Chereads / ROYALTALE 1: The Huntress / Chapter 10 - KABANATA 3.3

Chapter 10 - KABANATA 3.3

"Magandang gabi Miss, narito na ang iyong pagkain." Masiglang wika ni Mocca.

Nakangiti itong lumapit sa akin, samantalang ako'y nakatayo lamang sa may bintana at pinapanuod ang maliwanag na sinag ng buwan. Humarap ako sakanya at naglakad na papalapit.

"Pagkatapos mo riyan ay ating gagamutin na ang iyong sugat."

Tumango ako at naupo na sa kama upang kumain. Hindi ko mapigilan humanga at matakam sa mga pagkaing kanilang ibinibigay sa akin. Sa tanang buhay ko ngayon lamang ako nakakakain ng ganito. Madalas ay kamote o mga prutas lamang ang nakakain naming dalaw ni Aria na nakasanayan na namin.

"May sikreto akong nais na sabihin sa iyo nang sagayon ay gumanada naman ang pananaw mo kay Master."

Tumigil ako sa pagkain at tumingin sakanya.

"Ano?"Interesadong tanong ko kay Mocca. Ngumiti naman ito at tila mas ginanahang magsalita.

"Alam mo ba na si Master lamang ang tanging tao(bampira) na gumagamot sa sugat mo? Siya lang ang humahawak sa iyo. Siya ang nagalaga sa iyo nung mga panahong wala kang malay at siya ay palaging narito't nakabantay sa iyo. Iniwan niya ang palasyo dahil alam niya na mas kailangan mo siya kaysa ito."

Hindi ako nakapagasalita at matagal na napatitig sa kanya.

Totoo ba?

Kung ganon inalagaan niya ako?

Ibig sabihin – hinawakan niya ako?

Nakita niya ang mga sugat sa katawan ko?

Nakita niya ang mga kasumpa sumpang pilat na tumatak sa akin?

Wala sa sariling kinuha ko ang pulang rosas na nakahiga sa bandehado kasama ang sulat. Binuksan ko iyon at pinakatitigan.

"Subalit siya din naman ang nagsanhi ng mga sugat ko."

" Natural lamang iyon Miss sapagkat siya ang hari na nagbibigay ng kaparusahan sa mga makasalanan. Ngunit hindi ka naman niya pinatay. Bagkus ay iniligtas ka niya sa kamatayan at ngayo'y itinatago dito sa sekretong bahay na para lamang sa pamilya nila."

"Ilang araw na akong tulog?"

"Mahigit isang linggo."

Napamaang ako sa kanya.

Seryoso ba siya? Isang linggo? Paano na ang kaibigan ko?

"Ganoon katagal?"

" Masyadong malubha ang iyong natamong sugat at kung hindi ka kaagad na naagapan ay maaari mo iyong ikinamatay."

"Bakit.... Bakit hindi niya na lamang ako tinuluyan? Pinabayaan?"

"Miss, hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na ikaw ay itinadhana sa kanya?"

"Iyon lang? Iyon lang ang dahilan niya?"

"Hindi simple ang dahilan na iyon miss. Dahil sa ginawa niya may posibilidad na magalit ang lahat ng nilalang sa buong Vernum. Maaaring makwestiyon ang ginawa niya. Hamunin siya nang laban at pabagsakin mula sa kanyang trono."

"Kung may ganoong posibilidad pala bakit mas pinili niya ako kaysa sa kaharian niya?"

"Si Master, matagal na panahon niya nang hinahanap ang mate niya. Alam mo ba na hindi niya pa kinausap ang ibang Elites na nagparusa sa iyo? Nagalit siya sa resulta nang kanilang ginawa kung kaya't ang parusang hindi sila kausapin ni Master ay malaki nang epekto."

"Elites?"

"Iyon ang pangalan ng grupo namin. Ako si Mocca kalahating Ada at bampira. Ako ang doktor na siyang gumagawa ng gamot mo. Lima kaming lahat at ang dalawang lalaki na nagpahirap sa iyo ay sina Rayve at Elvis.Kung kaya't nais nilang dalawa na kausapin ka at humingi nang tawad nang sa gayon ay muli na silang kausapin ni Master."

"Ngayon ko lamang narinig ang inyong grupo. At bakit nasa akin ang kapalaran ng kapatawaran ng inyong hari?"

"Iyon ay dahil hindi naman kami nalalagi rito. Binibigyan kami ng misyon ni Master sa iba't ibang lugar. Nang gabi nang iyong kahatulan, kami ay kanyang ipinatawag. Alam mo ba na malaki ang pasasalamat ko sa iyo sapagkat ilang dekada na rin ng kami ay magkahiwahiwalay na lima? Nasa iyo ang kapalaran ng kapatawaran ni Master dahil kapag napatawad mo silang dalawa ay mapapatawad na rin sila ni Master."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"D-dekada? Ilang taon na kayo?"

"Mahigit nasa dalawang daang taon na."

Napatawa ito nang mahina sa reaksiyon ko. Alam ko naman kasi na kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko mula sa lalagyanan.

"Kung ganon ang inyong hari ay....."

"Tama ka Miss. Wala na siya sa edad na dalawampo't lima dahil ang totoo ay may limang daang taon na siyang nabubuhay dito sa mundo."

Nabitiwan ko ang hawak kong rosas maging ang hawak kong papel.

Matanda na ang hari? Jusko! Mas matanda pa siya sa lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ko!

Ang una at ikalawang halik ko!!!

Napunta....- napunta sa pinakagwapong nilalang na nakita ko na hindi ko alam ay matandang matanda na pala para sa akin!

Dalawampu't tatlo lamang ang edad ko at kung tutuusin ay maaaari ko siyang maging lolo.

"Miss ayos ka lang?"

Sapalagay ko'y nakita nito ang pangangasim ng mukha ko.

Sinong magiging maayos kung malaman mo na singtanda na ng sinaunang puno na binabantayan ni Miana ang lalaking humalik sayo?! Ang mas malala, nagustuhan mo iyon at hinahanaphanap pa!

"A-ayos lang"

"T-tapos na akong kumain."

"Kung ganon maaari ko na bang gamutin ang iyong sugat?"

Tumango ako. Inobliga naman niya ang paggamot sa akin. Katulad iyon ng paraang ginagawa ng matandang hari sa akin noong nakaraang gabi.

"M-mocca? Paano nagawang gamutin ng hari ang aking sugat gayong wala naman akong malay?"

"Iyon ang bagay na siya lamang ang nakakaalam miss....."

Hinintay nito na dagdagan ko ang sinabi niya at sabihin ang aking pangalan subalit hindi ko ginawa.

Maaaring kinakausap ko na siya subalit, wala pa rin akong tiwala sa kanya. Mahirap magbigay nang tiwala sa ibang tao lalo pa't sila mismo ang kalaban mo.

Napabuntong hininga ito mula sa aking likuran at mabilis niyang tinapos ang ginagawa.

"Ayos lang kung hindi kapa lubusang nagtitiwala sa akin. Balang araw, masasabi mo rin sa akin ang iyong pangalan Miss Night Hunter."

Pagkatapos nito ay lumabas na siya sa aking silid. Napahinga na lamang ako ng maluwag. Sana nga balang araw, mapagkatiwalaan kita...Mocca.

~

Lumipas ang maraming araw at gabi nang pananatili ko sa loob ng kwarto na iyon. Buryong buryo na ako at lubos nang nagmamakaawa sa akin ang aking paningin na makakita ng ibang tanawin. Kailan ma'y hindi na rin bumalik pa ang hari. Maari'y abala ito sa kanyang tungkulin. Maliban kay Mocca na siyang aking nakakakuwentuhan at nagaalaga sa akin ay wala na. Wala nang iba pang tao na pumapasok dito sa aking silid.

"Kain kana Miss..."

Tiningnan ko lamang saglit si Mocca na nakatayo sa tabi ng aking higaan at muling tinanaw ang napakagandang tanawin ng kagubatan sa bintana.

"Nais ko nang lumabas." Sambit ko sakanya. "Nais ko nang umalis mula rito."

"Hindi iyon maaari, Miss."

"Alam ko iyon. Hanggang kailan ba ako ikukulong ng hari dito?"

"Maaari'y sa paningin mo ay nakakulong ka, subalit ang katotohanan ay narito ka dahil pinoprotektahan ka nang hari."

Napatingin ako sa mga pulang rosas na nakalagay sa isang plorera. Doon lahat inilalagay ni Mocca ang mga rosas na ibinibiay sa akin ng hari. Ang bunton na sulat naman ay maayos na nakasalansan sa may lamesa sa gilid ng kama.

"Nasan na ba ang inyong hari?"

"Bakit Miss, namimiss mo na ba siya?"

Nang lingunin ko siya ay may nanunuksong ngiti ang nakaukit sa kanyang labi na ikinakunot nang aking noo.

Namimiss?

Anong salita iyon?

"Abala ang hari sa palasyo sapagkat sunod sunod ang pagsalakay ng mga demonyong nilalang sa iba't ibang parte ng Vernum. Hindi lamang sa Vandeth maging sa Greenland at Fraei land, kung kaya't masaydong natambakan ang hari ng mga trabaho. Kinakailangan niya pang bisitahin ang mga iyon isama na rin ang pagpapakalma ng hari sa lahat ng mga nilalang dahil sa kaalamang ipinahayag niya sa buong Vandeth."

"Bakit mo sinasabi sa akin ang mga impormasyong iyan, Mocca?"

Kakaiba ang ngiting ibinigay nito sa akin.

"Dahil Miss, sapalagay ko'y may karapatan kang malaman."

"Paano? Ako ang kalaban ng lahat ng nilalang dito sa buong Vernum kaya't bakit nagkaroon ako nang karapatan?"

"Ikaw ang mate niya hindi ba? Marapat lamang na alam mo ang gawain ni Master, total alam naman ni Master ang lahat ng gawain mo rito kaya't sa palagay ko ay patas lamang kung alam niyo ang gawain ng isa't isa."

Napatawa ako sa sinabi nito at naglakad na papalapit upang kumain ng tanghalian. "Ikaw talaga! Kung ano-anong kalokohan ang sinasabi mo."

"Napagtanto ko lamang na hindi naman pala totoo ang sinasabi nilang lahat tungkol sayo."

Napatingin ako sakanya nang seryoso. "Sinasabi? Paano mo nasabi?"

"Hindi ka masama katulad ng usap usapan. Nakikita ko na may mabuti kang kalooban kahit na kaunti pa lamang ang nalalaman ko sa iyo. Sa pagoobserba ko ay hindi ka naman masungit."

"Hindi pa ba sapat na dahilan ang pagpatay sa mga nilalang bilang masama akong tao?"Nakangising tanong ko sakanya.

"Hindi ko makita sa iyong mata ang kasamaang ginagawa mo. Sapalagay ko ay may dahilan. Miss...?"

Sa pagkakataong iyon ay itinuloy ko na ang sinabi niya.

"Nadia."

Wala naman sigurong masama kung susubukan kong pagkatiwalaan ang babaeng ito. Sa tagal ko na rito siya lang ang nakakausap ko. Matyaga niya akong binibisita at ginagawang komportable ang aking pakiramdam.

Ngumiti ito sa akin. Isang totong ngiti na mas maliwanag pa sa sikat nang araw."Salamat. Salamat Nadia at ibinigay mo sa aking ang iyong tiwala."

"Wag kang masaydong magdiwang. Dahil hindi pa iyon buo."

"Edi sisikapin kong makuha nang buo!" Diterminadong sabi nito. Napapailing na lamang ako at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Masayahin talaga ang babaeng ito.

Pinulot ko sa bandehadong nasa gilid ang sulat at muli iyong binuksan upang pakatitigan.

"Napansin ko lang Nadia, tinititigan mo lamang ang mga sulat na ipinapadala sa iyoni Master. Ayaw mo ba iyong basahin? Sa tagal ng paninilbihan ko sakanya,ngayon ko lamang nakita ang ganitong pagsisikap niya sa isang babae. Kailan ma'y hindi siya ganito sa iba maliban sa iyo."

Napataas ang tingin ko sakanya mula sa sulat.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Master, masyado iyong abala para pagaksayahan ang mga babae. Kailan may hindi iyon tumingin sa kanila ng may interes. Subalit ikaw, sa tuwing lumalabas siya sa iyong silid ay may baon siyang ngiti sa labi. Galak na galak ang kanyang mata. Alam mo ba na noong gabing ginagamot ka naming dalawa ay nakita ko ang maliit na bitak nang kanyang maskara? Ang kalmadong ekspresyon nito ay binaha nang kaba at pagaalala sa kalagayan mo. Maraming hindi nasabing salita ang hari na ang mga mata niya mismo ang nagpapahayag sa tuwing nakatitig sa iyo. Sa palagay ko nga ay, ni wala siyang pakialam kung ano ang maaaring maging resulta ng mga ginagawa niya na ngayon ay inaani niya."

"Kaya't sana, kapag nagkita kayong muli ni Master wag ka nang maging matigas sa kanya. Hangad ko lamang na bigyan mo siya nang pagkakataon."

"S-susubukan ko."

Iyon lamang ang tanging nasabi ko sa lahat ng rebelasyong lumabas sa kanyang bibig.

Katulad ng hinihingi ni Miana ang hinihingi ni Mocca. Pagtanggap.

Maibibigay ko ba iyon sa kanila?

"Oo nga pala Nadia bakit ba tinititigan mo lamang ang mga sulat na binibigay niya?"

Natigil ako at matagal na napatitig sa kanya.

Sasabihin ko ba?

Pero- baka makatanggap nanaman ako nang pangungutya sa iba.

"H-hindi ah. Binabasa ko ang mga iyon."

Tiningnan niya akong mabuti tila hinahanapan ng pagsisinungaling sa aking mata. Maya maya pa ay dismayado niyang inalis sa akin ang kanyang tingin.

"Bakit Nadia? Ganyan ka ba kagalit kay Master at kahit ang pagbasa lamang sa mga sulat niya ay di mo magawa?"

"H-ha? Hindi ah."

"Kung ganon maaaring masyado ka lang nababaduyan sa paraan niya nang panunuyo sayo kaya ayaw mong basahin ang mga iyan?"

Napangiwi ako sa sinabi niyangpanunuyo.

Kung ganoon sinusuyo ako ng hari?

Bakit? Nanliligaw ba ito?

Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman iyon malalaman kung hindi ko mababasa ang mga sinusulat nito sa maliit na papel.

"A-ang totoo kasi niyan....ay....h-hindi ako marunong magbasa."

Napayuko ako matapos kong ipagtapat ang bagay na iyon.

"A-ano?"

Rinig ko ang gulat sa boses niya. Itinaas ko ang aking paningin at tiningnan siya nang diretso sa mata.

"Hindi ako marunong magbasa kako. Hindi ako nakapagaral kung kaya't hindi ko kayang basahin ang mga isinulat ng hari sa akin."

Napamaang ito sa mga sinabi ko.

"Ano Mocca? Sabihin mo na ang mga pangungutya mo. Tatanggapin ko iyon at pakikinggan."

Napailing iling ito.

"P-patawad. Patawad Nadia. H-hindi ko naman alam. Siguro.... Siguro kong nalaman ko lamang ay ako na mismo ang bumasa ng mga iyan nang sagayon ay hindi naipon."

Tila nagkaroon ng bumbilyang biglang lumitaw sa aking utak.

"Kung gayon...." Nakangiting wika ko.

"Maaari mo ba silang basahin para sa akin?"

Tumango naman ito at ang kalungkutang nasa mukha niya ay biglang naglaho.