Habang naglalakad sa madilim na kagubatan gabay ang liwanag nang buwan ay muling pumalibot sa akin ang apat maliban kay Vita na siyang nasa pinaka hulihan.
Malayo layo na ang nalalakad namin subalit hindi pa rin kami tuluyang nakakaalis sa Algerioun. Kung siguro ay tumakbo kami, marahil kanina pa kami naglalakbay sa ibang lupain.
Punong puno nang katanungan ang aking isipan. Halo halo ang mga iyon at tila sasabog dahil wala man lang kasagutan.
Ano ba talaga ang mayroon sa mga bangkay na ayaw ipaalam sa akin ng mga kasama ko?
Ano ang sinyales na sinasabi ni Vita?
Ano ang karapatan kong malaman na sinasabi niya?
At ano ba ang sinasabi nitong nahawakan na ako ni Traff? Anong mayrooon kung nahawakan niya na ako?
May kinalaman ba iyon sa pagdaop nang aming mga kamay at ang pakiramdam na tila may nahigop sa akin?
At ano rin ang sinasabi nilang Elskerian Queen?
Napatingin ako sa mga kasama ko at malakas na napabuntong hininga.
Bahala na. Kailangan ko nang sagot at makukuha ko iyon mula sa kanila.
Napatikhim muna ako upang kunin ang atensiyon nilang lahat bago magsalita. "Ahem.. hindi niyo pa nasagot ang tanong ko kanina. A-ano ang tungkol sa mga bangkay na nagkalat sa buong palasyo?"
Napatingin sa akin si Mocca at Elvis na siyang nasa magkabilang gilid ko bago nila ilipat ang tingin kay Rayve na siyang nasa likuran ko.
"May karapatan akong malaman dahil nagpunta ako roon para sa kaibigan ko subalit sapilitan niyo akong sinundo pabalik. Ngayon sabihin niyo sa akin kung anong mayroon sa lugar na iyon at ganoon na lang ang kilabot niyong lahat ." Mariing wika ko nang ilang minuto na ay wala man lang sumagot sa tanong ko na tila hindi nila narinig.
Napabuntong hininga naman si Mocca, pagtapos ay pasimple nitong tiningnan si Rayve sa likuran bago muling ilipat ang tingin sa akin.
"Ang nangyari sa lugar na iyon..... ay kagagawan ng isang white wolf." Marahang paguumpisa ni Mocca.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito at di naiwasang itanong sa kanya. "White wolf?"
"Ang white wolf o ang puting lobo ay hindi ordinaryong nilalang sa mundo." Muling napasulyap si Mocca kay Rayven na tila ba hinihintay nitong pigilan siya.
"Sila ang mga espesyal na uri ng lobo na minsan lamang umiral sa mundo."
"Bakit? Anong pagiging espesyal nila sa isang ordinaryong lobo?"
"Isa silang alamat. Akala namin nabubuhay lamang sila sa mga kwento subalit... ang pangyayaring sinapit nang Algerioun ay isang pruweba na hindi ito haka-haka lamang."
"Paano mo nasabi ang bagay na iyan? Ano ba ang mayroon sa kanila?"
"Sila ang Guardian o tagapagbantay na binigyang basbas ni Luna o ang diyosa ng Buwan. Mas malakas, mas malaki at mas mapanganib ang mga white wolf kumpara sa lahat ng nilalang. Nakamamatay silang kalaban. Ang katangian nila ay hindi maikukumpara sa kahit na sino.... Maliban sa binabantayan nito. Ang mga white wolf ay may taglay na lason sa kanilang mga matutulis na kuko. Sa isang kalmot lamang nila mamamatay kana. Nakita mo ba ang mga nangingitim na lumolobong ugat ng mga bangkay roon?"
Tumango ako bilang sagot.
"Iyon ang epekto ng sugat na hatid ng kanilang kuko. Mamamaga ang iyong mga laman sa loob ng iyong katawan at isa isang puputok ang mga iyon. Hanggang sa kumalat ang buong lason sa iyong sistema at katawan ay siya namang paglobo ng iyon ugat. Unti unti kang papatayin sa matinding pagdurusa hanggang sa hindi mo mamamalayan ay tuluyan na palang dumulas sa iyong katawan ang iyong buhay. Kakaiba ang lakas nila, ang bilis, at ang talento. Subalit ang pinaka delikado sa kanila ay ang kanilang mala patalim na ngipin."
"Bakit?" Tanong ko kay Mocca.
"Dahil sa oras na makagat ka, tatagos iyon sa iyon buto hanggang sa makalabas sa iyong balat. Hindi lang sakit ang mararamdaman mo kundi pinaghalong init na tila bay ikay sinusunog sa huling antas nang apat na bilog ng impyerno. Matagal nitong kakainin ang buhay mo. Susunugin ang kaluluwa mo hanggang ang matira na lamang sayo ay ang abo nang iyong pagiral sa mundo. At ang pinaka huli ay ang kanilang mga laway. Mala asidong likido, kapag ika'y natuluan ay maaaring tumunaw sa iyong balat at laman hanggang sa matira na lamang sa iyon katawan ay ang iyong buto at sa bandang huli.....kamatayn din ang iyong hantungan." Mahabang pagtatapos ni Mocca.
Matagal akong hindi nakapag salita sa mga sinabi nito. Sa tanang buhay ko.... Ngayon lamang ako nakarinig nang isang nilalang na may ganoong uri nang kakayahan. Nakakamangha at nakakatakot.
"Nais kong makatagpo nang isa." Wala sa sariling sambit ko na siyang nagpatigil sa kanila sa paglalakad at sabay sabay akong lingonin.
"Nababaliw kana ba?!" Malakas at hindi makapaniwalang sigaw nilang lahat sa akin.
"Ikaw lang yata ang taong kilala ko na nais makakita ng isang white wolf, na kung tutuusin ay parang pakikipagkita kay kamatayan." Nanlalaking mata na sambit ni Elvis.
Imbes na sikmatan siya ay nagtanong muli ako. "Paano niyo naman nalaman ang mga bagay na iyan? Kayo ba... nakakita na nang white wolf? Kung ganoon... ano ang kanilang mga itsura? Ganoon ba sila nakakatakot sa mga sinabi niyong kakayahan nila?"
"Hindi pa at hindi namin pinangarap na makakita ng isa." Sabat naman ni Rayve sa likuran ko.
"Sapat na sa amin ang mabasa ang tungkol sa kanila at makita sila sa mga larawang iginuhit noong sinaunang panahon pa lamang." Dagdag din ni Mocca na tila ba pinapatunayan nilang lahat na mali talaga ang nais kong makakita nang isa white wolf..
"Ang mga white wolf....." napatingin ako kay Traffy nang magsalita ito na siyang nasa aking harapan. Humarap ito sa akin at pabaliktad na naglakad. "Ay hindi katulad nang iniisip mong halimaw. Sila ay isa sa mga nilalang na nabiyayaan nang angking kagandahan. Napaka puti at napakalambot nang mga balahibo nila. Pinalilibutan sila nang kumukinang na asul na kulay na katulad sa asul na buwan. Sa kanilang noo...may mga simbolong nakamarka na hugis puso. At ang kanilang mga mata ay kasing asul nang sapirong lumiliwanag."
Habang inilalarawan nito ang itsura nang white wolf ay siyang paglitaw naman ng isang imahe sa aking isipan. Tugmang tugma iyon sa asong nasa loob nang aking imahinasyon.
Ilang sandali pang namayani ang katahimikan bago ulit mabuo ang panibagong katanungan sa aking isipan.
"Kung ganoon.... Napakamakapangyarihan ng white wolf. Ano naman ang mayroon sa binabantayan nito? O di kaya ay ano ang binabantayan nito? Makapangyarihan din ba ito katulad nang sa white wolf? O mas malakas at mas mapanganib pa kaysa sa tagabantay niya? Ang white wolf ba ay nagiiba rin ng anyo? Bakit kinakailangan ng white wolf na bantayan ang binabantayan niya? May tungkulin ba ito? Ganoon ba ito kahalaga?" Sunod sunod na tanong ang bigla na lamang lumabas sa aking bibig at hindi ko iyon mapigilan dahil sa matinding kyuryosidad na kumakain sa akin.
"Kita niyo na? Kayo itong ayaw magsabi sakanya kanina pero kayo rin pala mismo ang magsasalita. Ngayon pinatikim niyo siya sa isang impormasyon.... Mas magugutom pa iyan at magtatanong."
Napairap na lamang ako sa hangin sa komentong ibinigay ni Vita. Umaasang tumingin ako sa kanila na bigyang kasagutan ang aking mga tanong.
"Ang binabantayan ng white wolf ay isa sa pinaka importanteng tao na iiral dito sa mundo. May nakaatang na tungkuling ibinigay sa kanya ang Luna at kadalasan.....nakasaad iyon sa propesiya. Malaki ang gagampanan nito sa buong sang katauhan. At tama ka, Miss Nadia. Mas malakas nga ito sa white wolf. Hindi ko masasagot ang tanong mo kung nagbabago ito nang anyo sapagkat wala namang sinabi sa mga aklat na nabasa namin tungkol sa kanila. Basta ang alam namin, oras na magkaroon o magpakita ang isang puting lobo, may kaganapang mangyayari sa buong sangkatauhan na maaaring magbunga nang ikasasama o ikabubuti ng lahat" Seryosong paliwanag ni Rayve sa lahat ng katanungan ko.
Napatango tango ako kay Rayve at nagpasalamat dahil sa pagsagot na ginawa nito.
"Nakita mo na? Ngayon alam mo nang wala kang binatbat sakanya. Isa ka lamang hunter na kinatatakutan samantalang siya.... Ay isang nilalang na pinahahalagahan ng lahat ng nilalang at mas nararapat sa hari."
Muli ko sanang palalampasin ang sinabi ni Vita subalit hindi maiwasan ang pagtaas nang isang kilay ko at ang awtomatikong pagkukot nang kamao ko sa mga huling salitang sinabi nito.
Mas nararapat sa hari?
"Walang wala ang ipinagyayabang mong pangalan sa misteryosang babae na tinutukoy sa propesiya. Sigurado ako, kapag nahanap siya ng council, ikaw na mate niya ay tuluyan ng mawawala. Aanhin naman kasi nang hari ang isang babaeng katulad mo na hindi makakatulong sa kanya? Aanhin niya ang babaeng walang kuwenta na hindi makapagliligtas sa sangkatauhan? Wala. Sa tingin mo ba mas pipiliin ka niya kaysa sa sinasakupan niya? Hindi. At isa pa, walang tatanggap sayo. At katulad nang sinabi ko sayo noon... sisirain mo ang hari sa napaka pangit na reputasyon mo sa buong Vernu-------"
Hindi na nito nagawang ituloy ang kanyang sasabihin dahil sa isang iglap ay nahawi ko na sa aking likuran si Rayve at ang batong kani kanina lamang na nasa lupa sa aking harapan ay mabilis nang bumubulusok sa kanyang direksiyon.
Walang emosyon ang aking mukha habang sin lamig naman ng niyebe ang aking mga matang nakatitig sa nabatong Vita sa kinalalagyan niya.
Nanlalaki ang mga mata nito at pinanuod lamang na tumama sa gilid nang pisngi niya ang batong sinipa ko padulas sa kinalalagyan niya at patuloy na lumipad iyon sa kanyang likuran.
Kasabay nang pagsinghap niya at paghawak sa pisnging bahagyang nasugatan ay siya ring pagbagsak nang isang katawan sa kanyang likuran.
"Dalawa ang layunin nang batong iyan..." Malamig na umpisa ko.
"Una, ay isang banta na kapag sinuway mo at muli akong insultuhin ng harapan hindi ako mangingiming putulin ang napaka tabil mong dila. Pangalawa,ay isang paalala na kahit na walang kalaban, kung wala ka naman sa iyong teritoryo ay huwag na huwag mong ibababa ang iyong pakiramdam sa paligid dahil hindi mo alam kung kailan aataki sayo ang kalaban."
Tulalang napatango ito sa akin ngunit sa kanyang mata, supilin man niya ay nakita ko pa rin ang emosyon ng takot. Nang lingunin ko ang aking mga kasama ay tila sila naestatwa sa kanilang kinatatayuan habang nakatingin - sa hindi ko mawari kung kay Vita ba na hanggang ngayon ay tulala pa ring nakatingin sa akin o sa katawan ng isang demoyo sa likuran niya na ngayon ay nakahandusay na sa lupa.
Hindi ko na hinintay na bumalik silang lahat sa katinuan dahil mabilis akong tumakbo kay Vita at sinalag ang mangilan ngilang pagataki nang limang demonyo sa kanya. Pulido ang bawat galaw ko at walang kahirap hirap ko silang nilabanan.
Makalipas lamang ang limang minuto ay tumba na silang lahat at may bali baling buto sa katawan habang ang iba naman kung hindi ako nagkakamali - kanina nang tirahin ko ay nasobrahan yata at hindi na humihinga – ang iba'y duguan dahil sa pagkawalay nang ibang parte nang kanilang mga katawan.
Marahil, hindi ko nakontrol ang sarili ko lalo pa't paulit ulit na sumisiksik sa aking isipan ang nakakairitang boses ni Vita kasama nang mga pangiinsulto niya sa akin at tungkol sa hari.
Mabigat ang loob ko sa tuwing sinasabi nito na hindi ako karapat dapat sa hari na tila ba'y batong dumadagan sa aking puso para pigilan ang pagtibok nito nang maayos. Sila – na kaawa awang nilalang ang napaglabasan ko nang sama nang loob.
Napabuntong hininga na lamang ako at ipinagpag ang aking kamay at kasuotan. Nang harapin ko silang lahat ay nakanganga ang mga ito at may nanlalaking mata na nakatingin sa akin.
"Ano?" Tanong ko sa kanila.
"G-ganoon kabilis? Tinapos mo silang lima nang ganoon kabilis gamit lamang ang lakas at bilis mo? To think na nagiisa ka pa. Huwag kang magagalit Miss Nadia ha... alam naman naming magaling ka sa pakikipag laban pero hindi namin alam na ganito------kagaling. Lalo pa't kung iisipin ay hindi madaling patayin ang mga demonyo pero nagawa mo lamang nang mabilis na para bang nakikipaglaro ka lang."
Napakibit balikat na lamang ako sa sinabi ni Mocca at muli nang ipinag patuloy ang paglalakad.
"Marahil ay masyado lamang akong nasabik na lumaban ulit kaya mabilis ko silang napatumba." Dahilan ko na parang wala lamang iyon at binigyan sila nang maliit na ngiti.
Pero ang katotohanan ay nagngingitngit ang aking kalooban at nangangati pa rin ang aking kamay na makipag laban. Patuloy na may tumatarak na karayom sa aking dibdib dahil sa mga salita ni Vita na hindi maalis alis sa aking isipan at ang tanging gusto ko lamang ay ilabas iyon.
~