Chapter 50 - Chapter 50

Xyzrielle's PoV:

Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Tanging tunog lang ng aircon ang iyong maririnig. Ang sosyal diba?

Kanina pa kami nakahigang dalawa at syempre I'm hugging her from behind. I like this position of us. Hindi rin naman sya umaangal. If I know, gusto din naman nya. She smells like strawberry. Ang sarap kagatin.

Napaisip tuloy ako kung paano nangyari iyon. May bigla na lang pumasok sa aking isipan na mga katanungan.

What if hindi ko sya nabangga non?

What if hindi ko sya kiniss?

And what if hindi naganap ang pretend thingy between us?

Napabitaw ako sa kanya dahil sa aking naisip. Bumangon ako at umupo.

For an unknown reason, hindi ko gusto 'yon. Nanikip bigla ang aking dibdib. It was painful.

I shooked my head. Bakit ba kasi pumasok sa isip ko ang ganong mga tanong? Aish.

"What's the problem?" Tanong ng kung sino. Kilala nyo naman na siguro 'yan dahil sya lang naman ang kasama ko ngayon.

"Uhm... wala. Bakit gising ka pa?" I asked instead of answering her question. As expected she just rolled her eyes to me. Wala atang araw na hindi nya 'yon ginagawa. Nakakaloka.

"Syempre hindi pa ako tulog." She said in a duh tone.

Napakunot-noo ako. "Bakit parang ang pilosopo mo yata?"

"Tss. Fine. I'm about to go to sleep kaso tinanggal mo 'yung pagkakahug sa akin. Kaya ayon." She explained. Parang nahiya tuloy ako bigla.

"Hala, sorry." I quickly apologized at mabilis na ibinalik ang posisyon namin kanina.

Ngayon ay magkaharap na kami at kitang-kita ko ang napakaganda nyang mukha. Kahit minsan ay sinusumpong sya ng kamalditahan.

"Bakit ma-attitude ka? Bakit ang taray at ang sungit mo?" Hindi ko maiwasang ianong. I saw how her one eyebrow arched.

"Are you serious?"

"Yes, seryoso naman talaga ako sayo kahit dati pa." Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero parang nakita kong namula sya. Weird. Hindi naman mainit ngayon ah.

"It's natural, you know. Ganto na talaga ako dati pa. Can you handle my attitude?" Nakataas-kilay nitong turan sa. Ang bongga naman non. In born na ang katarayan nya.

"Syempre..... Hindi." I said which I earned A smack from her. Awww... Dapat pala ay hindi na ako nagbiro sa kanya. She's now shooting me her famous death glares.

"Nagjojoke lang naman ako. Syempre, oo noh. Kahit napakasama man ng ugali mo. I can handle your tantrums. Tanggap kita kahit ano ka man." I pinched her nose.

"Tss. Wag ka ng magsinungaling pa." Napakunot-noo ako dahil doon.

"Bakit ayaw mong maniwala? Totoo naman lahat ng sinasabi at pinapakita ko sayo." I said. Naramdaman kong napahigpit ang pagkakayakap nya sa akin.

"Hmm... I wonder, what if hindi naganap ang pretend thingy natin?" Tanong ko. Nakita kong nagsalubong ang dalawa nyang kilay. May mali ba sa tanong ko?

"So what's your point? Nagsisi ka ba?" Masungit nitong tanong. Agad akong umiling bilang sagot.

"Hindi noh. I'm thankful nga eh. Bakit naman sumagi sa isip mo 'yon?" Hindi sya sumagot. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

"I love being this close to you." She said and hugged me tighter. I smiled. Gusto nya palang laging hinahug. Aba, hindi na libre 'yon sa susunod.

"Bakit naman?" I asked.

"Beause I can hear your heartbeat from here." Wow. Ang talas naman ng pangdinig nya kung ganon.

"Half-half naman sa akin." Automatic na nagsalubong ang dalawa nyang kilay. Uh-oh. Hindi pa kasi ako tapos.

"I like it too kaso I feel something strange whenever na napapalapit ako sayo. Hindi ko ma-explain. Argh! Basta. Para bang may something. Napakabilis ng tibok ng puso ko." Naguguluhan na talaga ako. Totoo 'yung sinabi ko.

Mabuti naman at nasabi ko na rin sa kanya. Hmm... ganon din kaya si Athena?

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.

"Don't worry, I feel it too." Napaawang ang aking bibig. Gosh. Did I heard it right?

Seryoso?! I thought na ako lang ang nakakadama non sa aming dalawa.

"You're the reason kaya ako nakakafeel ng iba't ibang emotion. Minsan 'yung tinatawag ata nilang kilig. Minsan 'yung *ehem* selos pero madalas ay saya."

I smiled because of that. She's really a straight-forward person. She says what she wants to say without any hesitation.

"Let's figure it out together, okay?" I said and she nodded energetically. Epekto siguro ng ice cream na kinain nya kanina.

"Dahil dyan, pahingi ng kiss hihihi.." Mabilid na nakatanggap ako ng matatalim na titig mula sa kanya kaya napa-atras ako. Retreat na mga boss.

"Joke lang uli. Ang sabi ko nga ay matutulog na tayo." Nakanguso kong turan at ipinikit na ang aking mga mata.

Wala akong nakatanggap na sagot mula kay Athena. Sa tingin ko ay tulog na sya.

Patulog na rin sana ako when I felt a soft thing is pressed on my lips. At alam ko kung ano 'yon. Lihim akong napangiti. Hindi nya rin talaga ako matiis.

With a smile, we happily drifted to our sweet dreams.

_____//_____

I woke up when I heard a loud siren. Eto siguro ang pang-alarm nila for students para gumising na. I checked the time and it's already 6am. Napatingin ako kay Athena na tulog na tulog pa rin. Para syang koala kung makakakapit sa akin. Pero napakacute nya.

Sinimulan ko na syang gisingin sya. Mabuti naman at maagap syang nagmulat ng mga mata.

"Hmm... anong oras na?" She said in a sleepy voice. I giggled because of that. Halatang inaantok pa sya. Ang cute.

"It's 6am. Pinapagising na tayo." I answered.

"Maaga pa. Mamaya na tayo bumangon. Just give me 5 more minutes, please." Napabuntong-hininga na lang ako ng wala sa oras. Ginamit na naman kasi nya ang word na 'please' at alam kong hindi ko kayang hindian iyon.

I'm here beside her. Wala lang, tinitignan ko lang sya. Hindi naman nakakabagot ang ginagawa ko. Mukhang tama nga 'yung sinasabi nila na maamong tignan ang tao kapag tulog. Naiaapply 'yun kay Athena ngayon. Charot.

Hindi ko namalayan na limang minuto na pala ang lumipas. Nalaman ko lang nang nagmulat na syang muli. Agad kong inilihis ang aking tingin kay Athrna. Baka kasi kung ano pa ang isipin nya.

We took a bath first at nagsimulang kumain sa cafeteria. Kailangan namin ng energy para sa mga susunod na game para 'Hello, Palawan' na.

F A S T F O R W A R D

Hindi ko na ikukwento sa inyo ang mga laro na ginanap. Masyadong mahaba. Hindi kakayanin ng isang chapter. Pero to summarize it all, super duper nag-enjoy kaming lahat. Nasubok rin ang iba't ibang kakayahan namin. Pero more on work as a team talaga.

At eto pa pala. Nakakaiyak na natutuwa ako...

Natalo kami.

Ay mali.

Nanalo pala kami!!

Thank you so much, Lord! Napakabait mo talaga. I labyu so much. Mukhang nadinig ni Lord ang hiling ko.

Nahirapan din kami dahil tulad ng dati ay dikit na dikit ang laban namin between Team C. They smiled and said 'It's okay to lose. It's part of every game'. Ang sports nila noh?

We're tired kaya halos lahat ay tulog sa byahe. Mga puyat even me. Wala pa namang pasok today kaya okay lang. Exempted ang mga kasama duto sa trip.

Anyways, sa last day kasi namin ay nagkaroon ng mini party. Parang sa bar ang peg. Party-party ang lahat. Ang kaibahan nga lang ay walang mga wine and liquor. Ayan ang dahilan kaya mga bangag kami.

I'm here in the hallway papuntang cafeteria dahil break time ma. Oo nga pala, Wednesday na ngayon. Ang bilis diba? I'm walking nang mapansin ko ang isang babae na kilalang-kilala ko.

"Athena!" I called her. Balak ko pa sanang gulatin sya kaso parang wala sa mood eh. Halata kasi sa kanyang malditang mukha.

Chos, sige na nga. Take Two.

Halata kasi sa kanyang magandang mukha.

"Hi..." She said and pulled me in a hug. Wala talaga syang pake if ever man na may makakita sa amin. Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na nasa hallway kami.

Maya-maya rin ay bumitaw sya. Whooo! Mabuti naman. Nagwawala na naman kasi itong si heart eh. Napakalantod diba? Oo nga pala, we're quite okay na.

"Kumusta ka na? Bakit parang ang sad mo ata ngayon? Baka dahil dyan hindi ka na maging crush ng crush mo. Sige ka." I laughed after I said thaat. Katulad ng dati, she shooted me with her famous death glares. Yey! she's normal na.

"Tss, wala! If I know, lahat ng tao gusto ako. I'm gorgeous and fabulous. So, balewala rin ang pananakot mo sa akin." She rolled her eyes to me.

"Correction, hindi lahat ah. Ako kasi hindi kita gusto." I said and I saw how her eyes widen in shock. Cute.

"How dare you?! Argh! Bwisit ka talaga! Laging pan---"

"Kasi mahal kita." Pagputol ko sa sasabihin ni Athena. Nakita ko kung paano sya napatigil. I can see a tint of redness on her cheeks. Pulang-pula na sya.

"Hindi pa kasi ako tapos. Uy, kinikilig sya! Aminin." Pang-aasar ko rito.

"Tsk. Shut up." Masungit nitong turan. Okay,, naka-on na po ang side nyang masungit. Kailangan ko nang mag-ingat.

"Sus. Alam ko naman eh. Wag mo nang ideny pa. Anyways, so ano nga? Bakit parang wala ka sa mood kanina?" Ang ganda ba ng segway ko? Ang talino ko talaga.

She heaved a sigh. "Si Mom and Dad kasi..." Pagsisimula nya.

"Pinagday off na naman ang mga kasama ko sa bahay. Nagising na lang ako kanina na wala silang lahat. As in wala. I'm alone. And I hate it!" She said. So, ayon pala ang dahilan.

Parang kidlat na pumasok sa aking isipan ang isang ideya. Mukhang alam ko na ang gagawin. Mabuti naman at gumagana ka ngayon, brain. Good job!

"Ahm... gusto mo bang sa bahay muna matulog? Para may kasama ka na rin." I offeres. Mukhang napaisip si Athena. Wala namang masama diba? Atsaka nakatulog na rin sya roon.

"Okay lang ba sayo?" Wow. Medyo bago 'to.

"Oo naman! Pumunta ka na lang sa bahay mamaya. Welcome na welcome ka." I happily said.

Sabay kaming naglakad papuntang cafeteria. For sure ay inaantay na ako ng aking mga katropapips.

I ordered first atsaka dumiretso sa table ng mga kaibigan ko. Ganon din ang ginawa ni Athena.

"Hey, nakita ko 'yon ah." Ayan ang binungad sa akin ni Margarette with matching taas-kilay pa.

"Huh? 'Yung ano?" Painosenteng tanong ko.

"Yung kay *ehem* babyloves mo." This time, si Erin naman 'yon. They're now mischievouslt smirking at me. Halatang may gustong iparating.

"Wala lang 'yon. Ano ba kayo?" I said at pilit na tumawa. Mukhang hindi pa rin sila naniniwala sa sinabi ko.

"Babe, susunduin na lang kita sa inyo. Remember? 'Yung favor ko sayo? Mamaya iyon ng 5:30 pm." Shane said.

I mentally slapped my self. Oh shoot!

Bakit nawala sa isip ko? Jusko po. Paano na 'yan?

I heaved a sigh first. "Oo. Sige ba, babe." I said. I think, mabilis lang naman 'yon diba?

_____//_____

I wore a simple outfit pero bagay na bagay sa akin. Hindi ko kailangang magpa-impress. Ika nga nila 'Simplicity is beauty'.

Nasabi rin sa akin ni Shane na I need to pretend as her girlfriend. 'Yon na lang kasi ang naiisip nyang paraan para matigil ang planong pagpapakasal sa kanya.

Aish. I feel pity for her but at the same time, napahanga nya ako. She's really brave.

"Babe, we're here. Act natural, okay? Wag kang ma-intimidate sa kanila. Mabait naman ang mga 'yon. Don't worry, hindi ka nila kakainin ng buhay." She said and gave me a wink.

Isang malaking bahay wait let me rephrase that, mansion ang aking nakita nang lumabas ako sa kanyang kotse. Rich kid naman pala etong si Shane. Pero hindi lang halata cause napaka simple nya. Parang walang arte sa katawan ganon.

Kung anong ikinaganda ng labas ay ganoon rin sa loob. Grabe. Magkano kaya ang lahat ng 'to? Akala ko sa movies ko lang nakikita ang mga ganito.

She held my hand and make our way to their dining room. Nakita ko roon ang isang babae at isang lalaki. Ito na siguro ang mga magulang nya.

"Oh sweetheart, andito ka na pala. Sino naman 'yang kasama mo?" Her Mom said. Mahahalata mo pa rin ang gandang taglay nya kahit na sya'y may edad na.

"Mom si Xyzrielle po, girlfriend ko." Pagpapakilala nya sa akin. I gulped. Gosh. Hindi nya na pinatagal pa ang lahat.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming lahat. Mukhang nagulat sila. Ako rin eh.

"Good Morning po, Ma'am and Sir." Pak! Parang sa mga restaurant noh? Dapat dinagdagan ko na ng 'What's your order?'. Just kidding.

I know that they're eyeing me intenyly. Marahil ay parang kinikilatis nila akong mabuti. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

"Ganon ba, Iha? Come here. Sit and relax. Okay lang naman sa amin." This time, ang Dad nya ang nagsalita. Napahinga ako nang maluwag doon. Pinaghila ko ng upuan si Shane bago ako umupo.

"Wag kang mahiya sa amin, Iha. tawagin mo na lang kaming Tita and Tito. Right, Hon?" her Mom said at binalingan ng tingin ang kanyang asawa. He nodded as an answer.

Napatingin ako kay Shane at mukhang nasisiyahan sya sa naging resulta. We started chitchatting habang kumakain.

"Ilang months na kayo ng anak ko, Iha?"

"Ahm... 4 months na po Ma-- err, Tita." Napatawa sya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tawagin sya as Tita.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan. Mabait at kwela rin ang mga parents nya. Madali ko lang silang naging kaclose. Hindi ko maiwasang malungkot. Ano kayang feeling ng may ganon noh?

"Iha, are you okay?" Her dad asked. Nag-aalalang tumingin sya sa akin.

"Opo naman. Ang sarap ng luto ni Tita eh." I said and smiled at him.

"You know, parang may naalala ako sayo every time na nakikita kita." Napakunot-noo ako dahil doon. Sa pag kakatanda ko ay wala naman akong kakambal.

"Talagang kamukhang-kamukha mo sya. Atsaka that necklace, saan mo nakuha iyan?" Napahawak ako sa kwintas na lagi kong suot. Napangiti ako.

"Ah... eto po ba? Bigay daw po ito sa akin ng magulang ko sabi ng mga madre na nakakita sa akin sa bahay-ampunan. Lagi ko po itong suot. Baka po kasi may chance na makilala ko pa ang mga parents ko." I said.

"Wag kang mag-alala, alam kong malapit na 'yon." He said while smiling. Ang weird ha. Nacurious tuloy ako bigla pero sana nga.

Time passed by and it's time to go home. Sa maikling sandaling iyon ay napalapit na talaga ako sa mga magulang ni Shane. Napakabait nila sa akin.

"Xyzrielle, wag kang mahiya na pumunta rito ha. Welcome na welcome ka sa bahay namin." Paalala sa akin ni Tita. She's giving me a warm smile.

"Opo naman, Tita. Ang sarap balik-balikan ng luto mo." Sagot ko na syang nakapagpatawa sa ginang.

Shane insisted na sya na maghahatid sa akin pabalik sa bahay ko. At first ay tumanggi ako pero talagang mapilit sya kaya ayon.

Mabilis ang naging byahe namin pauwi which is a good thing. I wonder kung nasaan na kaya si Athena? Sana ay wala pa sya sa bahay. I checked my watch at 7:00 palang naman. I guess, nasa bahay nya pa ang isang 'yon.

"Thank you talaga, Babe" I laughed because of that. Well, kanina pa kasi sya nagtethank you sa akin.

"Ano ka ba? Wag kang mag-alala, may bayad 'yon." Pagbibiro ko. Ang cute. Wala sa sariling nakurot ko ang kanyang mga pisngi.

"Pinanggigigilan mo na naman ang pisngi ko. Hmp." Nakanguso nitong turab.

"Sorry na." I giggled and took a last pinch on her cheek. Tuluyan na syang napasimangot.

"Tsk. Kaasar ka talaga. Anyways, I'm super thankful na naging maganda ang kinalabasan ng pretend thingy natin kanina."

"Ako pa ba? Best actress ata ito." Pagbibiro ko pa.

Nagtama ang aming mga paningin. Ngayon ko lang napansin na mataman syang nakatitig sa akin. There was something on her stares.

At nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

Well, she just...

kissed me.

Ilang segundo lamang ang tinagal noon at nagbawi na rin sya. Napaawang ang aking bibig. Parang hindi maiproseso ng utak ko ang nangyari.

Gosh. Bakit naman kaya ginawa 'yon ni Shane?

"Bye, Babe." She said at umalis na ng tuluyan. Hindi nakalimutan ni Shane na kumindat sa akin. Hindi nya na inantay pa ang magiging reaction ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Yeah, nagdampi ang mga labi namin pero wala akong naramdamang kakaiba. Wala. Parang normal lang. Hindi man lang kumabog ng mabilis ng puso ko unlike sa tuwing ginagawa ko 'yon kay Athena. Hindi man lang ako nakikiliti sa kilig.

Napailing na lang ako sa kawalan at tumalikod na. Akmang maglalakad na sana ako nang makita ko ang isang napakapamilyar na pigura ng isang babae.

The girl who makes me experience new things. The only girl that can make my hearts go crazy.

She's looking at me directly with her lifeless eyes. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtulog ng luha sa kanyang mga mata.

But there's one thing that I'm sure.

She's hurting right now.