Nang makarating kami sa Algerioun, napakatuyot na lupain ang sumalubong sa amin. Sa kalayuan ay tanaw ko ang napakalaking tila palasyo na mabilis kong tinungo subalit agad din akong nagpatigil sa pagtakbo nang makita sa labas nang tarangkahan ang mga katawan nang mga bampira.
Nakahandusay sila sa lupa. Namumutla habang mulat ang mga mata at saloob ng kanilang katawan ay lumulubo ang kanilang mga nangingitim na ugat.
May mga bakas nang kalmot sa kanilang mga katawan pero imbes na pulang dugo ay kulay itim ang mga iyon na nagkalat sa kanilang mga kasuotan. Sa kanilang mata makikita ang matinding kilabot.
Huminto naman sa aking tabi si Rayve at katulad ko ay nagtatakang tinitigan ang mga bangkay.
"Anong nangyari dito?"Mahinang sambit niya.
"Hindi ko alam."
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Kakaibang katahimikan ang siyang bumabalot dito. Maging sa palasyo.... walang buhay. Wala akong maramdamang paggalaw na siyang maaring magbigay sa akin nang pahiwatig na may nabubuhay sa buong kalugarang ito.
"Ano bang ginagawa mo rito,Miss Nadia? Bakit dito ka nagtungo?"
"Hinahanap ko ang kaibigan ko na kinuha nang kanilang pinuno."
Napailing itong tumingin sa akin.
"Masama ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Kailan man ay hindi pa ako nakasaksi ng ganitong uri ng kamatayan subalit may nabasa ako tungkol sa ganitong pangyayari." Seryosong sambit nito saakin.
"Anong ibig mong sabihin Rayve?"
"Kung nakuha nga nila ang kaibigan mo, marahil ay patay na rin siya katulad nila." Walang pakundangan sabi nito na siyang nagpakulo nang dugo ko.
Sa isang iglap ay nasa harapan niya na ako at gamit ang dalawang kamay, ikinuyom ko ang kwelyong damit niya upang panakal sakanya.
"Anong sabi mo?" Mapanganib kong tanong sa kanya.
Madilim ang aking mukha at sigurado ako na nakikita nito ang unti unting pagbabago nang kulay nang mata ko.
"M-miss Nadia....a-ang mata mo" My takot nitong bulong habang nakatitig sa aking mga mata.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo."Matigas at naghahamong sambit ko sa mapanganib na tono.
Ngunit imbis na gawin ang sinabi ko ay sapilitan nitong tinanggal ang pagkakahawak ko sakanya.
"Miss napakadelikado kung narito tayo sa lugar na ito. Delikado ang buhay nating dalawa. At kung hindi nga ako nagkakamali....isang nilalang lamang ang maaaring gumawa nito dito."
Mabilis nitong ipinalibot nang tingin ang buong palagid at tila agila ang tulis ng mga paningin nitong sumusuri, matapos ay hinagod nito ang kanyang buhok na tila namomroblema.
"Fuck! So it's fucking true then? Totoo nga ang propesiya."
Nang lingunin ako nito, may kakaibang emosyong naglalaro sa kanyang mga mata. Agad iyong nawala at umiling sa kanyang sarili.
Kunot ang noo kong pinanuod ang bawat galaw niya. "Ano bang problema mo Rayve? Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Ano ang tungkol sa propesiya?" Naguguluhang tanong ko sa sinabi nito kanina.
Napatitig ito sa akin ng matagal at tila nagdadalawang isip na sagutin ang mga tanong na ibinato ko sakanya.
Nang akmang sasagot na ito ay may mga yabag at boses kaming narinig na sumusigaw mula sa malayo. Nang lingunin namin ni Rayve ang pinanggalingan ng mga iyon ay gayon na lamang ang paglaglag nang panga ko habang nakatitig sa apat na bultong tumatakbo papalapit sa amin.
Nangunguna roon sina Mocca at Elvis.
~
"Baliw kana ba talaga ha?! Why did you do that? Hindi mo inisip ang pweding mangyari sa kanya sa oras na lumabas siya nang bahay! And now this! We found out that its fucking true all along! You're so fucking selfish! Sarili mo lang ang iniisp mo! Akala ko ba matagal mo nang binura ang kabaliwang nararamdaman mo kay Master? Then why, Vita? Why betray us all?!" Halos umalingaw ngaw sa buong kagubatan ang galit na boses ni Rayve.
"You should have known that will happen, the moment you removed her ties! Hindi niyo dapat siya pinagkatiwalaan! You should know that and don't fucking blame me, Rayve! Don't you dare!"
Galit ding sagot ni Vita.
Tahimik ang lahat sa amin maliban sa kanilang dalawa na nasa likod ko. Sa magkabilang gilid ko naman ay si Elvis at Traffy habang si Mocca ay nasa harapan.
Seryoso ang mga mukha nilang naglalakad papalabas sa lugar ng Algerioun. Nang dumating sila kanina ay ganoong reaksiyon din ang natanggap namin sa kanila.
Pangamba at pagaalala.
Pinagpilitan nilang umalis na kami sa lugar na iyon dahil daw napakadelikado. Sila na rin ang umikot at pumasok sa buong palasyo upang hanapin kung naroon ba ang kaibigan ko o kung may natitira pang buhay sa lugar na iyon maliban sa amin subalit iling lamang ang tanging sagot na ibinigay nila sa akin.
Hindi na ako nakapalag nang kuyugin ako ni Mocca at agad na sumunod ang iba na mabilis akong pinalibutan na tila pinoprotektahan sa ano mang panganib.
"But you should know better, Vita. I never thought na magagawa mo iyon kay master. Now you have to face the consequence of your stupid action. Better pray to Satan that he haven't learn this things because if he did, we are all fucking dead."Madilim na wika ni Traffy.
Wala ang palakaibigan at maamo nitong mukha. Bagkus ay napalitan iyon ng mapanganib at nakakatakot na itsura. Unti unting nagbabago ang kulay nang balat niya at ang mga braso naman niya ay napapalibutan ng itim na kulay kasabay nang pagkawala ng daliri niya.
"Pati ba naman ikaw Traff? Pinagpipilitang mali ang ginawa ko? Kinakampihan mo na rin pati ang babaeng iyan?"
"Because it's true, Vita. What you did is wrong at kasalanan mo kung bakit nandidito tayo ngayon, naglalakad pabalik ng Babylonia." Dagdag pa ni Elvis habang diretso pa rin ang tingin, ang mga kamao nito ay mahigpit na nakakuyom.
"Why can't all of you understand?! I did it because it's for the best! She's no good to all of us! Especially kay Master! Isa siyang malas! Simula nang gabing iligtas siya ni Master nagkanda letche letche na ang lahat! You see, sunod-sunod ang gulong nangyari dahil sa kanya, na mas lalong nagpapahirap kay Master. At tayo – imbis na nasa mission ay kasama niyang nakakulong sa loob nang bahay para lang i-baby sitter! She's not even worth it! Not even worth the fight of master."
"But she is the mate! She is Master's dream and the master's love! Alam mo iyan Vita. Kitang kita naman kay Master kung gaano siya kahalaga para kalabanin ang lahat ng nilalang sa buong Vernum na against sa kanya! And we should fucking support him not fucking betray him! In which you did! Tayo lang ang meron siya na hindi against sa kanilang dalawa! Tayo lang Vita! And the rest---- they are all fucking against him! Challenging his incumbencies! His power and superiority! Fuck! He trusted us! But you--! Because of your fucking selfishness and jealousy masisira ang tiwala niya sa atin. Ang tiwalang matagal nating pinaghirapan ng ilang dekada. Sa isang iglap ay mawawala!"
May prustrasyong pagpapaliwanag ni Rayve na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma.
"Kahit ano pang sabihin niyo, hinding hindi ko matatanggap ang babaing iyan. Look at her, she's not even pretty nor beautiful for master to be his mate. Her attitude and all!Hindi siya nararapat para sa katulad ni Master. Wala sa kapasidad niya ang pumantay kay Master. And since we knew that the prophecy is true -- soon.....Im sure as hell Master will discard this bitch like a fucking trash because he'll choose the better and more capable woman for him. Wala siyang kakayahang mamuno kasama ni Master. Infact.....pinapatay niya pa nga sila eh. And oh, I have heard about the woman in the prophecy..."
Napatigil silang lahat sa paglalakad at nilingon si Vita. Maging ako ay nilingon siya at doo'y nakaukit sa kanyang mukha ang ngiti nang isang tusong kontrabida.
"What? What about her?" Walang emosyong sambit ni Mocca.
"Sa palagay ko ay hindi ito ang panahon para pagusapan ang bagay na iyan." Wika naman ni Elvis na mabilis na napatingin sa akin.
"They say...she's a royalty – the missing Elskerian uncrown Queen and I have learned that the council is making their moves to find the woman even though Master is against on the idea." Ngingisi-ngising tumingin ito sa akin.
"At ikaw, hindi ba't nagkasundo na tayo? Ang sabi mo hindi ka na magpapakita kapag umalis ka. Pero bakit nandito ka pa rin? But then again, hindi magtatagal si Master mismo ang magtataboy sayo." Mataray nitong sabi sa akin na hindi ko pinansin.
Ang mga kasama ko ay nanatiling walang imik na labis ko namang ipinagtaka.
Bakit ganito ang reaksiyon nila?
Ano ba ang pinaguusapan nila kanina? Elskerian Queen? Ano naman ang bagay na iyon at ganito na lang silang lahat kaapektado?
Ilang sandali pa'y ipinagpatuloy na nila ang paglalakad subalit lahat ay nanatiling walang imik maliban kay Vita na madalas magreklamo at magparinig sa akin.
Nang sumapit ang dilim ay nagpasya kaming magpahinga sandali sa isang malaking puno na may naglalakihang ugat. Umupo kami roon at tumabi naman sa akin si Mocca at Traffy, samantalang sina Elvis at Rayve ay nagtabi sa isang gilid, si Vita ay magisang nakaupo sa itaas ng puno.
"Ngapala, ano bang alam niyo na mayroon sa lugar ng Algerioun?" Basag ko sa katahimikan nang maalala ang sumalubong sa amin kanina.
Tinignan ko silang lahat na kasama ko sa baba pero hindi sila makatingin sa akin. Napaingos naman si Vita at napahalakhak nang mahina.
"Hindi mo gugustuhing malaman."
"Shut up, Vita!" Inis na sambit ni Rayve at tiningnan ito nang masama.
Mas lalo akong nagtaka sa naging reaksiyon ni Rayve sa sinabi ni Vita saakin dahil sa pakiramdam na tila ba ay ayaw nilang sabihin sa akin.
"Bakit Rayve? Ayaw mo bang ipaalam sakanya? Ayaw mong malaman niya ang buong katotohanan nang sinyales na iyon? May karapatan siya Rayve, tutal wala siyang pakialam kay Master. Baka nakakalinutan mo. Iniwan niya si Master nang walang pagaalinlangan."
"I. SAID. SHUT. UP!" Bigla na lamang nabali ang matabang sangang kinauupuan ni Vita.
Mabilis ang paggalaw ng mga kasama ko at sa isang iglap lamang ay wala na kami mula sa ugat na pinaguupuan namin kanina habang hawak ako ni Traffy sa isang braso. Ang iba naman ay nakatayo sa gilid ko maliban kay Rayve na nakatayo lamang sa kinalalagyan niya at masama ang tingin sa nasa ereng si Vita na dahan dahag bumaba mula sa pagkakalutang.
Masama rin ang tinging ipinukol nito kay Rayve. Matapos ay tumingin sa mga kasama ko na tila wala ako roon na nakatayo.
"D-did you just use your power on me, Rayve?" Hindi makapaniwalang tanong nito at bumaling sa mga katabi ko.
"Cant you see what's happening to us? Nagaaway away tayo dahil sa kanya!" Galit nitong duro sa akin.
"You are provoking us!" Marahas na sagot ni Rayve.
"Wag mong uliting simulan ang away kanina, Vita. Sinasabi ko sayo, bilang isang demonyo na nakakaramdam nang kasamaan sa mga taong nakapaligid sa akin, mas malakas ang inerhiya mo. Kapag hindi ako nakapagpigil sa nararamdaman ko sayo, baka mawalan ako nang kontrol sa sarili ko." May pagbabantang sambit naman ni Traffy na matiim na nakatitig kay Vita.
Napipilan ito at hindi nakapag salita habang may hindi makapaniwalang tingin na nakaharap kay Traffy.
"Gagawin mo sakin iyon,Traff? Para sakanya? Magagawa mo rin akong saktan dahil sa babaing iyan? Bakit? Ano bang nakita mo sa kanya para protektahan siya? Nakalimutan mo na ba ang mga kasalanan niya? Pumapatay siya Traff! At ang masaklap pa ay ang mga kauri pa natin! Kaya bakit mo siya ipinagtatanggol? Unless..." Napatingin sa akin si Vita nang nakataas ang isang kilay bago ituloy ang kanyang sinasabi.
"Nahawakan mo na siya."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Vita.
Hindi naman sumagot si Traffy bagkus ay tumalikod ito at nagsimula nang maglakad.
"Mabuti pa tara na. Malayo-layo pa ang lalakbayin natin pabalik sa Babylonia." Sambit nito sambit nito saaming lahat.