"Hey!"
"Miss!"
Naalimpungatan ako sa mahinang bulong sa aking harapan kasama nang pagyogyog nang kung sino man sa aking balikat.
"Wake up!"
Nang imulat ko ang aking mata bumungad sa akin ang mukha ni Vita. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at pinakatitigan siya.
"Ano pang hinihintay mo? Hindi ka makakalayo rito kung tititigan mo lamang ako. Bumangon kana dahil oras na para mawala ka rito."
Agad akong bumangon. Binigyan ako nito nang isang kasuotan. Isang hapit na hapit na itim na damit na umaabot sa aking pupulsuhan ang manggas samantalang sa pang ibaba naman ay isang itim din na pulinas.
Matapos ay agad kong isinuot ang isang pares ng itim na sapatos. Ganito ang kadalasang suot nang mga hunter.
Nang matapos ay napatingin ako sakanya subalit agad itong tumalikod at iginiya ako palabas nang silid. Habang papalabas kami nang bahay muling sumundot sa akin dibdib ang munting konsensya para sa tiwalang ibinigay nila, lalong lalo na si Mocca. Ngunit agad ko rin iyong sinupil at hindi hinayaang kainin ang aking sistema bago pa nito ako pigilan sa aming plano.
Tahimik lamang akong nakasunod kay Vita at maging ito ay hindi rin nagsasalita. Malayo layo na ang aming natakbo mula sa bahay. Ang buong lugar na kinalalagyan namin ay puno ng higanteng puno.
Mausok ang paligid na humahalo sa kadiliman at kalamigan ng lugar. Nang ilang pagliko at pagdaan sa mga nakakalitong daanan bago bumungad sa aming harapan ang isang tila bungad na daan.
Napatigil si Vita at humarap ito sa akin. Walang bakas nang pagod sa kanyang kagandahan. Ang mga mata niya ay may kislap ng kasamaan.
"Hanggang dito na lang ako, Miss. Pagkalabas mo sa lagusang ito huwag ka nang babalik. At huwag na huwag mong tangkaing magpakita nino man sa mga kasama ko lalong lalo na sa hari. Kung kinakailangang magtago ka upang hindi ka niya mahanap, gawin mo. Tandaan mo ang mga bagay na sinabi ko sayo. Hindi ka nababagay sa kanya. Walang lugar sa buhay nang hari ang isang mababang uri nang nilalang na katulad mo. Maglaho ka na parang bula na tila ba'y hindi umikot ang iyong pagkatao sa mundo."
Napahinga ako nang malalim habang matiim na nakatingin sa kanyang mga mata. May kirot sa aking puso sa bawat salitang sinasabi nito tungkol sa amin nang hari.
"Gagawin ko ang mga sinabi mo. Pero, hanggang dito na lang iyang mga salitang sinasabi mo tungkol sa akin. Dahil sa oras na magkita ulit tayo at magawa mo akong insultuhin..... hindi ako mangingiming putulan ka nang dila. Tandaan mo, ako pa rin ng kinatatakutan nang lahat na si Night Hunter. Kung kaya't kahit tinulungan mo ako ngayon, sa pangalawang pagkakataong magtagpo tayo ay isa ka na sa mga nilalang na pinupuntirya ko." Nagngingitngit ang aking damdamin na nagbanta sakanya.
Napangisi naman ito bago magsalita.
"Huwag kang mayabang. Kabilang ako sa mga Elites – mga nilalang na may ibang klase nang kapangyarihan. Mas nakakataas ako sa mga ordinaryong nilalang lalong lalo na sa katulad mo. Kaya naman munting payo lang..... baka ang mga salitang binitiwan mo ay kainin mo rin balang araw."
"Makikita natin pagdating nang panahon."
Tumalikod na ito at akmang aaalis nang pigilan ko.
"Sandali."
Nilingon ako nito sa kanyang balikat at hinintay ang aking sasabihin. Napabuntong hininga naman ako dahil sa katanungan nais kong malaman simula nang araw na magkaroon kami nang kasunduang dalawa.
Hindi ito maalis sa aking isipian at palagay ko ay mababaliw ako kapag hindi ko nalaman ang kasagutan.
"May pagtatangi kaba sa hari?"
Ngumiti ito bago sumagot.
"Gusto mo nang tapat na kasagutan? Oo. May pagtatangi ako sa kanya. At hindi ako papayag na ang kagaya mo lamang ang sisira sa matagal na panahong pinaghirapan ko mapalayo lamang siya sa mga ibang kababaihan. Hindi ikaw na bigla na lamang lumitaw ang magnanakaw sa kanya sa akin. Hindi ako papayag at hanggat nabubuhay ako.... Hanggat tinatangi ko siya, walang sino man kahit pa ang mate niya ang maaaring umangkin sa kanya."
Pagkatapos nitong magsalita ay nawala ito sa aking harapan na tila ba'y walang Vita na kanikani lang nakatayo roon.
Habang pinoproseso naman nang utak ko ang mga salitang binitiwan niya, pakiramdam ko natalo ako sa isang laban sa mga sinabi niya.
Tinatangi niya ang hari -- ang taong itinadhana para sa akin.
Ngayon, aalis ako- natalo ako sa laban nang hindi ko alam ay kasama pala ako. Samantalang siya, ay nanalo dahil nagawa niya akong itaboy sa hari. Nangako ako na hindi na babalik at magpapakita.
Ngayon naalala ko ang sinabi ko noong mga panahong nagaway kaming dalawa ni Aria.
Ang mate na hiningi ko sa itaas ay ipinagkaloob niya. Nagtagpo kami subalit.... Sa bandang huli, ay ako pala ang mangiiwan sa kanya.
~
Ilang oras na ang lumipas simula nang makalabas ako nang Babylonia at ilang oras na din akong tumatakbo pabalik sa aming tahanan ni Aria.Umaasa na sana ay naroon na siya at hinihintay ako.
Hindi ako dumaan sa mga bayan bagkus ay sa kagubatan na kung saan maraming pasikot sikot at kahit pa nakakalito ang mga daan papalabas lamang sa lugar na iyon, nagawa ko.
Nang makita ko ang mga pamilyar na daan sa mga gubat na madalas maging lugar nang aking pagpatay sa ibat-ibang nilalang – may walong oras na ang nakakaraan – ibig sabihin may araw na at halos papalubog nanaman ito – mas ginanahan ako sa pagtakbo. Subalit nang makarating ako sa bahay namin ay labis ang pagkabigong naramdaman ko na ganoon pa rin iyon katulad nang iwan ko.
Magulo,makalat at hanggang ngayon ay naroon pa rin sa salamin nakaukit ang sulat na iniwan sa akin ng kumuha sakanya.
Nasaan na ba siya?
Ligtaslang kaya siya?
Buhay pa ba siya?
Halos magiisang buwan narin simula nang mangyari ito. Napabuntong hininga na lamang ako at pabagsak na umupo sa upuan. Napangiwi ako sa sakit at agad na pinagsisihan ang aking ginawa dahil naalala kong kahoy pala ang aming silya hindi katulad sa tahanan nang hari na sopang napakalambot at maaari mo pang ipatalbog ang iyon pwetan.
Anong gagawin ko?
Paano ko siya hahanapin gayong wala na ang amoy na bakas nang mga kumuha sakanya?
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok sa kawalan nang ideya kung nasaan si Aria.
Idagdag pa ang unti unti ko nang nararamdamang pagod na lumulukob sa buo kong katawan dahil sa walang pahingang pagtakbot at sumasabay pa ang pagkirot nang aking ulo. Wala akong alam na lugar na maaaring pagdalhan kay Aria.
Alam kong bampira ang kumuha sakanya at malaking tulong na kaalaman iyon subalit - dapat matagal na siyang pinakawalan dahil nasa kamay na ako nang hari. Dapat rin na nasabi sa akin nang hari kung hawak nila ang kaibigan ko pero hindi. Kailan ma'y wala itong nabanggit.
Napapikit na lamang ako habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking ulo. Kailangan kong magisip ng paraan para mahanap siya.
Kasalanan ko ito eh. Pati tuloy siya nadadamay sa gulo nang buhay ko.
Muli kong sinariwa sa aking isipan ang buong detalye nang pasukin ko ang bahay.
Ang gulo gulong gamit, mga kalmot sa kahoy na ding ding na tila galit na galit ang mga taong may gawa niyon sa akin at ang amoy---tama! Ang amoy nila!
Kailanagan ko lang iyong mahanap at sigurado akong makikita ko ang mga kumuha sa kanya.
Nang aking alalahanin ang amoy na aking nalanghap nang pasukin ko ang bahay ay nakompirma kong mga bambira nga ang mga iyon.
Nakakabit na sa kanila ang amoy nang dugo ngunit may kahalo iyon. Kung simpleng bampira lamang, amoy nang dugo at ibat ibang uri nang bango subalit.....ang naaalala ko sa amoy nang mga taong nanloob sa bahay na ito ay dugong may halong lupa. Napakabaho na hindi maikukumpara sa amoy ng mga normal na bampira.
Kung ganoon..... isa lamang ang ibig sabihin niyon.
Mabilis akong napamulagat at sa isang kisap mata ay nakarating ako sa harap nang salamin.Marahan kong hinaplos ang -X- na nakasulat matapos ay inamoy ang aking daliring pinang haplos sa natuyot na dugo ni Aria.
Isang mapanganib na ngiti ang biglang gumuhit sa aking labi habang tinititigan ang aking mukha sa may sulat na salamin at patuloy na inaamoy ang aking daliri.
Ngayon alam ko na. Kilala ko na siya.
Xiarxianno!