Chereads / This is Our Time / Chapter 4 - Maybe a Chance with a Twist

Chapter 4 - Maybe a Chance with a Twist

15 Years Ago

nawalay at namatayan si Czkea, ito ay ang kanyang Mama at ang kanyang Kapatid na Bunso. Dahil sa Lindol at pag guho ng Palengke sa Pampanga. Kung saan nadamay at hindi nakaligtas ang kanyang Nanay at ang kanyang Kapatid na Bunso.

Kaya nitong nakita ni Czkea ang Kanyang Kapatid ay Hindi siya makapaniwala na ito ay buhay.

Kumakain na sila at si Czkea ay tulala parin at nakatingin siya kanyang Mama at sa kanyang Kapatid. Tila ba ay naiilang din ang Kanyang Mama at ito ay nagalit.

"Titignan mo lang ba kami buong maghapon o Kakain ka at papasok ka!". Wika ng kanyang Ina.

Ngumiti si Czkea at kumain siya. Habang siya ay kumakain ay napansin ng kanyang Kapatid na siya ay Naluluha at Naiiyak na pala. "Mama si Kuya Umiiyak". Biglang tumigil sa pagkain ang kanyang Tatay na si Joel at napatingin rin ang kanyang Ina. "Anak okay ka lang ba?" wika ng kanyang Tatay. Napatingin na lang ang kanyang Mama at nagpatuloy na sila sa pagkain.

Habang nagbibihis si Czkea sa kanyang kwarto ay hindi niya mapigilang magisip. "Panaginip lang ng ito no?". Isip ni Czkea. Nag bihis si Czkea ng kanyang High School Uniform at nagulat siya sa kanyang nakita nang tignan niya ang sarili niya sa salamin.

"Te... Teka? ha? Bumata din yung katawan ko?". Wika ni Czkea.

Tila ba ay gulat na gulat si Czkea at kaunti unti niyang na papagtanto na Totoo ang lahat ng ito. "Teka? Totoo ba lahat ng to? Teka pano si Qyuni?..." Biglang nagmadali si Czkea at tinignan niya ang kalendaryo.

"January 15, 2007".. Teka? bali ito yung araw na papasok na ulit si Qyuni sa eskwelahan? kailangan ko mag madali!"

Nag dali-dali si Czkea sa kanyang pagkilos at nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang na siya ay papasok na, "ba bye kuya! ingaaat!" sigaw ng kanyang kapatid. "Sige sige paalam! May Donut ka sa akin mamaya!".

Czendi

"Yehey! Mama bibilhan daw ako ni Kuya Donut!"

Meida

"Ha? May pera ba yung batang iyon? Joeeeeel!!!!"

Joel

"Bakit Mahal?"

Meida

"Binigyan mo ba ng Pera si Kea?"

Joel

"Hindi ah, wala akong binibigay doon, ikaw lang naman nagbibigay ng baon doon eh"

Habang tumatakbo si Czkea ay may bumubuntot sa likod niya na naka Bisikleta.

Napansin ito ni Czkea at bigla siyang huminto at nagpagewang gewang ang nasa bisikleta.

Tumaob ang nagmamaneho nito at ito ay nilapitan ni Czkea, "Jericho!" sigaw ni Czkea. Si Jericho ay ang kanyang Kaklase at Kaibigan din.

Jericho

"Bakit ka naman kasi biglang huminto?, kita mong hinahabol kita eh! Kanina pa kita tinatawag!"

Czkea

Ay ganun ba nagmamadali kasi ako, ---

Jericho

At bakit? ang aga-aga pa oh! anong oras pa, alas dose pa klase natin.

Czkea

Hindii kasii, naalala mo ba si Qyuni?

Jericho

Qyuni? sino yun?

Czkea

Yung pumasok ulit sa school at naging kaklase natin last---

Jericho

Ha?

Czkea

Wala wala tara na mamaya makikita natin

Nag sabay na ang dalawa papasok sa Eskwelahan at habang naglalakad sila papasok ay biglang nakita si Czkea ang Security Guard na matanda. At ang matanda na ito ay parang namumukhaan niya pero hindi niya ito maalala kung saan niya ito nakita. At sila ay dumeretso na sa kanilang Silid.

Habang naglalakad sa hallway ang dalawa ay napapangiti si Czkea at iniisip na "Sana ganito na lang ulit at totoo ang lahat ng ito". at nang makarating na sila sa kanilang Silid ay napakaingay ang kanilang naabutan. "Oh si Czkea! Oy Jericho!" wika ng ilan nilang kaklase.

Pumatak ang Alas Dose at nagsi-upuan na ang mga Estudyante.

Classmate 1

"Anong oras na? Mag 12:30 na wala parin yung Teacher natin

Narinig ito ni Czkea at sabay sabi niyang "Alam niyo ba kaya matatagalan ang Teacher natin?". Tanong ni Czkea sa kanyang mga kaklase. "Bakit?" Tanong nila. "Siguro dahil may bago tayong kaklase". Wika ni Czkea.

"Ooooohhh," sagot ng kanyang mga kaklase

Jericho

"Weh? Totoo ba?"

Czkea

"Tignan na lang natin, wait Bren!

Bren (Ito ang isa sa mga medyo bully niyang kaklase)

Bakit? Ano Kailangan mo?

Napatingin sa kanilang dawala ang kanilang mga kaklase, dahil wala sinumang nagtatangka tawagin si Bren sa kanyang "Bren" na pangalan.

Czkea

Batuhin mo ng papel yung transfer ngayon, oh ikaw ang bahala

Bren

Haaa? Sigurado ka bang may bago tayong kaklase? Ano ka ba? Shaman?

Nagtawanan lahat ng Estudyante at napangisi na lang si Czkea.

Czkea

Tapos, Kathleen! Lipat ka na dito sa tabi ko bakante to diba?

Kathleen (Isa niyang Kababata at kaibigan)

Woah? Weh? Talaga ba? Sige sabi mo eh.

"Kung ayaw mo maniwala Bren ako na lang gagawa?" wika ni Czkea. "Ikaw bahala Mr. Araneta!", sagot naman ni Bren. at Habang nagdadal-dalan silang lahat ay bigla naman pumasok si Sir Castillo,

"Okay Class Quiet, Pasensya kung natagalan. Ngayon ay hindi muna ako mag tuturo sa inyo at hintayin niyo na lang ang inyong Second Subject ha?"

Section Mapagmahal,

"Yes Sir!"

Sir Castillo

"At bago ang lahat mayroon kayong bagong kaklase, ahhm---

Marvin

"Oh! Tama si Czkea may bago tayong kaklase! Wooow!"

Buong Section

**inaudible**

Sir Castillo

Quiet Quiet! Sige sige, pasok ka na Miss Martis

Sa pag pasok ng bago nilang Kaklase ay tila ba parang nanonood sila ng isang model o Fashion Show dahil sa deretso nito maglakad at sa tangkad nito. Tila ba parang bumagal ang oras at napatulala ang buong klase sa kanyang ganda.

Martis

Magandang Tanghali sa inyong lahat! Ako nga pala si Catnis Qyuni C. Martis

Jericho

Qyun----

Biglang may bumato na papel kay Qyuni at siya ay tinamaan sa mukha.

Nagulat ang lahat sa nangyari ang papel na pala na binato sa kanya ay basa. Nagtinginan lahat ng magkaklase at hinahanap kung sino iyon. Habang naghahanap din si Sir Castillo ay nakita niya si Czkea na maya hawak na papel na parang babatuhin si Qyuni. Napatingin din si Czkea kay Sir Castillo at nangingisi-ngisi siya.

Sa kalayuan ay nagpipigil ng Tawa si Bren sa kadahilanang siya ang nag bato ng papel na iyon at tila ba si Czkea ang mapapagalitan.

MR. ARANETAAA!!!!!! Sigaw ni Sir Castillo.

Natapos ang buong araw at galing si Czkea sa Gym dahil siya ay pinaglinis buong maghapon din. Natatawa si Czkea at tila ba ay kumportable siya sa nangyari kaninang tanghali.

"Buti na lang ginawa ni bren yung pabor ko hahahaha, hays paano kaya kung naulit yung dati?" Wika ni Czkea.

----

15 Years Ago Same Classroom

Habang naghihintay at nagdadal-dalan ang buong Mapagmahal Section ay bigla namang dating ni Sir Castillo.

Sir Castillo.

"Okay Class Quiet, Pasensya kung natagalan. Ngayon ay hindi muna ako mag tuturo sa inyo at hintayin niyo na lang ang inyong Second Subject ha?"

Section Mapagmahal,

"Yes Sir!"

Sir Castillo

"At bago ang lahat mayroon kayong bagong kaklase, ahhm.. Miss Martis, Maari ka nang pumasok".

Sa pag pasok ng bago nilang Kaklase ay tila ba parang nanonood sila ng Fashion Show dahil sa deretso nito maglakad at sa tangkad nito. Tila ba parang bumagal ang oras at napatulala ang buong klase sa kanyang ganda. Habang nakangiti si Qyuni ay kanya agad nakita si Czkea at mas lalo pa itong ngumit at tumawa ng bahagya.

Narinig ito ng buong klase at ni Sir Castillo. "Bakit may problema ba Miss Martis?" tanong ni Sir Castillo. "Wala naman po Sir", Sagot naman ni Qyuni.

Sir Castillo

Magpakilala ka na Miss Martis sa iyong mga magiging kaklase.

Martis

"Magandang Tanghali sa inyong lahat! Ako nga pala si Catnis Qyuni C. Martis"

"Kung tatanungin niyo ako kung ilang taon na ako? hmmmm Bente Dos (22) na ako kaya Ate niyo akong lahat ha?"

Napatingin si Czkea kay Qyuni at tila ba namumukhaan niya itong si Qyuni

Sir Castillo

"Sige ahmm doon ka sa tabi sa kanan ni Mr. Araneta umupo, bakante iyon".

Qyuni

"Sige po" **nakangiti**

----

Czkea... Czkeaa.... KEAAA!

Nagulat si Czkea at di niyang sinadya na mahampas ng walis si Jericho.

Jericho

"Kanina pa kita tinatawag, tulala ka eh".

Czkea

Kumusta ang klase naman?

Jericho

Ayun Okay naman tapos yung Qyuni na bago nating kaklase doon pina upo sa tabi ni Bren, kung saan nakaupo si Kathleen kanina naalala mo ba?

Czkea

Ay Oo naman! Mabuti naman kung doon siya pinaupo

Jericho

... teka kilala mo ba yung bago? Qyuni? Oo Qyuni pangalan non diba? Nabanggit mo rin kaninang umaga yon!

Czkea

Oo, ,,,,, kilala ko siya pero hindi niya ako kilala

Jericho

Ha? Kailan ka pa naging stalker? Tsaka si Bren yung nambato kanina bakit hindi mo siya tinuro kanina?

Czkea

Hayaan mo lang si Bren ngayon taon sa mga gagawin niya. Laking tulong yon

Napakamot si Jericho sa ulo at habang pauwi sila ay kinulit kulit niya si Czkea kung paano niya nakilala si Qyuni.

Kinaumagahan [January 16] habang naglalakad si Czkea papasok ay may humarang sa kanyang harapan at ito ay si Qyuni.

Qyuni

"Hmm bakit hindi mo tinuro si Bren kahapon?"

Nagulat si Czkea at tila naiilang ito, "Hmmm bakit ba? Tumabi ka nga..." wika ni Czkea. At nagpatuloy si Czkea sa kanyang paglalakad. "Abay wala kang galang sa nakakatanda no? Hindi ka naman ganyan nung huli kitang nakita ah". sumbat ni Qyuni. Napahinto sa paglalakad si Czkea at napaisip siya kung pati rin ba si Qyuni ay nabalik sa panahon na iyon. Binalikan ni Czkea si Qyuni at...

Czkea

Kilala mo ba si Queenie? (Queenie Anak nilang dalawa)

Qyuni

Ha? Sino yun?

Czkea

**tumitig sa mga mata ni qyuni**

Eh ang 1000 Group of Company?

Qyuni

Ano ba yang mga yan? Hindi ko alam perahas yan

Naglakad palayo si Czkea at sabay sabi niyang "Huwag mo na akong tangkain kausapin pa o lapitan baka ako na mismo bumato sayo ng papel ATE", sumbat ni Czkea kay Qyuni. Nainis bigla si Qyuni at tumuloy na rin ito sa paglalakad.

-

-

-

-

--

to be continued