Chereads / ROYALTALE 1: The Huntress / Chapter 9 - KABANATA 3.2

Chapter 9 - KABANATA 3.2

Narito nanaman ako, sa lugar na paradiso. Ang Avelon na kung saan nananahan ang isang diyosa na tagabantay ng matandang puno na malakabuti ang itsura.

Isa itong puno ng mga nabubuhay na nilalang. Umiilaw ang bawat malilit ngunit mahahabang baging na nakalambitin sa napakalaki at makakapal nitong sanga. Bawat ilaw ay sumisimbolo ng buhay. Malaki ang puno at napakatayog. Buhay na buhay dahil sa dilaw na liwanag na pumapalibot dito.

Napatingin naman ako sa malawak na batis na nasa tabi. Malamig na asul at berdeng kulay ang tubig nito - katulad ng mata ng hari. Maraming kakaibang isda ang masayang lumalangoy roon.

Nawala ang tanawing iyon ng biglang lumitaw sa tubig ang aking repleksiyon. Magulo ang buhok kong kulay kahel na may kulot sa dulong hinaluan ng pulang kulay.

Ang aking mata ay masaya kasama ng nakangiti kong kulay rosas na manipis na labi. Walang bakas sa aking katawan ng paghihirap na dinanas ko mula sa kamay ng hari. Magaan ang aking pakiramdam,walang sakit na maramdaman mula sa laman ng aking kalooban.

Sa paligid ay maraming nagkalat na paro-parong nagliliparan sa mga ligaw na bulaklak sa gilid lamang ng lawa, ang mga pakpak nito ay naglalabas ng abong kumikinang ng gintong kulay.

Tuwing narito ako sa lugar na ito,kapayapaan at katahimikan ang aking nararamdaman.

"Nadia..."

Napalingon ako sa pinanggalinggan ng malaanghel na boses at naroon nakatayo mula sa harapan ng puno, ang isang napakagandang diwata.

Nakalugay ang kulay dilaw na hanggang bewang nitong buhok at hinahawakan ng maliliit na talulot na magandang nakapalibot ng maayos sa kanyang noo na tila isang korona. May berdeng berdeng maliliit na dahon sa magkabilang dulo nito na nakalagay sa magkabila niyang sentido.

Kulay kape ang mga mata nitong masayang nakatingin sa akin,matangos ang ilong at nangingintab ang mamula mulang labi. Nakabalot sa kanyang katawan ang kulay berdeng mahaba at napakagandang kasuotan, nagniningning iyon at umaabot sa lupa – ni hindi ko malaman kung naglalakad ba siya o sadyang nakalutang.

"Miana."

Lumawak ang ngiti nito at naglakad papalapit sa akin. "Naaalala mo pa ba ang mga huling salitang sinabi ko sa iyo?"

Tumango ako bilang sagot at isinatinig. "Magiingat ako dahil nalalapit na ang aming pagkikita."

"Tama at sa wakas,nagkita na kayo."

"Sino ba ang tinutukoy mo Miana? Ang hari na siyang para sa akin ay itinakda?" Tumango ito.

Tumigil siya mismo sa harapan ko.

"Bakit Miana? Bakit ako may mate? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Alam nito ang galit ko sa mga bampira, ang matinding poot ko sa kanila kaya't bakit sa lahat ng nilalang ay sa isang uri pa niya?"

"May dahilan ang lahat Nadia. At sa pagkikita ninyong dalawa maguumpisa ang tadhana."

"Tadhana?"

"Tadhana niyo...tadhana ng lahat ng nilalang."

Humarap ito sa lawa at nagsimulang maglakad. Sumunod ako sakanya at bigla ay nagkaroon ng maliit na tila tulay papunta sa gitnang bahagi ng batis. Naroon nakatayo ang isang maliit na kubo, may maliit na pabilog na mesa na siyang aming tinungo.

Sa maliit na mesa'y naroon ang isang pulang rosas, nakalutang at nababalutan ng tila isang salamin. Nagkalat sa ibaba ng rosas ang mga nalagas nitong talulot, subalit kahit marami na ang mga talulot na iyon ay makapal pa rin ang rosas na tila hindi pa nalalagasan.

"Sa darating mong kaarawan, malalaman mo na ang iyong tunay na katauhan."

Napatingin ako sa kanya. Gulat sa katagang sinabi nito dahil kay tagal ko nang itinatanong sa kanya kung sino ba ako o anong uri ako ng nilalang – at ngayon ay masasagot na iyon sa nalalapit kong kaarawan.

"Habang papalapit ang iyong kaarawan, ay siya ring paunti unting pagkalagas ng rosas at pagdating ng mismong araw, ay siyang tuluyang pagkalagas ng rosas na ito." Sambit nito habng nakatitig sa rosas.

"M-mamamatay ang rosas?"

"Oo Nadia. Kailangang mamatay ng rosas."

Sa sinabi niya tila dalawa ang nais nitong ipakahulugan.

"Kailangang mamatay ng rosas nang sagayon ay maganap ang nakatadhana." Dagdag pa ni Miana na ngayon ay nakatingin na saakin.

Hindi ko makuha. Naguguluhan ako sa mga kakaibang sinasabi niya sa akin. Nababasa man niya sa aking ekspresyon ang pagkalito ay hindi parin nito ginawang bigyan ako ng kaliwanagan. Bagkus ay ang tungkol sa pamilya ko ang sinabi niya.

"Nang dalhin ka rito ng iyong ina, ipinangako ko sakanyang babantayan kita,aalagaan at palalakihin ng maayos subalit nabigo ako. Hindi kita kayang alagaan kaya't kinailangan kong ibigay ka sa pangangalaga ng iba. Akala ko'y magiging ligtas at maayos kana subalit, isang pagkakamali pala ang aking naging desisyon."

May pait na humahalo sa matamis nitong ngiti.

Alam niya kung ano ang naging epekto sa akin ng lahat ng aking napagdaanan at naging ganito ako. Nabuhay ng galit sa lahat ng nilalang sa mundo.

"A-ano ba ang kanilang mga itsura? Pangalan? Tagasaan ang mga magulang ko?Bakit iniwan ako sayo?" Isinatinig ko ang lahat ng mga katanungan sa aking isipan na bumabagabag sa tuwing napaguusapan ang aking mga di-kilalang magulang.

Napatingin ito sa malayo at tila inalala ang nakraaan.

"Ang iyong ina ay matalik kong kaibigan. Mababait silang nilalang. Lahat ng nilalang ay gusto sila. Mahal sila, pinupuri at nirerespeto. Alam mo bang may kapatid ka pang nakatatanda sa iyo?" Napangiti ito ng kaunti at muling ipinagpatuloy ang sinasabi.

"Kabaliktaran mo siya, Nadia. Kung gaano ka kakulit at kalaya noong bata ka – noong mga panahong wala kapa sa kamay nila – ay siya namang kahinhin niya. Masyadong bilang ang galaw at pananalita niya. Mabait ito tulad mo. Maganda rin subalit hindi kayo magkamukha,nakuha nito ang katangian ng iyong ina samantalang ikaw ay pinaghalong katangian ng iyong mga magulang."

"Ang tanging bagay na nasabi ko sa iyo ay bampira ang pumaslang sa iyong pamilya hindi ba?"

Tumango ako bilang sagot.

"Nagkamali ako nang hindi ko nilinaw ang lahat sa iyo."

"Nasa sinapupunan ka pa lamang noon ng sinalakay ang inyong tirahan. Sa gabing iyon ay siya ring pagsilang sa iyo ng iyong ina. Ngunit sa hindi magandang pangyayari... sa pagsalakay na iyon, ang iyong ama ay hindi handa sa mangyayari kung kaya't naging dahilan, na siya ay mapaslang."

"Maraming tao ang nagsasaya sa iyong pagdating sa mundo. Lahat ay nagdiwang. Kung kaya't lahat ay walang alam na may mangyayaring ganon. Maraming tumulong sa iyong mga magulang subalit – maging sila ay nasawi at nawalan ng buhay."

"Duguan pa ang iyong ina nang ihatid ka niya sa akin. Iniwan ka niya dahil kailangan, alang-alang sa iyong kaligtasan at kinabukasan. Wala akong nagawa ng umalis ito upang balikan ang iyong ama at kapatid ngunit sa kasamaang palad ay naabutan na lamang niya ang mga itong nakahandusay at wala nang buhay."

Hindi ko namalayan ang masaganang luha na umaagos mula sa aking mata. Ang katotohanan tungkol sa aking mga magulang na matagal kong inasam na malaman ay isang kagimbal gimbal na masakit na istorya ng trahedya.

"B-bakit hindi ako binalikan ni Ina?"

Umiling ito at malungkot na ngumiti sa akin.

"Hindi niya ginawa dahil hindi niya kaya. Alam ng mga sumalakay sa iyong mga magulang ang tungkol sa iyo.

Iyon ang pinakadahilan ng kanilang pagsalakay. Upang patayin ka at hindi matuloy ang nakatadhana.

Hindi isinakripisyo ng iyong ina ang pagkakataong iyon dahil alam niya na masusundan siya kapag nagkataon kung kaya't buong tapang niyang nilabanan ang inyong mga kalaban hanggang sa tuluyan na siyang manghina at mapaslang sa tabi ng iyong ama at kapatid." Mahabang paliwanag ni Miana.

"A-ako ang dahilan? B-bakit ako? Bakit hindi niya iniligtas ang sarili niya?" Naguguluhang tanong ko habang kumakawala sa aking bibig ang mahinang paghikbi.

"Hindi niya kaya. Nang mamatay ang iyong ama ay isinama na nito ang kalahating buhay ng iyong ina. Kung nabuhay naman siya ngayon, wala ring saysay dahil ang mga katulad nilang wagas na nagmamahalan ay hindi kayang paghiwalayin kahit pa kamatayan."

"Pero hindi niya inisip ang nararamdaman ko! Ang kinabukasan ko na wala sila!"

Hindi ko mapigilan ang galit ng sumbat na lumabas sa aking bibig.

"Nadia.... Itinadhanang mangyari iyon sa kanila. Ngayon nakatagpo mo na ang taong itinadhana sayo, mararamdaman mo rin ang damdamin na mayroon silang dalawa."

"Malaki ang gagampanan mo sa lahat ng nilalang, kung kaya't nais iyong pigilan ng mga kalaban mong bampira. Ngayon na nakita mo na siya, maaari bang tumigil kana sa paghihiganti at tanggapin siya bilang iyong kalahati?"

"Ano ang ibig mong sabihin? Kasasabi mo lamang na bampira ang kalaban ko, ang gustong pumatay sa akin noong bagong silang ako kaya bakit ko siya tatanggapin bilang kalahati ko? At a-ano ang tinutukoy mong nakatadhana na gagmpanan ko?"

Tinutukoy niya ba ang pagiging hunter ko?o ang pagiging isang mate ng hari?

Tumingin siya sa akin ng diretso at seryoso ang ekspresyon.

"Isang tadhana na ikaw ang magsasakatuparan. Narito man ako't nalalagi sa lugar na ito, may mata at tenga naman akong nanunuod palagi sa iyo Nadia – kung kayat alam ko ang lahat ng mga gawain mo."

"Nais ko lamang sabihin na ang mga nilalang na pinapaslang mo ay hindi kaaway. Ang mga bampirang tinutukoy ko ay ang mga nilalang na kinokontrol ng kasamaan."

Napayuko ako sa mga ulat na sinabi nito.

"Kung ganoon, tatawagin mo rin ba akong halimaw katulad ng sinabi sa akin ni Aria? Paano naman ang pagdurusang sinapit ko sa kamay nila, Miana? Ibabaon ko na lamang ba iyon sa limot?"

Naramdaman ko ang mainit na palad nitong dumantay sa aking pisngi.

Agad akong napatingin sa kanya subalit wala akong makitang pangungutya at disgusto na kadalasa'y nakikita ko sa lahat ng mga nilalang, bagkus nananahan doon ang mainit na pangunawa.

Nginitian niya ako ng matamis na wari'y sinasabi niyon na magiging maayos din ang lahat.

"Nadia tandaan mo,lahat tayo ay nagkakamali. Naiintindihan ko ang rason mo subalit – hindi mo ba naisip na ginagawa mo lang din ang ginawa sa iyo ng mga taong sumalakay sa inyo?" Umpisa ni Miana.

"Ipinagkakait mo rin sa kanila ang magandang kinabukasan na pinangarap mo. Sa bawat pagpaslang mo sa mga nilalang ay may pamilyang naiiwanan at umaasa sa kanila, hindi lahat ng kinamumuhian mong nilalang ay may kinalaman sa pagpatay sa mga magulang mo,sa pagdurusang sinapit mo.

Maaari'y kauri nga nila ang mga nagpahirap sayo,subalit hindi ba't ikaw rin mismo ang pumaslang sa kanila?

Matagal mo nang naipaghiganti ang mga kasalanan nila – tanging sa mga bampira na lamang na kinokontrol nang kasamaan ang natitira.

Sana maisip mo Nadia, na hinding hindi mo matatanggap ang pangyayari hanggat hindi mo pinalalaya iyang galit at pagkamuhi mo sa nakaraan.

Palayain mo iyang sarili mo at mabuhay ka nang maligaya.

Ayokong pagsisihan mo ang iyong mga ginawa sa bandang huli Nadia. Sapat na ang mga buhay na nagbayad. Kung kaya't nais kong makontento ka na at magpatawad.

Marahil kung nabubuhay lamang ang iyong mga magulang at kapatid ay hindi sila magiging masaya sa ginagawa mo.

Masama at malaking kasalanan ang pagpaslang lalong lalo na sa mga bampira.

Tandaan mo Nadia, pinapanuod ka nila. Palagi silang nakabantay sayo at sa bawat kabanata ng buhay mo." Mahabang paliwanag ni Miana saakin.

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata habang umaalingawngaw sa aking isipan ang mga huling kataga na sinabi niya.

Dumadalaw si Miana sa akin sa tuwing may masamang nangyayari sa akin,O di kaya'y may masamang mangyayari pa lamang.

Binibigyan niya ako ng babala o kung di man ay dinadamayan sa aking mga masasamang karanasan.

Noong una'y inisip ko na parte lamang siya ng aking imahinasyon na nagpapagaan sa aking kalooban dahil ako'y nagiisa at di pa nakikilala si Aria, subalit habang tumatagal ay ipinapaliwanag niya sa aking kung sino siya at anong uri ng nilalang siya sa aking panaginip.

Hanggang sa isang araw ay nagisig na lamang akong may isang diwata na dumadalaw sa aking panaginip at ang mas napakaganda pa roon ay totoo siyang nilalang!

Ninais kong puntahan ang paradisong tinitirhan niya subalit sinabi niya sa akin na tanging ang mga patay lamang na nilalang ang pinahihintulutan niyang pumunta roon.

Natakot ako dahil sinabi niya sa akin na darating ang araw na makakatapak ako sa lugar na iyon kung kaya't hindi na ako muli pang nagtanong kung kailan o paano ako makakapunta sapagkat ayoko sa ideyang mamamatay ako ng maaga.

Sapat na sa akin ang makapunta roon kahit sa panaginip lamang.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil biglang bumukas ang pintuan.

Iniluwa nito ang babaeng nagbigay sa akin ng bandehadong may lamang pagkain noong nakaraang gabi.

May dala ulit ito ngayon at nahihiyang naglakad papalapit sa akin.

"Pasensya kana Miss dahil kanina pa ako kumakatok subalit hindi ka naman sumasagot." Mahinang sabi nito at ngumiti nang kaunti.

Hindi nakatakas sa aking paingin ang alanganing galaw nito at ang panginginig nang kanyang kamay.

Napataas ang kilay ko sa kanya.

"Hindi naman ako nangangagat kaya't maari kang lumapit sa akin ng hindi nangangatog sa takot. Kung iniisip mo ang ginawa ko sa kasama mo noong nakaraang gabi'y hindi iyon para sa kanya kundi sa inyong hari."

Tila nakahinga ito ng maluwag sa tinuran ko.

"Maaari mo bang tanggalin itong mga taling nakapulupot sa kamay ko?"

"P-po? Bakit?" Tumigil ito sa paglalakad at kinakabahang tumingin sa akin.

"Kailangan ko nang umihi."

"H-hindi ko maaaring tanggalin ang mga telang iyan sapagkat hindi ako ang naglagay niyan."

"Kung ganon,sinasabi mo na dito na lang ako iihi mismo sa kama?"

"H-hindi po maaari sapagkat iyan ay ang kama mismo ni Master na inyong hinihigaan."

"Kung gayon,paano ako iihi kung may taling pumipigil sa akin para umalis sa kamang ito? Ano? Hihintayin ko na lang sumabog itong pantog ko? Ganoon ba?" Wika ko na pilit iniiwasang mainis sa maamong babae na nasa harap ko.

Napakaenosente niyang tignan kung kaya't ayoko na sa kanya ko mailabas ang inis na nabubuo sa akin.

Nagpatuloy na ito sa paglalakad. "Maari ko bang ilapag itong bandehado sa iyong kama?"

Tumango ako.

"Miss maaari ka namang pumunta sa palikuran sapagkat ang telang iyan ay nabibinat kung kaya't maaari kang makapaglakad lakad dito mismo sa loob ng kwarto ng hindi nasasaktan."

Napatitig ako sakanya ng matagal.

"Talaga?"

Ngumiti ito at tumango. Tiningnan ko ang mga pulang tali sa kamay ko.

Kung gayon may buhay nga ang mga ito?

Tila nabasa ng babae ang tanong ko sa aking isipan nang magsalita nanaman ito.

"Ang taling iyan ay walang buhay subalit datapwat alam niya ang nararamdam ng taong kanyang pinuluputan."

"Mahika ang nagpapagalaw sa kanya at nagbigay nang kakayahang tila magkaroon ng buhay."

Nabibinat iyan kung nais mong maglakad o pumunta sa palikuran. Ang hari at si Ryave lamang ang taong maaaring kumontrol sa tali sapagkat si Rayve mismo ang nagbigay ng mahika sa taling iyan."

"Salamat" Tanging nasabi ko at naglakad na papunta sa itinuro nitong palikuran.

Nang bumalik ako sa kama ay wala na roon ang babae. Ang bandehadong dala nito ay may lamang pagkain at sa tabi nito'y may nakahigang pulang rosas at maliit na gintong kulay ng parisukat na papael.

Kinuha ko ang mga iyon at wala sa sariling inamoy.

Napapikit ako at gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi.

Napakabango ng bulaklak.

Tila bagong pitas lamang iyon mula sa halaman. At ang papel naman na parisukat ay malinis na may sulat kamay ang nakalagay sa loob.

Hindi ko iyon mabasa kung kaya't tinignan ko na lamang habang pumapasok sa aking isip kung ano kaya ang mga salitang maaring nakasulat roon.

Lumipas ang buong araw na walang hari ang nagpakita sa akin.

Pilitin ko mang isiksik sa aking isipan na dapat ay masaya ang aking pakiramdam subalit sa aking kalooban ay tila may kulang.

Dumating ang gabi at muling pumasok ang babaeng nagngangalang Mocca.

Ito lamang ang palaging nagbibigay ng mga pangangailangan ko at naglalakas ng loob na kumausap sa akin.

Tila ba'y palagay na ang kanyang kalooban sa tuwing pumapasok dito sa aking kwarto.