Malamig ang sahig pero mainit ang aking pakiramdam.
Duguan at punong puno nang malalaking sugat ang buong katawan ko pero wala akong maramdamang sakit, tanging pamamanhid.
Lupaypay ang aking mga kamay at paa.
Ramdam ko ang nasusunog kong katawan sa kalamigan at habang tumatagal na nakatitig ako sa walang hanggang kadiliman, paunti unting humihiwalay sa aking katawan ang ipinaglaban kong kamalayan.
Nanatili ang sensasyon ng mga sipa nilang naghatid ng matinding sakit sa bawat parte nang aking katawan.
Ang nabibingi kong tenga ay naririnig ang walang tinig na halinghing ng paghihingalo sa aking isip,kasabay ng paulit ulit na tunog nang nakakasukang pagkasira ng mga buto sa kalooban nang katawan ko.
Subalit hindi ako maaaring pumikit, dahil kapag nangyari iyon baka tuluyan nang humiwalay sa akin ang aking buhay.
Ayokong maulit ang mahapding sakit na gigising sa akin.
Ang pagsaboy nila nang alak sa buong katawan kong puno nang sugat.
Tila isang impyerno kung maikukumpara naako'y niluluto nang walang apoy.
Mas nanaisin ko pang huwag na lamang matulog sa kahit anong sandali kung ganoong sakit lang'rin ang aking malalasap.
Mahigpit ang makapal na bakal na nakapalibot sa aking leeg. Halos pigilan ako nito sa paglunok nang katiting na laway.
Ang mga namamagang kamay at paa ko naman ay nakagapos rin. Lapat na lapat ang makapal na bakal sa aking balat na tila nagsusumiksik na palitan ang aking kutis.
'Ilang sandali lamang ay darating nanaman sila.'
Uulitin ang pagpapahirap na ginagawa sa akin.
'Hindi na ako makapaghintay.'
Sa loob nang tatlong araw na pagkakabilanggo ko sa mabahong kulungang ito, iba't ibang kagamitan ang dala nila upang i-eksperimento sa katawan ko.
Maghahatid iyon ng matinding sakit at magbibigay naman sa kanila ng kasiyahan.
Ramdam ko ang mahinang pagtibok nang puso ko. Ang patuloy nitong paglaban upang mabuhay ako.
Ngunit hanggang kalian ang itatagal ko?
Kailan magsasawa ang katawan kong namnamin ang sakit na ihahatid nila?
Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking tuyot na labi nang maalala kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Dahil sa matinding pagaalala at diterminasyon kong makarating sa Vandeth, kahit pagod ay walang pagaatubiling sinuong ko ang teritoryo ng Green Land of the Howling Beast patungong Fraei Land of Magic.
Walang tigil at pahinga.
Ni hindi ko inabalang gamutin ang mga sugat na natamo ko sa bawat kalabang nakaabang sa akin sa mga lugar na nadaanan ko dahil lamang sa pagmamadaling mailigtas ang kaibigan ko - Ang tanging pamilya na mayroon ako.
Umusbong ang pagasang maililigtas ko siya nang makatawid ako sa River of Blood.
Ito ang hangganan ng teritoryo ng mga Ada at ang simula ng teritoryo ng mga bampira.
Subalit,ang pagasang iyon ay nawala nang hindi ko namalayang mayroon din palang bampirang nagaabang para sa aking pagdating.
Nawalan ako nang malay ng makaramdam ako nang matinding sakit mula sa batok ko na nagparalisa sa buong katawan ko.
Paggising ko ay narito na ako, nakahimlay sa matigas at mabahong sahig habang nakakadena ang aking katawan.
Kasalanan ko naman ang lahat.
Tanging sarili ko lamang ang iniisip ko.
Nabulag ako ng galit at paghihiganti sa mga nilalang dito sa mundo kung kaya't, nawalan ako nang pakialam sa aking kaibigan.
Sa dami nang aking mga kalaban, ginawa siyang pain upang mahuli ako.
Ganoon ba sila kadespirado para sa halaga nang ulo ko?
Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Hindi maganda ang huli naming paguusap, dahil lamang gusto nitong tumigil na ako sa aking ginagawa. Naalala ko pa ang mga binitiwan niyang salita sa akin noon.
Kagagaling ko lamang sa Vandeth.
Pagdating ko sa aming tahanan ay may maliit pa na ngiti sa aking labi upang ipansalubong sa kanya, habang dala sa isa kong kamay ang maliit na tigreng paborito niyang kainin. Ngunit agad iyong naglaho nang makita ko ang matinding pagaalala na bumabalot sa mukha niya.
"Bakit ba ang tagal mong dumating?! Pinagalala mo nanaman ako! Akala ko kung napano kana----" bungad nito saakin.
"Ikaw naman hindi na nasanay sa akin, alam mo naman araw araw ko itong ginagawa hindi ba? Ito ang trabaho ko, at isa pa kung hindi ako aalis wala tayong makakain" putol ko sa iba pang sasabihin niya.
Iginiya ko siya papunta sa sikretong daan ngaming pintuan sa loob mismo ng puno.
"Tadaa! Nakahuli nanaman ako nang paborito mong ulamin."
"Alam mong walang kaso sa akin kung hindi ako makakain ng tigre.
Bakit ba napakatigas nang ulo mo ha?
Papaano kung napahamak ka?
Paano kung mabalitaan ko na lamang na patay kana?
Walang ulo at pira-piraso ang katawan?
Malalagot ako!
Responsibilidad kita at hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na hinahanap ka nang halos lahat nang nilalang dito sa mundo!
Lahat gusto kang makuha!
Lahat gusto kang mapatay! Kahit sa katulad mong hunter ay hinuhuli ka para lamang sa malaking pabuya na nakagawad sa ulo mo!
Ngayon sabihin mo, paano ako kakalma kung sa tuwing aalis ka nangbahay ay alam kong may panganib na nakaabang sayo?!" histeryang sigaw nito sa akin.
Namumula ang buong mukha niya pati tenga, habang tumutulo naman ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
Natigilan ako, nawalan nang ngiti at napatitig sa kanya.
Sa pitong taong ginagawa ko ang trabahong ito, ngayon lamang siya sumabog sa galit.
"Pakiusap, itigil mo na ang paghihiganti. Mali ang ginagawa mo. Sa bandang huli baka pagsisihan mo ang lahat. Hindi lahat nang nilalang ay masama. Hindi lahat nang bampira ay nakagawa nang kasalanan sa iyo."
"P-pero halimaw sila...." Mahinang bulong ko sa sarili na ikinailing niya.
"Ikaw ang halimaw sa kanila. Hindi matutuwa ang mga magulang mo sa ginagawa mo."
Parang sinaksak ang dibdib ko sa sinabi niya sa akin.
Halimaw ako?
Pero---- masama ba ang maghiganti?
Gusto ko lang naman ng hustisya para sa mga magulang ko. Bakit sa sinabi niya sa akin,tila ako na ang pinaka masama?
Mas masahol pa sa mga nilalang na kinamumuhian ko?
Tiningnan ko siya nang may hinanakit sa mata.
"Ano ba ang alam mo sa nararamdaman ko?
Sabihin nating nasawi rin ang mga magulag mo katulad ko pero ang pinagkaiba, sila nakasama mo!
Nakapiling ,nakilala at naiparamdam nila ang pagmamahal nila sayo, pero ako ano? Ni pangalan o itsura hindi ko sila kilala!
Alam mo bang pinangarap ko rin na may matawag na mama at papa?
Na may maayos akong tirahan na mauuwian?
Na may masasarap na pagkaing makain at makakain nang tama sa isang araw.
Pero lahat nang kagustuhan kong iyon ay ipinagkait!
Ni hindi ko alam kung ano ako, kung isa ba akong tao na may kakaibang lakas o isa rin sa mga nilalang na kinamumuhian ko.
Kung bakit ako ganito?
Bakit nagiiba ang kulay nang mata ko?
Bakit hindi ordinary ang lakas ko?
Hindi ko kilala ang sarili ko. Pero salamat at may taglay akong ganito.
Isipin mong masama ang ginagawa ko pero para sa akin, hustisya sa pagkamatay nang magulang ko at sa ninakaw na magandang buhay noong kabataan ko.
Hinding hindi ako magsisisi sa ginawa ko, kahit pa ikaw na tanging kaibigan ko ay talikuran ako."
Pagkatapos kong ilabas ang lahat nang kinikimkim ko ay tumakbo ako palayo sa kanya.
Akala ko naiintindihan niya ako, pero hindi pala.
Hindi niya alam ang mga pasakit at matinding pagdurusa na sinapit ko sa kamay nilang lahat.
Siguro,walang pweding tumanggap sa akin. Sa ginagawa ko. Tanging sarili ko lamang.
Ako lang naman ang nakakaramdam nang ganoon kaya paanong maiintindihan niya ako?
Habang tumatakbo ay hindi ko tuloy mapigilang maisip. Nakakainggit pala ang mga nilalang na may tinatawag na MATE.
Magkakaroon din kaya ako nito? Sa pagkakarinig ko mula kay Aria, kapag nakita mo na ang mate mo o ang taong itinadhana sa iyo,ay matatanggap ka nito kahit ano at sino ka.
Mamahalin ka nang sobra at hinding hindi ka nito pababayaan.
Aalagaan ka nito na tila ikaw lamang ang pinakamahalagang tao sa buong mundo.
Sayo iikot ang mundo niya at ganoon ka din sa kanya.
Napailing ako agad sa sarili.
Magiging ganoon ba kabait sa tulad kong makasalanan ang mayalalang?
Malabong mangyari...
Pero kung sakaling mayroon man, ipagpapasalamat ko iyon sa itaas at ako na mismo ang gagalaw upang hanapin siya.