Chereads / ROYALTALE 1: The Huntress / Chapter 6 - KABANATA 2.2

Chapter 6 - KABANATA 2.2

"Eat" Wika nang haring bagong dating.

May dala dala itong plato na puno nang pagkain.

Tanghali na at ito ang pangalawang beses na hindi ko tinanggap ang pagkaing ibinibigay niya sa akin.

"Do you want to starve yourself?" Wika nito habang nakatingin sa akin.

"Pakakainin mo ba ako nang may lason?" Imbes ay tanong ko sakanya. Matalim ang mga matang tinitigan ko siya.

"'No." Tipid na sagot nito saakin.

"Ito ba ang gagawin mo para patayin ako?" Tanong ko ulit.

"No. Just eat up." Sa boses nito ay parang nauubusan na siya ng pasensya pero pinipilit pa rin niyang maging mabait sa pananalita.

"Bakit hindi na lang ikaw ang kumain niyan? Kahit anong gawin mo --- Kahit gaano pa kasarap ang amoy at tingin ng mga yan,hinding hindi ko yan kakainin." Sambit ko at tumingin na lang sa gilid.

Padabog nitong inilapag ang kutsarang mayroon nang laman na pagkain.

Sa bandang huli ay napabuntong hininga ito at sumusuko ang boses na nagsalita. "What do you want to eat then?"

"Ikaw na lang ang kumain para kung sakaling ngang may lason mas maganda nang ikaw ang unang mamamatay.."

Nakaupo ako sa kama habang siya naman ay nasa aking harapan. Ang malaking plato na puno nang pagkain ay nasa pagitan naming dalawa.

Nakatiklop ang nakatayo kong tuhod - dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang lumuwang ang tali sa aking mga paa at natitiklop ko na. Maging sa aking mga kamay ay maluwang din at magkahiwala na subalit – sa tuwing aakma akong susugod sa kanya ay hindi ko maigawal ang mga kamay at paa kong nakatali.

Kung kaya't dahil sa pagod at kawalan ng pagasa ako'y sumuko na lamang. Siya ay nakaupo lamang ng diretso sa aking tabi habang ang kanyang mga paa ay nakaekis. Nagtatagisan kami nang tinging dalawa kung sino ang unang titiklop.

Ganito lang din naman ang nangyari kaninang umaga. Susubuan niya ako, tatanggihan ko. Magsasalita siya nang ingles, magsasalita ako nang tagalog. Hindi kami magkaintindihang dalawa.

"Don't you know, I cook this food for you? I am the king here. I shouldn't be doing this---treating you like this! But the hell with that? I don't care. So If I were you---be grateful and just accept my offer."

Sa dami nang sinabi niya? Isa lang ang masasabi ko.

Nganga!

Ano ba ang dapat kong sabihin? Kung magsasalita naman ako siguradong hindi rin naman niya sasagutin nang tagalog tapos magsasalita nanaman ng ingles. Parang tanga.

"Just one taste." Muli niyang kinuha ang kutsarang may laman at inumang iyon sa akin.

"Ayoko nga diba? Bakit ba ang kulit mo?" Naiinis na wika ko sakanya.

"And why are you so stubborn too? You need to eat."

"Kung sinasabi mo kaya sa tagalog yan?" Iritang sambit ko at inirapan siya nang tingin.

"Why don't you just eat? Why make it harder for me?"Kitang kita sa matigas nitong ekspresyon ang pagpitik nag kanyang ugat sa ulo. Mahigpit na nakatikom ang kanyang labi at dahan dahan muling ibinaba ang kutsara.

Napalayo ang aking mukha nang ilapit nito ang mukha niya sa akin.

"Kakain ka? O ang bibig ko mismo ang magpapakain sayo?" Nagbabantang sabi nito saakin. Nagbabaga ang mga berdeng asul na sapirong mata nito na nakatitig saakin.

Matagal bago rumihistro sa utak ko ang mga salitang binitiwan niya. Napakurap kurap ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Ang ekspresyon niya ay seryosong naghihintay nang kasagutan.

Seryoso ba siya sa sinabi niya?

O nakikipagbiruan lamang siya?

Huh, ano bang akala nito sa akin? Magpapatalo ako sa kanya?

Bago ko pa maanalisa ang sasabihin ko ay nadulas na iyon palabas sa bibig ko.

"Bakit hindi mo subukan?"

Ngumis ito sa akin na nagsasabing 'sige ba, manuod ka.'

"As you wish, mate."

Mabilis ang galaw nito. Kinain niya ang pagkaing nasa kutsara at sa isang kisap mata lamang ay nakadampi na ang kanyang labi sa akin. Natuod ako at hindi makagalaw.

Anong nangyayri?

Teka—totoo ba ito o ilusyon lamang?

Hinahalikan ba talaga niya ako?!

Tila nasagot ang aking katanungan nang magsimulang gumalaw ang kanyang labi sa akin. Mabagal at dahan dahan. Nanlaki ang mata ko sa pakiramdam nang malambot niyang bibig.

Totoo nga!

Hindi ito panaginip o iliusyon ng gutom. Totoo ang halik na ito. A-ano ba ang dapat kong gawin?

Halos maduling ako sa lapit nang mukha niya sa akin. Ang mga mata niya ay nakapako sa aking mata. Napakabigat nang intensidad na iyon hanggang sa hindi ko na kayang tagalan.

Pumikit ako habang ninanamnam ang nakakabaliw na paggalaw nang kanyang labi sa akin na tila hinihikayat na tularan ko ang kanyang ginagawa.

'Nadia! Nadia! Ano ba yang ginagawa mo? Bakit imbis na itulak at sampalin ang walang hiyang nananamantala sa iyo ay sarap na sarap ka pa sa pakiramdam?'

Hindi ko namalayang maging ako ay humahalik na rin sa kanya pabalik.

Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang pilit na ginagawa nang bibig nito para pabukain ang mga labi ko. Dahil sa pwersa niya ay napaliyad ako sa may unan at hinayaang makapasok ang kanyang dila.

Malambot, mainit at masarap.

Napatigil ako sa ginagawa nang malasahan ko ang pagkaing ipinasa niya sa akin.

Napagtanto ko ang katanghang ginawa ko nang sa oras na nasa aking bibig na ang mga pagkain ay siya namang bilis nang pagkawala nang kanyang labi sa akin.

"Ayan, edi kumain karin." Ngumisi ito at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.

Tulalang nakatingin lamang ako sa kanya habang dahang dahang rumurihistro sa aking utak ang aking katangahan.

Hinamon ko siya.

Hinalikan niya ako.

Nagustuhan ko at nakalimutan ang lahat.

Pinakain niya ako---gamit mismo ang bibig niya, hindi kutsara.

Buong puso at wala sa sariling tinggap ko.

Nanalo siya – natalo ako.

"Masarap pala ang luto ko.....lalo na pag kasama ang labi mo."

"Bastos!" Mabilis na hinablot ko ang tinidor na nakahiga sa plato at buong pwersa iyong ibinato sa kanya.

Mabilis siyang naglaho sa aking harapan.

Tanging pagsara lamang nang pintuan ang siyang naabutan nang lumilipad na tinidor na ibinato ko sa kanya. Tumusok iyon sa pintuan -- sayang lang at hindi sa mismong katawan niya sumaksak ang bagay.

Lumipas pa ang ilang sandaling pagkakatitig ko sa pintuan bago mapagtantong hindi na siya babalik.

Subukan lang niyang magpakita sa akin --- hinding hindi ako magdadalawang isip na ibato ang kaawa awang pagkain kasama ng plato.

-

Dumating ang gabi na walang lapastangang nilalang ang nagpakita sa akin. Sayang lang talaga. Nakahanda pa naman ang platong wala nang laman na dala niya kanina.

Oo na.

Kinain ko rin ang sinabi ko na hindi ko kakainin ang pagkaing ibinigay niya.

Gutom na ako kung kaya't sayang lang din naman kung itatapon lang ang pagkaing iyon.

Tama. Kinain ko iyon para walang grasyang masayang, hindi dahil nagustuhan ko ang pagkaing ibinigay ng lapastanggang iyon gamit ang bibig niya.

Sa maghapon kong pananatili sa loob nang kwarto nang magisa, marami raming isipin ang lumangoy sa aking isipan.

Una ay hindi ako makakalabas o makakaalis man lang sa kama.

Pangalawa ay paano na ang kaibigan ko? Buhay pa kaya siya o patay na ?

Paano ba ako tatakas sa lugar na ito?

Sa kamay mismo nang hari?

At panghuli ay ---- hindi ko maramdaman ang galit o pagkamuhi sa ilang oras lamang na nakasama ko siya.

'Malamang lang na ang naramdaman mo Nadia ay purong kalandian at sarap.' Singit nang isip ko sa aking pagmumuni-muni.

Ano ba? Bakit ba lumitaw ang isiping iyon sa akin?

Umiling iling ako at pinalis ang malanding tinig sa loob nang aking isipan.

Isa rin sa napagtanto ko ay siya ang nagpakuha sa akin. Siya ang nagutos na pahirapan ako subalit--- siya rin naman panigurado ang gumagamot sa akin.

Tanging mamula mulang bakas na lamang nang sugat at pasa ang mayroon sa aking balat.

Ilang araw na ba akong nandito?

Napakabilis naman yatang maghilom ng sugat ko?

Itinaas ko ang aking mga braso at pinakatitigan ang mga iyon. Nakahiga ako sa kama at bukod sa pagtitig sa napakaliwanag na ilaw na hatid nang tila kristal na bagay na nakasabit sa kisame ay wala na akong ibang magawa.

Naiinip na ako sa lugar na ito.

Kinakailangan ko nang makaalis dito at mapuntahan si Aria sa lalong madaling panahon subalit---mukhang walang plano ang hari na pakawalan ako.

Mabilis akong napaayos at napaupo nang may kumatok sa pintuan.

Siya na kaya iyan?

Kumatok ulit ito nang tatlong beses.

Kinuha ko ang platong walang laman at inihandang ibato bago ako nagsalita. "Pasok."

Unti unting bumukas ang pintuan at nang lumitaw ang pigura ay malakas kong ibinato sa taong iyon ang plato.

Nanlaki ang mata ko ng huli ko nang makita at mapagtanto na hindi iyon ang haring lapastangan.

Natuod ang babae sa kanyang kinatatayuan at nanlalaking mata na tumitig sa papalapit na lumilipad na plato sakanya.

"Ilag!" Malakas kong sigaw.

Bago pa iyon tumama sa napakaamong mukha niya ay agad siyang yumuko.

"Ano ba Mocca bilisan mo nga—"

Nilamon ang salita nang taong nasa likod nang babae, nang sa kanya----o sa mukha niya mismo tumama ang plato.

Tahimik.

Napakatahimik nang paligid.

Nakangangang nilingon nang babae ang kasama niya matapos ay ibinalik sa akin ang tingin nang hindi makapaniwala.

"You're right, Elvis... she's so dangerous." Sambit nang babae sa kasama niya.

"Yes. Ngayon aayaw ka pa rin ba sa ideyang nakatali siya na kagustuhan ni Master?"

"Well---- I couldn't disagree more." Sagot nito at napalunok.

Unti unti dumulas ang plato sa mukha nang lalaking nasa likod ng babae.

Tikom ang bibig nitong nakatingin sa akin. Walang emosyon sa kanyang mukha pero alam ko --- sa kailaliman nang kanyang kalooban ay gustong gusto rin nitong ibato ang plato sa akin pabalik.

Tunog nang nabasag na plato ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Hindi ko namalayang nakatitig rin pala ako sa kanilang dalawa nang may nanlalaking mata at malamang na pati ang bibig ko ay nakabukas pa.

"H-hindi ko iyon kasalanan.."

Naglakad ang lalaki at tinapatan ang babae. Parehas silang nakatingin sa aking dalawa. May hawak na bandehado ang babae na naglalaman ng pagkain habang ang lalaki naman ay planggana.

"Alam ko Miss, kasalanan iyon nang lumilipad at diko akalaing may buhay na plato na aatake pala sa akin. Walang kasalanan ang taong may gawa nu'on. Naiintindihan ko iyon." Sarkaastikong sagot nito saakin.

May talim sa bawat dulo ng mga salitang binitiwan niya, kahit gaano pa iyon kaayos o kaginoo ramdam ko ang tila pinipigilan niyang inis.

Nalipat naman ang tingin ko sa babae.

Wala akong maisagot sa sinabi ng lalaki dahil bukod sa hindi naman tamang sabihin ko na hindi ko iyon sinasadya---na kung tutuusin ay sinadya ko talaga at binalak na ipatama sa mukha niya ay hinding hindi rin ako hihingi nang tawad.

"Ah-Miss pinapahatid ni Master ang inyong pagkain." Napataas ang kilay ko sa tinuran niya.

Nasaan naman kaya ang lapastangang iyon?

Master? Master ba ang pangalan ng hari nila?

"Nasaan ba siya? Takot ba siyang harapin ang kasalanan niya? Tuluyan nang naduwag at hindi ako maharap-harap?"

"Hindi siya takot at mas lalong hindi siya duwag. Magiingat ka sa mga lumalabas sa iyong bibig Miss, dahil siya pa rin ang hari.

Maari ka niyang patayin kung kailan man niya naisin. Wag na wag mo siyang gagalitin at wag mong samantalahin ang kabaitan niya."

Pinakatitigan ko ang lalaking nagsalita.

Elvis.

Iyan ang narinig kong pangalan niya. Pamilyar saakin ang taong ito.

Natatandaan ko na.

Isa siya sa mga taong nagpahirap sa akin.

Napatiim bagang akong tumitig sa kanya.

Ngayong napagtanto ko na kung sino siya , sapalagay ko'y kulang pa ang isang plato na humalik sa mukha niya.

"A-ano kaya ang iniisip niya?" Rinig kong bulong ng babaeng nagngangalang Mocca.

"Hindi ko alam. Baka iniisip niya na ang mga bagay na gagawin niya sa akin --- dahil sa akin lang naman nakapako ang nagbabantang titig niya — kung paano niya ako pahihirapan."

"P-paano mo naman nasabi?"

"Just one look Mocca and you will know what the other person is thinking about you."

"Pero.... .hindi natin siya pweding saktan."

"I know. Can't you see? That's the reason why she was tied up--- for her not to attack us and for us not to defend ourselves and attack her too."

"Now come on. Let's deliver this to her so we can leave here."

Tumango lamang ang babae at nagsimula nang maglakad papalapit sa akin.

Pinanuod ko lamang silang dalawa na ilapag ang mga hawak nilang pagkain at planggana bago mabilis na nilisan ang aking silid.

Naiwan nanaman akong magisa.

Hindi ko tinangkang silipin man lang ang pagkain.

Para saan pa? Para maakit nanaman ako at hindi mapigilang sunggaban ang pagkaing ibinibigay sa akin?

'Baka naman kasi gusto mong pakainin ka nanaman nang lalaking sinasabi mong lapastangan?'

Hindi ba mas masarap naman talaga kapag kasama ang labi niya?

Marahas akong napailing iling dahil sa paglitaw nanaman nang malanding tinig sa aking isipnan.

Ano ba Nadia? Saan ba nanggagaling ang mga masasamang isiping iyan?

'Dapat sa susunod na halikan ka niya ay kagatin mo ang labi niya hanggang sa dumugo iyon pero siyempre pagsawaan mo muna saka mo siya gantihan.'

Teka-teka-! Bakit ko ba iniisip na may susunod pa?

'Nadia - baka sakali lang naman kasi na hindi ka niya ulit mapakain at iyon ang gagawin niyang paraan para mapilit ka lang.'

Tama tama. Iyan nga ang dahilan.

'Iyan nga lang ba? O baka naman kasi gusto mong ulitin ang sarap ng pakiramdam nang magkakonekta niyong labi?'

Ang matikmang muli ang malambot, madulas at masarap na mainit niyang dila?

"Boo!"