Chereads / ROYALTALE 1: The Huntress / Chapter 8 - KABANATA 3.1

Chapter 8 - KABANATA 3.1

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan niya nang tinawid ang maliit na distansya sa aming dalawa.

Sinalakay niya ako nang isang mapusok at mainit na halik, tila ibinubuhos nito ang lahat nang damdaming nakita ko kanina sa kanya. Mabagal lamang ang halik na iyon – tila ingat na ingat sa akin. Ngunit habang tumatagal ay mas nagiging marahas, mabilis na tipong hayop na gutom na gutom - ni hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking ulo.

Mapaghanap at masyadong dominante ang paggalaw ng mainit nitong labi. Ang tanging nagagawa ko lamang ay gumanti at makipaglaban na may kaparehang intensidad na ibinibigay niya.

Napapahigpit ang pagkakahawak ng mga daliri ko sakanya na tipong iyon lamang ang tanging paraan para kumuha nang lakas at makipagsabayan. Marahan subalit nanggigigil na kinagat nito ang aking pangibabang labi,nanghihingi nang entrada.

Malugod ko iyong sinagot nang aking ibuka ang aking bibig para sa kanya.

Mabilis na nakapasok ang dila niya sa akin, katulad nang unang pagkakataon na malasahan ko iyon – mainit, madulas at napakatamis. Ginagalugad nito ang lahat nang parte ng aking bibig.

Naglaban ang aming dila sa mainit at marahas na tunggalian. Naghahamunan kung sino ang dapat na mamuno o mangibabaw sa mainit na halikang iyon.

Kakaibang tunog ang bigla na lamang lumabas sa aking bibig na hindi ko inakalang tinataglay ko pala. Ungol nang sarap na ibinibigay ng hari sa akin.

'Nadia! Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?! Bumalik ka sa iyong tamang pagiisip!Bakit mo hinahayaang pagsamantalahan ng lalaking iyan ang bibig mo? Tumigil ka at itulak siya palayo! Hindi tama ang ginagawa niya! Maling mali, baka nakakalimutan mong kaaway siya? Kalaban mo siya! Siya ang hari ng mga kinasusuklaman mong bampira!'

Naidilat ko ang mga matang hindi ko namalayang nagsara pala. Nawala ang labi ng hari sa aking bibig subalit patuloy naman iyong naglalakbay pababa sa aking leeg.

Mainit at marahan ang mga halik na kanyang iniiwan. Sumisipsip ang labi at dila niya sa bawat balat na kanyang nadadaanan habang nanggigigil naman ang kanyang mga ngipin sa malambot kong laman.

Napaungol akong muli nang marating nito ang pagitan nang aking balikat at leeg. Matagal niya iyong hinalikan, minamarkahan at pinagsawaang sipsipin ng mainit at napakalambot niyang labi ang parteng iyon ng aking leeg – tila isang laywan na sumisipsip sa matamis na katas ng isang bulaklak.

Sumabog sa aking kalooban ang kakaibang init nang katawan. Tila may kulang sa ginagawa niya, bagay na makapagpupuno sa aking nararamdaman. Naramdaman ko ang matulis at banayad na humahaplos sa parteng iyon nang aking balat kasama na kanyang dila at labi.

Dalawang bagay na matulis na tila kating kati na itarak sa aking laman.

Hindi ko kayang pigilan, ni hindi ko magawang umahon sa pakiramdan na ibinibigay niya. Wala akong lakas nang katawan na gawin ang lahat nang bagay na dapat ay ginagawa ko. Ayokong tumigil sa nakakabaliw at nakakalunod na sensasyong ito.

Ano ba itong nangyayari sa katawan ko?

Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Nawawalan ako nang kontrol sa sarili at kusa iyong sumusuko sa kanya, bumibigay sa lahat nang kagustuhan niya.

Matagal kong hinintay ang pagtarak ng kanyang pangil sa aking leeg subalit wala akong nahintay. Tumigil ang kanyang labi sa magandang ginagawa nito sa katawan ko, pero ramdam ko pa rin naman ang hininga nitong tumatama sa mukha ko, ibig sabihin ay hindi niya pa inilalayo ang kanyang mukha.

Pumipisil pa rin ang bigat niya sa akin na siyang dahilan ng nararamdaman kong mabilis na pagtibok nang puso nito – o maaring sa akin ang pusong iyon?

Wala sa sariling napadilat ako upang tingnan sana ang dahilan nang kanyang paghinto. Malalim na matang berdeng asul ang mainit na nakatitig sa akin. Mabigat ang paghinga dahil sa kakapusan ng hangin sa kaganapang namagitan sa amin.

Nagsasalubong ang aming mga dibdib na nagsasabi kung gaano kalaki ang pinagkaiba naming dalawa – ang dibdib ko'y malambot at maumbok samantalang ang sakanya ay malapad at makisig. Ang mga mata nami'y naguusap ng walang salita,ngunit nagkakaintindihan.

"Sabi sayo eh. Pagaari kita."

Sasagot pa sana ako subalit mabilis iyong naputol nang malakas at pabalibag na bumukas ang pintuan. Mabilis kaming napabaling ng tingin upang tingnan kung sino ang lapastangang istorbo.

Doo'y nakatayo ang isang babae. Matangkad, may balingkinitang pangangatawan, maganda at may malalamig na lilang kulay nang mata. Natigilan ito at napabuka nang kaunti ang kanyang labi, tila hindi makapaniwala sa kanyang nadatnang eksena.

"M-master..."

Mabilis itong nagbaba nang tingin na labis kong ipinagpasalamat. Umakyat ang kakaibang init sa aking mukha – init nang kahihiyan.

Jusko! Bakit sa ganitong sitwasyon at puwesto pa kami naistorbo? Ano na lang ang iisipin sa akin ng babaeng ito? Na isa akong malandi? Walang hiyang babae na pumapatol na lang basta sa lalaki – na hindi ordinaryo – kundi ang hari pa mismo na papataw sa kanya ng parusa!

"Vita, what do you need?"

Malamig ang mga katagang tanong ng hari. Nakatuon pa rin ang kalmadong tingin nito sa babaeng nasa labas ng pintuan at nakayuko na tila hindi kami kayang tignan.

'Malamang lang na hindi talaga kayo kayang tignan Nadia! Sa ganyang lagay ba naman? Sino sa palagay mo ang babaeng hindi mahihiya kung makakakita ng dalawang tao na kulang na lang ay mag---- oo na!oo na! nakakahiya talaga ito! Maling mali!'

Pero bakit tila wala lang sa hari na may nakakakita sa amin ng ganitong lagay?

Hindi kaya ay sanay itong may ka – ahem, kalarong babae sa kama kung kayat walang problema kung may makakita man sa kanya?

At sino ba ang babaeng ito?

Sinubukan kong kalasin ang mga kamay ko mula sa kanya subalit mas hinigpitan lamang nito ang kanyang pagkakahawak sa akin.

"M-master...p-pasensya na po. Hindi ko sinasadyang gambalin ang inyong ginagawa ngunit kanina pa ako kumakatok sa pintuan at hindi naman kayo sumasagot man lang, kung kaya't nabahala ako na baka may nangyari nang masama sa inyo. Kaya hindi na ho ako nagdalawang isip pang pagbuksan niyo ng pintuan at ako na mismo ang gumawa no'n sa aking sarili subalit dahil nakakandado po ay kinailangan kong sirain." Mahabang paliwanag nito ng hindi tumitingin sa amin.

Tila siya isang bata na nagpapaliwanag sa kanyang mga magulang dahil sa hina nang kanyang boses. Lumambot naman ang ekspresyon ng hari sa narinig na paliwanag kung kaya't nang magsalita ito ay hindi na kasing lamig tulad ng kanina.

"It's alright. What do you need Vita?"

"Pinapatawag po kayo ng council sa palasyo master. Naroon din po ang dalawa pang pinuno na sina Reyna Zenaiah at Alpha Alexo."

"This late night? Why so sudden?"

"Master, hinahanap po nila ang ulo ng Hunter. Nais nilang makasigurado na patay na nga ito at tuluyan nang nabura ang banta sa buong Vernum. At hiling po nila na dalhin niyo ang patunay sa pagpupulong upang isiwalat at ipakita sa lahat nang nilalang ang kanyang kamatayan."

Nanigas ako sa mga narinig mula sa babae.

Ang aking ulo? Patunay na ako ay pinatay?

Napatingin akong muli sa lalaking nasa itaas ko na may nagbabagang tingin sa kanyang kausap.

Kung gayon, iniisip nang lahat na patay na ako?

Ito ba yung gabi ng aking pagtakas at pagsunod sa akin ng hari? Inakala nang lahat na pinatay ako nito – subalit hindi nito ginawa dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin ako.

Ngunit bakit? Sa anong dahilan?

Tila bumalik sa aking ala-ala ang huling katagang binitiwan niya bago ako mawalan ng malay.

MATE. Tama...kung gayon – ako ang...mate niya?

Ramdam ko ang paghigpit nang pagkakahawak sa akin ng hari. May kakaibang aura na lumalabas sa kanya. Madilim iyon – indikasyong hindi maganda para sakin lalo pa't nasa ilalim niya.

"Is that all?"

"Inaasahan po nila ang inyong presinsya ngayon din."

"Okay. You can leave but first, close the door. I still have some unfinish business that needed to be done."

"Opo master."

"And Vita? Tell to the boys to guard down the perimeter. "

"Yes master." Tumango ang babae at mabilis na ginawa ang utos ng hari.

Nang pasara na ang pintuan ay mabilis na bumalik sa akin ang tingin nito subalit wala ruon ang aking atensiyon kundi sa babaenng nagsasara na may mabigat na tingin saakin. Tila sinasabi nang mga walang emosyon at malalamig nitong mata ang libo libong pagbabanta.

"Now, where were we? Let us be done here."

Nabalik ang tingin ko sakanya. Inaanalisa ang kanyang ekspresyon na bumalik na sa normal. Umalis ito sa pagkakaupo at halos paghiga sa akin. May kinuha siya sa gilid nang kama mula sa planggana na dala kanina ni Elvis.

"Dapa. Kailangan nang mapunasan ng gamot iyang sugat mo sa likod upang tulayan ka nang gumaling." Diretsong wika nito.

Nawala na ang kanyang katauhan kani-kanina lamang. Tila maykonsentrasyon itong ginagawa sa kanyang sarili dahil sa napakaseryosong tingin na ibinibigay nito sa akin. Mabilis kong inubliga ang utos niya at dumapa.

Ito maari ang dahilan kung bakit niya ako pinipilit na maghubad at dumapa kanina.

'Jusko ka Nadia! Kung gayon nga ay ikaw itong nagiisip ng kung ano anong hindi maganda! Ikaw itong nabibigay nang maling ibigsabihin sa mga kagandahang loob na ipinapakita niya – subalit hindi parin naman maganda na nakatali ako at pagsamatalahan ang labi ko.'

'Pagbigyan mo na, nagustuhan mo naman ang ginawa niya. Wag mo na lamang iyong ibilang sa mga kasalanang ginawa niya sayo – '

'Pero kasi – una at ikalawang halik iyon Nadia! Ninakaw niya ang unang halik mo na pinangako mong mapupunta lamang sa taong mamahalin mo.'

'Pero kahit ganoon siya parin naman ang mate mo ah?'

Inilubog ko na lamang ang aking ulo sa malambot na kutson nang kamang hinighigaan ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Ang katreng hinihigaan ko sa aming tahanan ni Aria ay matigas at maliit. Di tulad dito na kaylambot at tila isang langit.

Nababaliw na ba ako?

Bakit palagi na lang may dalawang tinig na nagaaway sa loob ng utak ko?

'Anong baliw Nadia? May baliw bang nagtatanong sa sarili kong nababaliw na siya? Magisip isip ka nga!'

Kung gayon – saan nanggagaling ang dalawang tinig na ngayon ay kausap ko at nakikipagtalo pa sa aking mga iniisip?

Nadia sila ang dalawang bahagi nang iyong pagiisip. Si lanlan – ang malandi mong kaisipan na siyang gustong gusto sa ginagawang pagsasamatala nang hari sa katawan mo at ang isa naman ay si konkon – ang iyong konsensya na kung saan ay matino tino pa naman na isipin ang tama at mali na iyong ginagawa at nagugustuhan.

Napangiwi ako sa mga bagay na tumatakbo sa aking isip lalo na sa isang bahagi nang aking utak na nagpapaliwanag sa aking katinuan - si konkon.

Mabilis akong napatingin sa gilid upang tingnan ang lalaking ngayon ay nakaupo nanaman sa aking puwetan nang hindi ko naman naramdaman. Mainit ang palad nito na kasama nang telang banayad at dahan dahang humahaplos sa aking likod. Basa ang tela at ramdam ko ang lamig nito sa balat kong nadadaanan niya.

"Higit ka nilang pinahirapan."

Hindi iyon tanong kundi isang pahayag. Hindi ako nagsalita at tahimik na dinama ang sarap na dulot nang basang tela sa gumagaling kong sugat.

"Sabihin mo, gaano kasakit?" Matagal na katahimikan ang namayani bago ko pagbigyang sagutin ang kanyang katanungan.

"Sobrang sakit... na akala ko'y siya nang tatapos sa akin."

Katahimikan.

"Bakit? Dapat ay alam mo iyan..... ikaw ang nagbigay nang kautusan hindi ba? Marapat lamang na alam mo ang sakit na dadanasin ko."

Tumigil ang kamay nito sa paghaplos sa aking likuran.

"Kung sana'y nalaman ko nang mas maaga...."

"Anong gagawin mo? Ikaw ang hari. Tungkulin mong magbigay nang kautusan. Magpataw nang parusa at higit sa lahat.... Pumutol ng buhay sa mga taong makasalanan."

"Kung ganon inaamin mong makasalanan ka at nararapat lamang na maparusahan ng kamatayan."

"Hindi. Para sa akin, hindi kasalanan ang ginagawa ko."

"Ano ba ang dahilan mo?"

Sa sang kisap mata lamang, katulad nang nangyari kanina ay nakaharap na akong muli sa kanya. Katulad nang puwesto namin kanina bago kami maistorbo subalit ang pinagkaiba ay nakaupo lamang siya – hindi nakahiga sa akin.

Ngumiti ako nang kaunti at sigurado akong nakita niya ang pait sa mga ngiting iyon dahil sa pagsasalubong ng kanyang mga kilay.

Napatitig ako sa napaka gwapo nitong mukha.

Hindi ko akalain na magkakaroon kami nang ganitong paguusap ng hari.

Na makakakita ako ng ekspresyon sa mukha niyang palaging nakamaskara nang kalmadong mukha. At ang mga mata niyang nagtatanong....nagpapakita nang ibat- ibang emosyon.

Higit sa lahat ay, imbis na nagpapatayan – heto kami at nagpapalitan ng maayos na usapan. Naghahalikan nang walang sapat na dahilan. Nag sasaya sa pakiramdamng bawat isa.

"Wala kaming matandaang kasalanan sa iyo."

Imbis na sumagot ay ibinalik ko ang takbo nang aming usapan kanina. "Hindi naman ganoon kasakit ang pagpapahirap nila...dahil walang wala iyon sa naranasan ko nang ako ay bata pa."

Tama si Aria, hindi lahat nang bampira ay may kasalanan sa akin.

"Subalit hindi mo alam, na mas malubha ang iyong dadanasing paghihirap sa itaas nang entabladong iyon kung saan nakahimlay ang lahat ng mga sandatang gagamitin sa iyo."

"Na ikaw mismo ang gagawa."

Yumukod ito na halos magdikit nanamang muli ang aming mga ilong.

"Wag kang magalala....kung nagawa kong makaligats sa malulupit na tao nung kabataan ko – tiyak makakaya ko rin sa mga kamay mo."

"Subalit...hindi kita kayang saktan."

Napatawa ako nang mahina sa sinabi niya. Napakahina nang kanyang tinig at punong puno iyon ng sinseridad na halos paniwalaan ko na ang mga katagang lumalabas sa bibig niya.

"Pero nagawa mo na, kamahalan. Gamit ang makapangyarihan mong salita. At ngayon dahil ikaw ang hari – na siyang 'tumapos' sa buhay nang hunter – ay gagawin ulit iyon para sa kahilingan ng iyong mamamayan."

Ang kanyang mga mata ay punong puno nang mga pangako – pangakong hindi naisatinig nang may ari. Umiling ito nang dahan dahan habang ipinapakita ang kanyang mahinang kalagayan.

"Trust me."

Isang dampi nang magaan na halik sa aking noo ang nagpapikit sa akin. Akala ko'y sa labi niya ako hahalikan subalit nagkamali ako.

Nakaramdam ako nang pagkakontento at kapayapaan, tila isang kasiguraduhang hindi niya ako sasaktan.

"Sweet dreams....mate."

Mga huling katagang galing sa kanya bago ko maramdaman ang unti unti paglamon sa akin ng kadiliman.