Chapter 51 - Chapter 51

Xyzrielle's PoV:

"K-Kanina ka pa riyan?" Nauutal kong tanong. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaba dahil nakakatakot ako sa nasasaksihan kong estado nya.

I'm stunned on my spot. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Halo-halong emosyon ang nararamdaman. It's like she caught cheating.

"What do you think?" Walang emosyon nitong tanong na mas nakadagdag ng takot sa akin. Nanlalamig na rin ang aking katawan.

Does it mean na nakita nya 'yung ginawa ni Shane sa akin?

If yes, then I'm doomed. Naloko na.

Bakit ba kasi bigla na lang nanghahalik ang isang 'yon? Tsk. Idol nya ata ako.

Unti-unting lumapit sa akin si Athena. But wait, assuming lang pala ako dahil nilagpasan nya lang ako at naglakad papunta sa kanyang sasakyan.

Mygoodness. Bakit hindi ko napansin iyon kanina?

"Wait." Pagpigil ko at humarang pa sa kanyang dadaanan.

"What?"

"Saan ka pupunta?" I asked. I saw how her eyebrows arched.

"Uuwi na ako samin kaya tabi!" Naiinis nitong turan. Hindi ba't walang tao sa kanila at dito sya matutulog sa akin?

"No. Hindi pwede." Hindi ko sya hinayaan na makadaan. The whole time ay parang naglalaro kami ng patintero at ako ang taya.

"Argh! Bakit ba ang kulit mo?!" Ramdam na ramdam ko ang panggigigil sa kanyang tinig ngunit hindi ako nagpatinag doon. I also noticed that she's clenching her fist. Parang anytime ay pwedeng-pwede na syang manuntok.

"Bakit uuwi ka na agad?"

"It's none of your business." She said coldly.

Pilit pa ring dumadaan si Athena pero ko sya hinahayaan. Ganoon ang nangyari sa amin ng ilang minutong nakalipas. At medyo napapagod na rin ako kakatayo.

*Ting*

Isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Mukhang kailangan ko na 'yong gawin. Tinignan ko ang mukha ni Athena at halatang asar na asar na sya. Pero hindi man lang nabawasan ang ganda nya.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na syang...

binuhat na parang isang sako. Sorry, Baby Athena. Kailangan ko lang talaga gawin 'to. Akala nyo siguro ay ikikiss ko sya noh?

"Damn you! Ibaba mo ako, you're a jerk!" Sinimulan nyang paghahampasin ang aking balikat pero hindi ko na lang 'yon pinansin. Nagsimula na akong maglakad papunta sa inuupahan kong kwarto.

"Bakit parang gumaan ka yata?" I asked instead. Totoo 'yon. Kumakain pa ba sya ng tama?

"Does it mean na mataba ako?!" Singhal nito sa akin at mabilis na hinampas ako.

"What? Hindi 'yon ang gusto kong sabihin. I mean, mapayat ka na dati. Mas lalo ka pang pumayat ngayon."

"Argh! For your information, I'm not payat dahil sexy ako! Get off me nga!" Sinimulan nya na naman muling hampasin ang aking balikat.

Kunting tiis na lang, Xyzrielle. Malapit na kayo. I made sure na hindi sya makikitaan if ever man na may makakita sa amin.

"Kapag binitawan kita, you'll end up falling. Ikaw din." Pananakot ko kay Athena.

"Tss. Ganon naman talaga ang gawain mo diba? Ang galing mo kasing magpafall! Tapos hindi mo naman sasaluhin." Parang double meaning naman ang sinabi nya.

Napakunot-noo ako. Kelan ako nagpahulog ng tao? Nag-iimagine na naman siguro sya ng mga bagay-bagay.

"What? Ano bang sinasabi mo riyan? Kaya nga hawak kita para hindi ka mahulog diba? If ever man na mangyari 'yon, I won't hesitate to catch you." Simple kong saad. Wala akong narinig na salita mula sa kanya.

Pero maya-maya lang ay naramdaman ko na kinagat nya ang aking balikat. Naka-activate na naman ang kanyang pagiging bampira. Naaawa na tuloy ako sa balikat ko.

Agad kong isinarado ang pinto nang makarating na kami rito sa bahay ko. Nakita kong wala ang alaga kong pusa. Siguro ay nakikipaglandian na naman ang isang 'yon.

Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko at binuksan ang aircon doon. Ang sarap. Bago ko pa makalimutan, dahan-dahan kong ibinaba si Athena mula pagkakabuhat ko sa kanya.

Napakatalim ng mga tinging ipinupukol nya sa akin. If looks could kill, kanina pa ako nakahimlay nyan. I gulped. She's really scary right now.

"Damn you!" Unang bungad nya. I heaved a sigh. I decided na hayaan syang sabihin sa akin kung ano ang kanyang nais sabihin.

"And I hate you!" Dagdag pa nya.

"Actually, kanina pa ako kaso wala ka noong dumating ako. I was wondering kung saan ka nagpunta. Nag-aalala na ako sayo tapos makikita kita sa ganong sitwasyon. You're flirting with that Shane the Snake!"

"Did you enjoy it?" Tanong nito sa akin. I looked at her. Hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa sama ng kanyang expression.

"Ah... eh... hindi." Nag-aalangan kong sagot.

"Liar! Edi dapat sa simula pa lang ay tinulak mo na sya!"

Hala. Paano eh nagulat din ako sa ginawa ni Shane? Gusto ko sanang sabihin 'yan kaso wag na lang. Baka mas lalo pa syang maging dragon at magbuga na ng apoy.

"You said na we'll both figure this out pero bakit ganon?"

"Why did I saw that you're kissing her?!" Ramdam na ramdam ko ang diin sa tono ng kanyang boses. I guess, kailangan ko nang magsalita.

"I think, mali ka ng conclusion. She kissed me. Hindi ako ang gumawa ng move, Athena." I said. Mas lalong dumilim ang kanyang expression.

"Bakit ganyan ang reaction mo?" Kinakabahan kong tanong. Pagak syang napatawa.

"Really? What kind of question is that? You wanna know why?"

"Because I love you, Xyzrielle! At nasasaktan ako sa nakita ko kanina!" Punong-puno ng emosyon nitong turan. Nakita ko kung paano unti-unting dumaloy ang luha mula sa maganda nyang mata.

I'm stunned on my spot. Tama ba 'yung narinig ko?

She loves me?

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit ang nagingibabaw sa lahat ay saya. Parang nawala ang lahat ng agam-agam sa aking isipan. I'm in peace.

I didn't think twice and pulled her into a hug.

"And now you're hugging me! ge---"

"I love you more." And finally, I said those magical words. I felt how her body stiffened for awhile. I loked at her. Rumehistro ang gulat sa kanyang mukha.

"W-What are you saying?" Nauutal nitong tanong. Mukhang hindi nya ata narinig ang sinabi ko.

"I said, I love you more." Marahang dinampian ko ng halik ang kanyang pisngi.

"Stop saying those things! Hindi mo na kailangan pang magsinungaling dahil mas lalo lang akong nasasaktan!" Halatang galit na galit si Athena. Her eyes are burning with so much rage and fury.

"You can make me laugh but you're also the one who can make me cry. You make me feel those unexplainable feelings pero hindi ko alam kung lahat ng ginagawa mo ay para lang sa pagpepretend nating dalawa".

"Ang tanga ko dahil nahulog ako sa isang katulad mo. Ikaw na paasa. Ikaw na magaling magpafall. Ikaw na sinasaktan ako!" Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin sya. I let her. Hinayaan ko si Athena na sabihin ang kanyang gustong sabihin.

"Pero matatawag mo ba akong selfish kapag sinabi kong ako na lang uli?"

"Ako na lang uli, Xyzrielle. Bumalik na tayo sa dati please?" Athena encircled her arms on my nape.

She really helpless and vurnerable right now. But despite of that, she's still beautiful. Ang ganda nya pa rin. This is my first time na makita ko syang ganto. Ang sakit sa dibdib na nagmamakaawa sya sa akin.

I didn't hesitate to crash my lips on her. I kissed her. Napakalambot pa rin ng kanyang labi. It's like the first time. I kissed her passionately. Maingat at hindi nagmamadali. Napangiti ako nang tumugon sya sa aking halik.

Matapos ang ilang sandali ay nagbawi na rin ako.

"I love you more. Inulit ko lang dahil baka hindi mo narinig 'yung sinabi ko kanina. Totoo ang sinasabi ko, Athena." Malambing kong turan habang pinupunasan ang luha sa kanyang mukha.

"Stop crying, Athena. Parehas tayo ng nararamdaman sa isa't isa. The feeling is mutual. I love you. Mahal kita." I hope that she can feel how sincere I am.

I reached for her hand. Marahang pinisil ko ito. "And you're not selfish. Hindi mo na kailangang magplease sa akin. You're still my one and only Babyloves."

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Hanggang ngayon ay pinapatahan ko pa rin sya. Minutes later, naging okay na rin sya.

"Tayo na ba?" Ang unang tanong ni Athena sa akin. Her eyes are a little bit puffy. Napaisip ako bigla doon.

"Hindi pa ata?"

"What?! Bakit hindi pa?" Nakakunot-noo nitong tanong sa akin. I giggled because of that. Ang cute nya kasi.

"Hindi pa kasi kita nililigawan."

"Ugh! No need for that thing. Alam mo naman ang isasagot ko diba? In the end, tayo pa rin talaga." She rolled her eyes to me. Bumabalik na naman ang pagkamaldita nya.

"How sure of you na tayo pa rin sa huli?" Napangisi ako sa nakikita kong naging reaksyon nya. Ang epic.

"You! May balak ka bang magloko ha? O balak mong ituloy ang naudlot nyong halikan ng babe kuno mo!"  Naalarma ako bigla dahil baka mamaya ay bumalik na naman kami sa ganyang topic.

"Joke lang, Babyloves. Sige na po, tayo na." Naramdaman kong humigpit ang pagkakayap nito sa akin. I can hear how fast her heartbeat is.

"Good. Tss. Wala ng bawian ha?" Tanong nya. Masaya akong tumango sa kanyang tanong. I saw how her lips formed a wide smile.

I'm still looking at her nang biglang may pumasok na ideya sa isipan ni Athena. Sumilay ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. Parang hindi ko ata 'yon gusto.

"Babyloves..." Malambing nitong tawag sa akin. I hummed as a response.

"Diba you said dati na we will do 'if' if we're inlove na, right?" I nodded my head. Hindi ko maiwasang mapalunok. Ang galing naman ng memorya nya at naalala nya pa 'yon. Parang may hint na ako sa susunod nyang sabihin.

"What if we do 'IT' now? What do you think?" Inilapit nya ang kanyang sarili sa akin. Grabe. Parang uminit bigla ang paligid.

"Ahm... hindi ba parang masyado pang maaga?" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. She giving me a seductive looks. Tao lang po ako na marupok. Nadadala din.

"It's better. Baka kasi mamaya ay maghanap ka pa ng iba. 'Yung makakapagbigay sayo ng needs mo." Ayun pala ang iniisip nya. Hindi naman ako ganoong tao.

"Hay nako, babyloves. Hndi ako ganon. Okay na sa akin 'yung ganto lang tayo. Bonus na lang siguro 'yon." I said. Nakita kong napasimangot si Athena, pero bakit?

"Ano kasi... I want to feel it. I want to experience it with you." Hindi sya makatingin sa akin ng diretso. She's embarrassed.

Napaawang ang aking bibig. Nagulantang ako dahil doon. So does that mean na gusto nya talagang gawin namin 'yon?

"Are you sure?" I asked. Gusto kong manigurado. I think, kailangan ko na syang pagbigyan sa gusto nya.

"Yes. 100%." Athena said without hesitation. Walang pasintabing umupo sya sa aking kandungan.

I guess, this will be a long night for us.

_____//_____

Nagising ako ng may ngiti sa aking labi. Ang una-unang bumungad sa akin ay ang maamong mukha ni Athena. She's still sleeping.

Napailing ako sa kawalan. Parang panaginip talaga ang lahat. Who would have thought na ma-iinlove sa akin ang malditang Queen Bee ng school namin?

I stared at her for awhile. Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Wala man lang akong nakikitang flaws mula sa kanya. So perfect.

Maya-maya pa ay naisipan ko nang tumayo para magluto ng pagkain para sa aming dalawa.

"Babyloves, don't leave me." Ipinulupot nya ang kanyang kamay sa aking beywang. Tulog pa rin sya hanggangayon. I guess, nananaginip si Athena.

I smiled. "I won't. Never." I said kahit na alam kong hindi nya 'yon maririnig. I kissed her forehead first bago ako tuluyang tumayo.

Habang nagluluto ay bumabalik sa aking isipan ang ginawa naming dalawa. Napakalawak ng ngiti ko ngayon.

I'm her first. Yes. We did 'it'. Last night, we made love to each other. It was the best. Hindi ko nga alam kung naka-ilang rounds kami.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi when I remembered how she screamed my name in so much pleasure.

"Ugh! Shit!" I heard from someone. Tamang-tama dahil tapos na rin ako sa aking ginagawa. Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko at nakitang gising na si Athena.

"Good morning, babyloves!" Energetic kong bati sa kanya.

"Same to you too, Babyloves." Akma na sanang tatayo si Athena nang bigla syang mapaupo. Gumuhit ang sakita sa kanyang magandang mukha. Parang nasasaktan sya.

"Argh! Fuck. My body hurts so much." Daing nito. Hindi ko maiwasang mag-alala.

"Damn you Xyzrielle! Ang sakit, grabe!"

I gulped. She called me with my name. Nakakatakot huhuhu. Parang may nakikita akong imaginary aura na nakapalibot sa kanya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon.

"I'm sorry, babyloves. Panay pa kasi ang hirit mo ng ilang rounds kagabi kaya hindi ko rin napi——"

"Shut up. Wag mo nang ipaalala." Masungit nitong saad sa akin.

"I'll help you na lang."

"Dapat lang. Tss."

"Aish. Ang aga-aga ang sungit ng Babyloves ko." Malambing kong saad at hindi nakaligtas sa akin ang pagpula ng kanyang pisngi.

_____//_____

"Papasok ka ba ngayon?" Tanong ko habang kumakain kaming dalawa.

"Yeah." She said habang kumakain.

"Hindi ba't masakit ang katawan mo ngayon?" Nag-aalala lang ako sa kanya. I know that her body is feeling some pain dahil sa ginawa namin.

"Yeah. But I can handle it, babyloves." Napatango-tamgo ako. Tinapos na namin ang aming kinakain.

Pinahiram ko muna sya ng isa sa mga uniform ko since nag-overnight sya rito. We fuxed ourselves bago tuluyang umalis.

I'm on her car right now at sya ang nagdadrive. Focus na focus si Athena sa ginagawa nya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Ang ganda kasi. Kainis, hmp.

Mabilis kaming nakarating sa University. Dumiretso kami sa parking lot. Dito pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang mga taong nag-aabang sa kanya araw araw.

Napalunok ako bigla. Oo nga pala, sikat itong kasama ko ngayon.

She gave me a peck on my lips bago kami lumabas ng kanyang kotse. Katulad ng dati ay dala-dala ko ang kanyang gamit at magkasaklop ang aming mga kamay.

'Owemji! Tama ba itong nakikita ko?'

'I smell something fishy'

'Comeback na ba?'

'Oh shit. My XyNa heart.'

'XyNa for da win!'

'I think, sila na uli.'

'Yeah. Look oh, ang daming hickeys ni Xyzrielle.'

Ilan lang 'yan sa mga bulung-bulungan na naririnig ko habang naglalakad kaming dalawa. Halos lahat ay napapatingin sa amin. Mukhang wala namang pakielam si Babyloves sa kanila.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil may hickey ako. Actually, dalawa lang sila. Pero kitang-kita kasi. Argh! Akmang tatakpan ko na sana 'yon kanina ng concealer kaso pinigilan ako ni Athena sabay sabing...

"What are you doing? Bakit mo tinatakpan? Dapat nga ay maging proud ka pa dahil ako ang may gawa nyan. Atsaka, that mark indicates that you're mine. Mine alone. Para wala ng lumandi pa sayo."

Ayan mismo ang sinabi nya sa akin. Oh diba?

We reached her classroom. Ibinigay ko na sa kanya ang kanyang bag.

"See you mamaya sa lunch baby——err, Athena." I said at nakita kong nangunot ang kanyang noo.

"Bakit Athena lang ang tawag mo sa akin? Diba dapat babyloves 'yon? Atsaka, aalis ka na ng hindi mo pa ako ikikiss?"

Ramdam na raamdam ko ang pag-init ng aking pisngi. For sure ay rinig na rinig 'yon ng mga kaklase nya. Gosh. Pag-uusapan na naman kami nyan.

"Sorry, babyloves" I said and gently kissed her cheek. Nakita kong napangiti sya.

Paalis na sana ako nang harangin ako bigla ni Ella. Hindi ko sya napansin kanina ah.

"Wait. Xyzrielle, what's that?" Itinuro nya ang direksyon ng marka sa aking leeg. Napahawak ako roon.

"Ah... eh... kinagat lang ng lamok." Palusot ko kahit na alam kong hindi effective.

"Ang laki namang lamok ni Athena kung ganon." Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi.