Chapter 30 - Chapter 30

Xyzrielle's PoV:

Nang masearch na ni Athena ang Fifty Shades of Grey ay agad nya na itong plinay. Hmm... cover palang ng movie ay maganda na ah. I wonder kung anong meaning non.

Tumayo muna ako para patayin ang ilaw at nang mas maganda ang panonood namin. Pagkatapos ay tumabi na rin ako kay Athena.

Nakasandal sya sa kanyang kama habang may yakap-yakap na unan. Oh gosh. Ang cute nya ngayon. Sana lagi na lang ganto. Kumuha rin ako ng unan para may mayakap ako.

Nagsisimula na ang movie at hindi ko mapigilan mapanganga sa aking nakita.

"Wow. Ang ganda nya." That's the only thing that I can sya. Parang nastarstruck ako kay Anastasia. Ang ganda ng mga mata nya. Nakakahypnotize. Tapos 'yung boses nya, ang perfect!

"Tss. Are you blind? Mas maganda pa ako sa babaeng 'yan." Narinih kong saad ng babaeng kasama ko ngayon. Basher talaga ang isang 'to kahit kailan. Hindi talaga sya supportive sa akin. Hmp.

Ipinagpatuloy ko na lang ang panonood sa movie. Wow, ang laki ng Grey Company. Ang taas-taas.

Napag-alaman kong mag-iinterview pala si Anastasia kay Mr. Grey dahil na rin sa request ng kaibigan nya.

Hmmm... ang weird nga kasi walang masyadong facts about sa lalaking 'yon. Gwapo kaya sya? O 4M na? 4M means Matandang Mayaman na Madaling Mamatay.

But damn, mali pala ako. Likod pa lang ay halatang yummy na si Mr. Grey. At wow, mas grabe pa nang humarap sya.

"Shems. Fafa." Ugh! Ang ganda ng mata nya. Bilog na bilog. Nakakaakit.

"Pwede bang manahimik ka na lang dyan?" Kilala nyo na siguro kung sino ang nagsalita. Clue, laging mainit ang ulo. Parang lagi syang meron eh.

Oh my gosh! mukhang na love at first sight ata si Christian kay Anastasia. Hala owemji, parehas kami. Pero sige, ship ko na sila. Sayong-sayo na sya, Fafa Christian.

Mukhang tama nga ako dahil sinundan nya si Anastasia. Okay, kahit pasimple lang. Awww... ang sweet. Sana lahat may ganyan. Hanggang sana all na lang ako eh.

'Anong tawag mo riyan sa katabi mo?'

Syempre tao. Duh. Hindi naman kami bagay. Hmp.

Tutok na tutok pa rin ako sa panonood dahil parang nahook up ako sa love story nila. Hindi ko tuloy alam kung sino ang magiging crush ko sa kanilang dalawa. Si Christian ba o si Anastasia? Both na nga lang baka magtampo 'yung isa hihihi.

Pero wait lang. Bakit may halikan scene na agad ha? Parang ang bilis nama nila. But I guess, that's normal. Hindi ata mawawalan ng kissing scene sa isang Hollywood movie eh.

Nagiging hot na ang pagkikiss nilang dalawa. Wala sa sariling napakagat-labi ako at napatingin sa aking katabi.

Nakatingin din pala sa akin si Athena. Unti-unting bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pinapanood namin.

Naramdaman kong kinuha ni Athena ang kamay ko at pinagsaklop muli ang mga kamay namin. Sa susunod nga ay papabayaran ko na sa kanya ang holding hands namin. Chos lang.

Nanlaki ang aking mga mata sa susunod na mga eksena. Oh my gosh! Bakit may sex scene dito? Atsaka, bakit hindi man lang blinurred 'yung mga 'ano' or iniskip man lang.

"Ang hot ni Anastasia at ang sexy pa." I'm fangirling right now. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Whaaa! Okay, girl crush ko na sya.

Kitang-kita ang dibdib nya sa movie. Buti at hindi sya nahihiyang ipakita 'yon. Oh well, may maipagmamalaki naman kasi sya.

In an instance, naramdaman kong may kumagat sa balikat ko. Awww. May bampira ba rito ha?

I looked for the culprit and I saw Athena. Napakatalim ng mga tinging ipinupukol nya sa akin. If looks could kill, kanina pa sana ako nakabulagta rito.

"Ayusin mo ang pagsasalita mo ha. Or else, I'll shut your mouth with my lips."

Napangannga ako. Tama ba ako nang pagkakarinig. Damn. Hindi ko 'yon ineexpect. Ano bang nakain nya at ganito sya ngayon? Okay, hindi ko nga aayusin ang lagsasalita ko para makiss nya ako ng lima. Just kidding.

Mygoodness. Ang dami palang sex scene rito sa movie. Pero ang sakit kasi hindi lang pala si Anastasia ang naging kaFUBU ni Christian Grey. Ang sakit non.

I don't know why but I can feel that my body is in heat. Ang lamig-lamig naman ng panahon. So weird. May mali na siguro sa akin.

Fafa Christian, bakit hindi ka naniniwala sa love? Kawawa tuloy si girlalu huhuhu. Sige, ka agawin ko 'yan sayo. Joke lang. Lagot ako kay Athena kapag nalaman nya ang plano ko.

Nakaramdam ako ng awa sa tuwing gumagamit ng dahas si Mr. Grey. Bakit ganon? BDSM. Eto naman si Anastasia, napakaganda nga, martir naman. Nooo. Bakit kasi may pa handcuffs-handcuffs pa? Pwede namang mag-anuhan ng walang ganon.

"Ang hot niya talaga."

"Ang sexy ni Anastasia."

"Ang bait-bait nya huhuhu."

Hindi ko talaga maiwasang icomplement ang babaeng bida. Kanina pa tahimik ang katabi ko. Hindi na sya nagsalita pa. Hindi ko alam kung nanonood pa ba sya o hindi na. Bahala sya riyan na magalit sa akin. Nakahawak pa rin ang kamay ni Athena sa akin.

Natapos na ang palabas at sobrang satisfied ako. I think, hindi pa nagtatapos doon ang movie. Irecommend ko nga 'to kila Erin at Margarette. Siguradong magugustuhan nila 'to hihihi.

"Hey, I'm gonna you some question and I want you to answer it HONESTLY." Mariing saad ni Athena.

Agad na nakaramdam ako ng kaba. Ano naman kaya ang itatanong nya sa akin? Sana naman ay madali lang o kaya may choices para hindi ako mahirapan.

"Did you enjoy the movie?" She asked while directly looking at my eyes.

Hindi ko maiwasang mapalunok nang umupo sya sa aking kandungan.

Wait lang. Bakit may pa ganon? Huhuhu. Para ba wala akong kawala ganon? Nakakaintimidate tuloy sya. Parang one wrong move lang ay sasakalin nya na akl agad.

"Yes, super." Kahit kinakabahan ay sinagot ko ang tanong nya. Whoo. 'Yun lang pala eh. Sana ah wala ng kasunod. Tumango-tango sya sa sagot ko.

"Hmm... maganda ba si Anastasia?"

"U-Uh... Oo." Sagot ko. Agad na tinapunan nya ako ng masasamang tingin. Hmp. Sabi ni Athena ay sagutin ko sya ng totoo. Tapos ngayon magagalit sya?

"Okay. Hot at sexy ba si Anastasia?"

"Oo naman. Super." Mabilis kong sagot. Mygoodness. Ano 'to? Fast talk?

"So, crush mo na ba sya?"

"Of course." Added na si Anastasia sa crush list ko.

"Gusto mo ba syang maging girlfriend?"

"Oo." Hindi na ako nag-isip pa dahil lahat naman tanong nya ay puro oo ang sagot ko.

Gumuhit ang galit at pagkainis sa mukha ni Athena. She's gritting her teeth. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha sa sama ng kanyang expression. Bumigat din ang kanyang paghinga.

Wait. May mali ba sa sagot ko?

"Tsk. Hala, sige. Dyan ka na sa Anastasiang 'yan ha! Kalimutan mo ng girlfriend mo ako!" She exclaimed. Napatulala ako saglit nang sabihin nya iyon.

Napaawang ang aking bibig. What?

Doon lang nagsink in sa akin ang tanong nya kanina. Nako po. Maling-mali nga ang sagot ko. You're so dumb, Xyzrielle. Hindi talaga magugustuhan ni Athena 'yun.

Akmang tatayo na sana si Athena mula sa pagkakaupo nya sa aking kandungan nang hilahin ko sya. Napakayap sya sa akin bilang resulta. Nakapulupot ang aking kamay sa kanyang beywang.

"Ano ba?! Btawan mo nga ako! Doon ka magpayakap sa babaeng yon!" She yelled loudly. Patuloy pa rin sya pagpupumiglas.

Hindi ako nakinig sa sinasabi nya. I just hugged and kissed her head. In an instance, naramadaman ko unti-unti syang kumalma dahil sa ginawa ko.

"Nagbibiro lang naman ako, babyloves." Malambing kong saad. Kailangan ko syang suyuin.

"Biro your face!" Saad nya pero yumakap din naman pabalik sa akin. Hmp. Pa ayaw-ayaw ka pa kanina dyan.

"Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin." I said and that is the truth. Hindi ko alam kung bakit pero walang katumbas ang ganda nya.

"Maganda lang? Hindi hot at sexy?" Nakasimangot nitong tanong sa akin. Napatawa naman ako dahil doon.

"Oo, maganda lang." Automatic na nakatanggap ako ng hampas mula sa kanya.

It hurts. Napangiwi ako. "Joke lang. Syempre, kasama na 'yon. Complete package ka na. Maganda, hot, sexy, you name it all.

"Tsk. Don't you dare find someone who's better than me!" Pagbabanta nito. Mas lalo nya pang idiniin ang kanyang katawan sa akin.

I gulped once again. Parang hindi nagfafunction nang maayos ang isipan ko.

"But for me, you're the best." Tama naman ako, diba? Bakit pa ako hahanap ng better kung best na sya? Okay, parang ang sweet ko roon.

"You're mine, intiendés?"

I slowly placed my hand on her cheeks. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mata bago ako sumagot.

"Sí, mi amór."

Walang ano-anong tinawid ni Athena ang distansya naming dalawa at pinagdampi ang aming labi. Hindi ako nagdalawang-isip na tumugon sa kanyang halik. I kissed her back passionately.

Damn. Eto na naman ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso ko. I can also feel the tingling sensation on my stomach. Parang kinukuryente ako. Sa totoo lang ay naguguluhan na ako.

Ako na ang unang nagbawi dahil kailangan namin ng hangin. Akala ko ay aalis na sya sa harapan ko pero hindi pa pala.

"Hmm... what if gawin natin 'yung pinanood natin? What can you say about it?" Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. Nakakaakit na rin ang mga tinging ipinupukol nya sa akin.

Nako po. Help me huhuhu. Akala ko pa naman ay hindi sya nanonood kanina.

"And I'm willing to be your Anastasia." Dagdag pa nya.