Chapter 27 - Chapter 27

Xyzrielle's PoV:

Pagkatapos ng break time ay nagpaalam na rin si Erin sa amin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang titigan nilang dalawa ni Ella na parang may something. Something fishy eh? Malalaman ko rin 'yan soon.

Heto ako ngayon at nakasunod kay Arts. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. May mga nakikita pa naman akong kapwa ko estudyante kaya safe pa siguro ako.

Napakabilis ng pangyayari. In just a blink of eye, natagpuan ko na lang na may nakabangga kay Athena. At mukhang natapunan pa sya ng tubig. Agad na gumuhit ang pagkabanas sa kanyang mukha. Okay ready in 3, 2, 1...

Habang ang lalaking nakabangga sa kanya ay takot na takot. Nanginginig na rin sya. He's trembking in fear. Baka nga mamaya ay maihi pa sya sa sobrang takot.

Mukhang freshman pa lang sya rito sa University. Sino nga bang hindi makakaramdam ng ganon kapag nabangga mo ang katulad ni Athena na anak ng eskwelahan na pinapasukan mo? Oh well, ako na ata 'yon.

"Damn you piece of shit?! Bulag ka ba ha?!" Nanggagalaiting turan ni Athena at dinuro-duro pa ang lalaki.

"S-Sorry po. Sorry p-po, hindi ko po sinasandya." Nanginginig nitong sagot. He's stuttering. Patuloy pa rin syang humihingi ng tawad. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa lalaki.

Walang gustong umawat sa nangyayari. Walang naglakas ng loob. Lahat ay nakatutok lamang at nanood. Napukaw ng atensyon ko ang ilang kalalakihang nagbubulungan.

"Pre, ang sexy ni Queen noh."

"Oo nga, Pre. Chix na chix talaga."

"Bagay na bagay sa kanya ang kulay pula. So sexy."

I even heard na may mga sumisipol. Alam kong sexy at chix talaga ang babaeng kasama ko pero anong pula ba ang pinagsasabi nila ha? Nacurious ako sa pinagkukwentuhan nila kaya naisipan kong tignan si Athena.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko sa aking nakita. Napaawang ang aking bibig sa gulatm

What the duck?!

Wow. Ang sexy nya nga. Ang ganda ng pagkakakurba ng katawan nya. She has a coca-cola body shape. Okay, sana all.

Mukhang kailangan ko ng umextra dahil pinagpepyestahan na ang katawan nya. Kitang-kita ngayon ang magandang hubog ng katawan ni Athena kasama na rin ang kanyang brassiere. Baka mamaya ay may kumuha ng litrato rito at pagdiskitahan.

No! Hindi ako payag ng may gumawa non. Hmp.

"Babyloves, stop it na. Okay?" Pag-awat ko. Hinawakan ko pa ang mga kamay ni Athena para tumigil na sya.

Kahit naiilang ako sa tawag na iyon ay keri lang. Nakita kong napatingin sya sa akin habang nakakunot pa rin ang noo. Kitang-kita ko ngayon ang kanyang basang uniform at 'yung you know.

Walang ano anong hinila ko si Athena papunta sa akin at niyakap sya. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko.

"Hmm.... kid, sige. Okay na 'yon. Makakaalis ka na." I gave him a reassuring smile.

"Thank you po, Miss Xyzrielle. Sorry po uli, Miss Athena." Ang huling sinabi nito bago tuluyang umalis. Isang ngiti na lang ang sinagot ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa mga lalakinh pinagpepyestahan ang katawan ni Athena. Sinamaan ko sila ng tingin. Agad na nag-iwas sila ng tingin. Ayan, ganyan dapat.

"Hey! Why did you do that huh? Hindi pa ako tapos sa lalaking 'yon. Argh." Nagpupumiglas nitong saad at pilit na kumakawala sa akin.

Duh. Syempre, hindi ako papayag noh. Makikita na naman nila 'yung you know. Bakit ba kasi ayaw pa umalis ng mga tao rito?

"Babyloves, stop. Don't move." I said to her. Tumingin sya sa akin. Magkasalubong pa rin ang dalawa nyang kilay.

"At bakit naman?" Mataray nitong saad. Parang nagtitimpi lang sya.

"Makikita yung red mong bra." Bulong ko sa kanya. That's the truth. Litaw na litaw 'yon lalo na't basa ang uniform nya. Mukha atang hindi pa aware si Athena tungkol doon.

I saw how her eyes widen in shock when she realized what I said.

"Ano? Bibitawan na ba kita?" Nang-aasar kong tanong sa kanya at ngumisi pa. Umarte akong gagawin ko nga 'yon.

"No! Don't you dare, babyloves!" Mabilis nyang sagot at yumakap nang mahigpit sa aking beywang. I think, natakot sya na baka nga totoohanin ko ang sinabi ko.

"All of you! Leave right now!" Maawtoridad nyang saad. Parang bula namang nawala ang mga estudyanteng naririto kanina. Mga takot pala sila eh.

"Enjoy na enjoy ka ata sa pagyakap sa akin ah." Napangisi ako. Hanggang ngayon kasi ay nakayakap pa rin si Athena sa akin.

She gave me her famous death glares. Mabilis syang lumayo sa akin.

"Oh, shut up. Sino ba sa atin ang bigla-bigla na lang nanghahatak ha?" Mataray nyang saad at inikutan pa ako ng nata. Hmp. Edi wow na lang ang masasagot ko.

Nakatayo sya sa harapan ko habang nakacross ang dalawa nyang kamay sa kanyang dibdib. Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras. I kneeled down habang nakatukod ang isa kong paa.

"Sakay na." Saad ko. I'm not looking at her. Nakatingin lang ako sa unahan.

"Anong sakay na ha?" Nagtataka nyang tanong. She's confused. Hindi nya ata nagets ang sinabi ko.

"Piggy back ride. May pupuntahan pa tayo diba? Atsaka hindi ako papayag na maglakad ka ng nakaganyan. Paano na lang kung may makita sayo? Paniguradong pagpepyestahan ka nyan ng tingin." Mahaba kong paliwanag sa kay Athena.

Tama naman ako diba? Nag-aalala lang talaga ako kay Athena. Ayokong may bumabastos sa kanya.

Wala akong narinig na violent reaction sa kanya. Hmm... I wonder kung anong sasabihin nya.

Dahan-dahan kong naramdaman na ipinulupot nya ang kanyang kamay sa aking leeg. Nako talaga, kapag sinakal ako ng babaeng 'to ay ihuhulog ko sya agad. Hmp.

Tumayo na rin ako pagkatapos. Inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang hita upang pangsuporta para hindi sya mahulog.

"Ahm... okay ka lang ba riyan?" Tanong ko. Baka kasi hindi sya komportable sa pwesto nya. Pwedeng-pwede naman naming ayusin.

She hummed as a response. I guess, okay lang naman sya sa likuran ko. Nagsimula na akong maglakad. Hindi ganoong kabigat si Athena. In fact, napakagaan nya. Kayang-kaya ko syang buhatin ng walang hirap.

Itinuturo nya sa akin ang direksyon papunta sa destination nami. Medyo malayo-layo rin pala. Mabuti na lang talaga at naisipan kong buhatin ang isang 'to.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang destinasyon namin. Hindi rin ako gaanong palmilyar sa lugar pero nasa loob pa rin naman kami ng University. Nagtitiwala ako kay Athena. Hindi kasi ako masyadong gala kapag naririto sa school kaya hindi ko masyadong alam ang pasikot-sikot dito.

Sa susunod nga ay yayayain ko sila Erin at Margarette para libutin ang University.

Habang nasa likod ko sya, naramdaman ko nalang ang maiinit nitong hininga sa aking leeg.

Napapikit ako nang mariin. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko. Nakikiliti ako sa ginagawa nya. Muli ko na namang naramdamang ang tinatawag nilang paro-paro. Gosh.

Ano ba naman ang abaeng 'to oh? May time na inaamoy-amoy nya ako. Baka nga bampira talaga sya huhuhu.

"Damn. Bakit ba laging ang bango mo huh?" She said in a low tone. Isang awkward na tawa lang ang isinagot ko sa kanya.

Malayo pa ba ang pupuntahan namin huhuhu? Gusto ko nang paalisin ang babaeng 'to sa likod ko. She's torturing me. Ugh!