"My little ifrit... a red rose flower for my good morning to you. I'm afraid I wouldn't be on your side to feed you and taste your sweetness. Still, eat the food I cooked for you. Have a good day without me. -V"
Namumula ang mga pisngi at di mapigil na ngiti ang pilit kumakawala sa labi ni Mocca. Tila ba ito'y kinikilig sa nabasa.
"Mocca? Maaari mo bang ipaliwanag ang iyong binasa at ganyan ka na lang makangiti?"
Tumango ito nang maraming beses at mas lalo pang lumawak ang kanyang ngiti.
" Ang munti kong demonyita....-"
Halos masamid ako sa pagkakainom ko sa tubig sa kanyang winika.
Demonyita?
Ang munti kong demonyita?!
Ang kapal naman ng nilalang na iyon na tawagin akong demonyita!
" May problema ba Miss Nadia?"
Problema? Malaki. Sinong babae ang nanaising matawag nang demonyita kung wala ka naman taglay na dalawang malalaking sungay o kahit isa pwedi na - sa iyong noo at kalahating katawan ng kambing na may mahabang buntot sa iyong ibabang parte ng katawan?
Hindi rin naman sing kapal ng katulad sa bayawak ang aking balat at sin talim ng mga patalim ang aking mga ngipin.
Marami akong pilat, inaamin ko iyan. Lahat sila ay hindi maganda – pero ang demonyita?
Sumosobra naman yata ang walanghiyang nilalang na iyon sa pagbibigay puri sa akin at sa lahat ng pagkukumparahan niya ay sa demonyo pa?
"Ayos ka lang?"
At may gana pa talagang kiligin ang babaeng ito samantalang sa unang mga letra pa lamang ng sulat ay may panlalait na, ano pa kaya ang ibang salitang nilalaman ng sulat na iyan?
"Sa palagay ko Mocca ay, wag mo na lamang basahin ang sulat na iyan."
"Bakit naman, Miss Nadia?"
Dahil paghindi ako nakapagtimpi rito ay maaaring mawala ako sa sarili at sugurin iyan sinasabi mong hari na sumusuyo sa akin.
"Masakit kasi sa tenga."
Hindi lang iyon. Kapag may higit sa isang panlalait na nakasulat riyan, lahat ng bulaklak na ibinigay niya sa akin ay gagawin kong panakal sa leeg niya – tandaan mo, maraming tinik iyon. Siguradong butas butas ang magiging kalalabasan.
"Ha? Pero hindi ko pa naman natatapos basahin ah?"
Sapat na ang unang tatlong salita galing sa kanaya.
"Ipagpaliban mo na lang ang nauna Mocca."
"Ganoon ba? Kung ganoon maaari ko na bang basahin ang ikalawa?"
Tumango ako bilang sagot.
"My nagger woman.... It feels so bad for me not to be able to touch your back and do its magic to heal you, while sitting perfectly on you ofcourse. I miss your softness already as well as your sweet lips and biting words. But mostly, I miss to watch you sleep. Please dream of me and hopefully, we'll be in a magical world that full of passion and only that matter is your kiss.- V"
Pagkatapos nitong basahin ang sulat ay buong mukha na ni Mocca ang namumula at pasikretong timutingin ito sa akin.
"Ano? Bakit ganyan ka makatingin? Ang iyong mukha Mocca, bakit sila namumula? May sinabi ba ang hari na maaari kong ikagalit?"
Imbis na magsalita ay umiling ito at tumingin sa aking labi matapos ay sa gitna nang kamang aming inuupuan.
"Mocca....Maaari mo bang ipaliwanag ang nilalaman ng ikalawang sulat?"
Sana lang.... mali ang aking hinala.
"O-oo naman Miss Nadia.." Yumukod ito na tila nahihiya.
"Kung gayon, maaari mo na bang simulan nang akin nang malaman ang dahilan nang ganyang reaksiyon mula sa iyo?" Dahan-dahan at pilit kong pinapakalma ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig.
"Ahem... Ang aking palaban na babae....."
Dahan dahan akong napatango sa mga salitang una niyang binigkas.
Maayos na iyan kaysa sa salitang demonyita – tanggalin nga lang natin ang salitang 'aking' dahil hindi naman niya ako pagaari.
"Ituloy mo,Mocca." Mabilis na sita ko sakanya nang sandaling tumigil ito sa akin nang alanganin.
"Ang aking palaban na babae... hindi maganda ang aking pakiramdam sapagkat, hindi ko magawang ang likod mo ay hawakan at pagalingin ka sa mahikang dulot nito habang maayos na nakaupo sa iyong l-likuran. Hinahanap – hanap ko na ang iyong malambot na katawan at matamis na labi kasama ng iyong makamandag na salita. Higit sa lahat, hinahanap – hanap kong panuorin ka sa iyong pagtulog. Pakiusap, sana'y ako'y iyong mapanaginipan at roon, mapunta tayo sa kakaibang mundo na punong puno ng pasyon at ang tanging mahalaga lamang ay ang iyong h-halik."
Pagkatapos basahin ni Mocca ang sulat ay hindi lang siya ang namumula sa aming dalawa. Sa palagay ko ay kulang na lang sumabog ang aking ulo sa sobrang pula ng mukha ko. Ang aking mga kamay ay mahigpit na nakakuyom at siyang unang sasalubong sa kanya sa oras na siya ay magpakita sa aking muli.
Bastos talaga!
Bakit ba hindi ko naisip na magsusulat siya nang ganyan?
Ngayon... nabasa pa nang isa sa kanyang utusan.
"Sabihin mo nga Mocca..." Marahang at may pagpipigil na umpisa ko.
"M-miss Nadia? Ano po iyon?"
"Ganito ba manuyo ang inyong Hari sa lahat ng mga babae?" Dahan dahan at puno ng kamandag ang bawat salitang binitiwan ko sa kanya.
Ang aking mga ngipin ay mahigpit na nakakagat sa ibaba. Habang sa aking utak naman ay siyang paglitaw nang napakahabang listahan sa mga paraang aking gagamitin upang paslangin ang walang-hiya-bastos-malandi-makapal-ang-mukhang-hari-ng-mga-bampirang-nilalang-na-iyon.
Sa palagay ko'y kulang na kulang pa ang pagsakal sa kanyang leeg gamit ng mga talulot na punong puno ng tinik na rosas.
Oo Nadia kulang iyon, bakit hindi mo kaya idagdag ang mga basag basag na piraso ng mga babasaging kagamitan na tinatawag nilang baso at plato at ipalunok iyon sa kanya?
At oh, wag mong kalimutan ang kutsara at tinidor na hindi mo man gaanong sanay gamitin ay paniguradong kayang kaya mo namang isaksak sa parte ng katawan niya?
Maaari'y sa pagkakataong iyon..... matauhan ang hunghang na nilalang.
'Subalit... hindi rin naman gaanong masama ang sulat nito sa iyo.....Hindi ba't napakaganda nang kanyang nais sa iyong panaginip Nadia? Halik. Ilang araw mo na ba siyang hindi nahahawakan? Nakakausap? At nahahalikan? Hindi ba't hinahanap hana---- '(lanlan)
'NADIA! Umayos ka! Hindi ka maaaring magisip ng ganyang bagay lalo pa't galit ka sa kabastusan niya!' (konkon)
"M-miss Nadia? Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Mocca na ngayon ay tila nagaalala na sa akin.
"Oo naman Mocca. Bakit?"
"Sapagkat kanina pa ako nagtatanong sa iyo kung maaari ko na bang basahin ang iba pang sulat dahil may labing dalawa pang natitira."
Agad akong napatingin sa mga sulat na nakahiga sa kama at sa mga salitang maaaring nakasulat roon.
Malamang lamang na hindi nanaman maganda ang mga laman niyan,paniguradong may kabastusang nakahimlay sa mga salitang nakasulat diyan. Marahil ay sapat na ang dalawang sulat na ito ngayong araw –
'O kung mas maganda ay wag ko na lang alamin ang nilalaman ng iba pa.' (konkon)
Napatango ako sa aking sarili.
Tama! Sa wakas Nadia... nakaisip ka rin nang tama.
Kahit gaano ko pa gustong malaman ang ibang nilalaman ng sulat ay wag na lamang. Sa kapakanan nang aking pagiisip na tila nawawala na sa katinuan - dahil sa dalawang tinig na madalas lumitaw kapag ang hari na ang pinaguusapan at sa kapakanan nang aking kalagayan – dapat mapanatili ko ang disgusto ko sa kanya at iwasan ang aking pakiramdam na tila unti unting natutunaw ang aking inosenting isip sa mga kahalayang ginagawa niya at ipinapahayag.
"Sa palagay ko'y sapat na muna ang dalawa ngayon, Mocca. Maraming salamat sa iyong tulong." Tumango ito at muling sinalansan pabalik sa mesa ang mga sulat.
"Miss Nadia... Nais ko sanang malaman kong gusto mong sagutin ang sulat ni Master?"
Sagutin? Huwag na. Wala naman akong masasabi sakanya. Isa pa, hindi ko na alam kung paano humawak ng panulat.
"Sa susunod na lamang Mocca."
"Ganoon ba?"
"Gustuhin ko ma'y nalimot mo na ba ang aking sinabi? Hindi ako nakapagaral....kung kaya't hindi ako nakakapagsulat."
Nagulat ako sa bigla na lamang lumabas sa aking bibig.
Ano ba Nadia? Hindi ka pa ba nahihiya sa mga sinasabi mo? Talagang ipinapangalandakan mo pa iyan sa kanya?
"Miss Nadia...? Nais mo bang tulungan kita?"
"Tulungan? Saan?"
"Tuturuan kita. Ituturo ko sayo kung paano magbasa, magsulat at ang wikang Ingles na ngayon ay alam ko nang hindi mo pala maintindihan kaya marahil ay hindi ka sumasagot kapag ika'y kinakausap."
"Tuturuan mo ako? Hindi ba't tila napaka tanda ko na yata para magaral? Atsaka, paano mo nalamang hindi ako sumasagot kapag ako'y kinakausap ng Ingles samantlang hindi ka naman nagsasalita ng wikang iyon kapag kausap ako?"
Ngumiti ito na tila may naalala.
"Sapagkat, madalas kong makita si Master na inis na nagsasalitang magisa at palaging itinatanong sa sarili kung bakit hindi mo siya sinasagot sa tuwing nagtatanong siya sa iyo."
"Ganoon ba? Subalit kasalanan naman niya iyon kung hindi ko nasasagot ang tanong niya. Madalas ko siyang pagsabihan na magsalita nang tagalog subalit hindi naman siya nakikinig sa akin kung kaya't hindi ko na lamang siya kinakausap dahil hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi niya sa akin."
"Ipagpaumanhin mo sana Miss sapagkat, hindi sanay si Master na magsalita nang tagalog. Ang orihinal na wika niya ay Ingles."
"Ngunit bakit? Samantalang nung gabing ako'y papatawan ng parusa ay tagalog naman ang kanyang wika."
"Iyon ay dahil ang ibang mga nilalang na naroon ng gabing iyon ay hindi nakakaintindi nang Ingles Miss Nadia, kung kaya't kinakailangan niyang magsalita ng wikang kayang intindihin ng lahat ng nilalang."
Napatango tango na lamang ako bilang sagot sa paliwanag nito.
"Kinakailangan ko nang umalis Miss. Sana marami akong naitulong sa iyo."
"Salamat, Mocca."
"Walang anuman. Inihabilin kayo nang hari sa akin,kung kaya't tungkulin kong kayo ay alagaan at pagsilbihan."
"Kung gayon, maaari mo bang agahan ang pagpunta rito sa aking silid mamaya? Wala akong makausap at masyado na akong nababagot."
"Ikinalulungkot ko subalit hindi ako makakadalo sa paghahatid sa inyong pagkain mamayang gabi, Miss."
"Bakit? Magiging abala ka ba? Kung gayon sino na lang ang maghahatid sa akin dito?" Kunot noo-ng tanong ko sakanya nang may pagtataka.
"Pupunta ako sa malapit na bayan Miss upang bilhan kayo nang ilang aklat,panulat at sulatang papel nang sa gayon ay akin nang maumpisahan ang pagtuturo sa inyo."
Napatitig lamang ako sa nakangiting si Mocca.
"Kung gayon ay seryoso ka sa sinabi mong tuturuan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko na mas nagpalawak naman sa ngiti niya.
"Oo naman Miss. At isa pa... kinakailanagan niyong matuto para sa hinaharap."
Matapos nitong magsalita ay nagbigay galang lamang ito sa akin sandali at nawala na sa aking harapan.
Kung ganon... magaaral ako? At si Mocca ang magiging guro ko?