Chapter 39 - Chapter 39

Xyzrielle's PoV:

Ilang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang pretend thingy namin ni Athena. Hindi pa naman kami nahuhuli.

In fact, bentang-benta nga 'yon sa mga estudyante ng Sarxel University. May sarili pa nga kaming Fans Club at Page sa Facebook eh.

Andyan ang XyNa Babies, XyNa 4 life, XyNa for keeps, at marami pang iba. Too many to mention. Baka abutin pa tayo ng syam-syam kapag sinabi ko.

Instant famous na rin ako rito sa loob at labas ng university dahil kay Athena which ayoko. Ayoko ng ganon because maraming mga mata ang nakatingin sayo. I mean, nakatingin sila sa mga ginagawa mo.

Kailangan kong mag-ingat dahil one wrong move lang at pwedeng-pwede na akong mabash. Oh diba? Tama ako. Tsk.

Minsan ay napapaisip ako. Paano na lang kaya kapag nagbreak kami? Or nalaman nila na pagpapanggap lang anh lahat ng ginagawa namin?

Baka mamaya ay ipakain ako sa buwaya ng mga 'fans' kuno namin. Nako po. Lagot na ang cute na si Xyzrielle huhuhu.

I admit na nagcecare ako sa kaya ko nagagawa ang mga bagay na hindi ko naimagine na gagawin ko.

Like 'yung mga hugs or 'yung mga pakikipagbati sa kanya everytime na tinatamaan ng saltik si Athena at inaaway ako bigla-bigla ng walang dahilan. Buti nga at nakakayanan ko ang pagtataray nya.

I also admit na nasasanay na ako sa ganitong set up namin which is wrong. Super duper wrong. Baka mamaya, hanap-hanapin ko 'to kapag nag-end na ang couple thingy naming dalawa.

Mamimiss ko 'yung pagmaldita nya. Mamimiss ko rin ang pag kiss nya sa akin palagi.

Yup, tama po kayo nang pagkakabasa riyan. Sya na po madalas ang nag-iinitiate ng kiss sa aming dalawa. Hindi na po ako. Good girl na po kasi ako.

Kung tinatanong nyo kung anong nangyari doon sa stalker nyang hilaw, well... hindi ko alam. Hindi na kasi nagpaparamdam 'yon.

Sayang. Miss ko na ang future boyfie ko hihihi. Gwapo kasi eh. Nakakagigil. Joke lang 'yan. Wag nyong sabihin kay Athena. Susuntukin na naman ako non kapag nagkataon. Kalahi nya ata si Manny eh. 'Yung boksingero.

"Good Morning, Babyloves." Masayang bati ko kay Athena nang makalabas syang kanyang kotse. Dapat laging start your day with a smile para good vibes palagi.

But instead na batiin nya rin ako, she just rolled her eyes to me. Baka mamaya ay mahipan ang mata nya, maistuck sa ganyan 'yan. Alam ko na ang susunod nyang gagawin.

Tumingkayad si Athena at mabilis na hinila ang aking batok para bigyan ng isang...

*Tsup*

Yup. A kiss. It's just a quick peck on my lips. She always do that after I greeted her a good morning. Sanay na ako.

Agad kong kinuha ang mga gamit nya. Wala akong narinig na reklamo mula kay Athena nang gawin ko iyon. Matapos kong isukbit ang mga gamit nya sa balikat ko, hinawakan ko na ang kamay nya at nagsimula nang maglakad.

Nahahawi ang mga estudyante sa dinadaanan namin. Wala naman kasing may lakas ng loob na banggain ang babaeng kasama ko ngayon. Alam na siguro nila ang kahihinatnan nila kapag nagkataon.

Tulad nga ng nangyayari sa araw-araw, kami na naman ang center of attraction. Hindi ba sila napapagod sa gingawa nila? Ako kasi ang mapapagod para sa kanila.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad nang may biglang nagsalita. May dala-dala syang mic. Napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa.

"May I have your attention everyone!" Rinig kong sabi—— ay sigaw na pala ng kung sino. It was Akira Torres who did that. Sya ang Vice President ng SU.

Ano kayang meron? Napatingin ako kay Athena at nakita kong nakacrossed arms sya. Halatang bored o wala lang talaga syang pake sa kung anong sasabihin ni Akira?

"Invited kayong lahat sa party ko. By the way, it's a pool party. Sa bahay ko gaganapin 'yon. Bukas 'yon ha, Wednesday night. I hope na makapunta kayo. That's all. Pwede na kayong bumalik sa mga ginagawa nyo." Mahabang litanya nya.

Hmm... May paganto nga pala sya lagi every year. Bakit nakalimutan ko? May pagkaparty goer kasi si Akira.

Anyways, hindi naman ako sumama sa mga ganyang event. Puro swimming lang ang gagawin eh. Wala ng iba pa. Hindi rin naman ako sanay makipagsocialize sa iba lalo na at maa-attitude pa naman ang mga nag-aaral dito at nangunguna na roon ang babaeng katabi ko.

"Pupunta ka ba?" Tanong ko sa aking Babyloves.

"No. It's just a waste of time. Sigurado akong boring 'yon." She said in a bored tone. Halatang wala syang kainteres na interes sa party.

"Let's go." Rinig kong aya sa akin ni Athena kung kaya't sumunod na rin ako sa kanya.

Nang marating na namin ang kanyang classroom ay ibinigay ko na ang bag nya.

"Cafeteria later. Don't forget it." Matipid nyang saad. Napakunot-noo naman ako nang sabihin nya 'yon.

"Tuesday ngayon, Babyloves." I said to her. Mukha atang nakalimutan nya kung anong meron ngayon.

"So?" Nakataas-kilay nitong tanong sa akin. Confirmed. Nakalimutan nya nga.

"Sasabay ako sa mga kaibigan ko ngayon, babyloves." Nakangiti kong sagot sa kanya. Well, napagkasunduan na namin 'yon na tuwing Tuesday at Thursday ako sasabay kila Erin.

"Oh yeah... oo nga pala. Sige na." She said habang tumatango-tango.

I kissed her forehead first bago ako tuluyanh umalis at pumunta na sa classroom ko.

HERE WE ARE, eating in the cafeteria. Kasama rin namin si Margarette together with her two friends.

I found out na Alexa at Allysa ang name nila. Mayroon pa raw silang isa pang kaibigan pero absent 'yon ngayong araw kaya hindi ko nameet.

Well, madali lang naman naghook up ang mga groups namin dahil simple lang. Friendly kami lahat at parehas kami ng way of thinking. Nakakatuwa nga kasi ang laki na ng circle of friends namin hihihi.

"Guys, pupunta ba kayo sa pool party ni Alexa?" Pag-oopen ng topic ni Kelly. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Oo, teh."

"Oo."

"Oo. For sure ay masaya 'yon."

"Oo, girl. Marami na naman akong makikitang Fafa nyan hihihi."

"Mabibiyayaan na naman ang aking mga mata ng magagandang tanawin kaya hindi dapat palampasin ang party na 'yon."

Ayan ang mga narinig kong sagot nila sa tanong ni Kelly. Hmm... mukha go sila lahat eh. Kahit si Erin at Margarette ay tumango rin. I guess, ako lang ata ang hindi ah.

"What about you, Xyzrielle?" Tanong sa akin ni Allysa.

"Ah....eh... hindi. Hindi ko kasi tipo 'yung ganyan." Simpleng sagot ko sa kanya. Nakita kong nagmake face silang lahat. Awww... bakit naman? Ang boring kasi non.

'Sus. Porket hindi lang sasama si Athena.' Sabat ng mahadera kong utak.

Che! Manahimik ka nga riyan. Pero isa rin 'yan sa dahilan hehehe.

"What?! Hindi pwede 'yon! Sumama ka na dali. Atsaka, wala ka namang pasok non diba?" Margarette said.

"Sama ka na, dali." Pamimilit nila sa akin at nagpacute pa.

Napaisip ako bigla. Hmm.... Ano kaya? Sumama kaya ako?

"Hindi talaga, guys. Atsaka hindi rin kasi sasama si Athena eh." Pagrarason ko pa

"Sus. Hindi naman talaga sumasama yung Babyloves mo sa ganyan." Nakabusangot na turan sa akin ni Leanne.

Hindi ko maiwasang mamula nang sabihin nya ang katagang 'Babyloves mo'. Hindi pa rin kasi ako sanay.

"Xyzrielle, kung inaalala mo kung magagalit ba si Ms. Athena kapag pumunta ka ng pool party, simple lang 'yan. Edi wag mong ipaalam. Hindi naman nya malalaman kung may magsasabi diba?" Suhestyon ni Erin. Napakatalino talaga ng babaeng 'to kahit kailan.

Mukhang gusto talaga nilang makasama ako ah. I heaved a sigh.

"Okay, fine." I said in defeat. In an instance, narinig ko na lang na naghiyawan silang lahat na syang nakaagaw ng atensyon ng karamihan na kumakain dito sa cafeteria.