Kinaumagahan [January 16]
Qyuni POV
Habang nag aalmusal kasabay ang kanyang Nanay at Tatay. Biglang may sinabi ang kanyang Tatay sa kanyang pagaaral at sa kumpanya na hawak nila. --
Ang Pamilya ni Qyuni at sa Lolo nito ay mayroon silang pagmamay-ari na Farm, Feed Company at PR Company. Ito ay namana mana nila sa kanilang mga Magulang at Lolo din. Sa Taong 2002 nahinto ng 3rd Year Highschool si Qyuni dahil siya ay kinuha ng Company at Inensayo at pinamilyar siya ng Limang Taon dito.
Pagkatapos ng Limang Taon ay muli siyang Binalik sa Highschool upang tapusin na ito at maging isa na ito sa mga papamanahan sa Pamilya. Ganito ang Sistema ng Pamilya Martis.
Samyel, ang Pangalan ng Tatay ni Qyuni at Queria /Keu-Rya/ naman ang Pangalan ng kanyang Nanay.
Samyel
Qyuni Anak, Pagtapos mo sa Highschool you don't need to go in University or in College. Gaya ng Pangako ng Lolo mo, you will be in higher ups and sana maging consistent ka sa magiging position mo sa Company
Qyuni
Opo Tatay, sa Limang taon ko din doon eh marami akong mga bagay na natutunan agad at maraming salamat po sa inyo sa suporta.
Queria
Nako nako anak, Kailangan mo parin pumunta sa Universities o sa College. Mahalaga ang Pagaaral. Wag mo akong gayahin na hindi nagtapos ng College man lang.
Samyel
Ria, Mahal ko. Alam mo naman ding pinakasalan kita dahil sa mahal kita. Hindi sa kung ano ang natapos mo, o Narating mo bago mo ako makilala.
Qyuni
Ehemmm, Sige Nay, Tay Pasok na po ako
"Ingat ka Qyuni"
Habang naglalakad si Qyuni Papasok sa kanyang Paaralan ay nakita niya kalayuan si Czkea na naglalakad din papasok. Kaya nag madali si Czkea at Sinundan ito. Nang malapit na sila sa Gate ay tinangkang harangin ni Qyuni si Czkea at dito sila nagkausap.
Qyuni
Bakit mo hindi tinuro yung Bren kahapon?
Czkea
**nagulat** "Hmmm bakit ba? Tumabi ka nga..."
Qyuni
"Abay wala kang galang sa nakakatanda no? Hindi ka naman ganyan nung huli kitang nakita ah".
Czkea
Nakita? Ako? **nagisip**
*teka bakit nga ba ako kilala ni Qyuni sa Personal?* ...
*Ay Oo naalala ko na!*
Ang istorya bakit kilala ni Qyuni si Czkea dahil noon mula 2002-2005 ay isa sa nag dedeliver ang Tatay ni Czkea sa Farm nila Qyuni at kasama nito si Czkea. Kaya Tuwing Sabado at Linggo noon ay laging nakikita ni Qyuni si Czkea.
Napahinto sa paglalakad si Czkea at napaisip siya kung pati rin ba si Qyuni ay nabalik sa panahon na iyon. Binalikan ni Czkea si Qyuni at...
Czkea
Kilala mo ba si Queenie? (Queenie Anak nilang dalawa)
Qyuni
Ha? Sino yun?
Czkea
**tumitig sa mga mata ni qyuni**
Eh ang 1000 Group of Company?
Qyuni
Ano ba yang mga yan? Hindi ko alam perahas yan
Naglakad palayo si Czkea at sabay sabi niyang "Huwag mo na akong tangkain kausapin pa o lapitan baka ako na mismo bumato sayo ng papel ATE", sumbat ni Czkea kay Qyuni. Nainis bigla si Qyuni at tumuloy na rin ito sa paglalakad.
Habang naglalakad si Czkea ay hindi niya naiwasan ang maging emosyonal. Hindi dahil sa nakausap niya si Qyuni, kundi namiss niya ang kanilang Anak na si Queenie.
Pagpasok ni Czkea sa Silid ay may isang Note na nakapatong sa kanyang lamesa. Lumapit siya at Binasa niya ang laman nito. At ang nakasulat dito ay,
If there's a positive, there will definitely be a negative. However, if Negativity triumphs over Positivity, there will be a massive shift in time and space. -Magnet
Napaisip si Czkea at napatulala sa Bintana. Inilagay niya ang sulat sa loob ng kanyang Wallet.
Break Time
Magkasama si Jericho at Czkea at ilang nilang kaklase sa Basketball Court at sila ay naglilinis. Dahil sila ay gagamit mamaya pagkatapos ng Klase. Pero habang naglilinis silang lahat ay bigla naman dumating ang mga babae sa ibang section at tila ba ay sila maglalaro ng Volleyball.
Nag ta-talo ang mga estudyante kung sino ba talaga ang unang gagamit ng court at sino ba ang pinayagan. Habang kalagitnaan ng ingay ay biglang dumating ang mga kaklase nila Czkea na babae at pinapangunahan nito ni Qyuni.
Qyuni
Ano ang Problema? Bakit nagtatalo kayo?
Section B
**nag bubulungan ang mga ito**
Qyuni
Nakikita niyo namang naglilinis ang mag Boys diba? Bumalik na lang kayo kapag natapos na.
Section B
"Opo".
Nagtinginan ang mga lalake na kaklase ni Czkea at pagka alis ng mga babae sa Section B ay nagtawanan sila at inasar si Qyuni na "Opo Ate, Aalis na po kami". Tinignan ni Qyuni na masama ang mga lalaki at natahimik sila. Aalis na si Qyuni ngunit napansin niya si Czkea ay nakatingin sa kanya.
"Anong problema nung lalaki na iyon".
Kinaumagahan, maagang nakapasok si Czkea dahil ang buong klase nila ay isang buong araw. Naglilinis ng Corridor si Czkea dahil siya napag utusan ng mga nasa Office. Habang nag lalampaso si Czkea patalikod sa kakamadali niya ay sa pagliko naman ni Qyuni ay nagkabanggaan sila. At madadapa na si Qyuni at may biglang naalala si Czkea...
---
15 Years Ago,
Habang nag lalampaso si Czkea patalikod sa kakamadali niya ay sa pagliko naman ni Qyuni ay nagkabanggaan sila. Natalisod si Qyuni at ito namang si Czkea ay sinalo niya ito na parang Prinsesa.
---
Nang matalisod na si Qyuni ay agad inurong ni Czkea ang Sako na dala niya at nasagip nito si Qyuni. Naiwasan nito na mabaldog ang ulo ni Qyuni sa sahig.
"Bakit mo naman ako hinulog sa Sako na to, hindi mo man lang ako sinalo", wika ni Qyuni. Tumayo si Czkea at tumingin siya kay Qyuni, "Hindi ka man lang ba magpapasalamat Ate?", sagot ni Czkea. Tumayo nang mag isa si Qyuni at nagpasalamat ito kay Czkea. At dumeretso na si Qyuni sa Silid at naglinis ito sa loob.
Habang pinupunasan ni Qyuni ang Pisara ay Pinag mamasdan naman siya sa malayo ni Czkea. Hindi ma itanggi ni Czkea na sobrang na mimiss na niya si Qyuni. Ngunit wala siyang magawa kundi magpatuloy sa kanyang ginagawa sa Nakaraan.
Tanghali, Pumunta si Czkea sa Library at naghanap siya ng mga Libro tungkol sa Time Travel at Time Slip. Ngunit isa wala siyang nakita. Habang nakadungaw siya sa bintana sa Library ay may Security Guad na kumakaway sa kanya at siya ay tinatawag nito. Nag madali lumabas si Czkea at pumunta siya sa Gate upang hanapin ang Guard na tumatawag sa kanya. Ngunit pagkarating niya ay wala na ang Guard na Tumatawag sa kanya, subali may nakita siyang nakasulat sa Sticky Note at kinuha niya ito.
If you decide to go through negativity, be careful of the decisions you will make. I hope you can handle deeper scars sooner.
Ito ang nakasulat sa Note at nilukot niya ang papel at nagalit si Czkea at ito ay umiyak. Narinig ito ng ibang mga tao doon at lahat sila ay tumingin kay Czkea. Sa kalapitan ay naroon din si Jericho at iba niyang kaklase at lumapit kay Czkea upang tanungin kung ano ang nangyari.
Bren
Sabi ko sayo Jericho wag mo kunin yung Hershey sa Bag ni Czkea eh.
Jericho
Psssst. Huy! Putek naman Bren.
Czkea
Iwan niyo muna ako, gusto ko mapagisa
Bren
Wow! Kinilabutan ako, para akong inutusan ng Tatay ko, tignan mo Van oh nagtataasan mga balahibo ko
Van
Oo nga! huy huy tignan niyo
Unti unting lumayo si Czkea sa mga kaklase niya at siya ay dumeretso na sa kanilang Silid.
Gabi, Pagkauwi ni Czkea ay dumeretso siya sa kusina upang kumuha ng Tubig na maiinom. Habang umiinom si Czkea ay siya namang dating ng kanyang mga magulang,
Joel
Oh Anak! Nakauwi ka na pala
Czkea
Kakarating ko lang tatay, si Nanay at Czendi?
Joel
Nariyan sa Labas kausap si Tita Lena mo, eh sa Sabado pala [January 21, 2007] pista sa Bayan, eh ako dito lang sa bahay darating mga tito mo. Nanay mo at baka isama niya si Czendi rin.
Czkea
Sige po kausapin ko na lang po si---
Biglang Naalala ni Czkea ang Araw ng [January 21]
"Teka January 21? Ito yung araw at taon na lumindol at dito at nama---
"Tatay! Wag niyo payagan sila Nanay Pumunta sa Bayan"
Meida
"At Bakit naman Anak? Sino ka para pagbawalan ang Nanay mo?"
Czkea
Eh.... ano kasi,
Joel
Ano ano? Bakit? Ano meron? Dapat nga kasama ka rin doon eh diba ang paalam mo nung nakaraan sa akin lalabas kayo ng mga kaklase at kaibigan mo sa January 21?
At dito naguluhan na si Czkea at hindi niya mapigilan ang kaniyang Nanay at Tatay. Pumasok sa Kwarto si Czkea at kaunti unti ay nauubusan siya ng hangin. Umupo siya sa kanyang study table at tumingin siya sa salamin. Dito ay nakikita pa niya ang sarili niya at kumalma narin siya.
Kinaumagahan ay ganoon parin ang ginawa ni Czkea, kinulit parin niya ang Nanay niya na huwag tumuloy at hindi to nakikinig sa kanya.
Habang naglalakad papasok si Czkea ay napapaisip siya kung ano ba ang dapat niyang gawin sa araw na iyon. Habang napapakamot si Czkea ay bigla niyang nakita sa kanyang harapan si Vivian. Si Vivian ay ang kanya ring kababata at ito ay mabait kay Czkea.
Via!, Pasigaw na tawag ni Czkea kay Vivian. Habang naglalakad palapit si Czkea kay Vivian ay napagtanto ni Czkea ay noon pa man bago niya makilala si Qyuni ay may pagtingin na siya kay Vivian. Ngiti ang sinalubong ni Czkea kay Vivian, "Hmmm kanina parang problemado ka ah? bakit nakangiti ka ngayon ha?," Tanong ni Vivian kay Czkea. "Ahh, Wala naman. Mukha lang ako problemado kanina, eh nakita kita ngayon. Baka mabuo ang araw ko?", sagot naman ni Czkea na may pagaalinlangan kay Vivian. Napasagot ng "Ha?" si Vivian at ito ay tumawa. At natawa na lang rin si Czkea.
Czkea
Via, Pwede Pabor? Pwede mo ba kausapin si Mama mo?
Vivian
hmm Ano yun? nga pala sa Linggo kasama nila si Nanay mo sa Bayan
Czkea
Ayun nga, ehh kasi. Ayoko pasamahin si Mama at bali wag mo silang patuluyin delikado.
Tumingin si Vivian sa mga mata ni Czkea at nakita niya na ito ay natatakot at tunay ang kanyang pabor sa kanya. "Sige kakausapin ko si Mama paguwi", sagot ni Vivian kay Czkea. Napatingin si Vivian ulit kay Czkea at nakita ni Vivian na parang naluluha si Czkea at itoy kanyang kinausap.
Vivian
Huy? Ayos ka lang ba? Bakit ka naiiyak?
Czkea
Wala wala, laking tulong kung hindi sila matutuloy sa Linggo. Alam mo naman kung gaano ko ka mahal ang Nanay ko
At umiyak na nga si Czkea. Tinatawag tawag ni Vivian si Czkea sa kanyang pangalang upang tumahan ito at huwag atakihin ng Panic Attack. Maraming Estudyante rin ang nakatingin sa kanilang dalawa at inaakalang sila ay mag kasintahan. Naiilang na si Vivian kaya hinawakan niya ito sa kamay at sila ay tumuloy na.
Sa kalayuan ay nakamasid pala si Qyuni at sabay sabing
"Ah, Okay? May Girlfriend na pala", wika ni Qyuni na sabay tawa at napakamot sa ulo.
Naglalakad palayo si Qyuni at nag iisip. Habang naglalakad siya ay hindi niya namalayan na naluluha siya. "Teka teka, Keng., Bata pa yon Wag ka mag pa apekto hahaha", Sambit ni Qyuni sa kanyang Sarili. Naupo siya sa Bus stop at nagpalipas ng oras.
Nasa Silid narin si Czkea at nakatulala sa Bintana,
Pumasok na si Sir Castillo at nagumpisa na ng klase.
Kalagitnaan ng Klase ay nakamasid parin si Czkea sa Bintana at biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Habang nakamaside naman si Czkea ay may naaninag siyang Estudyante na Babae na naglalakad sa gitna ng ulan. At Biglang tinawag ni Sir Castillo ang pangalan niya. "Mr. Araneta, na naka masiiiid sa bintana, basahin mo ang nasa Page 18". Habang nagbabasa si Czkea ay napansin ni Sir Castillo na wala si Qyuni.
Sir Castillo
Teka teka, nasan ang bago? si Qyuni nasaan? Absent ba?
Van
Sir Nakita ko kani---
May biglang bumukas ng pinto at si Qyuni ang pumasok. Ngunit si Qyuni ay basang basa sa ulan at namumula ang mga mata nito. Nagulat ang buong klase at nagulat rin si Czkea, Biglang nahimatay si Qyuni at sinalo ito ni Sir Castillo, iniisip ni Czkea na lumapit ngunit hindi niya magawa. At nang lalapit na siya ay may lumapit na sa kanyang mga kaklase niya at dinala nila si Qyuni sa Clinic.
Napaupo si Czkea at nakita niyang nanginginig ang kaniyang mga kamay.
Tumingin siya sa salamin sa bintana at tila bahagya niyang nakikita ang kaniyang sarili. Kaya yumuko na lang siya at kinalma ang sarili.
Minsan sarili talaga natin ang kalaban natin sa paggawa ng mga desisyon sa buhay. Ngunit sa binigyang Tsansa na ibalik ang lahat magsimula muli. Mas nakakatakot ang gumawa ng Desiyon muli lalo na kung alam mo ang mangyayari, makakabuti at makakapag pasaya sayo at sa ibang tao.
to be continued.