Nabalik ako sa aking malalim na pagalala nang marinig ko ang tunog nang pagbukas ng aking kulungan.
'Sa wakas, dadalaw nanaman sila.'
Tanging sulo lamang na dala nila ang nagbibigay ilaw sa loob.
Agad akong umupo gamit ang lakas na naipon ko nang pumasok ang tatlong lalaki.
Kanina lamang ay dalawa sila.
'Ang bait naman at talagang nagsama pa nang isa.'
"Tsk. Tsk. Tsk. You did this? You're too brutal Rayve. She's still a woman."
"For all I care, she's a prisoner and soon will be a headless corpse. What's there to care?"
Iiling iling ang unang nagsalitang lalaki na may kulay itim na buhok na umaabot sa kanyang balikat – ang bago nilang kasama.
Samantalang ang pangalawang lalaking sumagot naman na may pulang buhok at walang pakialam na nakatingin sa akin.
Tahimik lamang ang pangatlong lalaking kasama nila.
Nakatitig ito sa akin na tila ini-eksamina ang aking katawan.
"I think we did too much." Biglang sabi nito.
" You're right Elvis." binigyan ng tapik sa balikat ng lalaking may itim na buhok ang nagsalita na nagngangalang Elvis.
" Nah. I think it's fine. She didn't beg, not even scream." Sabat naman nang nakapamulsang lalaking may pulang buhok na Rayve ang pangalan.
"Mind you, not even a single tear fell from her eyes, after all the torture we did to her just to make her shout. We got nothing. Is she a robot? A mute?" wika ni Elvis na sandaling nilingon ang mga kasama.
"Well I could only say that she's really tough." Wika ulit ng lalaking may itim na buhok habang ang mga braso nito ay nakahalukipkip sa kanyang dibdib.
Walang imik at mataman lamang akong nakipagtitigan sa kanila. Naghihintay nang panibagong sakit na matatamo.
Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila, pero isa lang ang alam ko. Ako ang paksang pinaguusapan nila.
"Come on! We better get her out of here. They are waiting for her."
Mabilis silang lumapit sa aking tatlo at hinawakan ang magkabilang kadena ko sa kamay habang ang isa ay sa leeg at parang hayop na hinila ako palabas sa seldang kinalalagyan ko.
Habang mabagal na naglalakad sa ilalim nang madilim na kalangitan, kapansin pansin ang kakaibang sigla nilang tatlo.
Bampira sila subalit hindi manlang natitinag sa dugong nagkalat sa akin.
Napatawa ako sa aking isipan.
'Ganito ba sila kasuklam sa akin at kahit dugo ko'y di nila kayang paginteresan?'
Ni hindi manlang sila apektado gayong dugo ang paborito nilang inumin.
(Nadia...imbis na magtaka ka bakit dimo na lang ipagpasalamat?
Mas maganda nang makarating ka nang hindi nila kinakain dahil bukod sa marami nang dugo ang nawalay sayo sapalagay ko'y wala ka nang natitirang reserba na maiaalay pa sa kanila.) singit ng isang bahagi ng isip ko.
'Tama! Sabagay, kinasusuklaman ko rin naman sila.' napatango tango ako sa sarili sa napagtanto.
Sa malamig naa gabing ito, tanging tunog lamang nang kalansing ng mga kadena ang maririnig kasama ng mga insektong kuliglig sa paligid.
Naglalakad kami papalabas nang palasyo, sa palagay ko'y patungo kami sa gitnang bahagi nang kagubatan ng Vandeth.
Ngayong gabi ibibigay ang sintensya ko.
Mamamatay na ba ako?
Paano ang kaibigan ko?
Hinihintay kaya niya ako?
Subalit bakit sa bawat paghakbang ko papalapit sa aming patutunguhan ay kakaibang kiliti nang pagkasabik ang nararamdaman ko.
Pakiramdam ko ay may magandang mangyayari sa akin pero sino nga ba ang niloloko ko?
Mahina akong natawa sa sarili.
Ako lang yata ang taong sabik na sabik na salubungin ang aking kamatayan.
Ang nakakaramdam nang kakaibang kagalakan at higit sa lahat ang taong nakakapagsip na may magandang mangyayari sa kanyang sarili sa nalalapit na kamaatayan.
Hindi ko namalayan ang pagdating namin sa harap nang isang napakataas na kahoy na pintuan.
Napakalaki nito, kinakailangan mo pang tumingala upang maabot lamang nang iyong paningin ang hangganan ng pintuan.
Sabay iyong binuksan nina Elvis at Rayve na tila hindi na makapaghintay sa mangyayari oras na tumapak ako sa loob.
"Handa ka na ba Night Hunter?" tanong sa akin ni Rayve.
May ngising nakapaskil sa labi nto habang sa kanyang mata ay may naglalarong panunuya.
Sinulyapan ko lamang siya sandali at muling ibinalik sa harapan ang aking titig.
Kailan man hindi ako nagsalita sa kanila.
Sa mga pagpapahirap na ginawa nila ay hindi ako sumigaw o nagmakaawa.
Hinding hindi ko ibibigay sa kanila ang kagalakang iyon.
"Ang dami mong fans Night Hunter!" Tuwang tuwa namang sambit nang isa sa kanila na walang pangalan.
Pumasok kami sa loob at kadiliman ang sumalubong sa amin.
Malamig at makapal ang hanging bumabalot sa loob.
Sa bawat paghakbang ko ay siya ring paglitaw nang kakaibang emosyon sa akin.
Tila may mga ensektong nagliliparan sa loob nang aking tiyan.
"You're lucky, you know that? Alam mo bang ang hari mismo ang magpaparusa sayo?" Natigilan ako sa inabi ni Rayve.
Ang hari?
Kailan ma'y hindi ko pa ito nakita. Kahit sa panahong pananatili ko sa selda ay hindi manlang ito nagpunta.
Sa pagkakaalam ko ay may mabuting puso ang hari. Pagdating sa laban ay malupit ito kung kaya't walang nagtatangkang agawin ang kanyang trono.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ganon na lang ang pagusbong nang matinding kaba at pagkasabik sa saking dibdib.
Ang mga insektong nagliliparan ay tila nagwala sa aking tiyan.
'Ngunit bakit gayon na lang ang aking nararamdaman?'
Nagsaubong ang aking kilay sa pagtataka ng aking pakiramdam.
'Bakit ako nakakaramdam nang ganito sa mismong tao na tatapos nang buhay ko?'
Nagpatuloy kami sa paglalakad,ramdam ko ang kakaibang titig na ibinibigay nila sa aking tatlo.
Di kalauna'y ang tahimik na paligid ay naglaho.
Sumabog sa aming paligid ang nakakabinging sigawan nang ibat ibang nilalang.
Muli ay napatigil ako sa paglalakad at namamanghang inilibot ang aking paningin sa buong paigid.
Umangat nang kaunti ang aking labi nang mapagtantong kompelto ang magkakaalyansang nilalang na kadalasang pinapatay ko.
Punong puno ang napakalawak na kwarto-----kung kwarto nga bang matatawag ito.
'Ganito ba nila ako kamahal para hakutin ang lahat nang mga kauri nila?'
Sabik na sabik ang kanilang mga itsura.
Tila hayok na hayok na nagwawala.
Saan mang parte ay may isinisigaw na paraang gagawin nang aking kamatayan. Sa bandang kanan nakapuwesto ang mga taong lobo.
Walang damit ang mga lalaki at ang iba ay nakaanyong mga higanteng aso.
Rinig na rinig ang matapang nilang pagangil sa direksyo ko.
Kitang kita rin ang naglalakihan nilang mga pangil na maikukumpara sa braso nang isang sanggol.
Sa bandang kaliwa nama'y agad mong malalaman na Ada at Nimpa ang mga ito dahil sa napaka ganda nilang itsura at kasuotan,kasama nang kakaibang liwanag na nakapalibot sa kanilang lahat.
Kumikinang sila sa kagandahan subalit, kabaliktaran iyon nang kanilang mga ekspresyon.
Galit at nagbabaga ang kanilang mga mata.
Punong puno iyon nang pagkamuhi na direktang tumatama sa aking direksyon.
Habang sa mga nakaangat nilang kamay ay may maliit na liwanag na ibat iba ang kulay.
Sa bandang gitna naman nakapuwesto ang mga bampira.
Pulang pula ang kanilang mga nakaparatang na balintataw ng mata habang nakalabas ang mga matutulis na ngipin.
Ang kulay itim nilang kuko ay mahahaba at matutulis na tila anumang oras ay handa akong sugurin.
"Do you see how crazy they are about you? They are all dying just to see your death, Night Hunter." Bulong nang lalaking may hawak nang kadena sa leeg ko – Rayve.
Nakapwesto ito sa likuran kung kayat hindi ko makita ang kanyang ekspresyon.
Wala akong pakialam sa iwinika niya dahil bukod sa isa nanaman iyong insulto-----kahit hindi ko naman talaga naintindihan ang ibig sabihin------ay abala ang aking mata sa panunuri sa buong lugar na pangyayarihan nang aking kamatayan.
Walang bubong ang lugar na kinalalagyan namin,kung kaya't direktang nakakapasok ang liwanag nang sinag ng buwan sa paoblong na hugis nang butas nito.
Tila ba'y nasa loob kami nang isang kuweba, ngunit ang kaibahan nga lang ay ang lugar na ito ay pinalilibutan ng mga upuang nakahilera pataas na siya namang kinalalagyan ng mga nilalang.
May hagdan sa gilid nang mga upuan na siyang daanan.
Isa ito sa abilidad ko na hindi natural bilang isang tao.
Kaya kong makita nang malapitan ang isang bagay na may ilang kilometro ang layo mula sa akin.
Ang kakayahan kong makakita nang malinaw sa dilim, at higit sa lahat ay ang kakaibang lakas ko na kayang makipagsabayan sa kanilang lahat o minsan ay kaya ko pa silang higitan.
"See that Night Hunter? Puong puno ang Arena dahil sayo." Ngiting ngiting sambit ng lalaking may itim na mahabang buhok sa gilid ko.
Kahit sa ganitong sitwasyon, hindi maiwasang umikot nang dalawang mata ko dahil sa iritasyon sa kadaldalan mayroon siya.
Kung malaya lang siguro ang kamay ko, baka kanina ko pa nahila palabas ang kanyang dila.
Ramdam ko sa walang lakas kong mga kamay ang mahinang paghila ng dalawa sa akin - indikasyong ipagpatuloy ko na ang aking paglalakad papunta sa gitnang bahagi nang napakalawak na lugar.
Mayroong malawak na espasyo at sa pinaka gitnang bahagi ay isang maluwang at napakalaking entablado. Di kumulang sa pitong talampakan ang taas.
Dito mangyaring gaganapin ang aking kaparusahan.
Umakyat kami sa itaas nang entablado. Doo'y bumungad sa akin ang ibat ibang uri nang mga sandata.
Sa isang tingin pa lamang alam kong gagamitin nila iyon sa akin.
'Kung gayon may ikalawang bahagi pa pala ang pagpapahirap nila?'
Dumako naman ang tingin ko sa pinaka itaas na parte ng lugar. Kanina ko pa ramdam ang kanilang titg na matamang pinapanuod ang bawat galaw ko.
Naroon nakapuwesto ang tatlong trono para sa pinuno ng bawat nilalang.
Katulad nang pagkakapuwesto nang kanilang mga nasasakupan ay ganoon din ang puwesto nila sa pagkakaupo.
Sa kanang bahagi nakaupu ang Alpha o pinuno nang mga lobo na si Alexo Arudiou. Nagtataglay ito nang angking kagwapuhan at makisig na pangangatawan.
Sa kaliwang bahagi nama'y si Zenaiah na siyang reyna nang mga Ada. Tila isang diyosa sa kagandahang taglay nito. Tiyak kong siya na ang pinaka magandang babae na aking nasilayan sa tanan nang aking buhay.
Ngunit kapansin pansin ang blangko na upuan sa pagitan nang dalawang pinuno.
Ang tanging okupante na hinihintay upang simulan ang kinababaliwan nang lahat na magaganap.
'Nasaan nga ba ang hari nang mga bampira?'
'Ang magbibigay ng kagampanan sa aking hinihintay na kamatayan?'
Nanayo ang lahat ng balahibo sa aking batok sa isiping iyon. Hindi sa kamatayan kundi sa mismong nilalang na papataw sa akin.
'Ngunit sa anong kadahilanan?'
'Bakit ganito ang pagdagsa ng ibat ibang pakiramdam na ngayon ko lamang nararamdaman?'
Habang nakatingin nang direkta sa kanilang dalawa,napagtanto kong kaya rin palang magsamasama ng mga nilalang na ito sa iisang lugar lamang.
'Pero sino nga ba talaga ako para mahakot ang lahat nang nilalang na ito?'
Binigyan ko silang dalawa ng isang ngising tatatak sa kanila, kapag ako'y wala na.
Matapos ay muli kong sinuyod ng tingin ang lahat ng nilalang.
Ako ang bangungot nang lahat.
Ang kinatatakutang hunter na walang awang pumapatay sa mga halimaw na katulad nila.
Ang nangakong uubusin ang lahi ng mga bampira.
Ako si Nadia Saunterly,ang Night Hunter na may patong sa ulong gintong halaga na pera.
Ang sinusugpo ng lahat ng nilalang maging ng katulad kong mga hunter.
Ako ang taong hindi normal at nawawala sa malupit na mundo.
At higit sa lahat, ako ang taong may bangungot na nakaraan at sinakop nang kadiliman ang buong katauhan.