Chapter 16 - Chapter 16

Xyzrielle's PoV:

'Hala! Totoo kayang sila ni Queen?'

'Owemji! I wonder kung anong nakita sa kanya ni Miss Athena.'

'Baka pinikot nya si Queen, Pre.'

Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. I decided na wag na lang pansinin ang mga pinagsasasabi nila. Naglalabas-pasok lang ang mga 'yon sa tenga ko.

Simula pa kaninang pagpasok ko ay ilan na 'to sa aking mga naririnig. Mygoodness. We're the talk of the town. Ganto pala ang feeling ng maging isang sikat.

May kumakalat kasing video at picture namin ni Athena nung time na may nangharass sa kanya. Sakto pa roon sa sinabi kong girlfriend ko si Arts. Tapos yung picture naman namin ay 'yung binuhat ko sya ng pabridal style.

Oh, diba? Ayos rin. Everyone thinks that me and Athena are in a relationship.

Ugh! Na-misinterpret kasi nila ang lahat. Jusko po. Hindi ba pwedeng 'yung girl friend is yung babaeng kaibigan?

Tapos nagcecare lang ako sa kanya kaya ko sya binuhat ng ganong style. Hmp. Ginigigil nila ako ha. Super advance nilang mag-isip. Lahat may malisya.

So far, wala pa naman akong na eencounter na nakakasira ng araw ko and that's good. Wala ring mga pambubully akong nafefeel. I wonder kung alam na kaya ni Athena ang usap-usapan ngayon.

Papunta na kami ng aking mga tropapips ngayon sa cafeteria dahil break na. For sure ay marami na ring estudyanteng nandoon. Sana naman ay hindi siksikan. Gusto ko nang kumain huhu.

"Ikaw ha... Ganoon pala ang type mo, Xyzrielle."  Pagkantyaw sa akin ni Kelly. Isa sya sa mga bago kong kaibigan. Sya ang pinaka-energetic samin at hindi mo makikita na nagalit sya kahit kelan. Ang haba ng pasensya nya.

"Siguro, acting nyo lang 'yung pagbubully kuno para matago ang totoo nyong relasyon." Dagdag pa ni Leanne. Sya ang pinaka-nakavibes ko sa kaibigan ni Erin dahil up sya sa mga travel and adventure. Kaya madali rin kaming nagclick. Ang bongga diba?

"Magkwento ka naman kung paano naging kayo. Sinong nanligaw? Saan kayo nagkita?" Sunod-sunod na tanong ni Kathrina. Aish. Wala ngang kami. Gusto ko nang matapos 'to huhuhu.

"Owemji! Ako na ang no.1 shipper nyong dalawa." Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa akinh narinih. Akala ko pa naman kakampi ko si Erin dito. Hmp.

Bwiset naman kasi 'yung naglabas ng video at picture. Pasikat eh. Wala siguro magawa ang taong 'yon kaya kami ang napagdiskitahan.

Nakahanap kami agad ng pwesto kaya umorder na kami pagkatapos. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kakaibang tingin na ipinupukol sa akin ng mga kapwa ko estudyanye.

Naririnig ko rin ang bulung-bulungan nila. Hindi na ako sure kung bulong pa bang matatawag 'yon dahil ang lakas ng boses nila. Parang talagang pinaparinig sa akin eh.

The crowd went silent nang may pumasok na isang grupo sa cafeteria at mukhang alam ko na yung sino 'yon. It was Athena's group. Sikat na sikat ang grupo nila. At nakakatakot silang banggain. Mabuti na lang talaga at hindi ako palaaway.

Dumating na si Kelly dala ang mga inorder namin. She volunteered to do that. Nakakatamad kayang. Gusto ko nang kumain. Yum.

Kinuha ko na agad ang order ko at sinimulan nang lantakan 'yon. Galit-galit muna tayo, mga frenny ko.

Hindi ko pa nakakalahati ang kinakain ko nang may marinig akong nagsalita.

"Hey, babe." Saad ng kung sino.

Hindi na lang namin pinansin dahil baka wala naman sa amin ang tinatawag ng taong 'yon. Baka masabihan pa kaming assuming. Lwe.

Atsaka, take note na lahat kami ay single. Kaya kung may kakilala kayong fafa, ireto nyo naman sa amin.

"Hey, Love."

Kanina babe tapos ngayon love na. Ano ba talaga? Atsaka, sino ba ang tinatawag non? Bakit ayaw lumingon?

"Baby, ano ba?! Kanina pa kita tinatawag ah!"  Halatang inis na ang taong nagsalita kaya nag-angat na ako ng tingin. Baka mamaya ay may nag-aaway na. Ang ganda kayang panoorin non habang kumakain.

But I think, I did a wrong move. Dahil isang hindi na maipintang mukha ni Athena ang tumambad sa akin. She was staring at me directly. Napakatalim ng mga tinging ipinupukol nya sa akin.

Unti-unti syang naglakad papunta sa table namin. Hindi nya pinuputol ang tinginan namin. Mas lalong kumakabog sa bawat hakbang na ginagawa nya.

Hindu ko maiwasang mapalunok. Damn. Bakit parang ang sexy nya ngayon? Atsaka bakit tila nag-iislow motion ang paligid? Parang sya lang ang nakikita ko.

Tumigil sya mismo sa tapat ko. I stay still on my seat. Napaisip ako. Hmmm... wala naman akong ginawa sa kaya this past few days ah. Bakit naman kaya sya nandito at ginugulo ako?

"Baby, bakit ba hindi ka tumitingin sa akin kanina?" Napakalambing ng boses nya. Ang sarap sa pandinig.

Napasinghap ang lahat kasama na rin ako. Like hello.. anong nangyayari? Lasing uli ata ang babaeng 'to. This is my first time to see her in this state. Gusto ko ng explanation.

I gave her a confuse look. Gulong-gulo ako sa nangyayari. She gave me the sumabay-ka-na-lang look.

I gulped. Parang kapag hindi ko ginawa ang gusto nya, papatayin nya ako sa takot.

"Anyways... Baby, mag-usap tayo after class ha. Wag mo ako pag-intayin dahil malalagot ka talaga sa akin. Meet me in the parking lot later. Don't forget." She's smiling pero napakatalim ng mga tinging ipinupukol nya. Parang nagbabanta.

Wow. Pang best actress na ang acting nya. Wala na akong masabi pa. Hindi ko alam kung anong nakita nya sa akin at ako pa ang pinagtripan nya.

Napansin kong hanggang ngayon ay nakikinig pa rin ang lahat. Mga chismosa. Hmp. Wala na, finish na talaga ako nito.

Bago umalis si Athena ay ngumisi sya at binigyan pa ako ng flying kiss. Argh! Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako o hindi. Inaasar nya ata ako.

Nagsimula na naman akong kantyawan ng mga frenny ko. Bahala sila riyan. Hindi ko sila bati.

I wonder kung anong planong tumtakbo sa isip ng babaeng 'yon. Eto ba ang bago nyang way para ibully ako? Aish. Bahala na nga si Wonder Woman.

AFTER CLASS AY dumiretso na ako ng parking lot. Mahirap pag-antayin ang isang dragona. Baka mamaya, maglabas ng apoy yon at silaban ako noh.

Nakita ko sya agad. Naakasandal sya sa kanyang kotse. Athena seems busy checking her new nails.

I faked a cough to catch her attention.

"You're 5 minutes late." Mataray nyang saad habang nakapameywang pa. Hala. Parang 5 minutes lang naman eh.

"Bakit mo ba ako pinapunta rito?" I asked instead. Gusto ko nang umuwi at humilata na lang.

"Kumalma ka lang diyan. Pero sige na nga, let's get straight to the point." Nag-iba bigla ang kanyang expression. "I want you to be my girlfriend." Maawtoridad nyang saad.

My eyes widen in shock and my mouth went agape. What the duck??

Parang ang tagal iproseso ng utak ko ang sinabi nya. Is this for real?

Hindi ko naman alam na may gusto pala sa akin ang babaeng 'to. May lihim pala syang pagtingin sa akin. Well, ganon talaga pag maganda. Madaming nagkakagusto.

"Wait. Let me rephrase that. I want you to be my FAKE Girlfriend." She said while emphasizing the word fake.

"I have my reasons kaya ko 'to ginagawa. You don't have the rights to say no to me." Parang confident na confident sya. "Yes lang ang tinatanggap kong sagot."

Napasimangot ako doon. Bakit naman bawal humindi? Ano sya? Batas? Tapos aalilain nya ako kapag kami na? Utos-utosan lang ganon? Hindi pwede! Over my drop-dead gorgeous body?! Hmp.

'Che! Chance mo na 'to para sa crush mo. Wag kang pabebe riyan'.

Hala. Hindi ko naman crush si Arte. Argh! Okay, fine. Nacaught lang ng atensyon ko. That's it. Nothing more. Nothing less.

"Hindi ako———" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may dumating na isang gwapong lalaki.

Nanlaki ang aking mata at napanganga. Oh my gosh! Sino naman ang Fafa na 'to? Sya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?