Chapter 22 - Chapter 22

Athena's PoV:

Habang inaantay namin si Jared at ang mga foods ay naisipan muna naming magchikahang tatlo.

Oo, tatlo. Hindi kasama si Brownie. Tahimik lamang sya sa isang tabi. Alam kong nao-op na sya but I don't care muna. Siguro ay nagtitingin-tingkn na lang sya sa mga kaibigan nya na nasa malapit lang.

"Stacey, kumusta naman 'yung naka one night stand mo?" Pag-uungkat ni Ella.

Yes, pati ang mga iyon ay hindi nakakalagpas sa amin. Wala kaming tinatagong lihim sa bawat isa. We trust each other. Updated kaya kami sa lahat ng nangyayari.

"Oo nga. Nakita mo na ba sya ulit?" Dagdag ko pa.

Nasabi nya sa amin na gusto nyang mameet ulit ang taong 'yon. Medyo nacucurious na rin kami dahil sino nga ba ang nakakuha ng interes ng dakilang playgirl ng SU. Knowing Stacey, hindi sya naghahabol sa kahit na sino.

Nakita kong napabuntong-hininga sya.

"To tell you guys honestly, hindi ko pa sya uli nakikita. But once na makita ko sya, I'll make sure na hindi na sya mawawala sa paningin ko. And oh, I really miss her fingers inside of me. Ang galing ng performance nya." She said. She's smirking devilishly na para bang may binabalak.

By the way, nasabi nya rin sa amin na babae ang naka one night stand nya.

Pero mygoodness! Wala talagang preno ang bunganga ng isang 'to.

I gulped. Ano kayang feeling ng ganon noh? Masarap kaya? Nakakabaliw ba? Mafefeel mo ba talaga ang heaven? Parang gusto kong itry.

Napatingin naman ako sa Baby ko na kasalukuyang nagtatype sa kanyang cellphone. I unconciously bit my lips. Damn. Ang haba ng daliri nya. Ano kayang feeling kapag nasa loob ko na 'yan?

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng akin pisngi dahil sa aking naiisip. Paniguradong namumula na ako.

Erase, erase, erase. Ano ba 'yan, Athena? Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan mo.

Nakita kong ngumingiti si Xyzrielle habang nakatingin sa cellphone nya. Napataas ang isa kong kilay ko dahil doon. Ano bang meron sa cellphone nya? I noticed that she's texting someone. Since magkatabi kami ay kitang-kita ko ang ginagawa nya.

I took a peak at nakibasa.

What the hell?! Ano raw? Gagala raw sila? Bitch, please. Sino naman ang isang ito? Kanina 'yung surot na si Rian tapos may bago na naman sya ngayon. May balak ba syang makipagmeet up sa iba mamaya?

Agad kong kinuha ang cellphone na nasa kamay nya. Alam kong nagulat si Xyzrielle sa inasta ko. Mas mabuti na rin iyon para hindi na sya makapagreply pa sa kausap nya.

"No cellphones allowed kapag kumakain. Kapag manlalandi ka, siguraduhin mong hindi mo ko kasama." Sunod-sunod kong saad sa kanya.

Pinaulanan ko si Xyzrielle ng masasamang tingin nang malaman nyang naaasar ako sa gingawa nya.

'Sa iba nakakapagtext tapos sa akin, hindi? Tsk. Sino naman ang MarGanda na 'to?' Dagdag ko pa.

Sa iba ay may load sya tapos sa akin wala? Napaka unfair. Gaano ba kaganda ang MarGanda na 'yan ha? I'm sure that I'm the prettiest among the rest. Hindi pa naipapanganak ang babaeng tatalo sa beauty ko. Duh, I'm Athena. Isang dyosa.

"May sinasabi ka ba, Athena? Pwedeng pakilakasan? " What?! Bakit hindi nya narinig? Ang bingi naman nya. But wait a minute. Ano raw? Athena?

"Ano? Bakit Athena na lang ngayon? Kaninang umaga ay Baby tawag mo sa akin. Ang bilis mo naman atang makalimot." Mas lalong sumama ang matalim na titig ko sa kanya.

Kitang-kita ko kung paano sya napalunok. Dapat lang. Ilalagay ko nga sa rules namin na bawal tawagin sa name. Dapat ay 'yung may endearment.

Napatingin naman ako sa mga kasama namin at nakita kong nanood lang sila habang nakangisi. Oh c'mon guys, isn't fun? May free watch kayo sa drama namin. Let see kung anong magiging sagot ng Baby ko.

"Eto na ang pagkain natin!" Jared said who appeared out of nowhere. Panira naman ang isang ito. Hmp.

Ano ba yan? Bakit bigla-bigla syang dumadating? Hindi pa nga kami tapos mag-usap ng Baby ko.

"Akin na muna itong cellphone mo. Kumain ka lang dyan. Baka mamaya, may bitch na namang umextra." Isinilid ko na muna sa bag ko ang kanyang cellphone.

Tama naman ako diba? Mahirap pa naman ang panahon ngayon. Maraming nagkalat na bitch. Kaya kung ako sa inyo, siguraduhin nyong hinding-hindi kayo ipagpapalit sa iba.

But in my case, I'm sure na hindi sya hahanap ng iba. Hello~ katabi mo na ang dyamante, hahanap ka pa ba ng bato?

'Hello, paalala ko lang sayo nagpepretend lang kayo.'

Ano na naman ba, brain? Wala kang pake kaya shupi!

Nagsimula na kaming kumain. Medyo nawalan ako ng gana sa hindi ko malamang dahilan. Ipinatong ko na lang ang hita ko sa hita ni Xyzrielle.

Isa 'to sa mga mannerism ko. Kaya nga walang tumatabi sa akin eh. Hobby ko ang dumantay. Wala akong nakitang pagka-ayaw o pagkadisgusto sa mukha ng Baby ko. Subukan nya lang tanggalin, sasapakin ko sya riyan. Hmp.

Nagpaalam na sya sa akin matapos ang break time. Ano? Ganon na lang 'uon? Wala ba syang balak suyuin ako ha? Argh. Mamaya ko na nga lang ibabalik 'tong cellphone nya kapag uwian na.

Ano ba naman ang babaeng 'to? Wala man lang kapassword-password ang cellphone. Paano na lang kapag nanakaw ito o nahulog nya sa kung saan? Edi madali lang mabubuksan ng ibang tao ang cellphone nya.

'Uy, concern sya.'

Oo, concern ako. Anong pake mo? May karapatan naman ako. Duh.

Kinalikot ko ang cellphone ni Xyzrielle. Ang una kong tinignan ay ang gallery nya. Wala syang masyadong picture. Hindi siguro sya mahilig magselfie mag-isa.

Automatic na napataas ang isang kong kilay nang makitang may picture sya sa iba't ibang babae at lalaki. Ngunit karamihan sa mga 'yon ay babae. Mukhang kailangan kong bantayan nang mabuti ang Baby ko.

Tsk. Ang dami ko palang kaagaw sa kanya.

Sunod kong chineck ang messages nya. Karamihan sa mga 'yon ay galing sa mga kaibigan nya. Ang nasa top list ay 'yung MarGanda. I can't wait to meet her *insert devilish smile*. Ang pangit ng typings nya ha.

Sinimulan kong punuin ang gallery ng Baby ko. Picture roon, picture rito. I decided na palitan ang wallpaper nito ng mukha ko. Pinili ko ang pinakamaganda syempre. Anyways, lagi naman akong maganda.

_____//_____

Uwian na at nakita kong nasa labas na ng classroom namin ang Baby ko. Well, girlfriend duties. Maaga siguro sila dinismiss ng kanilang prof.

Dali-dali akong lumabas at sinalubong sya ng isang yakap. Alam kong nagulat si Xyzrielle pero niyakap nya rin ako pabalik.

She gently kissed my forehead. I think, it's a normal gesture to her. I found it sweet. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kakaiba sa ginawa nya. Kilig siguro ang tawag dito.

My heart's beating so fast. Parang nakikiliti ako. But, I like the feeling.

Rinig na rinig ko rin ang usap-usapan tungkol sa amin ng mga kapwa ko estudyanteng naririto.

"Owemji! SS sa kanila."

"Ship ko na talaga sila huhuhu."

"Mapapasana all ka na lang talaga."

"Ang sweet. Sana may ganyan din ako."

That's right, folks. Pinagsaklop ng Baby ko ang mga kamay namin at hindi maiwasang kiligin ng crowd. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. I held her hands tightly.

Habang naglalakad kami, I took pictures of her secretly kasama ang kamay namin na magkahawak. This will serves as memories to me. Imamyday ko rin 'to mamaya sa Facebook para updated ang shippers namin.

"Let's take a picture together." Kahit alanganin ay napa-oo na lang sya. I know that I have an effect to her. Hindi nya ako kayang hindian. And I'm glad about that.

We took 3 pictures together. The first one is 'yung nakangiti lang kaming dalawa. The second one is sumaktong nakatingin kami sa isa't isa. It's so sweet kaya. The third one is wacky naman.

"Hindi pa ba tapos 'yan?" Naiinip nitong tanong sa akin. Halatang ayaw na ayaw nyang nagpipicture. Hmp. She should be grateful dahil dyosa ang kasama nya sa picture.

"Last na ito, okay?" Pag-aasure ko sa kanya. Tila naglinawag ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"3...2...1, Smile!" Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.

It's a surprise. Sinakto ko na ang pose ay halikan sya. Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ni Xyzrielle. Siguro ay dahil sa ginawa ko.

Excited akong tinignan ang resulta. Wow. Ang cute namin. Agad ko itong ginawang lockscreen ng cellphone nya. Para in case na may manlandi kay Xyzrielle, maalala nya ako kapag binuksan nya ang kanyang phone.

"Papasa ako ng mga pics natin next time." I said. She nodded her head as an answer. She was about to leave when I quickly stopped her.

"Uhm... pwede bang ng wag ka nang umalis ng bahay nyo mamaya? Just stay there. Gawin mo kung anong gusto mong gawin. Basta wag kang makikipagkita sa iba." I said nang maalala ko ang text ng kausap nya.

I don't like the idea na makikipagkita sya sa iba. Hindi ko alam kung bakit. Tsk. Sana naman ay sundin nya ako.

"Sure thing, Baby. Aalis na ako. Ingat sa pagdrive." Nakangiti nyang saad. Dumukwang sya papalapit at mabilis na hinalikan ako.

Agad din syang nagbawi. Hindi pa ako nakakarecover nang mapagtanto ko na nakaalis na sya. Argh! Hindi man lang nya ako inantay na makapagrespond sa kiss nya.

Kiss stealer talaga ang babaeng 'yon?!