Dumating ang gabi at wala ngang Mocca na nagpakita. Bagkus ay iniluwa nang pintuan ko ang babaeng naaalala ko na nagngangalang Vita. Katulad nang una ko siyang makita, maganda,balingkinita ang katawan, matangkad at ang kulay lila niyang mata ay nagdadala nang maraming pagbabanta.
Habang naglalakad ito papalapit sa akin dala-dala ang bandehadong may laman nang aking pagkain ay hindi ko maiwasang mapatingin sa itim na kulot-kulot nitong buhok na bahagyang nakabagsak sa kanyang likuran.
Marahan iyong dumuduyan sa kaliwa at kanan ng kanyang bewang sa tuwing humahakbang ito kasabay nang paggalaw nang kanyang balakang. Tila ito isang mangkukulam. Magandang mangkukulam na kahit sino mang naisin niyang paibigin ay mahuhulog sa kanya nang isang tinginan lamang.
Kung si Mocca ay mabait at inosente ang isang ito naman ay mangaakit na punong puno nang panganib.
"Magandang gabi Miss...."
Hindi nakalusot sa aking paningin ang panunuyang ginawa nito habang nagbibigay galang.
"Magandang gabi." Malamig na sambit ko.
Hiling ko na sana, pagkatapos niyang ihatid sa akin ang pagkain ko ay agad na itong umalis at balikan na lamang kapag tapos na ako. Ayoko sa prisensya niya, sa mga mata niyang lubos kung sa akin ay makatitig. May madilim na awrang bumabalot sa kanya.
Ipinilig ko ang aking ulo upang maalis ang mga isiping lumilitaw sa akin. Pagkatapos ilapag ni Vita ang aking pagkain ay agad ko iyong kinuha upang kainin.
Pagkatapos kong kumain at magamot ni Vita ang aking sugat, nagsalita ito na labis kong ikinagulat. "Ayoko sayo." Malambot ang kanyang tinig subalit punong puno iyon nang kamandag.
"Parehas pala tayo."
Nakaupo ako sa kama habang siya naman ay nasa may bintana. Nakatayo habang nakatanaw sa buwan. Ang kanyang buhok ay malayang tinatangay nang hangin kasama nang kulay berde niyang bestida.
"Hindi ka nababagay kay Master." Wika niyang hindi tumingin sa akin na nagpataas nang aking kilay.
"Bakit? Dahil ako si Night Hunter?"
Napatawa siya nang mahina. Nang lingunin ako nito ay ang lila kulay nang kanyang mata ay nahahaluan nang kulay pula.
"Isa lang iyan sa mga dahilan. Kung pagbabasehan kayong dalawa.....ikaw ay impyerrno at siya naman ay langit. Siya ang nirerespetong hari nang lahat, eh ikaw? Ang kinatatakutan at kinasusuklamang halimaw. Kapag naging kayo ni Master...masisisra siya. Mataas ang katayuan niya samantalang ikaw....isa lamang walang kwenta at mababang uri na hindi malaman kung anong klaseng nilalang."
Masyadong matalim ang dila ng isang ito.
"Paano mo nasasabing mayroong 'kami' kung wala naman? Wala akong pakialam sa hari niyo. Wala akong pakialam kung masisira siya. Pwedi ba? Wala akong interes sakanya."
Napahalakhak ito sa sinabi ko na tila iyon na ang pinakanakakatawang bagay sa lahat.
"Kung gayon Miss..... ano iyong nakita ko nang gabing narito pa si Master? Nakaupo siya sa ibabaw mo. Anong ginagawa niyo? Naglalaro? Kung wala kang interes sa kanya bakit naghahalikan kayo?"
Hindi ako nakasagot sa tinuran nito. Pakiramdam ko umakyat ang lahat nang dugo ko sa aking mukha. Kahihiyan at galit ang aking nararamdam sa babaeng nakatayo di kalayuan sa akin habang may nakaguhit na ngisi sa kanyang labi.
Kalma Nadia.
Kalma.
'Wag na wag mong papatulan ang babaeng iyan. Wala kang mapapala. Kasalanan mo naman dahil hinahayaan mo lamang ang hari –' (konkon)
Ngunit kahit ganoon, wala paring siyang karapatang insultuhin ako.
"Anong karapatan mong sabihin iyan? Isa ka lamang utusan." Nawala ang ngiti sa kanyang labi at humakbang papalapit sa akin.
"Hindi lang ako utusan. Mas espesyal ako sa isang utusan. Mas espesyal ako sa katulad mo."
Napahinga ako nang maluwag sa sinabi nito.
Kalma, kaya mo iyan Nadia.
"Mabuti pa, umalis kana. Wala akong panahon makipag away sa iyo."
"Bakit Miss...? Hindi mo ba matanggap ang mga sinabi ko? Alam mo, kung ano man ang ipinapakita niya sa iyo, binabalaan na kita. Hindi ka nararapat sa kanya dahil may mas higit pang nilalang na mas mataas sa iyo at karapat dapat na nilalang na siyang itinadhana para kay Master. Makikita mo, pagkatapos ka niyang paglaruan at pagsawaan, itatapon ka niya na tila isang basura. Malapit na iyon, hintayin mo."
Ang pagpapakalma sa aking sarili ay agad na naglaho sa sunod sunod nitong pangiinsulto sa akin.
Nanginginig sa galit ang aking dalawang kamay na ngayon ay mahigpit nang nakakuyom. Ramdam ko roon ang paunti unti pagsiksik nang aking kuko sa aking palad. Ang aking kalooban ay naghuhumiyaw na sugurin ang babaeng nasa aking harapan pero, kahit gustong gusto ko iyong gawin ay hindi ko ginawa.
Bakit?
Dahil nagtataka ako sa reaksiyong ginagawa nang aking katawan malaman ko lamang na may ibang babae na mas nararapat sa hari. Imbes na ang babaeng ito ang siyang nasa aking utak na sa aking isip ay akin nang binabalatan ng buhay ay isang babae na walang mukha ang naroon. Iyon din ang dahilan nang aking matinding galit.
Kung wala nga akong interes sa hari, bakit ako nakakaramdam nang ganito?
Dahil ba ito sa pagiging mate niya?
" Kaya naman..... narito ako para tulungan ka."
Sa pitong salitang iyon mabilis na natigil ang aking panginginig. Ang tila kumukulo at sasabog kong dugo ay mabilis na kumalma. Subalit madilim pa rin ang aking ekspresyon.
"Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti ito. Ngiting may binabalak.
"Tutulungan kitang tumakas dito."
"Tumakas? Tutulungan mo akong tumakas?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.
Tumango siya bilang sagot at tuluyan nang naglakad sa akin papalapit. Umupo ito sa aking tabi at humarap sa akin ng diretso na tila ba'y siya'y aking kaibigan at walang nangyaring mainit na sagutan sa aming dalawa kanina.
"Nais kong mawala ka na sa landas ni Master nang sa gayon.... Sa hinaharap ay hindi siya mahirapan."
Nakakairita man ang mga sinabi niya subalit hindi ko magawang sumbatan siya dahil sa alok nitong pagtakas sa akin.
Sa wakas... makakalaya na ako mula rito. Mapupntahan ko na si Aria at maililigtas ko na siya.
"Kung gayon...paano mo ako matutulungan?"
"Simple lang, Miss. Nais nina Rayve at Elvis na humingi sa iyo nang tawad. Ang kailangan mo lang gawin ay kumbinsihin si Rayve na alisin ang mga taling iyan na humaharang sa pagalis mo sa bahay na ito."
"Ngunit paano ko iyon gagawin?"
Nagkibit-balikat ito sa sinabi ko.
"Ikaw na ang gumawa nang paraan. Basta ang maitutulong ko lamang ay gabayan ka papalabas dito sa Babylonia."
Tumango ako at nagsisimula nang magisip nang paraan para mapapayag ang lalaking nagngangalang Rayve na siyang isa sa dalawang taong nagpahirap sa akin.
Sana lang.... hindi kalokohan ang sinasabi ng babaeng ito, kung hindi - mararanasan niya ang lupit at bangungunot ni Night Hunter.
Ako parin naman ang kinatatakutan ng lahat.
~