Chereads / ROYALTALE 1: The Huntress / Chapter 13 - KABANATA 4.3

Chapter 13 - KABANATA 4.3

Dalawang araw na ang nakakaraan simula nang magusap kami ni Vita. Pagkatapos nang paguusap na iyon ay hindi na ito muli pang nagpakita sa akin.

Habang lumilipas ang araw na walang Rayve at Elvis na pumupunta dito sa aking silid ay siyang pagsundot nang hindi mapalagay na aking pakiramdam. Habang tumatagal ako rito ay siyang di pagtigil ng ibat ibang posibilidad sa aking isipan.

Paano kung magbago ang isip ni Vita?

Siya na lang ang natitirang susi ng paglaya ko. Hindi ko naman mahingian nang tulong si Mocca sapagkat sa una palang nilinaw niya na, na wala siyang intensiyong suwayin ang hari – at isa pa, abala ito sa pagtulong sa aking magbasa, magsulat at matuto ng linggwaheng Ingles.

Kailan ba kasi ako dadalawin ng mga mokong na iyon nang maisagawa ko na ang naiisip kong mga paraan?

Paano kung bigla na lamang bumalik ang hari dito? Sinisigurado kong tuluyan na akong hindi makakatakas pagnagkataon.

"Miss Nadia?"

Ngunit kung magtagumpay nga kaming dalawa ni Vita, saan ako unang pupunta upang hanapin si Aria?

Saan siya inilagay?

O mas malala ay kung buhay pa ba siya?

Kung gayon man maayos kaya ang lagay niya?

"Miss Nadia!"

Agad akong nabalik sa realidad sa sigaw ni Mocca mula sa aking harapan. Napakurap-kurap ako at nagtatakang tumingin sa kanya na ngayon ay salubong na ang kilay at tila mauubusan na nang pasensya.

" Ha?"

"Miss, sa nakalipas na dalawang araw simula nang magumpisa tayong magaral madalas kang tulala at tila malalim ang iyong iniisp. Oras-oras ay ganyan ang nangyayari sa iyo, Miss Nadia.

Ano ba iyang bumabagabag sa iyong isipan at napakarami nang iyong problema?

Bigla bigla ka na lamang titigil sa pagsusulat habang nakatingin sa malayo habang ako naman itong walang kaalam-alam na habang tinuturuan pala kitang bumasa wala sa leksiyon natin iyang isip mo."

Napabuntog hininga ito matapos ay tumayo mula sa pagkakaupo mula sa kama. Pinanood ko lamang na umiling ito bago ako talikuran at tunguhin ang pintuan.

"Lalabas lamang ako sandali Miss. Sana'y sa aking pagbabalik ay sarado na ang iyong pagiisip sa ibang bagay at nakapokus kana sa ating ginagawa." Wika nito mula sa kanyang balikat bago tuluyang lumabas sa aking silid.

Nang mapagtanto ko ang lahat ng mga sinabi nito sa akin, inis na ginulo-gulo ko ang aking buhok.

Haaaaay Nadia!

Anong ginawa mo?

Nagalit kaya si Mocca?

'Ngayon naman magtatanong ka nang ganyan matapos nang mga ginawa mo sakanya,Sa tuwing sinisita ka niya kapag natutulala ka na?' - (konkon)

Tama, wala akong karapatang magtanong dahil ako naman ang dahilan ng reaksiyong ginawa niya.

'Ayan, mabuti naman at may isip ka pala.'- (konkon)

Andito nanaman sa aking isipin ang magaling makialam.

Napabuntong hininga na lamang ako at ipinilig ang aking ulo.

~

Gabi na at abala si Mocca sa paglagay ng gamot sa aking likuran. Tahimik pa rin ito at hindi gaanong nagsasalita. Hindi katulad dati na sobra kug makadaldal na tila hindi nauubusan ng sasaabihin.

"Mocca...?" Marahang tanong ko habang pinapakiramdaman kung galit pa ba siya sa akin.

"Ano iyon Miss? May kailangan ka ba?"

Teka.... Ano ba? May kailangan ngaba ako?

"Ahm Mocca?"

"Ano nga iyon Miss?"

"Ahm... ah, oo pala! Kailan ba ako maaaring maligo? Ilang linggo na akong hindi nakakapanligo. Sa palagay ko ay nangangamoy na ako e."

"Bukas, Miss. Maaari na kayong magbuhos ng tubig sa inyong katawan sapagkat magaling na ang inyong sugat."

"Talaga?!"

"Subalit, kailangan pa rin ng pahintulot ng hari.".

Tila naglaho ang sayang naramdaman ko sa sinabi nito. Kailangan talaga ng pahintulot niya? Subalit wala naman siya dito ah?

"Kung ganoon...matatagalan ba bago siya dumating?"

Pumunta ito sa aking harapan at doo'y nakita ko ang isang tila nangaasar na ngiti. "Bakit miss? Hinahanap hanap mo na ba siya? Nandyan pa ang ilang mga sulat niya na hindi natin nabasa, maaari ko namang basahin iyon para sayo ng maibsan ang iyong nararamdamang pangungulila."

Napangiwi ako sa sinabi nito.

Hinahanap-hanap? Ang hari?

"Nako Mocca, tigil tigilan mo ako dyan sa pangaasar mo a."

"Wag kag magalala Miss, sa pagkakaalam ko ay bibisita rito ang hari."

Tila lumundag ang puso ko sa kaalamang makikita kong muli ang hari subalit hindi ko iyon ipinahalata kay Mocca na ngayon ay nagtataas-baba ang dalawang kilay.

"Osya. Basahin mo sa akin ang iba pang mga sulat niya. Nais kong malaman."

"Okay!"

Napapailing na lamang ako sa reaksiyon nito. Tila isang dalaginding na napagbigyang basahin ang sulat ng kanyang iniibig.

Natapos basahin ni Mocca ang lahat ng mga natitira pang sulat. Kanina pa ito nakaalis sa aking silid na may abot tengang ngiti mula sa kanyang labi. Hindi ko mapigilang isipin ang mga salitang nakasulat sa mga papel na iyon.

Simple lang naman ang mga iyon, hindi katulad ng dalawang nauna subalit punong puno iyon ng sinseridad at mga salitang hindi ko inaasahan mula sa hari.

Madalas nito akong kamustahin. Ang mga kaganapang nangyayari sa akin sa maghapon at madalas din nitong iparating ang kanyang 'pagkamiss' na sinasabi ni Mocca.Wala itong nabanggit tungkol sa kanyang mga trabaho ngunit kahit ganon, ramdam ko na tila ba'y napakabigat nang kanyang inaasikasong problema.

Maging sa pagtulog, ang hari ang umuukupa nang aking isipan at ang mga ngiti nitong abot hanggang tenga kasama nang malalalim na kulay asul na berding mata.

~

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin, kasama ng malambing na paghaplos sa aking mahabang buhok at pisngi. Mabango at mainit ang hangin na bahagyang humahaplos sa aking mukha at palagay ako sa prisensya nang isang taong nakaupo sa gilid ng aking kama.

Gayumpaman, hindi ko magawang makaramdam ng pagaalala sa pangahas na humahaplos sa akin. Bagkus ay tila ba sanay na ang aking pakiramdam sa ginagawa ng taong iyon o kung di man ay sanay na ako sa prisensya ng taong gumagawa niyon.

Naramdaman ko ang malambot at mainit na bagay na mabilis na dumantay sa aking nuo.

Unti unti kong binuksan ang aking mga mata at sa aking harapan bumungad ang napakalapit na mukha.

Napakagawapo nang mukhang iyon. Ang kanyang malalim na matang kulay asul na berde ay tila pagod at walang tulog. Nangingitim ang palibot ng kanyang mata subalit kahit ganoon, nakangiti naman ang kanyang mamula-mulang labi.

Kung hindi ako nagkakamali, isang tao lamang ang nagtataglay nang angking kagandahan at uri ng ganyang kulay ng mata.

Ano ito? Panaginip?ganito na ba kalala ang pangungulilang sinasabi ni Mocca at pati sa paggising ko ay nakikita siya?

"Hello....mate."

Nanatili akong nakatitig sa maaliwalas niyang mukha. Hindi ko alam ang dapat kong gawin, dahil hindi ko naman alam kung totoo nga ang aking nakikita o sadyang imahinasyon ko lamang.

Marahang humaplos ang hinlalaki nito sa ibabang parte nang aking labi na siyang nagpasinghap sa aking paghinga.

"I miss you."

"Hell, It's been so long."

"Did you miss me too?"

Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin hanggang sa maging gahibla na lamang ang distansya.

Ang mga mata niya ay puno ng pangungulila. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin sakanya.

Ano ba ang dapat kong sabihin?

Ni hindi ko rin naintindihan ang mga sinabi nito maliban sa salitamng 'I miss you '- salamat kay Mocca.

"Hey...talk to me." Mahinang bulong nito at pinakatitigan ang aking mga mata.

Kumabog nang malakas ang aking dibdib at tila ba'y nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang lapit nito sa akin. Nakakalunod ang kagandahang taglay ng nilalang na ito.

"I miss this closeness. How I get to touch you and bloody feel your softness. Damn. I even miss your tongue. The way you speak. And this...."

Hinagod ng daliri nito ang buong labi ko at tila hayop na nagugutom na pinakatitigan iyon.

Kakaibang init ang siyang paunti unting nabuhay sa aking katawan.

"Can I taste this?"

Nang muli nitong ibalik sa akin ang kanyang tingin wala sa sariling napatango ako sa nagtatanong nitong tono at nangungusap nitong mga mata.

Mabilis at sa isang kisap mata lamang ay magkalapat na ang aming mga labi. Paunti unting gumalaw ang kanyag bibig sa akin.

Ginaya ko ang ginagawa ng labi nito na siyang nagpaigi sa kanya sa paghalik sa akin. Matagal at makapugto hiningang halikan ang nangyari sa aming dalawa.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay katabi ko na ito sa aking kama. Nakatagilid ang kanyang pwesto habang nakahiga.

Inilayo nito ang kanyang mukha at gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Matulog ka na. Dito lang ako. Babantayan kita,katulad ng dating ginagawa ko."

Muli nitong binigyan nang halik ang aking noo bago iniyakap sa aking bewang ang kanyang braso.

Tila naman ako namahika sa lalaking katabi ko at isiniksik ang aking katawan sa kanya. Inunan nito ang isa pa niyang braso sa aking ulo at mas lalong inilapit ang aking katawan sa katawan niya. Nagkaroon ng sariling utak ang aking kamay at siyang iniyakap din sa kanya.

Nang ako'y tumingala, nakapikit na ang kanyang mga mata, payapa ang kanyang mukha na ngayon ay tila nahulog sa malalim na pagtulog. Sa kanyang labi nama'y nakaukit pa rin ang isang maliit na ngiti.

Kung panaginip man ito...hindi ko na nanaisin pang gumising.