Chapter 28 - Chapter 28

Xyzrielle's PoV:

Tumigil kami sa isang room. I guess, ito ang sabi-sabi ng mga tao na private room nila. Dahan-dahan kong ibinaba si Athena mula sa kanyang pagkakapasan sa likod ko.

Itinapat nya ang kanyang kamay sa scanner at parang magic na nagbukas ang pintuan. Wow naman. Napakahigh-tech ng door. Advance ang technology.

"What? Tatayo ka na lang ba riyan? Pasok." Mataray nitong saad at nagtuloy-tuloy nang pumasok.

Napailing na lang ako sa kawalan dahil sinusumpong na naman sya ng kamalditahan. Pagkatapos kong pagtakpan ang napakasexy nyang katawan, gagantuhin lang ako ni Athena? Hmp.

Pumasok na lang din ako katulad ng sinabi nya. Hindi ko maiwasang mapahanga nang makita ko ang nasa loob. Napakaganda. Halatang ang galing ng nag-isip ng disenyo. Everything screams how rich they are. Nahiya naman ang isang katulad ko.

Dahan-dahan lang ako sa paglalakad. Nag-iingat ako na huwag makabasag. Nako, jusko. Kapag nakabasag man ako ay alam kong hindi ko kayang bayaran 'yon.

"Sit." Utos nya. I frowned. Ano ako? Aso? Arf, arf, arf. Hindi na ako nag-abala pang umapela. Walang imik na umupo ako sa couch na tinuro nya.

I saw na pumasok si Athena sa isang room. Ano 'yon? Pagkatapos nya akong dalhin dito ay iiwan nya rin ako? Huhuhu. Hindi makatarungan!

Pero wait lang. What if may mga nakatagong kutsilyo at baril si Athena roon at kukuha sya ng isa para gamiting pang torture sa akin? Waahh! Wag naman sana. Mahal ko pa ang buhay ko. Magiging kami pa ni Fafa Lucas hihihi.

'Mas lalo ka talagang papatayin ni Athena kapag nalaman nya 'yan. Sige ka.' Pag-extra ng mahadera kong utak.

Agad kong inalis sa utak ko ang nabuong ideya sa akin. No, no, no. Mabait naman si Arts at hindi nya kayang gawin 'yon sa katulad ko. Unang-una, mawawalan sya ng cute na girlfriend. Mawawalan din sya ng katulad kong adik sa mga kiss nya. Hmp.

"Baliw ka ba? Bakit mo kinakausap sarili mo?" Nakakunot-noo nyang tanong sa akin. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala sya ng kwartong pinasukan nya.

Hmm... Athena changed her clothes dahil na rin sa nabasa ang damit nya kanina. Nakapalda pa rin naman sya.

Napahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang kakaiba nyang dala. Whoo. Buti naman. Pero ano kayang gagawin namin dito hmm? Paiisahin nya ba ako? Dejok lang. Joke lang iyon guys wag nyo isiping mabuti.

Maya-maya pa ay may nakita akong pumasok sa loob. Nandito na ang mga kaibigan ni Babyloves ko. Ehe. Ang landi ko talaga. I guess, tinext nya ang mga 'to para pumunta rito.

Hindi na ako nakinig sa sinasabi nilang mga totropa. Umupo na lang ako sa isang sulok at inilabas ang aking cellphone para magliwaliw.

Naisipan kong maglaro ng Mobile Legend. Legend 1 na rank ko. Konting stars na lang at makakamythic na rin ako. Nagclassic ako dahil baka mamaya ay may ipagawa itong si Athena sa akin eh. Mag-afk pa ako bigla.

Mabilis lang natapos ang laro namin at yey! Panalo kami. Mabuti naman. Pagkatapos ng laro namjn ay sya ring pagkatapos ng pinag-uusapan nila. Ano kayang chinicika-chika ng mga 'yon?

Tumayo si Jared at pinatay ang ilaw. Damn. Ano bang gagawin namin? May ipapakita ba sila sa akin na glow in the dark? Ang exciting naman.

Nasagot ang tanong ko nang buksan ni Ella ang TV at wow naman talaga. Nakanetflix premium pala sila rito. Wala eh, hanggang cd lang ako tapos pirated pa.

Nakita kong sinearch nila ang...

The Conjuring?

The fuck? Seryoso ba sila riyan?

Napalunok ako sa aking nakikita. Nanlalamig ang kamay ko. Fuck. I'm not a fan of horror movies. Naiimagine ko kasi kapag ako na lang mag-isa sa bahay. Pahirapan na naman ako nito matulog huhuhu.

"Ahm... Athena, pwede bang umalis na ako?" I need to get out of here. Akmang tatayo na sana ako nang magsalita syaa.

"It's not ATHENA, okay? It's babyloves and no! stay here. Umupo ka riyan at manood." Masungit nitong turan sa akin. Mygoodness. Naloko na. Pwede bang mag-initiate retreat dito? O magrecall man lang?

"Oh I get it, babyloves. Natatakot ka sa panonoorin natin noh?" Ngumisi pa sya na para bang inaasar ako. I gulped. Mukhang nabasa nya anga mga kilos ko.

"No. Hindi ako takot noh. Tsk." Pagtatapang-tapangan ko. For sure ay aasarin ako ni Athena kapag nalaman nyang takot ako.

Wala na akong nagawa pa kung hindi mag stay na lang sa aking kinauupuan. Solo lang ang upuan ko. Habang si Ella at Stacey naman ay sa couch. Si Jared ay mas piniling umupo sa lapag. Si Athena ay nakaupo sa katulad ng sa akin.

"Oh my! It's gonna be fun!" Energetic na sabi ni Stacey. Anong fun ka riyan? huhuhu.

Nagsimula na ang movie. Simula pa lang ay halatang nakakatakot na. Kumuha ako ng isang unan para pantakip sa mata ko sa tuwing may lumalabas na nakakatakot sa screen.

"Oh my gosh! Bakit kayo lumipat dyan? May multo sa bahay na 'yan." Ella said. I agree wiyh her huhuhu. Humanap na lang sila ibang bahay para happy na agad.

Tinignan ko si Athena. Mukhang hindi sya natatakot sa pinapanood namin. She's looking at the screen with a bored-look. Parang sanay na sya. Sana all huhu. Sana all matapang.

Maya-maya pa ay hindi na rin namin maiwasang mapasigaw kapag may nagjajump scare. Kahit si Jared ay napapamura eh.

Kumukuha na lang ako ng popcorn na binili nila para hindi ako matakot. Sa pagkain ko na lang tinuon ang atensyon ko.

Nang mapatingin ako sa screen ay saktong may lumabas na mumu.

"Oh shit!" I exclaimed. Gusto ko pa nga sanang dagdagan kaso wag na pala. Nakakahiya sa mga kasama ko.

"Dumbass. Nasa likod mo. Wag kang tanga." Hindi ko maiwasang mapatawa nang sabihin 'yon ni Stacey. Mukhang pati sya ay nahohook up na sa pinapanood namin.

Umupo na rin ako sa lapag dahil sa tingin ko ay mas komportable kapag nandoon. At hindi nga ako nagkamali sa aking naisip. Mas madali ko ring makukuha ang popocorn.

Yakap-yakap ko pa rin ang unan na nakuha ko kanina. Hindi ko 'to bibitawan hangga't hindi natatapos ang conjuring na 'to. This is my shield.

Patuloy pa rin ako sa pagtutok sa pinapanood namin nang biglang may lapastangang kumuha ng unan na yakap-yakap ko.

Waah! Sinong kumuha non? Multo ba? Nako po, ito na nga ba ang sinasabi ko huhuhu.

Pero si Athena lang pala ang kumuha ng unan. Ano bang trip nya? Wala na tuloy akong shield nyan.

Automatic na nanlaki ang aking mata at napanganga. I was surprised because of what she did. Well, walang pasintabing umupo si Athena sa pagitan ng mga hita ko at sumandal sa akin.

Hindi ko maiwasang magtaka. Bakit naman kaya nya 'yun ginawa? Hmm... baka natatakot na rin sya katulad ko.

Napasimangot ako nang makitang sya na ang may yakap ng unan na hawak ko kanina. Argh! Hindi 'to makatarungan.

Itinutok ko na lang ang aking atensyon sa pinapanood namin. Napasigaw ako nang may lumabas na naman na nakakatakot.

Nakakaasar talaga ang palabas na 'to oh. Wala na akong pake kung magreklamo ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Bahala sya riyan. Hmp.

"Ang ingay." Reklamo nya at sinamaan pa ako ng tingin. Heh! Hindi nya ako madadaan sa ganyan ngayon. Mas lalo pang sumandal sa akin si Athena. I just let her to do what she wants.

"Bakit mo ba kasi kinuha 'yung unan kanina ha? Wala na tuloy akong mayakap nyan." Bulong ko since malapit lang ang tenga nya sa akin. Nakakahiya naman kung marinig 'yon ng mga kasama namin.

I heard that she hissed. Aba't, napakama-attitude talaga ni Athena.

"Ano bang pakielam mo? Ang dali-dali lang tapos pinoproblema mo pa." Masungit na saad nya. Kung sa kanya ay madali, sa akin hindi. Isang malaking HINDI.

Kinuha nya ang mga kamay ko at ipinalibot sa kanyang beywang. Now, nagmumukha nang yakap-yakap ko sya.

"Edi ako na lang yakapin mo. Tsk. Problem solved." Dagdag pa nya.

Napaawang ang aking bibig dahil sa ginawa nya. I didn't expect that. Seryoso ba ang babaeng 'to?

Argh! Nakakasakit sya ng ulo sa totoo lang. Pero no choice ako kung hindi sya na lang ang gawin kong unan.

Niyakap ko si Athena atulad ng ginagawa ko kanina. Nagulat sya sandali ngunit maya-maya ay nakaadjust na rin sya. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa hawak nyang unan.

Maya-maya pa ay kinuha nya ang kamay kom Wait. Ayaw nya ba sa ginagawa ko? Hindi ata sya comfortable.

But I guess, mali ang naisip ko. Bakus, kinuha nya pala ang kamay ko para pagsaklupin ang mga daliri namin.

"Much better." I heard she said. Paminsan-minsan ay pinipisil-pisil nya ang mga daliri ko o kaya naman ay nilalaro. She keeps on playing with my hands.

Tinignan ko ang mga kasama namin at mukhang tutok na tutok sila sa pinapanood. I guess, okay lang naman sa kanila ang pwesto namin.

Hindi ko maintindihan ang isang 'to. Pero hinayaan ko na lang si Athena.

I silently cursed. Oh shit, here we again. Here goes again with the unexplainable feeling that I am experiencing. Pati na rin ang heartbeat ko ay nakikisabay na rin. Mas mabilis ang tibok ng puso ko kung ikukumpara sa normal. Bakit naman kaya?

Naaamoy ko si Athena ngayon. And wow, ang bango nya. I wonder kung ano ang ginagamit nyang pabango. Infairness, panglong lasting.

I don't want to sounds like a pervert here that's why I stop sniffing her scent. Hindi ko maiwasang halikan ang kanyang sentido. Naramdaman kong napahigpit ang pagkakahawak ni Athena sa kamay ko.

"I'm sorry. Nagulat ka ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"N-No... hindi naman. Just go on." Athena answered. Wait. Nautal ba sya?

Anyways, hindi ko na rin masyadong nasubaybayan ang pinapanood namin. I'm busy with my baby. Paminsan-minsan ay hinahalikan ko ang sentido ni Athena. I can't help it. Damn.

"Hmm...." Rinig kong ungol nya.

"Hindi naman ako na-inform na may romance pala sa pinapanood natin." I heard someone said. Napatingin ako sa mga kasama namin na nakatitig na pala ngayon sa aming dalawa ni Athena.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Akma na sana akong aalis sa pwesto namin nang magsalita si Babyloves.

"Don't go. Hayaan mo lang sila. I love your warmth. Ang bango mo pa." Saad nya na syang naging dahilan para magstay ako.

Argh! Athena, bakit ka ganyan? Alam mo talaga 'yung kahinaan ko.