Chereads / ROYALTALE 1: The Huntress / Chapter 14 - KABANATA 5.1

Chapter 14 - KABANATA 5.1

Nang imulat ko ang aking mata kinabukasan, wala na ang lalaking tumabi sa akin. Walang bakas na dumating ito at tumabi sa aking pagtulog. Napabuntong hininga ako sa kakulangang bigla na lamang lumitaw sa aking puso.

Tumitig ako sa kisami at muling inalala ang nangyari.

Isang napakagandang panaginip....

Mananaginip ba ulit ako nang ganon?

May pagkakataon kayang mangayri ang bagay na iyon sa realidad?

Napapailing na bumangon ako sa kama at nagtungo sa palikuran. Inayos ko ang aking sarili at naghanda na para sa darating na almusal. Muling bumalik sa akin ang aking isipin.

Kailan ba magpapakita ang mga lalaking iyon?

Mabilis akong napatingin sa pintuan nang may kumatok doon. Bumukas iyon at gayon na lang ang saya at kaba na aking naramdaman nang makita kung sino ang mga pumasok. Wala sa sariling napangiti ako sa kanila na siya namang ikinatigil nila sa paglalakad.

"Ahm... Rayve? Ayos lang kaya siya? Nung huli kong punta rito binato niya ako ng plato. Ngayon naman nakangiti siya sa atin. She's creepy." Bulong ni Elvis na nagpaigting sa panga ng kasama niya.

"Alam ko. Wag mo nang ipaalala. Maghanda ka lang baka mamaya umatake nanaman siya. Hindi tayo makakalaban. Tandaan mo kung bakit tayo nandito Elvis. Kaya imbis na matakot ka, tatagan mo ang loob mo."

Ipinagpatuloy na nila ang paglalakad at ang pinakahuling pumasok sa kwarto ay si Vita na seryoso ang ekspresyon sa mukha. Bahagyang nawala ang aking ngiti at tumitig sakanya.

Tumango ito hudyat na ngayon ko na maaaring umpisahang hikayatin si Rayve na tanggalin ang mga lubid sa aking mga kamay at paa.

"M- miss Nadia... narito na ang agahan mo." Inilapag ni Elvis ang hawak ni Rayve na bandehado.

"Salamat. Nasaan nga pala si Mocca?".

" Nasa bayan, Miss. Bumibili nang iba pang mga kasangkapang kinakailangan dito sa bahay."

Tumango ako kay Rayve at inumpisahan nang kumain.

Ilang sandali pa'y napatigil ako sa ginagawa sapagkat hanggang ngayon ay nakatayo pa rin silang dalawa sa aking harapan na tila may hinihintay. Tiningala ko silang dalawa at binigyan ng nagtatakang tingin.

"May kailangan pa kayo?"

Nagsikuhan muna sila bago humakbang paharap si Elvis.

"M-Miss Nadia----"

"Teka... paano mo nalaman ang pangalan ko?" Kunot noo-ng putol ko sakanya.

"Nalaman namin kay Mocca." Tumango ako bilang sagot.

"Miss Nadia.... Para sayo." Iniabot nito ang isang dosenang bulaklak na maayos na nakabalot sa mamahaling plastik. Maganda ang pagkakaayos nito at halatang pinaghirapang ayusin.

Napatingin naman ako sa bandehado kung saan nakahiga ang isang tangkay ng pulang rosas katabi ang pamilyar na parisukat na maliit na papel .

"Para saan iyan? Mayroon na akong bulaklak rito o. Galing din ba sa hari?"

"Ah -- Miss... galing ito sa akin. At ito pa oh." Sabay labas ulit nang isang basket na puno nang ibat-ibang klase ng prutas.

Tinitigan ko ang mga iyon at nagtatakang tinignan siya. Tinanggap ko ang mga iyon at marahang inilagay sa lamesa katabi ng kama. "Salamat. Ngunit bakit mo ako binibigyan ng mga iyan?"

"Miss.." Pukaw naman ni Rayve sa atensiyon ko.

"Para sayo." Sabay abot nito ng napakaraming tsukolate at bulaklak na katulad ng kay Elvis subalit iba lamang ang uri ng bulaklak.

Napakunot ang aking noo sa kanilang dalawa. Naguguluhang tinanggap ko iyon at matiim silang tinitigan. "Para saan ba ang mga iyon at bakit niyo ako bininbigyan?"

" Para sayo, Miss." Sambit ni Elvis.

"Paghingi namin ng tawad."Dagdag naman ni Rayve.

"Pakiusap, sana'y patawarin mo na kami." Sabay nilang sabi sabay yuko nang kanilang mga ulo.

Napataas ang kilay ko sa kanila. "Kung ganon sinusuhulan niyo ako para patawarin kayo?"

Mabailis silang napailing sa mga sinabi ko.

"Nagkakamali ka, Miss. Hindi iyan suhol. Regalo namin para sayo." Mabilis na paliwanag ni Rayve. Binalingan nito nang tingin ang kasama at tinitigan nang masama.

"Ano?" Walang boses na tanong ni Elvis kay Rayve.

"Ang sabi mo effective ito? Ano bang klaseng strategy ang sinabi mo? May nalalaman ka pang pagpunta sa mundo ng mga tao at ipag malaki sa akin ang paraang naiisip mo, ngayon kinikuwestyon tayo sa kagagawan mo." Pabulong na singhal naman ni Rayve.

"Aba malay ko ba! E sa ganito ang nakita kong panunuyo ng mga tao para patawarin sila nang mga taong pinagkasalaan nila eh." Ganting singhal din ni Elvis.

Dumako naman ang tingin ko kay Vita na tahimik kaming pinapanood. Nang magtama ang mga mata naming dalawa tumango ulit ito na tila sinasabing simulan ko na.

Tumikhim ako upang kunin ang atensiyon nilang dalawa na hanggang ngayon ay pabulong parin na nagbabangayan pero rinig na rinig ko naman.

Mabilis silang tumigil at napatingin sa akin.

"Humihingi kayo nang tawad hindi ba?"

Napatango sila at bahagyang napaatras nang makita ang ngiti sa aking labi.

"At ang kapatawaran ko lamang ang tanging paraan para mapatawad din kayo ng hari...tama?"

Sabay silang tumango.

Napahinga ako nang malalim at tiningnan sila sa mga mata. "Kung ganon, patatawarin ko kayo....."

Agad na nagliwanag ang mukha ni Elvis subalit si Rayve naman ay nanatiling nakatingin sa akin.

"Sa isang kondisyon."

"Ano iyon, Miss? Kahit ano, ibibigay namin. Sabihin mo lang." Masigla at tila atat na batang tanong ni Elvis samantalang si Rayve naman ay bahagyang tiningnan ng masama ang kanyang kasama.

Inilahad ko sa kanila ang paa at kamay kong may maluwang na tali na pulang tela. "Maaari niyo bang tanggalin ang tali ko?"

Nawala ang kasiglahan at ngiti sa mukha ni Elvis samantalang si Rayve naman ay matamang nakatingin sa akin.

"Kahit ano Miss, wag lang ang bagay na iyan. Dahil hindi ka namin mapagbibigyan." Seryosong sambit ni Rayve.

"Kung ganoon, hindi niyo makukuha ang kapatawarang nais niyong dalawa."

Napabuntong hininga si Rayve at nagkatinginan silang dalawa ni Elvis.

"Miss Nadia, sana naman ay intindihin mo. Hindi ka namin pweding pakawalan sa mga taling iyan dahil iyon ang kabilinbilinan nang hari sa amin." Pagrarason naman ni Elvis na tila problemado.

Napakibit balikat ako sa sinabi niya at ipinagkrus ang aking kamay sa ilalim nang aking dibdib. "Kayo ang bahala. Ayaw niyo bang patawarin na kayo ng hari? Ang pagkakaalam ko ay hindi niya kayo kinakausap simula nang gabing malaman niya na ako ang mate niya dahil kayong dalawa ang halos pumatay na sakin sa pagpapahirap na ginawa niyo. Nakadepende iyan sa disisyon niyo. Ayos lang din naman sa akin kung hindi kayo kakausapin ng hari dahil sa kaalamang mahirap na parusa iyon para sa inyo. Tutal karapat dapat lang naman kayong maparusahan e at kung tutuusin ay kulang pa ang parusang sinasapit niyo."

Hindi makapaniwalang napatitig silang dalawa sa akin.

"Hmm..... " inilagay ko ang aking kamay sa ilalim nang aking baba at tumingin sa kisami na tila nagiisp.

"Ano kaya kung padagdagan ko sa hari ang mga parusa niyong dala-----"

"Oo na!Oo na! Wag mo nang padagdagan, Miss. Pakiusap, sapat na ang hindi niya kami pansinin at kauspin. Kaya tama na, tatanggalin na ni Rayve ang tali sa kamay at paa mo." Natatarantang pagputol sa akin ni Elvis at sinikuhan sa tagiliran si Rayve na pinukol siya ng masamang tingin.

"What the hell are you saying, Elvis?" Kunot-noong tanong ni Rayve sa sinabi ni Elvis.

"Bud, hindi ko na kayang tagalan ang galit satin ni Master."

Napaingos naman si Rayve at inirapan ang kausap nito. "Mas magagalit si Master sa kagustuhan mong mangyari."

"Pero Rayve, kapalit nun ay kapatawaran niya. Kapag napatawad na tayo ni Miss Nadia that also means kapatawaran na rin mismo ni Master." Pamimilit ni Elvis.

"You don't know what you're saying, Elvis." Pailing-iling na sambit ni Rayve at binalingan ako nang misteryosong tingin. "I don't even know if we can trust this woman."

"Come on, Ryave! Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?"

Napabuntong hininga ang huli bago marahang yumukod sa akin at maglakad paalis.

"I don't like your idea, Elvis. I think we should speak this matter first to the Master, but then... I also don't like the idea of him being mad at us and being ignored by him. So it's up to you, kapag tinanggal ko ang tali niya, you'll be the one who should guard her twenty-fourth seven."

Nang makalabas si Rayve sa pintuan ay siyang paunti unting pagkawala naman ng pagkakapulupot ng tali sa aking mga kamay at paa. Walang imik na yumuko si Elvis sa akin at nang magtama ang tingin naming dalawa ay binigyan ako nito ng maliit na ngiti bago maglakad paalis.

Samantala, naiwan naman si Vita kasama ko at sa labi niya'y naglalaro ang isang matagumpay at tusong ngiti.

"Magaling ang ginawa mo....Miss. Ngayon, ang kinakailangan mo na lang gawin ay maghintay. Ako ang gagalaw sa labas para walang balakid sa pagalis mo mamaya. Hindi ko akalaing napakadali mong mauto at makumbinsi ang dalawang iyon. Tsk tsk tsk. Akala ko pa man din ay mahihirapan ka at matatagalan." May panguuyam at sarkasmo sa mga salitang binitiwan niya subalit datapwat hindi ako pumakli sa mga salita niya.

Tinitigan ko lamang siya nang walang emosyon at hinintay na matapos sa mga komento niya.

"Ngapala, mukhang napapalapit ka na sa kakambal ko. Ano bang pinagkakaabalahan ninyong dalawa at palagi na lamang siyang narito sa kwarto mo?"

Ang walang emosyon kong mukha ay napalitan ng inis at tinignan siya nang matalim.

"Wala ka nang pakialam doon. Basta ang usapan, tutulungan mo lang akong makaalis dito. Hindi kasama sa pagtulong mo ang pagalam nang pinagkakaabalahan naming dalawa ng kakambal mo."

Matalim din ang matang pinukol nito sa akin at sa isang kisap mata ay nasa may pintuan na siya. Nakatayo at handa nang umalis.

"Oh well, I don't really care. Magsama kayong dalawa."

Napabuntong hininga na lamang ako at napapailing na tinitigan ang pintong kanyang nilabasan.

Makakaalis na ako rito. Sa wakas dumating na ang aking hinihintay na pagkakataon.

Muling lumitaw sa aking isipan ang kaganapang nangyari sa aking panaginip.

Ang hari.

Tiyak na walang kasiguraduhan kung magkikita pa kaming dalawa sa oras na makaalis ako rito.

Napailing na lamang ako nang biglang lumitaw sa akin ang pakiramdam nang labi nitong nakadampi sa akin.

'Ano ba Nadia! Kung ano ano nanaman iyang naiisip at nararamdaman mo! Umayos ka at mabuting pagplanuhan ang iyong gagawin upang hanapin si Aria sa oras na makaalis ka rito.' Matigas na paalala ko sa aking sarili.

~