Nag madaling lumabas si Czkea at Sumakay siya sa Kotse at nag madali itong umalis. Sa Likod pala niya ay hinahabol pala siya ng Tito ni Qyuni.
Police 1
"Bakit po sir? ano po problema?
Tito
"May emergency sa bahay, nag madali! hindi man lang kami sinama"
Police 2
"Habulin na natin sa daan at mapuntahan kung saan siya pupunta"
Mama ni Qyuni
"Sige na mga pulis, pakiramdam ko ho kasi sa Tahanan ng aming Tatay siya pupunta".
Nag mamadali na si Czkea dahil sa alam niyang tuwing Alas Siyete aytumatawag sa kanila ang kanilang Lolo't Lola upang humingi ng tulong.
Habang nag mamaneho si Czkea ay tinatawagan na niya si Qyuni,ngunit hindi ito sinasagot ni Qyuni.Sa kadahilanang si Qyuni rin ay nagmamaneho na papunta sa Tahanan ng kanilang Lola.
Sa sobrang bilis ng patakbo ni Czkea ay na aninag na niya ang tulay na ginagawa at dito sila na traffic kanina paalis. Sa kapal ng patak ng ulan at hamog ay wala talagang nakikita si Czkea sa kanyang harapan. At sa hindi kalayuan ay may naririnig si Czkea na busina, at kaunting liwanag. Binagalan niya bahagya ang kanyang pagmamaneho at biglang bumulaga saharapan niya ang isang Truck at bigla niyang niliko ang kanyang sasakyansa Kaliwa.
Dahil dito nahagip ang isang gilid ng Kotse at pumaikot ikot ang sasakyan ni Czkea at bumanga sa paanang poste ng Tulay.
**craaash**
Napatulala si Czkea dahil muntikan na siyang madali nito at biglang namawis si Czkea at kinakabahan.
**police sirens**
**workers chant noises**
Bumaba ng sasakyan si Czkea at nakita niyang may Tatlong Police Mobil ang nasagasaan ng Truck na ito. Tumakbo papalapit si Czkea sa isang Police Mobil at dito niya nakitaang isang sasakyan na nakataob at puro dugo ang nasa kalsada.Nakita niya ang Nanay ni Qyuni na Humihingi ng Tulong at inaabot ang kanyang kamay kay Czkea.
**panic and stress incoming for czkea**
Czkea
**beeeeep**
"Mama! Mama!!!! Mama!.
Tulong!! Ma!! Dumilat ka Ma.....
Dito niya napagtanto na nasa likod pala ni Czkea ang Sasakyan na sinakyan ng Mama ni Qyuni at ang Tito ni Qyuni,kaya yung pagkakataon na iniwasan niya ang Truck, sila naman angnaararo nito at dito nagwakas ang buhay ng Mama ni Qyuni.
Nagpapanic na si Czkea at pilit niya binubuksan ang pinto ng sasakyan.
Ngunit hindi niya ito mabuksan sa kadahilanang ito ay nayupi ng bahagya.
Ito ang isa sa hindi nakikitang sakit kay Czkea, madali siyang mag Panic Attack sa mga kumplikadong pagkakataon.
Bumilis ng bumilis ang tibok ng Puso ni Czkea at hindi na niyamaramdaman ang kanyang mga kamay. Napatingin siya sa reflection niya sasasakyan at tila hindi niya makita ang kanyang sarili.
Nanginginig , natatakot at hindi na siya makapagsalita.
Naging dahilan din para mawalan siya ng Malay at humilata sa gitna ng kalsada
Dumating na ang mga Ambulansya at mga Pulis.
Pagkaraang minuto ay dinala ang mga nasaktan at namatay sa malapit na Hospital.
Sugatan ang isang Enforcer na isa sa mga kasama ni Czkea bago mangyari ang lahat.
Nakita niya nito si Czkea at sinabi niya sa mga Police na naroon ay,
"Isa po yan sa mga pamilya na nadamay at namatayan, sila po ay kasama ko kanina sa opisina ngunit bigla siyang umalis".
Hinanapan ng Identification Card si Czkea at nakita rin ang kanyang Cellphone.
Sinubukan buksan ng Police ang kanyang Cellphone at ito ay nabuksan,
Humanap ang Pulis na posibleng tawagan ang isa sa mga kaanak ni Czkea,
at ang police ay nakita ang contact ni Qyuni as "Adi my Wife" at tinawagan nito ng police
**ring**
**ring**
**ring**
Qyuni: Hello? Sino po ito?
Police: Pwede po bang makausap ang relative ni Czkea?
Qyuni: Asawa ako ni Czkea, sino ba ito?
at bigla namang dating ng mga ambulansya habang kausap ng police si Czkea
Police: Nasa hospital po Ma'am ang asawa niyo po, kasama ang kaniyang mga kasama sa na na-aksidente kanina sa Toll gate po.
Qyuni: Ha?? Paki ulit? Prank call ba to?!! Umayos ka!
Police: UMJ-1281 Plate Number ng Sasakyan ni Sir Ma'am, pakipuntahan po ang inyong asawa dito. Marami rin pong mga nadamay sa aksidente. Ibababa ko na po.
Biglang Kinabahan si Qyuni at sakto namang dating ng kanyang bunsongkapatid na si Veronica. Kaya Pina-iwan niya si Queenie kay Veronica.
Sinakyan parin ni Qyuni ang sasakyang ginamit niya papunta sa tahanan ng kanyang Lola.
Pinaandar at nagmadali umalis si Qyuni papuntang hospital.
Pagkaraan ng sampung minuto malapit na siya sa Ospital ay biglangtumirik ang sasakyan niya. Kaya bumaba at tumakbo na lang siya papuntadoon.
**pant**
**pant**
**pant**
Pumasok si Qyuni sa Ospital
Qyuni
Miss? asan po ang mga na aksidente kanina?
Nurse
(tumuro) Dito po maam
Qyuni
Salamat,
Hinanap ni Qyuni si Czkea.Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita na ni Qyuni si Czkea na nakahiga at nagpapahinga.Nagtataka siya na bakit puro dugo lang ang sleeves ni Czkea ngunit wala itong sugat.May lumapit na Doktor kay Qyuni at nagtanong na,
Doktor
Kayo po ba ang ka-anak nito?
Qyuni
Opo, Asawa po niya ako. May mga kasam..-
Doktor
Ma'am may ipapakita din po ako sa inyo baka kilala niyo din po sila?
Qyuni
**Nod**
Sumunod si Qyuni sa Doktor.Sa Kalayuan ay iba na ang kutob ni Qyuni, at may biglang humawak kay Qyuni sa kanang braso niya.
Tito ni Qyuni
keng!, **umiiyak**
Qyuni
Tito~! **yumakap**
Maayos ka lang? Napano yang Kaliwa mo Tito?
Doktor
Maam, dito po
Umiiyak na ang Tiyuhin ni Qyuni at sa di kalayuan ay napansin na ni Qyuni ang mga taong nakataklob na puting tela.Nanghihina na mga tuhod ni Qyuni at dahan dahan itong lumalakad papunta sa tinuro ng Doktor.Humahagulgol at hindi na napigilan ni Qyuni na umiyak.
Nakita na ni Qyuni ang Kamay sa kanan na may Bracelet at Sing sing nagawa sa Diamante ay alam na niya kung sino ang taong nawala sa kaniya.
Sa kalayuan ay nakamasid si Czkea at ito ay naluluha din.
Pagkaraan ng ilang araw ay libing na ng Magulang ni Qyuni.
Lahat ng Pamilya at Kaanak nila sa Mama niya ay naroon.
Maraming nalungkot at hindi makapaniwala sa nangyari.
Umaambon nang mailibing na ang kanyang Magulang.
Nagkaroon ng bahaghari at mga kalapating lumilipad.
"Ako ay papalapit pa lang, ngunit bakit ganito sobrang lungkot.
Ang makita ko ulit na umiiyak si Qyuni, hindi ko kinaya".
"Nangako ako Mama na hindi ko na ulit sasaktan si Qyuni,
Ngunit ano ang dahilan bakit ganito ang aming sinapit?".
Ano po ba ito?
Ang itim na payong na dala ni Czkea, Papalapit sa puntod ng Magulang ni Qyuni.
Tila hindi siya kabilang sa mga dumalo at nakilibing sa mga nauna.
"Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko,
Hindi ko masabi sa iyong anak ang toto."
"Hindi dahil sa hindi siya nag tatanong, kundi dahil hindi ako
nagsasalita at nagkukwento sa ano ba ang nangyari noong gabi na iyon."
Pagkauwi ko galing sementeryo, ang hindi maipintang mukha ni Qyuni angsumalubong sa akin. Binato niya sa akin ang pinaka mamahal niyang Paso.
"Nabasag na ito at ang katumbas nito ay hindi kayang bayaran ng halaga na meron dito sa bansa".
"May tiyansa rin na hindi na ito maghilom, kung maghihilom man. Hindi na ito tulad ng dati na kay ganda".
Ang tanong na pinakahihintay ko sa kanya ay,
Qyuni,
Ano ang nangyari Czkea?!
Namumulang mga mata at hagulgol ng luha ang aking narinig sa kanya,Napayuko na lang ako at naiyak, sa dahilang alam kong hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari.Lumakad palayo at pilit kong wag magsalita dahil alam ko ay hindi rin ako okay.
Nasaktan din ako. Kinamusta ba niya ako? diba hindi?
Tumatawag na ang Supervisor ni Czkea sa dahilang kailangan na siya sa Site Project.
Hindi na siya nag dalawang isip na tumanggi at umalis na ito.
Pagkaalis ni Czkea ay nakita niya si Qyuni na nasa kusina.
Lumapit siya at nag abot ng Liham kay Qyuni. at sabay sabing,
... Tutuloy na ako Adi, nawa'y basahin mo ang aking liham bago akoumalis. Pupunta na ako sa Office, tinatawag na ako ng Supervisor ko.
Tumingin lang si Qyuni at ngumisi na pilit.
Pagkalabas ni Czkea ay dumaan muna siya sa Tahanan ng Lola ni Qyuni.
Dito nakita siya ng Lolo at niyakap siya.
Pumasok sa loob ng tahanan at nakita niya si Veronica at buhat ang kanyang anak na si Queenie.
Lumapit si Czkea at Humalik sa anak at nagpaalam ito sa mga matatanda at umalis na.
Sa Biyahe, habang binabagtas niya ang Highway, nadaanan niya ang tulaykung saan naganap ang aksidente. Napahinto siya sa gilid at napayuko samanebela at naiyak.
Pagkaraan ng Kinse Minuto ay nakarating na si Czkea sa Opisina.
Sinalubong siya nga mga katrabaho niya at minadali nila si Czkea papunta sa Site.
Pagkarating nila ay nasulyapan na ni Czkea ang dami nang tao na mag tatrabaho sa isang malaking proyekto na gagawin nila.
Dito nabuhayan ng loob si Czkea at pumunta na siya sa kanyang team department.
Lumipas ang Limang Buwan at natapos na ang Proyekto na kanilang ginawa.
Samut saring parangal ang natatanggap ng mga taong nakapaloob sa proyektong ito.
Isang malaking parangal din ang natanggap ni Czkea mula sa kanyang Company.
Masaya at nag diwang ang bawat isa pagkatapos ng mahabang panahong pagtatrabaho.
at bigla siyang nakatanggap ng Email
Pagkabukas niya ng Email ay nagulat siya sa nabasa niyang dokumento.
Nag ayos, nag impake at madali na si Czkea para umuwi at tanungin siQyuni kung ano ang kanyang plano at bakit siya nakatanggap ng ganoongemail.
Pagkaraan ng Kinse Minuto ay nakauwi na si Czkea at dali dali niyang hinanap si Qyuni,
Nahanap ni Czkea si Qyuni sa hardin at si Qyuni ay nag didilig at angkaniyang anak na si Queenie ay katabi nito na naka babywalker.
Napatingin si Qyuni kay Czkea at napahinto sa pagdidilig.
Ngumiti ito kay Czkea at sabay sabing,
Nabasa mo ba?
Masaya ka ba ngayon?
Ito lang yung Paraan na kaya kong gawin ngayon para sa atin Czkea.
Nakatayo lang si Czkea at nakatulala kay Qyuni, at ito ay kinakabahan at hindi alam ang kanyang sasabihin kay Qyuni.
"Naririnig ko ang pintig ng puso ko"
"Sobrang bigat".
"Bakit ganito?"
"Ano ba ito?"
**heartbeats intensifies**
**heartbeats intensifies**
**heartbeats intensifies**
**heartbeats intensifies**
to be continued..