Chapter 47 - Chapter 47

Xyzrielle's PoV:

Super excited ako sa yearly na pa-activity ng school. Kung hindi nyo lang alam, sumasama talaga ako sa ganto nila. Sobrang daming benefits eh.

Una, nag-enjoy ka. Pangalawa, marami kang natutunan. Pangatlo, may dagdag grades at pang-apat ay libreng gala pa. Oh diba. Napakabongga talaga. Kaya hindi ko sinasayang ang gantong pagkakataon eh.

Dahil nga sa sobrang pagka-excite ko, mabilis lang nagdaan ang mga araw at cheren! Saturday na agad! Ang pinakahihintay kong araq hihihi.

Iniready ko na kaagad ang mga dadalhin kong mga gamit. Damit, twalya, toothbrush, at marami pang iba. Tinatamad na akong magmention ng lahat ng laman ng aking mighty backpack. Basta hindi mawawala roon ang mga pagkain.

Alam nyo naman na. Gay——Girl Scout ako.

Kinausap ko na rin ang pinagtatrabahuhan ko na bar na mawawala ako ng ilang araw. Tuwang-tuwa naman ako dahil pumayag ang boss ko. Okay lang naman daw 'yon sabi nya. Napakadali nya talagang kausap.

Ipinasa ko na rin ang dapat kong ipasa para happy-happy na lang is me. Kinompleto ko na rin kung anong kulang ko. Aish. Napakabait ko talagang estudyante.

Okay naman ang lahat. Kaso, may isa lang na parang problema ako. Tuwing nagkakasalubong kami ni Athena ay lagi nya akong iniirapan. Hindi man lang sinusuklian 'yung ngiti ko.

Sayang tuloy 'yung effort ko. Char. Akala ko ba ay magkaibigan na kami huhuhu.

At eto pa, napakasama ng tinging ipinupukol nya sa akin o sa amin ni Shane sa tuwing magkasama kaming dalawa. Lagi pa naman na syang sumasabay sa akin at kumakapit pa sa aking braso. Hinahayaan ko na lang si Shane sa gusto nya.

Siguro ay kung nakakamatay lang ang tingin, paniguradong pinaglalamayan na kaming dalawa.

Hindi talaga maipinta ang mukha ni Athena. Hindi ko alam kung anong problema nya. Hindi nya naman sinasabi eh. Heto tuloy ako at puro hula na lang. At ang pinaka dabest sa hula ko ay.....

Sa tingin ko ay nagagalit sya sa akin dahil hindi ko man lang pinakilala sa kanya si Shane nang personal. Gusto nya sigurong maging kaibigan si Shane. Tama naman ako diba? Ang talino ko talaga.

Dibale, wag syang mag-alala dahil sa susunod ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkakilala silang dalawa.

"Babe, tara na! Bilisan mo na riyan!" Napatampal na lang ako sa aking noo. Kilala nyo na naman siguro kung sino 'yan. Katulad ko ay excited din sya.

Nagpresinta sya na sabay na kaming dalawa. Hindi naman ako makatanggi sa kanya dahil for sure ay magtatampo ang isang 'to.

"Aish. Babe, hinaan mo naman 'yung boses mo." I said to her. Nakakahiya kasi sa mga kapitbahay. Madaling-araw pa lang kasi. Malamang ay mga tulog pa ang mga 'yon.

She just give me a peace sign. 5am ang call time at dapat ay nasa school ka na. Doon kasi ang meeting place namin. But I know, hindi 'yyon masusunod. Duh. Filipino time is waving. Atsaka, 'yung mga kasama ko pa ay mga brat. May sarili silang time.

Nang matapos ko nang gawin ang dapat gawin ay isinarado ko na ang pintuan ko. Inihabilin ko na lang sa kapitbahay ang pusa ko. Gising na kasi sya ngayon. Okay lang naman sa kanya.

Nakita kong nasa driver seat na si Shane at inaantay ako. Hindi ko alam kung anong klase ang kotse nya pero masasabi kong maganda ito. Napakaganda. Katulad ng driver hihihi. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sumakay na rin sa harapan.

"Mabuti naman at andito ka na. Akala ko ay aabutin pa tayo ng siyam-siyam eh."

"Sorry naman hehehe.." ang tangi kong nasagot sa kanya. Inistart na nito ang makina ng kanyang sasakyan at nagsimula nang magmaneho.

Isang malaking bag lang ang dala ko. Ang kaunti ba? Well, magaling kasi akong mag-ayos ng mga gamit. Napagkasya ko lang sa isa. Ayoko rin kasi ng maraming dala. Nakakatamad magbitbit tapos hindi naman magagamit lahat.

Nakita kong isang bag lang din ang dala ni Shane katulad ko.

Narating din naman namin agad ang University since wala pang traffic. Wala pang masyadong nagbabyahe ng ganitong oras. Marami-rami na rin ang estudyanteng nandoonnang makarating kami.

Hinanap agad ng aking mga mata sina Erin at Margarette. Nandito na raw kasi sila. Well, kumpleto kami. Nakakatuwa. Pati na rin ang iba pa naming friends.

"Babe, tara roon tayo. Nandoon sila oh." I said sabay turo sa dalawa kong kaibigan. Kumakaway sila sa amin.

After that ay nagparegister na kami para mabigyan na kami ng name tag pati na rin ng bus number. First come, first serve kasi ang style rito which is good. Pero sabay-sabay naman ang alis ng bus. We decided na antayin na lang na tawagin kami.

"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ng teacher na naka-assign sa bus namin. Tumango kaming lahat bilang sagot.

Papasok na sana kami ng bus nang mabaling ang atensyon namin sa isang kotse na papadating.

I shooked my head. Tsk. Masyado naman ata silang paVIP. Hmp.

O baka naman, napilitan lang kaya last minute na pumunta. Oh well, bahala sila riyan.

"Erin, Margarette, anong nanyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila ahil tila napako ang kanilang paningin sa mga dumating. Hindi ko pa kasi tinatapunan ng tingin ang direksyon ng mga 'yon kaya hindi ko sila kilala. Samantalang si Babe naman ay nasa harapan ko.

'Gosh. Bakit sila nandito?' Rinig kong bulong ng isa sa kanila pero hindi ko matukoy kung sino man 'yon.

Sino ba? I decided to take a look kung sino ba ang parang mga artista na bagong dating.

Pero tama nga sila...

Mygoodness. Bakit nandito sila?

Parang tinakasan ako ng lakas dahil doon. I can feel that my knees are getting weak. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko.

Hindi naman sila sumama sa paganto ng school ah. Bakit bigla na lang nilang naisipang magparticipate?

I composed myself and closed my eyes. Kalma, Xyzrielle. Ang dami-dami nyong pupunta ng Zambales. Maliit lang ang chance na magkasalubong kayo. If ever man na mangyari 'yon, I need to be professional, right?

"Babe, tara. Dito na lang tayo umupo." Pag-aya sa akin ni Shane.

Nasa may bandang dulo kami. Katamtaman lang ang atmosphere. Pwedeng tahimik at pwedeng masaya. Mahaba-haba rin ang byahe namin dahil medyo malayo 'yon. Sina Erin at Margarette ang magkatabi at nasa harapan namin sila.

Hindi pa umaandar ang bus ay nagsimula na kaming ngumata nitong katabi ko.

"*nom* *nom* Ang sarap talaga nitong patata." I said while eating. Energetic na tango ang isinagot sa akin ni Shane dahil hindi na sya makapagsalita pa dahil na rin punong-puno na ang bunganga nya.

Dahil sa mabait ako, ang patata na dala ko ay umikot sa loob ng bus. Ang saya diba?

Buti na lang talaga at marami akong dalang pagkain. Busy kaming dalawa ni Babe na kumain sa buong byahe. Samantalang 'yung mga kasama namin ay unti-unti nang nawawalan ng energy.

Tss. Wala pala ang mga 'to. Nadrain kaagad eh.

"Babe, tikman mo 'tong gummy bear." Shane said at isinubo sa akin ang gummy. Hmm.

"Ang sarap! Ngayon lang ako nakatikim nito." I said to her. Parang nagniningning sa saya ang mga mata ko ngayon.

Nakaramdam na lang ako bigla na may parang may sumipa sa likod ko. Hmm.. baka hindi lang sinasadya. Hindi ko na 'yon pinansin pa.

Kain lang kami ng kain nang biglang umubo si Shane. Siguro ay nabulunan sya sa pagkain. Binigyan ko sya kaagad ng tubig.

"Bagalan mo lang kasi 'yung pagkain mo." I said to her while gently patting her back.

Again, nakaramdam na naman ako ng sipa mula sa aking likuran. Napakunot-noo ako dahil doon. May lahi bang kabayo ang kung sino mang nakaupo rito?

'Ayan, buti nga sayo. Ang landi mo kasi. Tss.' Hindi ko masyadong naintidihan ang bulong ng kung sino.

"Babe, matutulog muna ako ha." Paalam nya sa akin. Napagod na rin siguro sya. Aish. Ano ba 'yan? Wala na akong makukulit nito huhuhu....

Napalingon-lingon ako sa mga kasamahan ko at confirmed. K. O. na silang lahat. Since busog na rin ako, naisipan ko na lang na pagmasdan ang features nitong katabi ko.

Wala ring maipipintas sa kanya. She's beautiful. Pero hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdam na kakaiba. 'Yung parang may something sa tyan ko tuwing kasama ko sya unlike kay Athena.

Napasapo ako sa aking noo. Ugh! Napasok mo na naman si Athena sa isip mo, girl. Ierase mo na kaagad 'yan ha.

Napadako ang tingin ko sa mapupulang labi ni Shane. Natural ang pagkapula nito. I traced her lips using my fingers. Ang lambot. I wonder kung anong lasa non. Katulad din ba kay Athena?

Wala naman sigurong masama kung ikikiss ko 'yon diba? Dampi lang naman. Atsaka, wala namang makakakita. I know na hindi naman sya magagalit sa gagawin ko.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking sarili kay Shane. Unti-unting nababawasan ang distansya sa pagitan naming dalawa. Siguro ay nasa 1 inch na lang 'yon nang maramdaman kong may sumipa sa akin. This time ay sobrang lakas nito.

Napangiwi ako. Sayang! Malapit na eh!

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Sigurado akong sadya na 'yon. Walang ano-anong tinignan ko kung sino ang may salarin.

Ngunit parang umurong ang dila ko nang makita kung sino ang nasa likuran ko.

"Uhm... Hi!" Ramdam ko ang kaba sa tono ng boses ni Jared nang batiin nya ako noon. Ngumiti lamang ako bilang sagot.

Doon ko nakita si Athena na hindi maipinta ang mukha. Magkasalubong ang dalawang kilay nito. Sa tingin ko ay nagpipigil sya ng galit. Parang may nakikita akong imaginary dark aura na nakapalibot sa kanya.

Mahigpit rin ang pagkakahawak nya kay Jared na halatang masakit. Naawa ako bigla kay Jared. Ang isa naman nitong kamay ay nakakuyom.

"Ahm.... Xyzriello, gusto mo bang magpalit tayo ng upuan?" He asked while scratching his nape. Parant nahihiya sya.

"Ha? Bakit naman?" Balik-tanong ko rito. Nakakapagtaka lang.

"Ah... eh... hindi kasi ako makatulog kapag katabi ko si Athena." Pagrarason nito.

"Ano kasi... tulog na si Shane." I reasoned out. I heard a tss from someone. At kilala ko kung kanino galing 'yon.

"Well, that's great. Tara, let's exchange our seats." Kahit ayaw ay um-oo na lang ako sa kanya. Nakakahiya rin kasing humindi.

Kumuha na muna ako ng chichirya bago tumayo. Sinilip ko rin kung tulog na ba ang dalawang nasa harapan ko. Nagulat ako nang makita na si Ella na ang katabi ni Erin. Ang sweet nila sa pwesto nila hihihi. Anyways, nasaan naman kaya si Margarette?

"Uhm... hello." Awkward kong bati kay Athena. Halatang bad mood pa rin sya. But na-uh sanay na ako sa ganyan nya, remember? Hindi na ako tatablan.

Sinmulan ko syang kalabitin. Hindi ako titigil hangga't hindi nya ako pinapansin. Tamang-tama dahil hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Sya na muna ang guguluhin ko.

"Ano ba?! Bat ang kulit mo ha?" Masungit nitong turan sa akin. Araw-araw syang galit. Parang ang laki-laki ng problema nya.

"Ayaw mo kasi akong pansinin eh." Napanguso ako. Nakita kong naningkit ang kanyang mga mata. Akma na sana syang magsasalita nang sinalpakan ko ng Moby ang kanyang bibig.

"Oh ayan. Ikain mo na lang ang inis mo." I said. Binigyan nya naman ako ng nakamamatay na tingin.

"Argh! Bwisit ka talaga!" Asar na asar nitong asik. She even smacked my shoulders.

"Magaling namang humalik."

Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagpula ng kanyang mga pisngi.

"Ang landi mo." Suplada nitong turan sa akin. She even rolled her eyes to me. She crossed both of her arms on top of her chest.

"Sayo lang naman." Totoo 'yon hihihi. Hindi ako nagsasabi ng kasinungalingan ah. For the second time around, she hissed and rolled her eyes.

"Oh really? Akala mo ba ay hindi ko nakita 'yung balak mong gawin kay Shane kanina ha? Mabuti na lang talaga at sinipa kita." Napaawang ang aking bibig. Wow, confirmed. Sya nga ang salarin.

"Nagseselos ka ba?" I asked her. Ganito raw kasi 'yun. Wala lang, feel ko lang.

"Bakit mo naman natanong 'yan ha?"

"Natanong ko lang. So, ano nga?" I asked her once again habang inaantay ang kanyang sagot. I'm really eager to know.

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Maya-maya pa ay narinig kong napabuntong-hininga sya.

"Fine. Yeah, nagseselos nga ako. Argh!" She said. Hindi sya makatingin ng diretso sa akin. Napangiti ako dahil doon.

"Sabi ko na nga ba." I said. Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang mukha para tumingin sya sa akin.

"I'm sorry." Nakita kong parang nagliwanag sa tuwa ang kanyang mukha.

"Don't worry, lalayo na ako kay Shane. Ipapakilala rin kita sa kanya. 'Yon naman 'yung gusto mo diba? Gusto mo syang maging kaibigan, right?"

Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko pero automatic na nakatanggap ako ng isang suntok galing sa kanya.

Hindi pa ako nakakaalma nang hatakin nya ako bigla. Naglapat muli ang aming labi.

Napapikit ako nang mariin. Mygoodness. Namiss ko ito. Hindi ko alam kung bakit nya 'to ginagawa pero sa tingin ko, I need to enjoy this moment. We started to kiss each other na para bang may sarili kaming mundo.

"Don't ask kung bakit ko ginawa 'yon." Masungit nitong turan nang matapos ang kiss namin.

"I miss you." Wala sa sariling nasabi ko. Natuptop ko ang aking bibig. Aish. Lagot na. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagguhit ng isang ngiti sa kanyang labi ngunit agad nya ring tinanggal 'yon.

"Tss. I miss you too." She said at pinagsaklop ang aming mga kamay.