Chapter 35 - Chapter 35

Xyzrielle's PoV:

"Let's change our clothes first." Suwestyon ni Athena. Napatango-tango ako. Tama nga naman sya para na rin mas komportable kaming matulog.

Atsaka, medyo mainit dahil walang kuryente. Wala pa ring kuryente kaya medyo madilim. Ang tangi lang na nagbibigay ng liwanag sa amin ay ang kanyang portable na emergency lights. Buti naman at meron sila non.

Gusto ko ang ideya nya kaso ano eh...

Kaso may problema. Wala akong dalang extrang damit.

'Go, Xyzrielle! Kapalan mo na ang mukha mo. Wag kang mahiya na manghiram sa kanya ng damit.' Pagchecheer up sa akin ng brain ko.

I faked a cough. "Uhm... Babyloves, pwede bang makihiram sayo ng damit? Lalabhan ko 'yon tapos ibabalik ko rin." Mukhang kailangan kong sundin ang utak ko ngayon.

I raised both of my arms na para bang nanunumpa. Sa tingin ko ay pagbibigyan ako ni Athena sa request ko dahil medyo mabait pa naman sya. Atsaka dito rin naman ako matutulog sa kanila. May kasama sya.

"Sure thing, Babyloves. Let's go to my closet." She said.

I'm internally screaming in joy. Yes! Mabuti naman. Iginaya nya ako sa kanyang closet—— I mean, walk in closet.

Sa tingin ko ay mahilig sya sa kulay blue dahil na rin sa kulay ng mga dingding ng kanyang kwarto. Blue rin karamihan ang mga gamit nya. Wala lang, napansin ko lang. Naks, napaka-observer ko talaga.

HHWW kami ngayon. Yes po, tama po kayo nang pagkakabasa. Holding Hands While Walking ang peg namin ngayon. Sya ang nag-initiate non noh. Baka kasi isipin nyo na ako na naman. Parang nasa drama kami. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Aish. Basta. Bahala na nga.

"Pumili ka na lang dyan ng kung anonh gusto mong isuot. 'Yung parang ako ha. Yung simple lang pero bagay sayo." She said out of a sudden at mabilis na tumalikod.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Damn. Marunong din pala ng pick-up lines si Athena.

Tsk. Kelan pa sya natututo ng mga ganitong banat?

Dapat ako ang nagsasabi sa kanya ng mga ganyan eh. Hmp!

Napailing na lang ako sa kawalan. Ito ang unang beses na nagsabi sya sa akin ng ganto. May kasweetan din pala sa katawan ang babaeng 'to. Akala ko kasi ay puro kasungitan at katarayan lang eh.

Ginawa ko na ang inutos ni Athena. Kumuha lang ako ng simpleng damit na kulay puti at isang maikling shorts. Grabe. Sobrang iksi naman nito. Parang pekpek shorts na. Wala bang medyo mahaba-haba sya riyan?

'Edi hindi na 'yon shorts kasi long na 'yon. Duh' Pagsingit ng mahadera kong utak.

Edi wow, brain. Bida-bida ka talaga noh. Idol mo siguro si Jollibee. Hindi ka kasali dito. Paepal ka talaga kahit kailan. Grr.

"Tara na. Magpalit na tayo." She said. Nagsimula na kaming pumunta sa kanyang restroom. Wow. Ang laki. Hindi naman ako nainform na may tour pala kami ngayon sa kwarto nya.

Nauna na syang pumasok sa loob kaya hindi na ako nag-atubili na sumunod sa kanya. Alam kong malaki 'yon at kasya kaming dalawa. Hindi lang dalawa ang kasya roon dahil marami pa. Pero I will still give her some privacy. Duh.

Hindi sinarado ni Athena ang pintuan. Hindi ko maiwasang magtaka dahil doon. Bakit naman kaya? Ah, baka kasi walang ilaw at natatakot sya. Okay, I get it now.

Agad na inilihis ko ang aking mata para hindi makita si Athena na nagpapalit. Alam kong makikita ko ang kayawan nya. Baka kasi mamaya ay mahuli nya akong nakatingin sa kanya.

Mahirap na. Makikita ko na lang na may lumilipad na gamit dahil sa dragonang 'to. Lagot ako non.

"Hey, ano pang inaantay mo riyan? Pasko?" Nakataas-kilay na tanong ni Athena sa akin habang nakapeywang pa. Hindi pa rin sya nagpapalit.

"Ahm... inaantay ko kasi na matapos ka. Tapos ako naman ang sa susunod." I explained.

"What? Pasok! Sabay na tayong magpalit." Automatic na nanlaki ang aking mata at napanganga. I was surprised. Nako po. Danger Alert. Parang nasa panganib ako nito.

"Hindi na. Dito na lang muna ako sa labas tapos ako naman sa susunod." I said at umiling pa. Umaasa ako na sana ay mabago ang isip nya. Pero isang irap lang ang natanggap ko sa kanya. Masungit na Athena is now activated, guys.

"Argh! Wag ng matigas ang ulo! Halika na rito. Dali!" Maawtoridad nyang turan. Luh. Napakabossy talaga kahit kelan.

"What? Pano na lang kung may masama pala akong balak sayo like... uhm... err, rape ganon?"

Hindi ba pumasok sa isipan ni Athena na what if masama akong tao diba? Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko magagawa 'yon. Ayaw ko lang talaga syang kasabay. Naiilang siguro ako.

"Duh. Alam kong hindi mo kayang gawin sa akin 'yun. Hindi mo nga pinatulan 'yung *ehem* ginawa ko kanina eh. Atsaka kung may balak ka mang masama ay dapat kanina mo pa ginawa tutal tayo lang naman ang tao dito sa bahay." Mahabang litanya nito. She even arched one of her eyebrows.

Huhuhu...

Xyzrielle lose. Athena won.

Wala na akong mairarason pa kaya pumasok na ako sa loob. Tumalikod muna ako sa kanya bago alisin ang aking suot na pang-ibaba. Wala na akong pake kung nakatingin man si Athena o hindi. Hindi naman ako maarte eh.

Sinuot ko rin nang mabilisan ang short na napili ko. Sa tingin ko ay nagpapalit na rin sya ng damit. Nang mahubad ko na ang pang-itaas kong suot ay bigla syang nagsalita.

"Babyloves, humarap ka nga sa akin."

Ano naman kayang gusto nya? Sinunod ko na lang ang utos nya na humarap sa kanya. I saw how she gulped. Unti-unting bumababa ang kanyang tingin. She even licked her lips. Namamalikmata lang siguro ako.

"Bakit, babyloves?" Tanong ko. Napansin kong ang mga mata nya ay nakatitig sa isang direksyon. It was on my toned-stomach. Weird. Ano bang meron doon? Hindi ko tuloy maiwasang maconcious.

"Ah.. wala. Okay na pala. Sige." She said at mabilis na tumalikod. Ano kaya 'yon? Bahala nga sya riyan.

Tuluyan ko nang sinuot ang aking pang-itaas. Nakita kong unti unti na ring hinubad ni Athena ang kanyang damit kaya agad akong tumalikod para hindi makita ang hindi dapat makita. Ang bait ko diba? Ganon talaga kapag cute.

Ilang minuto na ang lumipas kaya sa tingin ko ay okay na sya.

"Tapos ka na ba?" Tanong ko para makasigurado. Baka kasi kapag humarap ako ay hindi pa sya tapos.

She hummed as a response to me na sa tingin ko ay oo ang ibig sabihin non. Nang humarap ako ay hindi ko maiwasang mapatulala sa kanya.

"Wow." Ang tangi ko na lang nasabi. Hindi ko kasi nakita ang kinuha nya kanina pero...

Oh my gosh!!

Ang cute ni Athena sa suot nya!

Asdfghjkl!

Suot lang naman nya ang isang doraemon na ternong panjama. May pagka-isip bata talaga sya. Super cute nya! Ang sarap alagaan habang-buhay. Chos.

"What? Iniiexpect mo sigurong nakasexy dress ako noh kaya ganyan 'yung reaksyon mo?" Tanong nya sa akin habang nakataas-kilay pa.

"Well, sorry sayo dahil hindi ko trip suotin ang ganong klase ng damit kapag natutulog." Dagdag pa nya.

The fuck?

Saan naman nya nakuha ang ganong ideya? Masama bang hangaan ang kacute-an nya? Para syang bata ngayon sa suot nya. So cute. Parang gusto ko syang ibulsa.

"Hindi noh! Bakit mo naman naisip 'yon? Atsaka ang cute-cute mo kaya sa suot mo na 'yan." Diyan ka na lang. Gusto ko sanang idagdag kaso wag na pala hehehe. Baka magising ang dragona nyang side.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi ngunit mabilis din nyang inalis 'yon. Hmp. Nakita ko 'yon, akala mo ha.

"Tsk. Whatever. Tara na nga." Sus. Wala lang syang masabi eh. I won over her this round.

Xyzrielle - 1

Athena - 1

Yey! Tie na kaming dalawa!

Nang makita ko syang humiga ay humiga na rin ako sa kanyang tabi. I have her permission. Duh.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala akong pasok, nagtext kasi sa akin ang boss ko na wag na raw akong pumasok pa dahil malakas ang ulan. Oh diba, ang bongga. Mas pinapahalagan nya ang kalagayan ng kanyang dearest workers.

Tahimik lang kaming dalawa sa kama. Malaki ito. King sized ata ang bed na ito kung hindi ako nagkakamali.

Mayroong espasyo sa pagitan naming dalawa ni Athena. Nakatalikod ako sa kanya. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng antok. Heto ako at nagmumuni-muni muna. I think, tulog na ang katabi ko ngayon.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin. Kilala nyo naman na siguro 'yon diba? Sya lang naman kasi ang kasama ko ngayon.

Humarap ako sa direksyon ni Athena. Agad na sumalubong sa akin ang nakasimangot nyang mukha. Hmm... I wonder why.

"Bakit ang layo mo sa akin? Lumapit ka, dali."

Umusog naman ako nang kaunti papunta sa kanya pero may espasyo pa rin sa pagitan naming dalawa.

"Lapit pa."

"Lapit pa."

"Kaunti pa."

Ayan ang sinasabi nya sa akin sa tuwing umuusog ako palapit sa kanya. Ano pa ba ang gusto ni Athena? Hindi pa ba sapat 'yung ginagawa ko?

Suddenly, an idea crossed my mind.

"Ganto ba gusto mo?" Tanong ko at pabirong idinantay ang aking mga kamay sa kanyang bewang.

Napaawang ang aking bibig sa gulat nang ipinulupot ni Athena ang kanyang kamay at binti sa akin. Aba't. Eto pala ang gusto nya. Nagbibiro lang naman ako eh. Bakit nya sineryoso?

"Oo ganto nga. Hindi ba't mas maganda?" Dhe said.

"Sus. Magdadahilan ka pa riyan. Ang sabihin mo, gusto mo lang na yakapin kita." Pang-aasar ko at ngumisi pa sa kanya ng nakakaloko.. Ayaw pa kasing magdirect to the point eh. Pagbibigyan ko naman sya.

Gumuhit ang inis sa mukha ni Athena. In an instance, napakatalim ng mga tinging ipinupukol nya sa akin. Pikon talaga eh.

"Shut up. Hmp. Good night na nga." Saad ni Athena at mabilis akong hinalikan sa labi.

Automatic na nanlaki ang aking mata. What the duck?!

Hindi pa man ako nakakapagreact ay agad na syang sumiksik sa aking leeg.

"Yeah. Good night and sweet dreams, babyloves." Malambing kong turan at hinalikan ang kanyang noo.

Sana naman ay makatulog ako nang maayos nito. 'Yung puso ko kasi... ayaw na tumigil sa pagtibok nang mabilis lalo na at yakap-yakap ko si Athena. May sakit na ata ako sa puso. Sa susunod nga magpapatingin na ako sa doktor.