Xyzrielle's PoV:
"Kumalma ka nga, Xyzrielle." Natatawang sabi sa akin ni.... sino nga ba 'to ulit? Ah, okay. Naalala ko na. Si Shane nga pala ito. Jusko po. Nagiging makakalimutin na ako dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"Ah... eh... sige, sige. Sorry." Awkward kong sagot sa kanya. Pinipilit ko na kumalma at magrelax. Pero sino nga bang niloloko ko, diba?
"Hmm... Okay ka lang ba?" Tanong ni Shane. Dumukwang sya papalapit kung kaya't naghello na naman sa akin ang kanyang *ehem* cleavage. Napasilip lang ako ha. Hindi ko tinitignan.
Agad kong inilihis ang aking tingin at napunta iyon sa pool sjde. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakatingin sa amin. They're all smirking at me.
Aba't, hindi man lang ako in-approach ng mga 'yon. Grr. They mouthed 'chix to me' and pointed it to Shane.
Napakunot-noo ako. Luh. Hindi naman sya manok ah.
"Namumula ka." Nag-aalalang saad ni Shane na syanh nagpabalik ng aking atensyon sa kanya. Inilapat pa nya ang kanyang mamay sa aking noo at mga pisngi.
No! Wrong move!
"Ahm... Shane, pwede banh lumayo ka ng konti? Hehehe. May girlfriend ako eh. Malakas manapak 'yon atsaka may lahing dragon. Lagot tayong dalawa kapag nagkataon at nahuli tayo sa ganitong pwesto." I reasoned out.
Oh fuck. Mas lalo akong kinakabahan. Any minute, pwedeng dumating si Athena at baka mamaya, maabutan nya kami sa ganitong lagay. Lumayo ako sa kanya ng kaunti.
"Si Athena ba 'yon?" Parang kakaiba ang nararamdaman ko dahil sa tanong nya.
"Oo eh. Bakit?"
"I thought, nagpepretend lang kayong dalawa." Natatawa nitong saad. Hindi ko maiwasang magulat dahil doon. Fuck. May alam ba sya?
I played with my hands. Nagkunwari akong hindi naaapektuhan sa sinabi nya.
"No, you're wrong. Totoo kami ni Athena. Anyways, kanino mo ba nasagap ang balitang 'yan?" I said.
"From a friend of mine. Akala ko talaga ay hindi kayo totoo. Like feeling ko, pakitang tao lang ang ginagawa nyo."
Argh. Sino namang kaya 'yun? As far as I remember, wala akong pinagsabihan ng pretend thingy namin. Feeling ko ay ganon din si Athena maliban lang sa mga friends nya. So, pano nagcome up na naisip nila na ganon nga?
I snapped into reality when I noticed that someone slapped her. Wala na sya sa harapan ko. Isang malakas na sampal ang aking narinig.
*Pak*
"Bitch, who the fuck are you huh?!"
"Stop asking nonsense question. We're not pretending so stop spreading a fake news. She's mine, back off!"
Parang naestatwa ako sa aking kinalalagyan. Biglang nagpop-up si Athena mula sa kung saan. And gosh, sobrang nakakatakot sya ngayon.
May nakikita akong maitim na aura na nakapalibot sa kanya. Parang any minute ay pwedeng-pwede syang mag saiyan. Napakasama rin ng mga tingin na ipinupukol nya. Hindi na maipinta ang kanyang mukha sa sama ng kanyang expression.
"Kung sa tingin mo ay matatakot mo ako sa ganyan mo, Athena.... well, think again." Saad ni Shane at ngumisi pa ng nakakaloko.
Woah! Ang cool. Wala man lang akong nakikitang takot sa mukha nya. Parang hindi sya tinatablan o naiintimidate man lang kay Athena.
"I think, I'll go for now. Baka sumabog na sa inis ang so called 'girlfriend' mo. Bye, Xyzrielle." At binigyan pa ako ng isang flying kiss bago tuluyanh umalis ang loka na syang ikinalaki ng aking mata. Siguradong nakita iyon ni Athena.
Nang makaalis si Shane ay nakita kong unti-unting humarap sa akin ang Babyloves ko. And trust me, parang mangangain na sya ng tao huhuhu. She's really mad.
Ano bang kinakagalit nya? Dahil ba sa nagsinungaling ako? O dahil ba sa nagseselos sya kay Shane?
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa huli kong naisip. Napaka-assuming mo naman, Xyzrielle at naisip mo 'yon. Ang taas ng pangarap ah. Hindi mareach. Syempre 'yung unang choice ang reason. Duh.
Naisipan kong lapitan si Athena nang makita kong paalis na sya. I need to talked to her.
"Babyloves.." Pagtawag pansin ko sa kanya.
"Don't come near me!" She yelled at tinapunan ako ng masasamang tingin.
Parang napaso naman ako dahil doon kung kaya hindi na ako nag-atubili pang pigilan sya. Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong nagstop sya sa tapat ng kanyang tropapips.
Parang tinakasan ako ng lakas dahil doon. I can feel that I'm getting pale. What the duck?!
Bakit hindi ko man lang sila napansin?
Argh!
I think, alam ko na kung sino ang nagsumbong sa kanya.
Nakita kong tumingin sa akin si Ella. Isang mapaglarong ngisi ang nakapaskil sa kanyang labi. She shooked her head. I frowned. Hmp.
Tinawag ko si Erin at Margarette para may makausap ako ngayon. I need their advice.
"Bakit? Anong problema, Xyz?" Tanong sa akin ni Erin.
"May ginawan ka ba ng milagro?" Tanong ni Margarette in which earned a smack from us.
Ang bunganga talaga ng babaeng ito oh kahit kailan. Walang preno. Hmp.
"Andito si Athena, teh." Panimila ko.
Nakita kong nagulat si Erin habang naibuga naman ni Margarette ang iniinom nyanh alak. Aish. Mabuti at hindi ako natalsikan.
"Ano?!"
"Akala ko ba, hindi sya pupunta ha?"
"Lagot ka nyan!"
"Tsk, tsk, tsk. Kawawa ka naman."
Ilan lang 'yan sa mga tanong at asar nilang dalawa sa akin. Nang-iinis pa talaga. Hmp. I heaved a deep sigh.
"Yeah. Kaso feeling ko, may nagsabi sa kanya. At sa tingin ko, it's either si Ella o si Stacey."
"Argh! Bwiset talaga 'yon!" Sabay nilang saad. Napakunot naman ako ng noo dahil doon. Hmm... magkakakilala ba sila?
Imbes na magtanong ay hinanap na lang ng aking paingin si Athena at huminto 'yon sa kabilang table.
Katulad ko ay umiinom rin sya. Halata pa rin ang madilim na aura sa kanya. Nakatingin din pala sa akin sina Jared, Ella, at Stacey. And they are all smirking. Halatang may laman.
Maya-maya pa ay nakita kong kumindat si Stacey.... sa akin?
Ay mali pala. Kay Margarette pala sya kumindat.
What the duck? Anong meron sa dalawang 'to ha? Hindi man lang nagkukwento ang babaitang ito sa akin. Hindi tuloy ako updated.
Akala ko ay si Stacey lang. Ganoon din pala si Ella. Kung kay Stacey ay kindat, masamang tingin naman ang nakita kong ipinukol nya kay Erin. She even rolled her eyes to the latter.
Automatic na napataas-kilay ako dahil sa nakikita ko ngayon. There's something fishy.
Nabalik ang aking atensyon nang makitang naglalakad papunta sa direction namin si Athena.
Hindi ko maiwasang mapalunok. She's effortlessly beautiful. Kahit wala syang ginagawa ay napaka-elegante nyang tignan. Nahahakot nya tuloy ang atensyon ng iba na naririto.
"Let's go." Malamig nitong turan. Nataranta ako bigla. Dali-dali kong inayos ang aking gamit at nagpalit na ng damit.
"Bye guys pakisabi na lang sa iba ha. Enjoy and ingat kayo!" Paalam ko sa dalawa. Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta, tahimik na sumunod na lang ako kay Athena.
Nauuna syanh maglakad sa akin kaya kitang-kita ko kung paano mag sway ang kanyang bewang. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
'Mygoodness, Xyz. Tigilan mo nga 'yan. Nagiging pervert ka na!'
Inilihis ko ang aking tingin. Napansin kong papunta pala kami sa kotse nya na nakapark ngayon.
"Get in." Ramdam na ramdam ko ang diin sa mga salitang 'yon. I gulped bago ako tuluyang sumunod sa utos nya.
Nagsimula nang magdrive si Athena. Ako naman ay hindi alam kung saan kami pupunta. At guys, sobrang bilis ng pagpapatakbo nya. Mabuti na lang at nakaseatbelt ako. Mamimimeet na ba namin si Kamatayan?
'Itotorture nya na ba ako?' Tanong ko sa aking isip.
Wala naman sigurong masama kung magtatanong ako sa kanya diba?
"Uhm... babyloves, saan tayo pupunta?" Kinakabahan kong tanong.
"Home." Matipid nitong sagot.
Anong home? Saan 'yon? Napakaiksi naman ng sagot nya. Tsk. Hindi na ako nag-atubili pang magtanong ulit dahil baka mamaya ay upakan nya na ako.
Maya-maya pa ay huminto na ang kanyang kotse sa isang pamilyar na lugar. Wow, nandito pala kami sa apartment ko. Hindi naman ako nainform na ito na pala ang tinatawag nyang home.
Katulad ng kanina ay nauna na naman siyang maglakad papunta sa unit ko na para bang sa kanya 'yon. Ang bongga naman nya. Tandang-tanda ah. Kahit ilang beses pa lang syang nakakapunta rito.
Pag kabukas ko ng pintuan ay dire-diretso syang pumasok sa loob. Hindi pa ako nakakapagsalita nang makita ko syang padabog na pumasok sa aking kwarto.
Agad kong nilock ang pintuan. Uminom muna ako ng tubig. Pampawala ng kaba. I composed myself first bago sumunod sa kanya.
Naabutan kong nakaupo si Athena habang may yakap-yakap na isang unan. She's frowning. My heart flutters. Aww. Ang cute nya.
"Come here." Masungit nyang turan at pinat pa ang kanyanh tabi. Sumunod ako sa kanya na para bang isang bata.
Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad na itinulak nya ako pahiga. Hindi pa ako nakakaalma nang pumatong sya sa akin. Napamaang ako dahil doon.
Oh
my
gulay!
"Wag kang magsalita." Pagpigil nya sa kung ano mang balak na lumabas sa aking bibig.
"You said awhile ago na pupunta ka sa trabaho mo pero... nalaman ko na lang na nasa party ka na pala." She said. Unang banat para kay Athena. Hindi ko sya magawang tignan.
"Kaya pala panay ang tanong mo sa akin kung aattend ba ako!" She gave me a smack. Napangiwi ako. Awww. Ang sakit.
"May plano ka bang sabihin sa akin 'yon?" Ramdam na ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan nya.
"Oh well, don't even bother to answer that. Mabuti na lang talaga at ipinaalam sa akin nina Stacey at Ella na nandoon ka." Sabi na nga ba at sila ang dahilan. Hmp.
She smashed her lips onto mine aggressively. Ramdam ko ang inis doon. Feeling ko ay magdudugo ang labi ko dahil sa pagkakagat nya but I let her to do whay she wants. Wala akong ginawa.
Instead, I kissed her back. I let her to be the dominant one. I felt her tongue on mine. Sa tuwing nagkikiss kami ay parang ito pa rin ang first time namin. Everything is magical.
And damn it. Here we go again. Ramdam na ramdam ko na naman ang something. Sobrang kakaiba. Para nakikiliti ako na ewan.
Nang matapos ang halikan session namin ay bumangon ako pero nasa taas ko pa rin si Athena kaya para bang nakakandong na sya sa akin ngayon. May nagtutulak sa akin na yakapin and sya so I did. She hugged me back tightly.
"I'm sorry Athena." I said in which I earned a smack from her. Oh shit, oo nga pala.
"I'm sorry, babyloves kung nagsinungaling ako sayo. May balak naman akong sabibin sayo. Naghahanap lang ako ng timing. I know na walang magagawa 'yung sorry ko kasi nangyari na." I said and looked at her.
Nakita kong parang lumambot ang kanyang expression ngunit napalitan din ito agad ng mataray na tingin.
"Mabuti naman at alam mo! Tapos na. Nangyari na. Hndi na maibabalik pa. Argh, I hate you!"
"Love you." Ang mga katagang bigla-bigla na lang lumalabas sa aking mga bibig. Nagulat sya dahil doon. Owemji, same. Natuptop ko ang bibig.
"Akala mo ba madadaan mo ako sa ganyan? Damn it. Sige na nga! Love you too!" She said and gave me a quick peck on my lips.
Kakaiba ang nararamdaman kong saya dahil sa narinig ko at hindi ko alam kung bakit. Parang nasa alapaap ako. Ang sarap sa feeling.
"Let's sleep." Pag-aya nya sa akin. Bati na ba kami? I hope so.
As soon na makahiga kami ay kumapit sya sa akin na para bang koala. Ang cute. Napansin kong nahihilig na syang yumakap sa akin. Anyways, sino ba namang hindi gusto ang free hugs diba?
"Oh wait. May nakalimutan pa pala ako." Napakunot-noo ako dahil sa sinabi nya. Ano naman kaya 'yon?
"Para lang sa kaalaman mo, I'm the jealous type so ang akin ay akin lang. Ayokong may kahati." At sinimulang kagatin ang leeg ko.
Paniguradong maagmamarka 'yon. Oh damn. She's leaving hickeys to me.
But aish. May kinuha ba akong gamit nya?