Mabilis ang pagtakbo ko papunta sa direksiyon ng Algerioun – ang lugar kung saan matatagpuan ang lupain ng mga halang na bampira.
Sila ang mga nilalang na kinokontrol. Walang katinuan sa pagiisip at halos maikukumpara sila sa mga demonyo. Ang pagkakaiba nila sa mga normal na bampira ay ang amoy at ang paguugali at kulay nang mata nila.
Pula ang imbis ay puting bilog nang kanilang mata habang ang kanilang balintataw ay itim. Walang kontrol sa sarili at ang tanging nasa isipan nila ay makakita nang dugo o di kaya'y pumatay. At ang taong kumokontrol sa kanila o ang pinuno nila ay walang iba kundi si Xiarxianno – isang nilalang na mas masahol pa sa isang halimaw.
Nakasalubong ko na ito minsan sa kagubatan. Hindi sinasadyang matagpuan ko ito kasama ng mga alagad niyang walang awang pinupuksa ang isang grupo nang mga kababaihan. Halos kalahati na lamang sa bilang nila ang natitira at ang kalahati ay namumutlang nakahandusay sa lupa. Lasog lasog ang mga bahagi nang kanilang pangangatawan.
Mabuti na lamang at tao ang mga iyon. Dahil kung hindi, hindi ko gagawing isalba ang mga buhay nila.
Pinaslang ko ang mga alagad nito samantalang siya ay aliw na aliw na nanunuod sa ginagawa ko. Tila ba'y wala siyang pakialam kung maubos na lahat nang alagad niya. At nang matapos kong ubusin lahat maliban sa kanya, ay pinalakpakan pa ako nito habang naglalakad sa akin papalapit.
Hindi niya katulad ang mga alagad niya na malahalimaw ang itsura. Mas maayos itong tignan at mas normal kasama nang dalawang matutulis niyang ngipin na bahagyang sumisilip. sa magkabilang gilid nang nakangiti niyang labi.
Sinabi nito sa akin ang kanyang pangalan at inamin din niyang hanga siya sa galing kong pagpaslang. Simula nang araw na iyon, madalas ko na siyang makasalubong o di kaya'y matanaw mula sa malayo na pinapanuod akong pumatay nang ibat-ibang nilalang.
"Miss!"
"Miss Nadia!"
Nabalik ako mula sa aking pagalala at wala sa sariling napalingon sa aking likuran dahil sa sigaw na narinig ko. Nanlaki ang aking mata at hindi makapaniwalang napatitig sa taong mabilis na tumatakbo papalapit sa akin.
Huminto ako sa pagtakbo at hinintay siyang makarating sa harap ko upang masigurado kung totoo nga ang nakikita ko o baka ilusyon lamang iyon at inuusig ako nang konsenya ko. Nawala ang aking pagdududa nang huminto mismo sa aking harapan si Rayve na may seryosong mukha.
Halatang pagod na ito nang itukod niya ang dalawang kamay sa kanyang mga tuhod subalit wala kang maririnig na hingal mula sa kanya.
Anong ginagawa niya rito?
"Bakit nandito ka? Sinundan mo ako? Bakit?"
Matalim ang mga matang ibinaling niya sa akin. "Ikaw? Bakit ka nandito? Hindi ba dapat ay nasa kwarto ka at nagpapahinga? Bakit ka tumakas? At nakipagsabwatan ka pa kay Vita? Bakit, Miss Nadia? Ito ba ang dahilan kung bakit mo gustong matanggal ang tali? Saan ka pupunta, gayong direksyon ito sa mapanganib na lugar ng Algerioun? Inisip mo ba ang magiging sitwasyon naming naiwan doon sa oras na malaman ni Master na tumakas ka?"
Hindi ako nakapagsalita dahil sa talim nang mga salitang isinumbat niya sa akin. "Pinagkatiwalaan ka namin pero sinira mo iyon. Sinira mo ang pagkakataong patunayan ang sarili mo sa amin, na hindi ka naman pala ganoon kasama tulad nang pagkakakilala namin sayo – kundi isang mabuti at mabait na tao tulad ng palaging ibinabahagi ni Mocca sa amin. Na mapagkakatiwalaan ka at dapat na kaibiganin. Pero ano? Ni wala kang pakialam sa maaaring kahantungan ng kaibigan mong si Mocca. Lahat kami Miss Nadia ay makakatanggap nang matinding parusa dahil pinabayaan namin at hinayaang makatakas ang tinatangi at pinakaiingatang mate ni master."
Nagiwas ako nang tingin at muling humarap sa direksiyong tinatahak ko kani-kanina lang. Hindi ko masagot ang mga sinabi niya dahil totoo naman ang lahat nang iyon. Napaka makasarili nang ginawa ko.
"Alam kong may dahilan kung bakit mo ipinagpilitang tanggalin ang mga taling nakapulupot sayo, kung kaya't noong oras na makalabas akong ng iyong kwarto, binantayan na kita. Hindi ako natutuwa sa pagtataksil na ginawa ni Vita. Pero mas hindi ako natutuwa sa kaalamang narito ka salabas, Miss Nadia. Kaya ang mabuti pa'y halika na at bumalik na tayo sa Babylonia."
Nilingon ko siya at masamang tiningnan. "Hindi mo alam ang dahilan nang ginawa ko. Hindi ako sasama sayo dahil may tungkulin pa akong kailanagang gawin, at isa pa napagkasunduan na namin ni Vita na maglalaho na ako sa buhay ng Hari kaya walang dahilan kung babalik ako."
"Hindi si Vita ang magpapasya kung mawawala ka sa buhay ni Master! Hindi pa ba sapat na dahilan ang pagigig mate niyong dalawa? Maswerte ka at nahanap mo siya - at nabubuhay hanggang ngayon dahil kung hindi ka inilaan sakanya? Matagal ka nang patay at inuuod sa ilalim ng lupa."
Tumalikod na ako at sinimulang tumakbo na mabilis naman niyang ginaya. "Kahit anong gawin mo Rayve, hindi ako babalik sa Babylonia!"
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo na agad niyang tinularan.
Wala na akong pakialam kung sasama siya sa pupuntahan ko basta ba'y hindi niya ako pakikialaman sa mga gagawin ko.