"Sandali...." Pagpapatigil sa amin ni Traff mula sa pagtakbo nang akmang papasukin nanaman namin ang isang lupain nang mga bampira.
Kanina pa kami tumatakbo simula nang may umataki sa amin. Nagpapasalamat din ako dahil bumalik na sa katinuan ang mga kasama ko. Si Vita naman ay nanatiling tahimik at hindi na muli pang nagsalita na labis kung ikinahinga ng maluwag. Sapat na ang boses nito sa isip ko. Hindi niya na iyon kailangan pang dagdagan.
"Bakit? Anong nasasagap mo Traff?" May pagaalalang tanong ni Mocca.
"May mali sa lugar na ito. May masama akong nararamdaman na nakapalibot sa bayang ito. Sa palagay ko ay mas ligtas kung sa kagubatan tayo dadaan imbis na suungin ang bayan ng Albanya. Mas mabuti nang matagalan basta ba'y maging ligats si Miss Nadia kaysa pasukin natin ang lugar na ito nang walang kasiguraduhan."
Tumango ang mga kasama ko at di nagtagal nakita ko na lamang ang aming mga sariling mabilis na tinutungo ang direksiyon nang gubat papasok sa Albanya at patungo sa Venniacco bago kami tuluyang makarating sa Babylonia.
Matapos nang mabilis at walang tigil naming paglalakbay, nakarating din kami sa Babylonia – sa mismong harapan nang bahay na pinaglagyan sa akin. Sumisilip na ang haring araw sa kalangitan na siyang nagbibigay nang magandang kulay ng sintunis sa mga ulap. Habang ang mumunting sinag ng araw ay tumatama sa mga punong nakapalibot sa buong lugar na siyang nagbibigay nang kakaibang kaliwanagan.
Mabilis pa sa alas kwatrong tinungo nang mga kasama ko ang pintuan. Nang akmang bubuksan na iyon ni Vita, pinigilan siya ni Rayve sabay tingin sa akin na tila ba hinihinty ako nito. Alanganin ang mga hakbang kong naglakad papalapit sa kanila.
Nang tuluyan na akong makarating sa may pintuan katabi nila ay nginitian nila akong lahat. Binuksan ni Vita ang pintuan at sabay sabay kaming pumasok, subalit agad ding napatigil at nanigas mula sa aming kinatatayuan nang bumungad sa amin ang isang bulto nang lalaki.
Nakatayo ito sa sa likuran nang sopa papaharap sa may pintuan.
Napakaseryo nang mukha nitong nakatitig sa amin - sa akin. Ang mga braso nito ay nakahalukipkip habang nakapatong sa kanyang dibdib na siyang dahilan nang paglabas nang kanyang mga kalamnan. Magulo ang buhok nitong kulay itim at ang kanyang itsura ay tila ba'y pagod subalit kahit ganoon..... napakagandang nilalang pa rin.
Napasinghap ako nang bigla itong mawala mula sa kanyang kinatatayuan at bigla na lang nasa aking harapan.
Matiim nitong tiningnan ang buo kong katawan mula sa aking paa hanggang sa tumaas ang kanyang paningin at makarating iyon sa aking mukha at magtama ang mga mata naming dalawa.
Maraming emosyong ang naglalaro sa asul na berdeng mata nito, nangingibabaw roon ay ang pagaalala at galit.
Napakalapit nang aming katawan, lalong lalo na ng aming mga mukha. Sinapo nito ang aking mukha at marahang hinaplos ang aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki.
"You're safe." Marahang bulong nito at huminga ng maluwag bago kabigin ang aking bewang papalapit sakanya at idampi ang kanyang labi sa aking noo.
Napapikit na lamang ako sa sensasyong lumukob sa akin nang dumaiti ang aming mga katawan at dumampi ang mainit nitong labi sa aking balat.
Mahigpit ako nitong niyakap habang ibinaon naman niya ang kanyang mukha sa aking leeg at huminga nang malalim na tila ba'y hangin ang aking amoy na kailangan niyang amuyin.
Ilang sandali pa ang nakakaraan at nang tanggalin nito ang kanyang mukha sa aking leeg ay muli ako nitong tinitigan bago dahan dahang nilingon sina Rayve at Elvis na magkatabing natuod sa gilid.
Ang seryoso nitong mukha ay unti-unting napalitan ng pandidilim at galit na nagbigay ng kakaibang kilabot sa aking kaibuturan. Lalong lalo na ang pagbabagong kulay nang mga mata nito na naging sintonis at tila ba'y umaaapoy ang mga iyon sa galit.
Sa isang kisap mata, nasa harapan na siya nang dalawa.
Mahigpit nitong hawak ang kanilang mga leeg at baliwalang sabay na itinaas sa ere.
"WHAT DID I TOLD YOU?" Malalim at mariin nitong bulong sa dalawa.
Nanlalaki ang kanilang mga matang punong puno nang takot at pagsisisi na nakatingin sa hari. Hindi sila makapag salita at namumula ang kanilang mga mukha.
Nang lingunin ko sina Traff, Mocca at Vita ay tahimik lamang silang nanunood habang makikita sa kanilang mata ang matinding takot – takot sa maaaring mangyari sa dalawa .
"ONE SIMPLE TASK! Watch over her! Gaano ba iyan kahirap para mabigo kayo? Hindi niyo naman kailangang lumaban, all you have to do is to look after her and keep her safe!"
Humakbang ako papalapit para sana pigilian ang hari pero agad akong napatigil nang pigilan ako ni Mocca.
Nagtatakang nilingon ko siya subalit isang iling lamang ang isinagot niya.
Mahigpit ang hawak nito sa akin na tila bay takot itong lumapit ako sa tatlo.
'Anong ibig niyang sabihin? Ayaw niya bang tulungan sina Rayve at elvis sa kamay ng hari?'
"Nagkamali ba ako? Mali ba ang ginawa kong ipagkatiwala sa inyo ang babaeng kabiyak ko? I trusted you! Palagay ang loob ko na iwan siya sa inyo dahil kayo ----- ay ang pinaka pinagkakatiwaalan ko! But then, pagkarating ko rito wala akong nabungarang tao. Ang mas malala, nawawala rin ang mate ko na akala ko ay ligtas kasama niyo."
Kahit pa may halong Ingles ang mga salitang binitiwan nang hari, naintindiha ko ang kahulugan ng mga sinbi nito.
Isang mabigat na emosyon ang bigla na lamang dumagan sa aking dibdib. May halo iyong sakit na kumukurot sa aking puso. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng emosyon at galit na pinapakita nang hari o sarili kong damdamin sa ginawa kongnpagiwan sa hari ng walang pagaalinlangan kahit pa sa kaalamang kabiyak ko ito.
Iwinaksi ko ang kamay ni Mocca na nakahawak sa akin at akmang hahakbang sanang muli nang bigla na lamang ay hindi ko na maigalaw ang aking mga paa at katawan.
Tila ba may pwersang pumipigil sa akin para kontrolin ang katawan ko'ng gumalaw.
May hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko kay Mocca subalit mabilis namang itong umiling sa akin.
Nababasa ko sa mga mata niya ang pagtanggi na siya ang dahilan nang kapangyarihang nagpabato sa akin.
Ang mga mata nito ay makahulugang tumingin sa hari na tila ba sinasabi nito na ang hari ang may kagagawan.
Wala na akong nagawa kundi tumingin na lamang sa dalawa na hanggang ngayon ay nasa ere pa rin at hawak pa rin sila nang hari.
"Mocca." Mahinang tawag ko sa kanya.
"Hindi natin siya mapipigilan, Miss Nadia. Kapag ganito si master walang nakakalapit sakanya. Walang nagtatangkang pigilan siya dahil sa takot na sa kanila ibaling ang bagsik niya." Sambit ni Mocca na tila ba alam nito ang ibig sabihin ng pagtawag ko sakanya.
"Pero paano sina Rayve at Elvis? Anong mangyayari sa kanila?" Alalang sagot ko.
"Tatanggapin nila ang galit nito at hindi sila lalaban." Seryosong sambit nito na tila ba dapat lamang ang nangyayari 'kina Rayve at Elvis.
"Hindi ba nila pweding dipensahan ang kanilang mga sarili?"
Mapanguyam na mahinang tawa ang nagmula sa kinalalagyan ni Vita.
Nagsalubong ang aking kilay at bahagya siyang nilingon sa gilid. Ramdam ko sa matalim niyang tingin sa akin ang nagtatagong poot at pangungutya.
'Ano ba'ng nakakatawa sa sinabi ko?'
"Hindi. Hinding hindi nila iyon gagawin, dahil sa oras na dumipensa sila o lumaban — kataksilan sa kaharian at sa hari na mas mabigat pa sa kamatayan ang ipapataw sa kanila."
Sa sinabing iyon ni Mocca ay napagtanto ko ang dahilan nang panguuyam na tingin saakin ni Vita.
"Kahit pa alam naman nilang hindi nila kasalanan? Hindi ba sila magrarason at sasabihin ang totoo nangyari?"
"Kahit pa hindi sila ang dahilan ng pagtakas mo, may kasalanan pa rin sila sa nangyari. Tinanggal nila ang tali na dapat ay hindi nila ginawa kung kaya't makakatanggap pa rin sila nang parusa."
"Pero ligtas naman akong nakabalik dito ah? Bakit pa sila kailangang parusahan?" Giit kong rason sakanya.
"Para hindi ulitin ang ginawang kasalanan." Biglang sabat ni Traffy na siyang nagpatahimik saakin.
Alam ko, gayundin ng mga kasama ko na ito ang implikasyon ng mga ginawa ko. Kung kaya't lumukob sa aking damdamin ang munting pagsisi subalit hindi niyon mapapantayan ang nangingibabaw na pagaalalang nararamdaman ko para kay Aria.
Siya lamang ang nagiisa kong kaibigan at pamilya kaya't walang katumbas na pagaalala ang mayroon ako sakanya — maging ang pagsisising nadarama ko sa parusang sasapitin nina Rayve at Elvis o ang walang pasabing pagiwan ko sa hari.
Nang ibalik ko ang atensiyon ko sa ginagawa nang hari ay nanlaki ang mata ko sa takot nang makitang ibinato nito sina Rayve at Elvis sa pader na siyang dahilan nang pagkawasak nito.
Kasama nang nawasak na pader, lumipad ang katawan nilang dalawa sa labas ng bahay.
May kisap ng pagsisisi ang aking mata na tumingin sa sitwasyon nilang dalawa na nakahandusay sa lupa. Gustuhin ko mang lumapit upang tulungan sila at harapin mismo ang hari ay hindi ko magawa.
Di naglaon, kahit pa'y nahihirapan ay dahan- dahang bumangon ang dalawa habang sunod-sunod ang malakas nilang pagubo dahil sa mahigpit na pagkakasakal ng hari sa kanila kanina.
Mabilis silang lumuhod at yumuko sa direksyon ng hari na siya namang nakatayo lamang habang pinapanood ang dalawa sa kanilang ginagawa.
"Hindi pa tayo tapos." Matalim nitong sambit sa dalawa.
Bumaling sa amin ang hari at agad na lumambot ang ekspresyon nito nang tumingin sa akin. Gayunpama'y hindi nito matpan ang panganib na lumalabas sa kanya.
Malakas na nagpintig ang aking puso pero hindi ko masabi kung dahil ba sa kaba na ako na ang isusunod nitong parurusahan o sa pakiramdam na hatid nang pagiging mate niya.
Hindi nakita nang mata ko ang sunod nitong galaw kung kaya't naramdaman ko na lamang ang pagbuhat nito sa akin mula sa kinatatayuan ko at marahan naming binaybay ang daan patungo sa ikalawang palapag nang bahay.
Ni hindi ko napansin kung kailan naalis ang kapangyarihang nagpabato sa akin. Dahil sa mapanglukob na prisensyang dala nito, napuno ang isipan ko ng pamilyar nitong amoy at pakiramdam.
Nang lingunin ko sina Mocca, abala nitong dinadaluhan sina Elvis at Rayve samantalang si Vita naman ay masama parin ang tingin sa akin.
~