"Katahimikan." wika nang isang tinig mula sa itaas.
Kahit gaano pa kalakas ang mga sigawan ng mga nilalang dito sa ibaba,nangibabaw parin ang napakakalmado at baritono nitong boses.
Agad na namatay ang ingay.
Sa pakiwari ko ay maririnig mo kahit yata ang pagbagsak ng nahulog na dahon sa lupa.
Kakaibang ginaw ang bigla na lamang humaplos sa aking likuran. Ramdam ko ang tila nabulabog na mga insektong nagliliparan sa loob ng aking tiyan.
Hinanap ng aking mata ang pinanggalingan ng tinig mula sa kadilimang nasa likuran ng mga nakaupong pinuno. Sabik na sabik ang aking kaloobang makita kung sino siya.
Unti unti, mula sa anino nang kadiliman lumitaw ang isang pares nang malalamig na mata. Malalim na asul na maaaring ikumpara sa sapirong nagniningning sa gitna ng kadiliman na hinaluan ng berdeng kulay.
Natuod ako at tuluyang hindi nakagalaw nang lumitaw ang kabuoan nitong anyo mula sa dilim.
Napaka puti nang kulay nito at tila alikabok ng dyamanteng nagniningning ang kanyang balat sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Nablangko ang aking isipan habang nakatitig sa napakagandang nilalang na nasa itaas.
Naghalo halo ang mga emosyon sa loob ko.
Nang magtagpo ang aming mata, tila naglaho ang lahat sa aking paligid.
Sa aking paningin, siya ay bianabalot ng kakaibang kulay na tila isang bitwing maningning sa gitna nang madilim na kalangitan.
Maging ang tibok nang puso ko'y hindi ko mapakinggan sa nakakatulirong katahimikan na lumukob sa aking pandinig.
Sa kailaliman nang aking kalooban tila may nabubuong inerhiya ng lakas na pumupuno sa aking uhaw na uhaw na katawan.
Nagbibigay nang ibayong katatagan sa bawat himay nang kalamnan sa aking katawan na nanunuot sa mga buto kong may pinsala.
Wala sa sariling napahakbang ako papalapit sa kinaroroonan niya.
Napakalakas nang intensidad ng mga mata nitong nakapako sa akin,kinukulong ang mga titig ko. Tila may pwersang humihila sa akin papalapit sa kanya habang ako'y walang kontrol sa sariling katawan na sumusunod sa utos nang mata niya.
Nagulat ako at napatigil sa akmang paghakbang muli nang marinig ang tunog nang kadenang tila nawasak. Natauhan ako at agad na napatingin sa aking mga kamay---naguguluhang napatitig na magkahiwalay na ang mga iyon.
Paanong-----nangyari ito?
Muli kong itinaas ang aking paningin at nang muling magtugma ang aming mata'y ramdam ko ang kagustuhang mapalapit sa taong katitigan ko.
"Bitiwan niyo siya." Muling sambit nito.
Malalim at kahit napaka hina ay malakas sa aking pandinig.
Agad iyong sinunod nang tatlo at mabilis na naglaho sa aking tabi.
Naglakad ito papalapit sa kanyang upuan hanggag sa makarating ito sa tabi nang dalawang pinuno. Hindi ito umupo at nanatili lamang na nakatayo.
Sa mabagal na paggalaw,bumaba ang kanyang pagkakatitig mula sa aking mata pababa sa aking katawan.
Ano kayang iniisip ng nilalang na ito?
Maaaring pinupuri na nito ngayon ang kanyang mga tauhan dahil sa magandang trabahong kanilang ginawa sa kanya.
Sa isiping iyon ay pinatigas ko ang aking mukha at tinakpan ang emosyong lumukob sa aking mga mata.
Sa isang kisap, muli ay umalingawngaw ang tunog nang nawasak na kadena.
Napalanghap ako nang maraming hangin nang maramdaman ang unti unting pagluwang nang bakal sa aking leeg at ang masarap na pakiramdam ng pagkatanggal ng mga kadena sa aking mga paa.
Muling naglakbay paitaas ang kanyang paningin hanggang sa tumigil iyon sa aking mata. Naglaban ang mga titig naming dalawa at walang sino man ang gustong magpatalo.
Ilang sandali pa'y namalayan ko na lamang ang aking sariling tumatakbo papunta sa direksiyon niya.
Rinig ko ang sigaw ng pagkabahala at protesta ng ibat ibang nilalang. Subalit kahit gaano pa kalakas ang isinisigaw nilang mga salita na "habulin siya!" o kaya nama'y " Umaatake siya! Umaatake siya! Sugurin natin!" hindi iyon dahilan para huminto ako----- paano ko ba naman kasi gagawin iyon kung ako mismo sa sarili ko walang kontrol sa ginagawa nang katawan ko?
Hindi ba dapat sa pintuan ako papunta?
Bakit ang takbo ko'y papunta sa direksiyon ng mga pinuno?
Nagsimulang bumaba ang mga nilalang sa kinalalagyan nila kasabay ang sigaw nang pagsugod papalapit sa akin habang ang mga bampira nama'y nanatili lamang sa kanilang kinalalagyan at hinihintay ang aking paglapit.
"Tigil!hayaan niyo siya."
Sa maliit na distansya, buong lakas---na hindi ko alam kung saan nanggaling---- kong tinalon ang kinaroroonan nila.
Nakatutok ang buong atensiyon ko sa lalaking katitigan ko kung kaya't siya lang ang tanging nakikkita ko. Pinanuod ako nito hanggang sa magkatapat ang aming paningin.
Kung iba ang gustong puntahan ng katawan ko, makikiayon ako.
Subalit kahit gaano pa kalakas ang pwersang lapitan ko ang hari ng mga bampira ay mas nananaig pa rin sa akin ang mabuhay.
Kaya naman hindi ako huminto sa harapan niya at tumapak lamang sa barandilya. Walang nagawa ang dalawa pang pinuno na nakatayo sa magkabilang gilid niya at handa na sana akong atakihin.
Tumalon ako nang mas mataas hanggang sa maabot ko ang batong paoblong na bobong nang kinalalagyan namin. Wala akong sinayang na oras, tinalon ko paibaba ang kinalalagyan ko at nang tumapak ang aking paa sa malambot na lupa ay tinakbo ko ang madilim na kagubatan.
Habang mabilis na tumatakbo ramdam ko ang unti unting pagkamatay nang kakaibang inerhiya sa aking loob.
Ang kaninang malabong paligid na nadadaanan ko'y unti unting lumilinaw at nabubuo ang mga pigura ng puno sa aking paligid.
Ramdam ko ang sobrang pagod ng binti ko at nananakit kong kalamnan.
Bumabagal na ang pagtakbo ko, Diyos ko naman o!
Hindi ngayon ang oras para maginarte ang paa ko!
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ngunit sa kasamaang palad ay mas lalo lamang akong bumabagal at nanghihina.
Napalingon ako sa aking likuran dahil sa pakiramdam na tila may sumusunod sa akin subalit, sa isang kisap mata'y nasa ere na ako at mabilis na lumilipad.
Halos mawalan ako nang hininga ng tumama ang aking likuran sa isang napakatigas na bagay. Puno.
Napakasakit ng aking likod na tila ito na yata ang magiging katapusan ng aking buhay.
Dahan dahang natumba ang katawan ng kaawa awang puno na sumalo sa akin----na mas lalong nagpalala ng sitwasyon ko.
Hindi ako makagalaw.
Ang tanging bagay na makapagsasabing buhay pa ako ay ang mahina at ang unti unting bumabagal na pagtibok ng aking puso.
Sa nanlalabong paningin, naaninag ko ang isang bulto.
Dahan dahan na tila isang hayop na naglalakad sa kanyang kaawa awang biktima.
Isang pares ng malalim na berdeng asul na sapirong mata ang matamang nakatitig sa akin.
Lumuhod ito at marahang hinaplos nang kanyang daliri ang aking pisngi.
Gusto ko siyang sipain at suntukin ngunit hindi ako makagalaw. Gusto kong umiwas sa haplos niya subalit hindi ko magawa.
Mabigat ang paghingang tinignan ko siya ng masama.
Inilapit naman nito ang kanyang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking tainga.
Tila may malamig na hangin ang humahaplos sa aking namamanhid na likuran. Nakikiliti ang aking tainga sa bawat paghingang dumadapo sa aking balat.
" Never run away from me again, MATE."
Napapikit ako sa sensasyong dumaloy sa akin.
Kalmado subalit madiin ang napaka lamig niyang boses sa aking isipan.
MATE.
Ang tanging bagay na aking naintindihan bago ako tuluyang panawan ng ulirat.