pagsisihan at wala ka nang magagawa", wika ng Gwardiya.
"... Bakit Tatlo ito?" tanong ni Czkea sa Gwardiya.
"Ako nga pala si Aion, walang apelyido. Hindi ako makabalik sa hinaharap dahil sa mga desisyon na binago mo ngayong nasa nakaraan ka", wika ni Aion. Tumayo si Czkea at sia ay tumingin kay Aion. "Ngunit itong mga candy na ito ay hindi ko na mababago ang mga nangyari nitong nakaraang araw?", tanong ni Czkea.
"Oo, dahil nag desisyon ka sa mga bagay na ayaw mo gawin, pero ginusto mo. Malaki ang pagbabago ngayon sa hinaharap", wika ni Aion. Napatingin si Czkea sa tatlong Candy at., "Kapag kinain ko ang isang Candy, mababalik ako sa hinharap ngunit ang lahat ng mga bagay ay nag bago na?". tanong ulit ni Czkea.
"Kapag ang unang Candy ay kinain mo, kinabukasan pag ka gising mo ay nasa hinaharap ka. Ngunit ako narito parin sa nakaraan. Ipapakita sayo ng unang Candy kung ano ang mga mag babago sa hinaharap kapag gumawa ka pa ng mga bagay na hindi mo ginawa mo noon sa buhay mo", wika ni Aion.
"Kapag kinain ko ang pangalawa ay mababalik ako dito? Tama ba?", tanong ni Czkea
"Oo, mababalik ka dito at ikaw na ang bahala sa Ikatlong Candy kung kaya mo nang bumalik sa hinaharap, ngunit hindi na ito tulad ng dati na inaakala mo", wika ni Aion.
"Nasa iyo Czkea ang hinaharap ko. Ang buhay ko sa hinaharap. Kaya gamitin mo nang tama ang tatlong Candy na iyan," wika ni Aion. At si Aion ay umalis na at iniwan si Czkea sa Gate.
Umuwi na si Czkea at pinagmamasdan ang tatlong Candy sa ibabaw ng lamesa.
"Kung gusto ko ulit makita si Queenie at buo ang pamilya ko, makikipag balikan ako kay Qyuni", wika ni Czkea sa kanyang sarili. Ngunit hindi parin niya alam kung ano ang mga bagay na dapat niyang gawin dito sa nakaraan upang maayos ang hinaharap.
"Siguro puntahan ko na si Qyuni ngayon at sabihin sa kanya na gusto ko siya?", tanong ni Czkea sa kanyang sarili. Sa naisip niyang ito, nag madali siyang nag ayos at umalis. Ginamit niya ulit ang bisikleta at papunta siya sa Tahanan ni Qyuni.
Pagkaraan ng Limang minuto ay naroon na siya. Sa Laki ng bahay ni Qyuni ay doorbell ang meron dito. Alas otso ng gabi na at pinipindot pindot parin ni Czkea ang doorbell. Ngunit walang lumalabas ng bahay.
Lumipas ang ilang minuto at pasuko na siya, ngunit sa oras na pasuko na siya ay siya namang biglang datin ng sasakyan nila Qyuni. Nagulat pa si Czkea at hindi makagalaw.
Bumaba sa sasakyan si Qyuni at ang Nanay nito. Napatingin si Czkea sa Nanay Qyuni at hindi niya napigilan ang luha sa kanyang mga mata.
"Oh? diba ikaw si Czkea? Anak ni Mang Joel? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah, wika ng Nanay ni Qyuni.
"o.... Opo, ako nga po, napadaan lang po ako, may sasabihin po ako kay Qyu.. Ate Qyuni", sagot naman ni Czkea.
Nagtataka naman din si Qyuni sa kung ano ang kanyang sasabihin.
Pinapasok si Czkea sa Tahanan nila at doon na rin niyaya na kumain ng Hapunan.
Habang sila ay nag hahapunan ay naitanong narin ng Nanay ni Qyuni kung kumusta at kung nasa maayos ba ang kalagayan ng kanyang Ama na si Joel. Si Mang Joel ay ang dating driver nila sa Farm.
Sa kalagitnaan, "Oo nga pala Czkea ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?", tanong ni Qyuni kay Czkea. Biglang kinabahan si Czkea at hindi siya makapag salita dahil sa takot.
"Sabihin mo na Anak, para pagkatapos din natin dito ay makauwi ka na, anong oras narin", wika naman ng Nanay ni Qyuni.
"Ana...? Anak?? .. ah.. ano kasi",
Qyuni at Nanay nito "Hmmm?"
"Nay, sayo ko din po sasabihin,
hmmmm
"May gusto po ako,
"hindi, ahhnmm
"Gusto ko pong pakasalan si Ate Qyuni." Wika ni Czkea
Nagulat naman ang Nanay Nito at Napatigil sa pagkain, napatulala din si Qyuni at hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Biglang naman tumawa agad ang Nanay ni Qyuni at sinabing, "Seryoso ba to? teka,". Napatingin si Czkea sa Nanay ni Qyuni at napakamot sa kanyang ulo.
Si Qyuni ay hindi naman makatingin sa mga mata nito. At medyo naiilang.
"Alam mo anak, Czkea, mukhang may ka kumpetensya ka haha", wika ng Nanay ni Qyuni.
"Ano po? Paanong kumpe.. kumeptensya?", pagtatakang tanong ni Czkea sa Nanay ni Qyuni.
"Ahhmm si Louie, diba kialala mo yon Czkea?", tanong ni Qyuni kay Czkea.
"Oo? si kuya Louie, kababata niyo po", sagot ni Czkea.
"Sinabi rin sa akin kanina yan ni Louie, pati kay Nanay,
....
"Gusto niya ako,
gusto niya ako Pakasalan pagka graduate ko..
at pumayag si Nanay...."
...
To Be Continued