Athena's PoV:
Grabe. Super-super saya ang nararadaman ko lalo na't dinala ako ni Babyloves———err... Xyzrielle sa theme park na 'yon.
Well, she's the first person to do that to me. Anyways, sya naman ang first ko sa lahat. I feel so special. Lalong-lalo na sa pagpapadama sa akin ng mga kakaibang bagay. First kiss, first date, unang beses na nagselos ako, she's also the first to see my childish side. She's my first in everything.
They say na ang lahat ng saya ay may kapalit na lungkot. Kasunod na kaagad 'yon. It sucks but I'm kinda afraid of that saying. So I just enjoy the moment. Every moment that I'm with her.
She insisted kagabi na sa bahay na lang nya ako matulog. Baka raw kasi may mangyaring masama sa akin lalo na at gabing-gabi na. She really cares about me. Isn't she the sweetest?
Sino ba naman ako para tumanggi? Malugod kong tinanggap ang alok nya. Gusto ko rin naman eh. I can hug and kiss her.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Para bang may nag iba sa akin. Everytime na gumigising ako ay... argh! Basta, ang hirap iexplain. Parang ang saya-saya ko. I'm dying to see her.
Gusto ko na lagi ko syang nakikita. I want her attention only on me. I love it when she cares about me.
Damn it! Ayoko na ngang mag-isip pa lalo. All I know is I'm hella gorgeous and fabulous. Tama, folks? Ang magdidis-approve ay ipapalapa sa alaga kong leon. Kaya sagutin nyo ng mabuti 'yan.
Kanina pa ako gising pero naririto pa rin ako at nakahiga sa kanyang kama. Naramdaman kong wala na si Xyzrielle sa tabi ko. To be exact, kanina pa sya wala.
I think, nag-aayos na sya para sa school. I checked my phone at nakita maaga pa naman. Early bird pala ang babylov-- I mean, si Xyzrielle.
I heard na may nagbukas ng pintuan at pumasok sa loob. It's her. Wala naman ng iba pang nakatira rito bukod sa kanya.
I composed myself para hindi nya mahalatang gising na ako. I hugged her pillow na kaamoy na kaamoy nya.
Wait. Let me rephrase that. Ang buong kwarto ay kaamoy nya. Hmmm.... Ang bango talaga. Hindi nakakasawang amoy-amoyin. Nakakaaddict.
"Babyloves..." Marahang tinapik-tapik nya ako. But still, nanatili pa rin ako sa aking pwesto. I closed my eyes kahit pa nasa tabi ko na sya.
"Wake up, sleepy head. May pasok tayo ngayon." Nanatili pa rin ang pagtutulog-tulugan ko. I wonder kung anong gagawin nya?
"Babyloves, I know that you're awake now." She let out a giggle. Nagulat ako dahil doon.
How come na nalaman nya? Kulang pa ba ang acting skills ko? Sa susunod nga ay iiimprove ko pa para kapani-paniwala na. Anyways, her laugh is like a music to my ears.
Since nasa tabi ko nga sya , I slowly make my way at umupo sa kanyang kandungan. I placed my arms on her nape and hugged her tight. Oh God. I love the warmth and comfort. Maya-maya ay naramdaman kong yumakap na rin sya sa akin.
"Hmm... tinatamad pa ako, babyloves." I said habang nakapikit pa rin. I started to sniffed her scent. Bagong ligo sya. I felt that she's stunned on her position.
"B-Babyloves, stop. Nakikiliti ako." She said while stuttering.
So, rito pala ang spot ng kiliti nya huh. Hindi ko sinunod ang kanyang utos at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nya sa akin.
"Babyloves, kapag hindi ka tumigil dyan, hahalikan kita. Sige ka." Banta nya sa akin na syang ikinagulat ko ng kaunti. Kaunti lang.
Pero hindi ko 'yon pinakinggan. I don't care rin naman. In fact, gustong-gusto ko nga 'yon hihihi. Okay, fine. Ako na ang maharot. Kay Xyzrielle lang naman eh. Pabayaan nyo na.
Ilang minuto pa ang lumipas. Nagmulat na rin ako ng aking mga mata. Nagtaka ako bigla. Bakit wala pa rin akong kiss na natatangap sa kanya? I looked at her.
"Asan na 'yung kiss na sinasabi mo?" Napakunot-noo ako. Wala pala sya eh. Puro banta lang. Hmp. Walang isang salita.
She looked at me with disbelief. What? Nagulat ba sya sa sinabi ko?
"Talagang sineryoso mo 'yung sinabi ko?" She asked while laughing. Argh! Anong tinatawa-tawa nya riyan?
I squinted my eyes. Pinaglololoko nya ba ako?
Parang naasar ako kaya binigyan ko sya ng matatalim na tingin.
"Tsk. Bahala ka nga sa buh-- *tsup*" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko when she quickly gave me a peck on my lips. Agad din naman syang nagbawi. Tsk. I'm not yet satisfied eh. Nakakabitin.
"Babyloves, I want more." Nakanguso kong saad. Walang ano-anong hinila ko sya palapit sa akin. Our kiss lasted a little longer kaysa sa una.
After that, nag-ayos na kaming dalawa para sa school. Sya na mismo ang nag-asikaso sa akin. Ang sweet noh? Gusto nyo rin ba? Humanap kayo riyan ng iba. Basta wag lang si Xyzrielle because she's mine already.
'Duh. Nagpepretend lang kayo remember?' Sabat ng aking mahaderang mind.
Oh please, don't ruin my moment. Tsk.
I drove us to the school. Nasa tabi ko si Xyzrielle. Hindi naman traffic kaya mabilis lang kaming nakapunta ng University.
Nang nandoon na kami, agad na lumabas si Xyzrielle. Umikot sya sa aking pwesto at pinagbuksan ako ng pintuan. Sya na rin ang nagdala ng aking mga gamit.
Eto na naman ang hindi mamatay-matay na chismis sa school. Nariyan na naman ang mga fans naming dalawa. Gustong-gusto nila ang love team namim. Marami na nga ang gumawa ng fansclub tungkol sa amin. Sa totoo lang, nakakatuwa sila.
Magkahawak-kamay kaming dalawa habang naglalakad. I love holding her hands. Napakalambot nito at perfect na perfect sa aking kamay. Perfect couple talaga kaming dalawa.
We are now walking towards to my classroom when suddenly, I received a text from Jared saying na pumunta raw ako sa secret room namin. Nagtaka naman ako bigla. Ano naman kayang meron?
"Babyloves, I think dito na lang muna ako. Nagtext kasi si Jared saying na pumunta ako secret room namin. Alam mo naman 'yun diba?" Mas maganda na rin 'yung alam nya. She nodded her head as an answer.
"Okay. Stay safe. Text me if you need me." Paalala nya sa akin. Xyzrielle gently kissed my forehead. After that, she bidded her goodbye to me.
Naglakad na ako patungo sa secret room namin. I'm wondering kung bakit nya ako pinapunta.
May nangyari bang kakaiba?
Wait, don't tell me nakabuntis sya? Mas minadali ko ang paglalakad nang sumagi ang ideyang 'yon sa isip ko.
"Mabuti naman at andito ka na, bitch." Ella said. Napansin kong naririto silang lahat. So, ako na lang pala ang kulang sa amin. It's okay anyways.
I quickly went to the couch and sit there. Hmm... Ano na kayang ginagawa ni Xyzrielle ngayon? Nasa classroom na kaya sya? I can't wait na makasama ko sya mamaya. I badly want to hug her again.
I kinda look like a lunatic here though. Hindi ko maiwasang mapailing at mapangiti na lang. She influenced me really well. Ang daming nagbago sa akin simula noong nakilala ko sya.
"Owemji! Athena, nababaliw ka na ba? Bigla-bigla ka na lang ngumingiti." Stacey said na nagpalik ng aking atensyon sa kanila. Agad kong binura ang ngiting nakapaskil sa aking mga labi.
"Siguro, iniisip mo si Xyzrielle noh." Pang-aasar ni Jared. Mygoodness. Eto na, nagsisimula na silang mang-asar.
"Don't tell me, inlove ka na kay Xyzrielle.." Ella said na syang ikinagulat. Nanlaki ang aking mata.
"Hindi noh!" I quickly said to them. Umiling-ilinh pa ako.
What the fuck?!
Ano namang pumasok sa isip nila at naisip nila ang ganoong bagay? Tsk. I know to myself na hindi ako inlove kay Xyzrielle.
'Hindi nga ba talaga?'
"Bakit guilty ka?" Dagdag pa uli ni Ella at ngumisi pa ng nakakaloko. Sasagot na sana ako nang magsalita si Jared.
"Anyways, gusto lang sana naming sabihin sayo na nagtransfer na sa ibang school si Lucas which means, you're free na. You can stop the pretend thingy with Xyzrielle." Jared said na syang ikinagulat ko.
Mixed emotions ang nararamdaman ko. Masaya dahil wala na si Lucas. Pero may part sa akin na malungkot. Hindi ko alam kung bakit. Baka siguro ayaw ko pang matapos ang pagpepretend namin ni Xyzrielle lalo na at nag-eenjoy na akong kasama sya.
"Oh wait. Pwede mo pa palang hindi itigil ang pagpepretend nyong dalawa." Stacey added to Jared's remarks. Napatingin naman ako sa kanya dahil doon.
"Unless, you're inlove with her." The'y smirking mischievously at me. Halatang may kakaiba. Tsk.
"No!" Mabilis kong pagtanggi. I heaved a deep sigh. "Okay, fine. Tatapusin ko na ang deal namin."
_____//_____
Mabibigat ang hakbang na nagpunta ako sa cafeteria. Break time na. Hindi ko alam kung bakit pero parang wala akong gana.
"Babyloves..." I heard someone said na syang ikinasigla ko.
I looked to that someone at hindi ko maiwasang mapangiti. Xyzrielle is smiling widely habang papunta sa akin. Parang nagslow motion ang lahat. Sya lang ang nakikita ko. I'm afraid na baka hindi ko na iyon masilayan pa araw-araw.
"How's your day?" Masaya nyang tanong sa akin.
"Let's talk." Seryoso kong turan at hinila sya papunta sa garden. I need to do this. Atsaka, alam kong walang nagpupunta rito kaya safe kami. Walang makakarinig na iba.
"Ang seryoso mo naman ata, babyloves." She let out a giggled. I think, she's trying na pasayahin ang mood sa pagitan namin.
"Let's break up." Walang paligoy-ligoy kong turan. Nakita ko kung paano sya naestatwaa sa kanyang kinatatayuan. Hindi sya nakapagsalita. Instead, she bit her lips.
"Let's end this pretend thingy tutal wala naman na si Lucas dito. Nagtransfer na sya sa ibang school." I continued and shooked my head.
Ayokong makita ang magiging reaksyon nya. Baka kasi magbago ang desisyon kl. Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Marahil ay ina-absorb pa nya ang nagyayari. Maya-maya ay nagsalita na rin sya.
"That's great. Sure ka na ba sa desisyon mo?" Bakas ko ang lungkot sa tono ng kanyang boses. I hummed as a response. Ayokong sumagot dahil baka mamaya, iba ang masabi ko.
"We can still be friends, right?" She asked and I nodded my head as an answer.
Parang ayaw tanggapin ng aking sistema na hanggang doon lang kaming dalawa. Pero.. bakit? Atsaka bakit nasasaktan ako ngayon?
"Uhm... can I have a favor with you?" I wonder what is it.
"Yeah, sure."
"Can I hug and kiss you again for the last time?" Tuluyan na akong napatingin sa kanya dahil doon. Nasilayan ko ang malungkot nitong mukha. I didn't expect na ito ang favor nya.
I closed the gap between us and hugged her. She quickly hugged me back. Oh God. Parang ayaw ko nang bumitaw. Gusto ko na lang na lagi syang yakap-yakap.
"If you need someone, I'm just here. Okay?" Malambing nyang turan sa pagitan ng aming pagyayakapan. She's really a sweet person. She kissed me but in my forehead only. I expected na sa lips nya ako ikikiss.
"Take care and be happy." Was the last thing she said bago tuluyang tumalikod sa akin.
All I can do now is to stare at her back. Maya-maya pa, nakita kong parang may pinunasan nya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Parang gusto ko syang pigilan sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kakaibang sakit ngayon.
It was too much. Naninikip ang dibdib ko sa sakit. Parang sinasaksak ako ng kutsilyo. I'm gasping for air.
At hindi ko rin alam kung bakit may tubig na umaagos sa aking mga mata.