"Boo!"
Napapikit ako at napaatras mula sa pagkakaupo dahil sa gulat nang may nagsalita sa harapan mismo ng mukha ko.
Amoy na amoy ang mabango nitong hininga na umihip sa aking mukha. Ang lapastangang hari ay nakangising nakatitig sa akin.
Sinamaan ko siya nang tingin na mas lalong nagpalawak ng ngisi sa kanyang mukha. Isang dangkal na sukat ang layo nang napakalapit na mukha nito sa akin.
Napaka puti ng kanyang kutis.
Napakakinis niyon at wala ka manlang makikita na kahit anong pilat o sugat---di tulad nang akin na may apat na mahabang pilat mula sa aking ulo pababa sa gilid nang aking pisngi hanggang sa aking leeg.
"Lumayo ka nga!" asik ko sakanya at ngali ngaling itinulak palayo ang kanyang mukha.
"You can't stand my handsomeness, eh?"
"Ayan ka nanaman sa linguwaheng iyan!"
"Anong ginagawa mo rito?"
Napakibit ito nang balikat matapos ay umayos nang pagkakaupo sa kama at inilibot nang tingin ang paligid. " I see. Mabuti naman at plato lang ang nasira mo."
"Hintayin mo lang. Susunod na yang mukha mo." Sumbat ko sakanya.
Sisirain ko talaga yang mukha mo.
Bakit ganoon?
Hindi naman yata makatarungang mas maganda siya kaysa sa akin! Hindi talaga!
"Why you haven't eaten yet?"
"Hanggang kailan ako mananatili rito?"
Umalis ito sa kama at iniabot ang bandehadong may pagkain.
"It's cold already." Nanunuring tingin ang ibinigay niya sa akin habang dinadama ng daliri niya ang pagkain.
"Do you want me to feed you gain?"
Nakakapagtaka lang, ano kaya ang lumalabas sa bibig nang mokong na ito? Hindi nanaman niya pinansin ang tanong ko.
"Answer me woman."
Habang nakatitig ako sa mata niyang napakagandang pagmasdan, nababasa ko doon ang lumalangoy na pagbabanta at pagiging misteryoso na tila nababalutan nang malamig na yelo.
Mula sa kanyang mata ay bumaba ang aking paningin sa matangos niyang ilong pababa sa manipis, mamula-mula, malambot at nakakaakit niyang labi.
"Pakakainin mo ulit ako?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatitig pa rin sa bibig nito.
"Why not? I enjoy eating your mouth."
"Gamit ang labi mo?"
" Yes mate. I'd love to do that."
Nang sumilay ang kakaibang kislap sa kanyang mata ay tila ako natauhan sa aking sarili. Ramdam ko ang kakaibang init na umakyat sa aking mukha nang maalala ang mga salitang lumabas sa aking bibig.
Jusko!
Anong nangyayari? Anong demonyo ang sumapi sa akin at pansamantalang hiniram ang katawan ko?
Bakit...bakit lumabas ang mga katagang di kaaya-aya sa bibig ko?
Hindi ba dapat ay sinasapak ko ito? O di kaya'y isinasampal ko sa mukha niya ang platong may laman ngunit anong tumatakbo sa isip ko? Mga bagay na hindi dapat pumapasok sa loob ng pagiisip nang isang babae.
Kalaban siya. Kung tutuusin ay kinamumuhian ko pa. Dapat hindi ako nakakaramdam ng ganito sa kanya.
'Tama Nadia. Kinakailangan mong patayin iyang tuksong unti unting nabubuo sa iyong kaluoban. Sukilin mo iyan at dapat nang kalimutan.'
"Hey, I'm asking you."
"What is your name woman?"
Sinamaan ko lang siya nang tingin at mabilis na kinuha ang hawak nitong kutsara na puno ng pagkain.
"Kakain na ako. Lumayas ka na rito."
"Good then. But I won't leave."
Napatigil ako sa pagkain nang makitang hindi ito gumalaw kahit naintindihan naman niya ang sinabi ko. "Ano pang hinihintay mo? Alis na. Layas sa pagmumukha ko. Nawawalan ako nang gana kapag nakikita kita."
'Ayan. Dapat ganyan Nadia. Maganda iyang pinapakita mo.'
'Umarte kang galit at inis sa kanya.'
'Dapat ipakita mo na hindi ka apektado sa nangyari sa inyong dalawa. Atsaka wag na wag mo nang iisipin ang labi niya na nagpapakain sa iyo----oo ang labi niyang kaylambot at kaysarap kainin.'
'Ang dahan ,dahan nitong paggalawa sa bibig mo at ang dila nito----'
'Teka lang! teka lang---Nadia naman! Saan nanaman napadpad iyang takbo nang utak mo?!'
"Tumahimik ka kasi! Kasalanan mo naman lahat eh!"
"What?"
Napakurap kurap ako nang mapagtantong naisigaw ko iyon nang malakas. Nagtatakang tingin ang ibinigay sa akin ng hari.
"A-ano? Anong tinitingin tingin mo ha? Nagugutom ka rin ba?"
Umiling lamang ito at tumayo na sa pagkakaupo.
"Aalis ka nanaman?" Tanong ko sakanya.
"No."
No? Anong no? mahirap bang sagutin ang tanong ko ng oo o hindi?
"Wag ka nang babalik ah!" Sigaw ko bago siya tuluyang makalabas mula sa isang pintuan dito sa loob ng kwarto.
Saan naman kaya pupunta ang isang iyon?
'Pakialam mo ba Nadia? Magpasalamat ka na lang at mawawala siya sa paningin mo, nang sa gayon hindi mo kainggitan ang gandang natamo niya kaysa sa iyo.'
Matapos kong kumain ay humiga na lang ulit ako sa kama. Ramdam ko pa rin ang bahagyang pagkirot ng mga sugat ko sa likuran at ang mga kalamnan kong may pasa.
Ilang sandali pa'y nakarinig ako nang yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang hari na may dalang damit sa kanyang kamay.
"Good that you've finish your food." Sambit nito habang naglalakad.
"Bakit bumalik ka pa?" Asik ko sakanya.
"Because I have to aid your healing wounds."
"Para saan ba yan?"
"Sayo. Tanggaling mo iyang damit mo." Walang sabi-sabing utos nito saakin.
Matagal akong napatitig sa kanya. Hinahanapan ng pagkabiro sa mukha niya pero wala.
Seryoso ba siya? Tanggaling ko itong damit ko? Sa harap niya? Aba't talagang manyakis ang hari na ito ah!
"Asa ka."
Walang alinlangang sambit ko.
"Do not test my patience woman. Now, strip."
Maganda rin palang hindi ko naiintindihan ang sinasabi nang isang ito. Malay ko ba kung anong kamanyakan na ang lumalabas mula sa bibig niya.
"Tanggalin mo na iyang damit mo. Wag mong hintayin na ako pa mismo ang gumawa niyan sa iyo dahil sinasabi ko, hinding hindi ako magiging banayad sayo."
Kumulo ang dugo ko sa sinabi nito.
Bastos talaga.
"Kung ganon tama nga ako. Ito ang dahilan kung bakit hindi mo pa ako pinapatay."
"Anong dahilan?"
"Huh,talagang tinatanong mo? Wala ka bang ibang babae na mapagpaparausan? Ha? Ano? Pagkatapos mo akong gahasain, gamitin at pagsawaan saka mo ako papatayin? Ito ba ang dahilan kung bakit nakatali ang mga kamay ko? Para malaya mong magawa ang mga gusto mo?" Sunod- sunod sa sabi ko sakanya.
Natigil ito at nabato ito sa kinatatayuan niya.
Sa isang kisap mata lamang ay nasa harap ko na siya. Sa mismong harap na kaunting galaw ko lang ay siguradong magdadampi na ang aming mga labi.
Galit at pagkadismaya ang nakikita ko sa berdeng asul na mata nitong nakatitig sa akin. Nilulunod ang aking paningin sa kailaliman nang kanyang pagkatao. Hindi ko maialis ang titig ko.
Pakiramdam ko ay isa akong kaawa awang nilalang na hindi makatakas takas sa malalim niyang titig.
Napaka ganda.
Ngayon lamang ako nakakita ng mga matang sin lamig ng niyebe. Kalmado at punong puno ng misteryo. Sa oras na nakulong ka sa mga titig niya — wala ka nang pagasang makaalis pa.
Tila nakatingin ito sa mismong kaluluwa ko. Binabasa ang buong pagkatao ko.
Malalim ang mga mata niya. May mga lumilitaw roon'g emosyong hindi ko mabasa o mabigyan ng pangalan. Sa mga oras na ito napagtanto kong kaysarap niyang titigan.
Kung makukulong ako sa silid na ito panghabang buhay----nanaisin kong titigan ang kanyang mata nang walang humpay. Kahit habang buhay ay ito lang ang aking makita—ayos na.
"Mababaliw muna ako, bago ko iyon magagawa sa iyo." Seryosong sambit nito habang nakatitig sa mga maata ko.
Ramdam ko ang init ng hininga niyang humahaplos sa aking mukha.
May kakaibang kiliti ang nabubuhay sa aking tiyan.
Pagkasabik at pagkabahala. Naghalo-halo.
Nangangati ang mga kamay kong hilain ang kanyang ulo papalapit sa akin----ngunit wala akong lakas na gawin iyon.
"Anong sinasabi mo?" Sa mahinang tinig ay nasabi ko.
"Dahil matigas ang ulo mo, mas mabuti siguro kung ako na lang ang gagawa nang lahat."
Magtatanong pa sana ako subalit, unti unti naramdaman ko ang paghigpit nang mga pulang tali sa kamay ko. Hindi ko alam kung paano nangyari----sa isang kisap mata ay nakahiga na ako at nakadapa sa kama.
Magkahiwalay ang mga kamay kong nakatali sa mga poste nang kama samantalang sa aking paa naman magkadikit.
Paano nangyari ito?
May buhay ba ang mga tali?
Napasinghap ako nang maramdamang umupo ito sa aking puwetan. Hindi pa duon natatapos dahil narinig ko na lamang ang pagkapunit nang aking kasuotan sa aking likuran.
Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyong nagaganap sa akin.
Ito na ba iyon? Ang bagay na sinasabi ko kanina?
Anong gagawin niya? Bakit ako nakadapa? Hindi ba dapat ay nakaharap ako sakanya----
'Nadia! Umayos ka! Pagsasamantalahan ka na't lahat lahat – nagiisip ka pa nang magandang puwesto para sa kanya!'
Ano bang dapat kong gawin?
'Tanga!Magpumiglas ka! Ang boba mo talaga. Iyon dapat ang ginagawa nang babaeng gagahasain nang labag sa kalooban niya!'
'Oo nga. Tama dapat magpumiglas ako tapos sa bandang huli ay bibigay rin ak----'
'Hep!Hep! Wag mong itutuloy Nadia! Hinding hindi ka bibigay! Walang bibigay dahil ang totoo ay ayaw mo naman talaga, hindi ba? Lumaban ka Nadia iyan lang ang tanging magagawa mo dahil nakatali iyang kamay mo.'
Tiningnan ko siya nang masama subalit hindi ko naman makuhang magsalita. Hindi ako makapagsalita lalo pa't ramdam na ramdam ko ang bigat nitong nakaupo sa akin.
Ang matigas na kalamnan nitong kumukulong sa aking balakang at ang katotohanang nakakulong ang malambot kong katawan sa matigas niyang pangangatawan.
"Ano ba?! Umalis ka nga riyan!" Inis na sigaw ko sakanya.
Hindi ako nito tiningnan bagkus ay nasa ibang bagay ang kanyang atensiyon. Tila wala man lang pakialam sa pamimilit kong magpumiglas mula sa kanya.
"Kaya nga ako narito dahil alam kong ganyan ang magiging reaksiyon mo."
"Malamang lang na umarte ako nang ganito! Sino ba sa palagay mo ang matinong babae na hahayaan na lang siyang ganituhin ng isang lalaki?" Galit na pagrarason ko sakanya.
"Ano bang mali sa ginagawa ko? Mas komportable sa ganitong posisyon lalo pa't alam kong magiging magulo ka lamang sa gagawin ko."
"Anong mali?! Talagang itinatanong mo sa akin kung anong mali sa gagawin mo? Hindi ka lang bastos! Isa ka pang mapagsamantala!"
"Kumalma ka puwedi? Gagaan ang pakiramdam mo pagkatapos nang gagawin ko. Ngayon mabuti pang makipagtulungan ka sa akin nang mabilis tayong matapos dito."
"Aba naman! Hoy lapastangang nilalang, para sabihin ko sa iyo labag itong gagawin natin sa kalooban ko!"
"At bakit naman hoy maingay na nilalang?" Sagot nito pabalik saakin.
"I-isa itong banal na ritwal na ginagawa lamang ng magasawa."
Mautal-utal na sagot ko sakanya.
Sandali itong napatigil sa kanyang ginagawa at matagal na napatitig sa akin. "What? What are you talking about?"
Sinamaan ko siya nang tingin sa muling pagsasalita niya nang Ingles.
"Ano? Tutunganga ka na lang dyan? Para sabihin ko sayo ha – mabigat kang tao! At ang pagupo mo riyan sa pangupo ko ay hindi maganda sa pakiramdam!"
"Could you possibly thinking that – we are going to — God woman!" Napabuga ito nang hangin at hindi makapaniwalang tumingin sa akin nang natatawa.
Binalewala ko ang tinging ibinibigay niya at patuloy na nagpumiglas sa ilalim nang pagkakaupo niya.
"Hey!Hey! Will you stop?!" Sigaw nito nang magsimula akong gumalaw-galaw.
"Alis!Alis!Alis!" Sigaw ko naman at patuloy sa akinag ginagawa.
" I swear, kapag hindi ka tumigil magsisisi ka!"
Ramdam ko ang prustrasyon sa boses nitong tila napapaos. Ramdam ko rin ang paghigpit nang mga binti nitong kumukulong sa akin,tila nahihirapan at nanggigigil. Sa bawat pagpupumiglas ko ay siyang paggalaw naman niya sa aking itaas.
Imbis na makinig sa sinasabi niya, mas lalo pa akong naging magulo sa pagpupumiglas sakanya.
"You little-!"
Nagulat ako, sa isang kisap mata lamang ay nakaharap na ako sa kanya. Ngayon ay nakaupo siya mismo sa gitnang bahagi nang katawan ko.
Nakadagan sa akin ang buong katawan niya,iniipit ang aking kalambutan sa malambot na kama.
Malapad ang pangangatawan nitong halos takpan ang aking katawan. Matigas ang kalamnan nitong humuhubog sa maganda niyang pangangatawan,naglalabas iyon ng init na dumadaan sa manipis na kasuotang bumabalot sa amin – ang tanging bagay na humihiwalay sa katawan namin.
Ang mga ilong namin ay magkadikit at kaunting galaw lamang ay magtatagpo nanaman ang aming labi. Mainit at mabigat ang bawat paghingang lumalabas sa aming dalawa.
Ang mga kamay kong mahigpit na nakatali ngayon ay maluwang na, subalit nakalapat naman duon ang malaki,malambot at makapangyarihang kamay nang hari,na nagkukulong samga daliri ko sa daliri niya – katulad ngayon nang aming puwesto — ako na nakakulong sa ilalim niya.
"Binalaan na kita hindi ba?"
"Anong gagawin mo?"
Tanging bulong lamang ang mga katagang sinasabi namin sa isat isa. Naguusap ang aming mga mata na magkakonekta.
Napaka raming damdamin at emosyon ang ngayo'y nababasa ko sa kanya. Inis,prustrasyon,pagod,kagustuhan,kagalakan,kalituhan,at hindi ko masabi kung totoo ba subalit maari bang mapasama sa mga emosyong iyon ang salitang pagibig?
"Ano sa palagay mo ang gagawin ko?" Tanong ng hari saakin.
"Parurusahan ako?" Balik tanong ko sakanya.
Bumaba ang tingin nito sa nakaawang kong labi.
"Anong parusa sa palagay mo?" Mahina,paos at tila nahihirapang tanong nito.
"Ano bang parusa ang ibibigay mo?" Hamon ko sakanya.
Muling nagtagpo ang aming mga mata at gumuhit sa labi niya ang isang ngisi.
May ideya ako sa parusang ibibigay niya na naiisip ko, mali mang isipin subalit - hindi ko mapigilan ang aking sarili na gustuhing lumabas iyon sa bibig niya at gawin sa akin.
"Gusto mong malaman?" Hamong nang hari saakin.
Napatitig akong mabuti sa mga mata niya. Wala na roon ang mga emosyong naglalaro kanina. Napalitan iyon ng isang nanunukso at naaliw na tingin.
"Bakit mo ba ako parurusahan, gayong wala naman akong nagawang mali?" Imbes ay tanong ko sakanya.
"Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang matitigas na ulo na tao. Ang hindi marunong sumunod sa kagustuhan ko. Ang sumusuway sa mga batas ko. At higit sa lahat ay ang hinahamon ako sa larong pang dalawang tao."
"Anong laro kamahalan? Maaari mo bang ipaliwanag sa akin dahil alam naman natin sa ating dalawa na ikaw ang nakikipaglaro dito." Pangungitya ko sa sinabi niya.
"Hindi ako nakikipaglaro sayo." Angil nito sa akin. May diin sa salitang binitiwan nito.
"Talaga kamahalan? Kung gayon anong dahilan at buhay pa ako? Humihihihimlay dito sa kama mo? Hindi ba't paglalaro ang tawag dito sa ginagawa mo?"
"Hindi! Sa akin ka lang. Naiintindihan mo? Akin!" Marahas na sagot nito saakin.
"Nababaliw kana. Hindi mo ako pagaari. Walang sino man ang magmamayari sa aking katawan kundi ako lamang!"
Nagtagisan kaming dalawa ng tingin at ilang sandali pay inilapit nanaman nito ang kanyang mukha sa akin. Ang dating layo kanina nang aming mga labi ay kalahati na lang. Mas lalong lumalim ang aking paghinga sa antisipasyon nang aming puwesto.
Kaunting kaunti na lang....
"Talaga?" Nangaakit na tanong nito gamit ang paos niyang tinig.
"Talaga." Sagot ko sa kanya at matapang na hinarap ang mga nagbabaga niyang tingin.
Kung sa labas nang aking katawan ay napakatatag at matigas akong tignan sa loob namay kakaiba.
Halo-halo ang mga emosyon ko.
Nagtataka nga ako't sa tagal niyang pagtitig sa mata ko ay wala pa siyang nababasang emosyong nagpupumilit lumabas mula roon. Kung wala lamang siguro kaming dalawa sa kama, maari'y bumigay na ang katawan ko sa matinding panghihinang dulot niya.
Umuusbong ang pagkasabik sa akin sa susunod na maaring mangyari – pigilan ko ma'y hindi ko magawa dahil aminin ko man o hindi, sadyang napakasarap makulong sa kanya.
Tila pinoprotektahan ako nito mula sa kalaban – ngunit ang pinagkaiba nga lang ay, siya mismo na sarili niya ang kalaban. Ang taong gustong sakupin ang aking katawan.
Nararamdaman din kaya niya ang nararamdaman ko?
O baka ako lamang ang nakakaramdam ng libo libong kuryente na dumadaloy sa aking katawan habang magkadikit ang aming balat? Maari ay pinaglalaruan lamang niya ako sa aking marupok na katawan.
" Let us see then."