2 Months Ago,
Dahil sa Pilipinas ay Legal at nasa Batas ang "Divorce". Nag File na si Qyuni ng Divorce Document na hindi pa alam ni Czkea. Samantalang si Czkea ay nasa 1kGoC at mahigit limang buwan siyang mag tatrabaho doon.
Present,
Limang araw bago makalabas at matapos ang proyekto ni Czkea sa 1kGoC ay dumating na ang mga papeles at pipirmahan na lang ito ni Czkea at dudulog sila nito sa Korte Suprema.
Ito lang ang tanging inisip at inasikaso ni Qyuni sa mga nagdaang buwan na wala si Czkea sa tahanan. Ginawa niya ito dahil nalaman na niya na Hindi pala kasama ni Czkea ang kanyang Mama noong panahon na na-aksidente sila.
3 Months Ago at Police Station,
Habang nasa interview si Qyuni sa mga officers ay may biglang dumating na Enforcer naka motor at pagpasok nito sa Loob ng Station ay namukhaan niya si Qyuni.
Namukhaan niya ito dahil itong Enforcer ay nasa Ospital din at katabi ni Czkea noong nasa ospital ito. Kaya Lumapit sa kanya ang Enforcer at nagtanong na,
Enforcer
Ma'am magandang araw, kayo po ba yung asawa nung na aksidente last 2 Months ago sa Toll Gate?
Qyuni
Excuse? Opo, ako nga po. Bakit niyo po na itanong?
Enforcer
Ahhh, **hehe** (may kinuha sa bag at cellphone ang inilabas at iniabot kay Qyuni)
Qyuni
Saan niyo po ito nakuha? **curious**
Enforcer
Doon po sa isang Station tabi ng Highway Ma'am,
Nag stop over po kasi sila Sir doon at yan pong Cellphone ay nakalimutan naman po ng babaeng kasama po nila. Nagmadali kasi bigla si Sir pagkatapos niya makatanggap ng Tawag mula raw sa bahay. Kaya naiwan po yung Babae po at yung kasama po nito na lalaki.
Qyuni
Pagkatapos?
Enforcer
Hindi pa po ba naikukwento sa inyo? Si Sir po ang naunang umalis at humarurot pabalik po. Pagkatapos po ay yung isa po naming kasamahan ay inalok sila Maam at Kasama nitong naiwan na sumakay sa Mobil at sumunod po sila. At doon ko lang po Maam napansin na naiwan yung Phone kaya Sumakay po ako sa isang Mobil at sumunod ako.
Qyuni,
Salamat Sir, Mauuna na po ako!
Pagkatapos niya marinig ang kwento ng Enforcer ay nainis si Qyuni at naiiyak. Dumeretso uwi at sa dumaan muna siya sa kanyang Lola. Dito, kinuwento niya sa kanyang lola at sa mga tita niya ang lahat ng nangyari pala noong aksidente.
Humarap siya sa kanya namang Tito na hindi rin binabanggit ang buong detalye ng nangyari at umiyak si Qyuni sa kanyang harapan.
Dito humingi ng pasensya at tawad ang kanyang Tiyuhin dahil sa hindi niya masabi ang katotohanan. Dahil alam nilang sobrang lapit ni Czkea sa kanyang Mama. At ito lang ang naiisip ni Qyuni ngayon,
"Bakit niya kinalimutan"? at "Pinabayaan"? Sino ba ang mas matimbang?
Present,
Habang masaya si Czkea kasama ang kanyang mga ka trabaho, may na received siyang isang E-mail na galing kay Qyuni. At pagkabukas niya ay nagulat siya sa kanyang nabasa. Dahil dito ay iniwanan na niya ang kaniyang mga kaibigan at kasamahan at dali-dali itong umuwi at kausapin si Qyuni, bakit may ganito siyang na received na E-mail.
Pagkaraan ng Kinse Minuto ay nakauwi na si Czkea at dali dali niyang hinanap si Qyuni, Nahanap ni Czkea si Qyuni sa hardin at si Qyuni ay nag didilig at ang kaniyang anak na si Queenie ay katabi nito na naka babywalker. Napatingin at Napahinto sa pagdidilig si Qyuni, Tumingin siya kay Czkea at ngumiti ito kay Czkea at sabay sabing,
Qyuni
Na received mo rin ba ang email ng supreme court?
You should be there on Saturday! See you **smile**
Czkea
Bakit? Bakit may ganito Adii!!!?
Qyuni
**tumingin**
Bakit mo rin iniwan sila Mama noong gabi na yon?
Napahinto si Czkea at nakatitig lang kay Qyuni, na tila bang gustong sumigaw ni Czkea at maraming gustong sabihin.
Ngunit pilit niya itong kinokontrol at humalik na lang siya kay Queenie at umalis ulit.
Bumiyahe si Czkea pauwi sa Pampanga upang matulog doon sa kanyang Ama.
Pagkauwi niya ay bumungad sa kanya ang kanyang Ama at ang kaniyang mga pinsan na kumakain sa Sala.
Pinsan 1
Oy! Si Kea! Kumusta!! Napauwi ka ata ngayon?
Pinsan 2
Oo nga? May Birthday ba ngayon? diba tuwing okasyon ka lang umuuwi dito?
Czkea
Kayo dapat ang tanungin ko, bakit dito kayo kumakain? Masasarap mga ulam niyo sa mga bahay niyo ah?
Ama ni Czkea
Hayaan mo sila dine **haha**
Alam mo ba eh mas gusto nila yung mga lutong ulam ko?
Czkea
Alam ko naman yon Tay!
At nag tawanan ang mag pipinsan at ang kanyang Ama, Inalok na rin siya na kumain at nakipag kwentuhan sa mga Pinsan. Sa Limang Buwan na nangyari, sa Aksidente at sa Buhay may Asawa na rin. Pagkaraan ng ilang oras ay nagusap na si Czkea at ang kanyang Ama. Tinanong si Czkea ng kanyang Ama na,
"Anong problema anak?"
Dito napaluha na si Czkea at nagkwento sa desisyon na ginawa ni Qyuni. Hindi na nagulat ang kanyang Ama dahil naranasan niya rin ito noon.
"Hindi naman porket makikipag hiwalay na sayo ang tao, ay hindi ka na niya mahal".
"Ang mga tao Anak, may mga kanya kanyang dahilan".
"Sa Sitwasyon ni Qyuni, Alam niya na mas mahal ka ng Kaniyang Mama kaysa sa kanya"
"Panigurado, Alam niya yung Sakit na iyon at ito lang yung naisip niyang paraan para mapagaan ang iyong loob at siguro iniisip niya na makapag simula muli kayo pagkatapos ng mga bagay na ito"
Napatingin si Czkea sa kalangitan at napanatag ang loob,
Ngumiti na ulit si Czkea at Humagkan sa kanyang Ama.
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba na ang mag Ama sa sala at nakipag narin si Czkea sa kanyang mga Pinsan.
11pm ng gabi, nakatulog na lahat ng tao sa bahay ng Kanyang Ama at si Czkea ay nagising. Lumabas si Czkea para mag palamig at nag lakad papuntang 7/11.
Bumili siya ng isang pack ng Yakult at Tinapay na makakain. Tumambay muna siya sa 7/11 at binasa muli ang laman ng E-mail na natanggap niya mula sa Korte Suprema.
Nagdadalawang isip siya kung pipirma at papayag siya sa Divorce o Hindi niya ito sisiputin.
**shakes head**
"Nako nako Czkea mag isip ka ng tama!"
Lumabas si Czkea sa 7/11 at lalakad na sana siya pauwi nang may biglang tumawag sa kanya
**ring** **ring**
Pagkatingin niya ay ang kanya palang ka trabaho sa 1kGoC,
"Hello? napatawag ka? Mag aalas dose na ah"
Workmate
"Czkea, buddy bukas pa suyo na lang ng mga data na ibibigay natin sa Director, eh mukhang hindi ako makakapasok bukas nag paalam na rin ako sa Supervisor. Umuwi ako ng Maynila may kaunting problema lang na kailangan ayusin Salamat ah"
Czkea
Sige walang problema, paguwi mo ibili mo narin ako ng Cooler pad para sa isang laptop na darating bukas, madali raw uminit yun eh. Salamat ingat!
Pagkababa ng Phone ay may bumulaga sa harap ni Czkea, Isang Matanda na pulubi at tila may inaabot kay Czkea na Candy
Matanda
"Nak bilhin mo na candy na natitira, pambili ko lang ng maiinom dito sa 7/11"
Napatingin si Czkea at nag bigay na lang siya ng salapi at sinabing,
"Tay ito ho, ibili niyo na lang po ito ng makakain niyo at anong oras na po oh, may uuwian pa po ba kayo? Sa inyo na po ang Candy para maibenta niyo po bukas pa".
Ngumiti ang matanda at nagpasalamat kay Czkea, ngunit hindi siya pinaalis agad ng Matanda at binigay parin ang Candy.
"Iho mukhang kailangan mo itong candy, naamoy ko sayo ang alak"
Biglang tumawa si Czkea at ang Matanda rin ay tumawa. Kinuha na ni Czkea ang candy at naglakad na ito papauwi. Habang siya ay papauwi ay iniisip parin niya si Qyuni at ang kanyang Anak na si Queenie.
"May uuwian pa ba ako bukas? ano ba pwede kong sabihin kay Qyuni".
Naglalakad si Czkea at nang malapit na siya sa tahanan ng Kanyang Ama (Dati rin nilang tahanan) ay kinain niya ang Candy na binigay sa kanya. Kinain niya ito para habang siya ay nag tatrabaho gamit ang kanyang laptop ay malibang siya.
Nasa kwarto na si Czkea kung saan ito rin yung kwarto niya noon. Nag umpisa na siyang mag trabaho at mag research. Bago mag Ala-una ng madaling araw ay nakaramdam na ng pagod si Czkea. Sinarado na niya ng laptop at humiga na siya.
"Paano kung kaya kong ibalik yung dati?"
"I mean, yung noon. Yung Highschool kami?"
At natawa na lang si Czkea sa kanyang iniisip at siguro nga ay may tama o lasing pa siya ng bahagya. Sinarado na ni Czkea ang kanyang mga ilaw sa kwarto at natulog na siya.
At sa labas pala ay nakamasid pala ang matanda sa kanyang bintana at ngumisi ang matanda at umalis narin.
Lumipas ang 6 na oras at umaga na.
Maingay ang paligid at nakabukas ang Radyo ng kanilang bahay ♫
Czkeaaaaa! Gising na!!!!!!
Sigaw ng isang Babae na hindi rin natin alam kung sino at bakit may babae sa bahay? balikan niyo lahat ng script. just kidding.
Nagising si Czkea at tila tinatamad pa itong bumangon.
Sumisilip ang Sinag ng Araw sa mukha ni Czkea, mga ibong umaawit at malamig na hangin ang dala sa bintana sa kwarto ni Czkea.
Ngumisi si Czkea at sabay sabing, "Ohhhh panaginip ba to? namiss ko to hays".
Sa tahanan nila sa Pampanga ay tabi nito ang bukid at ilog na malapit sa kanila. Kaya malayo sila ng bahagya sa kanilang mga kapitbahay.
Czkeaaa! Ano ba! Tanghali na!! Sigaw ulit ng isang babae mula sa baba at tila ba ay galit na galit na sa kanya
Ano ba! Eto na! -- Sumbat ni Czkea. Bumangon na si Czkea at pumasok sa CR para maghilamos. Naghilamos siya at tumingin siya sa salamin. "Woaaaah ano to? ako ba to? haha dala ba ng alak to kagabi? para akong bata walangya".
Pagkalabas niya ng Kwarto ay tila nawala ang kanyang Bag at ang kanyan laptop sa kanyang lamesa. Nagtaka siya at tila ba parang may mali. Lumabas na siya sa kanyang silid at tila naingayan siya sa radyo ng kanyang Ama.
"Taay! Aga aga ang ingay ng Radyo mo, kailang ka pa ba nakabili ng bagong radyo ha?"
Biglang may bumatok sa ulo ni Czkea "Bakit mo sinisigaw sigawan ang Tatay mo ha! Kailan ka namin tinuruan ng ganyan?" Napa sigaw ng Aray at napahawak siya sa kanyang ulo. Pag kusot ng kanyang mata at pagka lingon niya sa Likod ay nagulat siya sa kanyang nakita,
.... ah? eh? Taaay?
Tatay / Joel (Joel ang Pangalan ng Tatay ni Czkea)
Oh bakit nak? pinatay ko na yung radyo tanghali na eh
Czkea
Diba nagiisang anak lang si nanay? Sino to? Kambal po ba niya?
Biglang binato ng Tuwalya sa Czkea ng Kanyang Tatay.
Joel
Anak ka ng ina mo! Nag iisa lang si Mama mo bakit mo nasabi yan ha!?
Meida (Pangalan ng Kanyang Mama/Nanay)
Hoy! Kieth! Kieth Czkea G. Araneta! Anong ginawa mo kagabi! HA!!!!
Czkea
Teka teka teka, Panaginip to tama? Nag inuman kami ni Tatay kasama ang mga pinsan ko kagabi at kakatulog ko lang? Oo nga! Panaginip lang to **haha**
At dahil sa narinig ito ng kanyang Nanay ay nagalit ito at siya sinipa sa kanyang Singit.
Nakangiti lang si Czkea at maya maya ay siya ay naluha sa sakit ng kanyang naramdamang sipa mula sa kanyang Nanay. At ang nanay nito ay nagalit sa kanyang Tatay dahil sa narinig niyang Nag Inuman silang dalawa.
Nagulat si Czkea nang may lumabas sa CR at ang taong ito ay ang kanyang bunsong kapatid. Napatulala si Czkea at hindi ito nakapag salita.
Tumayo siya at tumingin sa kanyang Nanay at dahan dahan siyang lumapit. Hinawak hawakan ni Czkea ang mga kamay ng kanyang Nanay at lumapit siya sa kanyang Bunsong kapatid at hinawakan niya rin ang mga pisngi nito. Pagkatapos ay Tumingin siya sa kanyang Tatay at naluluha si Czkea.
Biglang binuksan ng kanyang kapatid ang Radyo
"----- **Radio beep noises** Kaigan at Umaga na! Ang magandang balita hatid sa inyo mula sa Morning Express.! At ang weather natin ngayon ay maalinsangan sa tanghali at medyo maulap lamang sa bandang hapon. Ang oras natin ngayon ay Alas Siyete Trenta ng Umaga ng Enero Kinse! ng 2007~
Nagulat si Czkea sa kanyang narinig at napasigaw siya ng
BOOOOOOOOOOOOLAAAAAAANG! ANOO!?
**face slap** 2x
To Be Continued.