"Matinding pagiingat
Sa kanya'y huwag malilingat
Ang araw na nakatadhana
Sayo'y maghihirap
Magsisilbing liwanag
Sa madilim mong mundo
Magbibigay pag-asa
Sa lahat ng tao
Ang araw na itinakda
Ang siyang magliligtas
Sa digmaang nakatakda
Na siyang itinadhana
Ang pagibig mo'y lilisan
Resulta ay kasawian
Mananaig ang kasamaan
Sa buong sangkatauhan
Ang buwan na nawalan ng liwanag
Muling magniningning
Ang araw na itinadhana
Sa kanya'y magigising
Magbibigay kislap
Sa mundong sinakop ng dilim...