Chereads / ROYALTALE 1: The Huntress / Chapter 5 - KABANAATA 2.1

Chapter 5 - KABANAATA 2.1

Nagmamadali akong umakyat sa sikretong daan ng aming bahay.

Kakaiba ang aking pakiramdam.

Parang may mali sa paligid.

Nang makaakyta ako sa hagdan na nasa loob mismo ng puno, mabilis kong inilibot ang aking paningin.

Nanigas ako nang tumambad sa aking harapan ang wasak wasak na gamit sa aming tirahan. Parang sinadyang sirain ang lahat ng gamit.

Napadako ang aking paningin sa salamin na may pulang likidong nakasulat.

Hindi ko man iyon mabasa, hindi parin nun naiwasan ang pagtindig ng aking mga balahibo sa aking batok.

Come and get your dying friend

In my land your life will end

Make it fast I'm counting hours

With in the dawn and not with stars

Tick tock tick tock says the clock

Run and run without a stop

She might be dead if you come late

Hours are running, don't hesitate

~X~

Aria!

Nakakainis lang talaga!

Bakit ba kasi Ingles?!

Ang arte naman eh!

Dapat kasi nagtatanong muna yung nilalang na nagpadala nito sa akin kung marunong ba akong bumasa,hindi yung sulat lang ng sulat hindi ko lang din naman naiintindihan. Edi wala ring kuwenta!

Pahirap namam oh, ano bang espesyal sa wikang ingles at pati mga hindi ordinaryong nilalang ginagamit ito?

Diyos ko naman!

Ngayon tanging naiwang amoy lamang nila kasama ni Aria ang nagbibigay sa akin ng bakas kung sino ang kumuha sa kanya---bampira.

************

Napalanghap ako ng hangin at dahan dahang nagmulat nang mata.

Ang sulat na iniwan sa akin ng kumuha kay Aria ay patuloy na bumabagabag sa aking kalooban.

Sino ba ang kumuha sakanya?

Maliban sa kaalamang isa iyong bampira at nakuha naman na nila ako....maaari kayang pinatakas na siya?

Isa rin ba iyon sa utos ng hari ng mga bampira?

Mga kaganapang nangyari sa akin nang gabing nagdaan ay biglang lumitaw sa aking isipan.

Ang pagpapahirap.

Sa malawak na lugar at punong puno ng mga nilalang.

Ang hari ng mga bampira.

Ang pagtakas ko.

Ang paghampas ko sa malaking puno.

At ang huli ay ang larawan ng lalaking may gawa niyon.

Malalim na berdeng asul na sapirong mata, ang napaka ganda nitong itsura at kumikinang na balat.

Mate---huling salita na binitiwan niya.

Umusbong ang kaba sa aking dibdib matapos kong maalala ang lahat.

Ngayon ko lamang napansin ang kulay puting kisame na aking tinitingnan.

Nasaan ako?

Anong nangyari sa akin matapos mawalan ng malay?

Akmang uupo sana ako mula sa pagkakahiga nang hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko.

Tila may bagay na pumipigil sa akin para mahila ang mga ito. Napatigil ako sandali at nilingon ang mga kamay kong magkadikit na nakagapos sa taas ng ulo ko.

A-ano ito?

Nanlalaking mata na tinitigan ko ang dalawang kamay ko na nakatali ng pulang tela sa poste ng kama.

Sinubukan ko iyong hilain subalit tila hindi manlang mabinat ang tela. Ganuon din sa aking mga paa.

Sino bang may gawa nito----- ang hari! Siya lang naman ang huli kong nakita bago ako nawalan nang malay.

Doon ko lang napansin ang mahaba at manipis na bestidang nakasuot sa akin,umaabot ito hanggang sa sakong nang aking paa.

Anong nangyri sa damit ko?

Ang duguan kong katawan?

Sinong gumamot sa akin?

"My, my, sleeping beauty is awake."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig."Anong ginawa mo sakin?"angil ko sakanya.

"How is your sleep?"

"Bakit ako nandito?"

"Do you feel better now?"

"Bakit ako nakatali? At sa kama mo pa talaga?"

"Answer me, woman." Nahimigan ko ang pagkayamot sa boses nito.

"Pakialam ko naman sa sinasabi mo?"yamot ring sumbat ko sakanya.

Paano ba namang hindi? Bukod sa wala na nga akong maintindihan sa mga sinasabi niya hindi niya pa sinasagot ang mga tanong ko sakanya.

Aba, malay ko ba kung itinatanong na pala nito sa akin ang mga paraang gusto niyang gawin sa pagpatay sa akin.

O kung hindi man ay nanghihingi sa akin ng mga ideya kung paano niya ako papatayin.

Masamang titig ang ibinabato ko sa direksiyon niya habang siya naman ay kalmado pa rin habang prenteng nakaupo sa isang sopa at may hawak na kopita na mataman nitong iniikot-ikot sa kanyang kamay.

"Dito mo ba ako balak na patayin? Gagahasain mo ba ako ha, katulad ng mga ibang mapagsamantalang nilalang?"

"No."

"Anong no? Hoy, ayos-ayusin mo nga yang sagot mo."

" I think I have the answer on my questions now."

"Pakawalan mo nga ako rito! Harapin mo ako. Imbes na nakatali ako rito habang pinapatay mo bakit hindi mo na lang ako labanan? Isang patas na laban?"

"I never thought you are one of a rambling nagger woman."

"Aba't---! Takot ka bang labanan ang isang babae?"

"Ofcourse not."

" Opkorse nat? matanong nga kita, bakit ingles ka ng Ingles ha?'

"Because I want to why?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

Matigas din talaga ang bungo nang bampirang ito no? Tinatanong ko nang tagalog sukat ba namang sagutin ako ng Ingles?

"What is your name?"

"Marunong ka ba nang tagalog?"

"Ofcourse. Again, what is your name, woman?"

Tinitigan ko siya nang may nanlilisik na mata at hindi na muling nagsalita pa.

Sayang lang ang laway ko kung kakausapin ko ang isang to. Mukhang hindi naiintindihan ang tanong ko eh.

Hari ba talaga ito?

Bakit hindi man lang masagot sagot ang mga tanong ko?

Bakit noong nagsalita naman siya ay tagalog? Pinaglololoko ba ako nito?

"Are you deaf?"

Katahimikan

"I am talking to you."

Katahimikan

"What.Is.Your.Name?"

Napataas lamang ang kilay ko sakanya.

Kitang kita ko ang paghigpit nang hawak niya sa kopita habang matamang nakatitig sa aking mga mata.

"Answer me or else....."

Napaikot lamang ang mata ko at inilipat ang aking paningin.

Bahala ka dyan, akala mo ha. Kausapin mo magisa yang sarili mo tignan natin kung hindi ka magmukhang baliw.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Magarbo ang buong kwarto. May magagandang larawan na nakasabit sa dingding, mala kristal ang bagay na nakasabit sa kisame at ang mga kasangkapang naka kalat ay muweblse at halatang mamahalin.

Ang iba'y ginto at pilak. Ang kamang kinalalagyan ko ay napakalambot na halos lumubog ang buong katawan ko. Ang mga supa nama'y mukhang kasing lambot din nang hinihigaan----

Umalingawngaw ang nabasag na kopita sa loob ng kwarto. Sa isang iglap lamang ay nasaharapan ko na siya. Nakasampa sa kamang kinalalagyan ko na kulang na lamang ay daganan ako.

"Wag mo akong bastusin kapag kinakausap kita." Nagbabantang bulong nito sa aking tainga.

Hindi ako nakagalaw,maging ang aking paghinga ay tumigil. Bumalik ang sensasyong naramdaman ko nang gabing una ko siyang makita.

"Naiintindihan mo?"

Matigas akong tumango kahit pa hindi ko naman alam ang sinasabi niya.

Paanong bastusin?Siya nga itong bastos sa aming dalawa eh!

Bakit naman ako tumango sa sinabi niya? Jusko, nandito nanaman ang katawan ko.

Unti unting umangat ang kanyang ulo. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis at makakahinga na ako nang maluwag subalit----napasinghap ako sa sumunod nitong ginawa.

Dumako ang dulo ng ilong nito sa aking leeg na malayang nakalitaw sakanya.

Dahan dahang tinalunton nito ang haba ng leeg ko pababa hanggang sa tumigil iyon sa pagitan ng aking balikat. Marahan niyang idinampi ang kanyang labi sa aking balat na nagbigay ng kakaibang init sa aking katawan.

"So tempting."

Sa isang kisap mata ay nakaupo na siyang muli sa kanyang upuan kanina.

Hindi pa rin ako makagalaw sa aking pagkakahiga. Tila pinoproseso pa lamang nang aking utak ang mga mabilis na kaganapan.

Ang pakiramdam ng malambot niyang labi na dumampi sa aking balat ay nanatili sa akin. Tila hindi ako makaalis sa isiping iyon.

Nadia, kumalma ka.

Paganahin mo ang iyong utak at kumilos ka nang naaayon sa isang babae na binastos ng lalaki.

Tandaan mo Nadia, Binastos ka niya kaya tigil tigilan mo na ang pagiging mukhang tanga at pagnamnam sa halik na ginawa niya!

Napaubo ako nang mahina at nilingon siya nang may nakamamatay na tingin.

"Ang kapal nang mukha mo! Bakit mo ginawa iyon ha? Talagang may balak kang gahasain ako ano?"

"In your dreams."

Napasinghal ako sa sinabi nito.

Sabihin nating masyado naman yata ang reaksiyon ko pero sino ba namang matinong babae ang hindi aarte nang ganoon?

Atsaka kahit pa hindi ko naintindihan ang sinabi niya, alam ko----dahil ramdam ko sa malamig palang na titig na ibinibigay nito sa akin na hindi ganoon ang balak niyang gawin sa akin. Pero ano?

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nagsimula nang maglakad papunta sa pintuan.

T-teka---iiwan niya ako nang ganito?

"S-saan ka pupunta?"

"Out."

"A-awt? Anong awt? Aalis ka? Iiwan ako nang ganito at nagiisa? Hoy hoy! Pakawalan mo ako rito!"

"Don't worry,I'll send someone here to give you your food. And you wont be alone for long. I'll be back later."

Pinanuod ko lamang siyang lumabas sa pintuan.

Ngayon paano na? Anong gagawin ko?

Paano ko ba matatanggal ang mga taling ito kung sa tuwing nagpupumiglas ako ay humihigpit naman ang pagkakapulupot nito saakin?