Chapter 53 - Chaptee 53

Xyzrielle's PoV:

"Ano?!" I said loudly dahil sa sobrang gulat na naramdaman ko matapos na sabihin 'yon ni Athena.

I'm really surprised. Parang hindi kayang iproseso ng utak ko na ang mga parents nya ang destination namin ngayon. Hindi man lang ako nakapag-ayos at nakapaghanda man lang.

"Hey, don't shout nga! Bingi ka ba? Mygosh, 'yung eardrums ko." Masungit nitong turan sa akin. Napanguso ako bigla.

Hmp. Kahit kailan talaga ay ang sungit nya sa akin huhuhu. Nagtatanong lang naman eh. Wala namang masama doon. Hay nako, pasalamat talaga si Athena at love na love ko sya.

"Sorry naman, Babyloves." Mabilis kong turan sa kanya. Mabuti na lamang at ang mga mata nito ay nakatingin sa daan. Dahil kung hindi, bibigyan nya na naman ako ng matatalim na titig. Nakakatakot.

I heard a tss from her. May lahi ba syang ahas?

"Pero seryoso nga? Hindi mo ba ako ginu-good time lang? Ipapakilala mo na talaga ako sa parents mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. I can't help it. Baka binibiro nya lang ako.

"Ang dami mo namang tanong sa buhay. I'm serious sa sinabi ko. May mali ba roon?"  Balik-tanong nya sa akin.

"A-Ano... wala naman." Kabado na talaga ako ngayon. I guess, naramdaman ni Athena 'yun dahil sa aking boses.

"Bakit? Wait. Don't tell me, ayaw mo silang ma meet? Is that it?" Ramdam kong naaasar na sya. Nako po.

"Hindi! I mean, hindi naman sa ganon. Gusto ko silang mameet pero..." Nagdadalawang-isip ako.

"Pero ano?"

"Hindi ba't parang maaga pa?"

Ang totoo kasi nyan, hindi pa talaga ako prepared huhuhu... Pati nga rin 'yung suot ko eh. As in.

Akala ko kasi ay dyan lang kami sa tabi-tabi pupunta. Tapos 'yun pala ay sa parents nya na agad. Ito naman kasing si Athena eh. Pabigla-bigla.

Siguro she loves surprising people. Kaya ito ako ngayon at hindi mapakali. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay. Gosh.

"Anong maaga ang sinasabi mo riyan? Ang tagal na nating in a relationship. Hindi pa ba sapat 'yun sayo? 'Yang Snake mo nga, nameet mo na agad ang parents eh hindi naman naging kayo!" I can feel that she's mad when she mentioned the word 'Snake'. Uh-oh. Nasingit nya pa talaga 'yun.

Napansin kong napahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela. I gulped. Parang mas natatakot pa ako sa kanya ngayon. Dapat pala ay mamaya ko na inopen 'yung gantong topic sa kanya.

"Babyloves, relax ka lang. Atsaka, Shane 'yun at hindi Snake." Sinubukan ko syang pakalmahin dahil bumibilis na ang pagpapatakbo ni Athena.

Aish. Hindi pa ako ready na iface to face si kamatayan. I gently placed my hands on her arms.

"Ganon na rin 'yon. That bitch! Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Damn. I can still remember how she kissed you. Nakakaasar!"

Hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil sa napakasama nyang expression. Parang may nakikita akong imaginary dark aura na nakapalibot sa kanya.

Napahawak tuloy ako bigla. Mabuti na lang talaga at nakaseat belt ako.

Guilt ang nararamdaman ko ngayon. Guilt dahil sa nangyari. Parang nagtataksil ako sa kanya. Pero tapos na. Hindi na maibabalik pa atsaka, hindi ko naman 'yon ginusto.

"Calm down. Wala lang talaga 'yon, Babyloves. Nagsorry na rin sa akin si Shane matapos nyang gawin 'yung 'you know'. We're just friends." I explained. Walang namamagitan sa aming dalawa.

Wala akong narinig na saglt mula sa kanya matapos kong magsalita. Diretso lang ang kanyang tingin sa daan pero mababakas mo pa rin ang inis sa kanya.

Mabigat ang atmosphere sa loob ng kotse. Wala ni isa sa amin ang nagbukas ng bibig paraa magsalita. Hinayaan ko na lang muna si Athena pansamantala. Heto ako ngayon at nag-iisip. Nag-iisip kung paano ko sya papa-amuhin.

Dahil nga mabilis ang patakbo ni Athena ng sasakyan ay mabilis lang din namin narating ang mansion nila. Dumoble pa lalo ang kabang nararamdaman ko ngayon. Geez. Ito na 'yon. Andito na kami sa kanila.

"Let's go." Athena said nang huminto ang kanyang sasakyan. Hindi nya man lang ako tinapunan kahit ni isang tingin at mukha atang wala syang balak. Akmang lalabas na sana sya when I stopped her.

"What?" Tanong nito sa akin. I heaved a sigh.

"Galit ka ba?" I asked.

"Ano sa tingin mo? Malamang hindi." At binigyan ako ng isang pamatay na irap. 'Yun naman pala. Eh bakit ganyan pa rin ang pakikitungo nya sa akin?

"Mabuti naman. Pero bakit parang hindi ka pa rin okay? Nakasimangot ka pa kasi." I said pero isang malakas na hampas ang ibinigay nya sa akin.

"Bwiset ka talaga! Argh! Hindi ka ba talaga marunong makiramdam ha? Bahala ka na nga riyan." Naiinis nitong saad. I'm doomed. Bakit nga kasi may pagkahalaman ako?

I didn't think twice and pulled her closer to me. Mabilis na niyakap ko sya.

"Sorry na, Babyloves. Alam ko namang galit ka." Marahang hinaplos-haplos ko ang kanyang buhok. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa nararamdaman ko.

"Sino ba namang hindi magagalit diba?" Sarcastic nitong tanong sa akin. I scratched my nape.

"Kaya nga po sorry na. Wag mo nang isipin pa 'yon. Erase mo na sa mind mo. Smile ka na, dali." Pinacute ko pa ang aaking boses. Nagdiwang ang aking kalooban nang sumunod sya sa akin.

"Fine. Ayan, masaya ka na?" She gave me a force smile. Ang cute nya. Parang natutunaw ang puso ko sa kilig. I can't help but to pinched her cheeks.

"Ang cute-cute mo talaga." May halong panggigigil kong saad.

"I'm gorgeous nga kasi. Tsk. Ouch! Bitaw nga." Masungit nitong turan sa akin at matalim na inirapan ako.

Baka patirikin ko uli ang mata ni Athena dahil sa kakaganyan nya.

I mentally giggled because of that. Napaka-naughty mo, mind. Bad y'an. Nagagaya ka na kay Margarette. Jusko po.

Tinigil ko lang ang pagpisil sa kanyang pisngi nang okay na ako. Mabuti na lang at hindi 'yon namula. I quickly kissed the part of her cheeks and said "I love you."

I noticed that Athena was stunned on her spot. I'm satisfied with her reaction.. Well, minsan lang kasi na ako ang nauunang nagsasabi ng magical word na 'yun. Madalas kasi ay sya. Siguro ay pangatlo or pang-apat pa lang na beses ngayon.

"I love you too." She said nang makabawi sya sa gulat. Kinilig naman ako. Shocks. In just a blink of eye, she crashed her lips on mine.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa nya. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin ang kanyang halik.

Free kiss 'yan kaya hindi dapat tinatanggihan.

She held my nape to deepen our kiss. I can feel the fire that is starting to build inside of my body. At sa tingin ko ay ganoon din ang nararamdaman nya. Nakakapaso ang tensyon.

Ngunit bago pa man may mangyaring kababalaghan dito sa loob ng kanyang sasakyan, I ended our kiss. Pumunta kami rito para mameet ang parents nya. Hindi ang gumawa ng 'alam nyo na.' Siguro ay mamaya na lang.

Nagtatanong ang mga mata nito. I gave her my sweetest smile and gosh, she smiled back. Aahh! My heart is melting.

"Hindi ba tayo kita sa labas? Nakatingin na kasi dito ang ilang mga kasambahay nyom" Nag-aalala kong tanong.

Ngayon lang nagsink in sa akin ang ginagawa namin. Ang pangit naman ng first impression ko sa magulang ni Athena kung makaka-abot sa kanila ang eksena namin.

"Don't worry dahil tinted 'tong car. Hindi nila tayo makikita." Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Whoo! Mabuti naman.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ay sinalubong na kami ng nakahanay na maid nila. Ilang beses na akong nakapunta rito pero hindi ko pa rin mapigilang humanga. Ang yaman talaga ng family nila. I wonder kung magkano ang kanilang net worth.

"Babyloves, relax. Nanginginig ka oh." Athena said dahil magkahawak-kamay kaming naglalakad ngayon. Hindi ko man lang napansin na nanginginig na pala ako.

"Kinakabahan ako, Babyloves. Baka hindi nila ako magustuhan para sayo." I shooked my head. Ang daming what ifs ang nasa isip ko ngayon. But I need to be optimistic right now. Gosh. Napapa-english na ako.

"Don't. Mabait naman sila. I'm sure that they will like you. Tatanggapin nila tayo. Wag kang kabahan. Just be you." At pinisil ang aking kamay.

Unti-unti akong napakalma sa sinabi nya. This is Athena's effect on me, folks. Ang galing. Parang may magic.

Dumiretso na kami sa dining table nila. Napakahaba ng kanilang lamesa pero kakaunti lang ang nakaupo. Halos mahiya ako dahil kami na lang pala ang inaantay. Grand Entrance pala ang peg namin.

I gulped. Wala nang atrasan 'to! This is it!

"Hi Mom, Hi Dad." Magiliw na bati ni Athena sa kanyang parents nya. She kissed both of their cheeks.

"Good evening, Sweetheart!" Bati ng kanyang Dad. Kahit na may edad na ito ay mahahalata mo pa rin ang kakisigan nyang taglay. Sa tingin ko ay strikto sya. Hindi man lang sya ngumingiti. Nanatili ang straight face nito.

"Kamusta na, Hija?" Tanong ng kanyang Mom. Maganda rin sya. Kamukha nya si Athena. Napakarami nilang resemblance. Parang mini version. Sopistikada ang dating nya sa akin.

"Okay lang naman po ako, Mom, Dad." She said while smiling. Nagbaling sya ng tingin sa akin. Eto na 'yon guys!

Grabeng kaba na ang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig na rin ang kamay ko. Mygoodness. Patnubayan sana ako ni Lord! Ang intimidating nilang tignan. Sana ay kayanin ko.

"Ahm... Mom, Dad, si Xyzrielle nga po pala. She's my girlfriend." And I died. Just kidding.

"Good evening po, Ma'am, Sir." I said to them. Ayoko muna ng Tito at Tita. Baka mamaya ay masabihan akong FC. Feeling Cute.

And now, they're eyeing me intently. Hindi ako mapakali sa pwesto ko ngayon. Napakatalim ng tingin nila. Shocks. Parang naiihi ako bigla.

"Are you serious, Athena?" Her Mom asked ridiculously. May kakaiba sa kanyang tono at mukhang alam ko na 'yon. Pero wag naman sana.

"Yes, Mom. Is there something wrong?" Nagtatakang tanong ni Athena. Alam kong kinakabahan na rin sya.

"A big yes! I'll be honest, I don't like her for you." Tila bombang sumabog sa akin ang sinabi ng kanyang ina. It's clear. Ayaw nya sa akin.

Napatungo ako. What should I do now? Hindi silaa boto sa akin at sa relationship namin.

"Mom!" Athena said. Pati rin sya ay nagulat sa sinabi ng kanyang ina.

"Your Mom's right, Athena. I don't like her for you too. I can't accept this kind of relationship of yours." Matigas na turan ng kanyang ama. I can feel the disgust on his tone. Ang sakit pakinggan. Nanikip bigla ang puso ko.

"Hindi kita pinalaking ganyan, Athena!" Pagsabat pa ng kanyang ina. Halatang galit sya sa kanyang natuklasan.

I bit my lips. Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng aking luha. No. Hindi dapat.

"Maybe, naguguluhan ka lang. It's just a phase. Mali ang relasyon nyo. Sobrang mali." Her Dad said at umiling-iling pa.

Hindi naman namin kasalanan na we both fell inlove diba? Besides, we're happy with each other. Walaa kaming nasasaktan at natatapakang tao.

"Mom, Dad, bakit ganyan ang reaction nyo? I thought na matatanggap nyo kami. Atsaka, we're happy. Hindi ba kayo masaya para sa akin? I love her." Umiiyak na saad ni Athena. Lumapit ako sa kanya para pakalmahin sya. I can't stand seeing her cry. Nasasaktan din ako.

"You two should break up." Nabingi ako sa huling sinabi ng Dad nya. Parang bombamg sumabog sa aking pandinig 'yon.

No. I can't and I won't. Parang maiiyak ako. Hindi ko kaya. Kailan man ay hindi ko maisip na aabot kami sa ganoong punto.

I guess, I should talk now. Kailangan kong maging matatag para sa aming dalawa. Hinawakan ko ang kamay ni Athena.

"Ma'am, Sir, I respect your opinion and decision po pero hindi po ako papayag na maghiwalay kaming dalawa. I'm sorry po." Sinalubong ko ang nagbabaga nilang mga tingin. Kailangan kong maging matapang. I gulped.

"And what makes you think about that huh?" Nakataas-kilay na tanong ng Mom nya. Mukhang alam ko na kung saan nagmana si Athena.

"I can do anything for her. Handa ko po syang ipaglaban sa inyo, Ma'am, Sir. Ganon ko po kamahal ang anak ninyo." I need to be brave. Mahal ko si Athena at ayokong maghiwalay kami.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin.

"I guess hindi ko po magagawa ang gusto nyo, Mom, Dad. Hindi ko po kaya." Athena broke the silence when she said that. Katulad ko, desidido rin syang ipaglaban ang relasyon namin.

Ang walang emosyong mukha ng kanyang mga magulang ay unti-unting nawala. Gumuhit ng isang ngiti sa kanilang mga labi. At pagkatapos ay bumulanghit sila ng tawa.

Napakunot-noo kami. We're both clueless dahil sa nangyayari. Anong nangyayari? Bakit sila tumatawa? May nagjoke ba?

"Oh my gosh, Dad. Ang galing natin!" Tuwang-tuwang saad ng Mom ni Athena. Huh?

"Oo nga, Honey. Pwede na ata tayong mag-audition bilang artista." Saad naman ng asawa nito.

Parang natameme kami bigla dahil sa aming nasaksihan. Ano 'yon? Anong tinutukoy nila?

"What's the meaning of this, Mom, Dad?" Naguguluhang tanong ni Babyloves. Isang tikhim muna ang pinakawalan nilang dalawa bago magsalita muli.

"Wala lang 'yon, anak. It's a prank kumbaga." Nanlaki ang aking mata sa gulat. What?! Totoo ba yon? Halos maihi na nga ako tapos it's a prank lang?

"May napanood kasi kaming drama ng Mom mo tapos naisipan naming itry sa inyo." Napanganga ako. Nako po. Iba rin pala mag-isip ang parents nya.

"Napasobra ata ang acting natin, Dad. Tignan mo oh, umiiyak na ang anak natin." Agad silang nagsorry sa amin.

"Sige na. Pwede na kayong maupo at nang makakain na tayo." Pinaghila ko muna ng upuan si Athena bago ako umupo. Sa tabi nya ako pumwesto.

Nagsimula na kaming magkwentuhan at masasabi kong mabait nila. Pinagbobomba nila akong ng napakaraming tanong. Tulad ng kung saan kami nagkita, kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nagkainlab-an, at marami pang iba. Magiliw kong sinagot ang tanong nilang lahat.

"Xyzrielle, I'm sorry nga pala kanina."

"Okay lang po 'yun, Sir." Magalang kong sagot. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

"Ano ka ba? Drop the formalities, iha. Call me as Tito." Nakangiting saad ni Si---err, Tito. Ang sarap sa feeling.

"Pero sa kabilang banda ay okay din pala ang ginawa namin. In this way, nalaman namin na mahal na mahal nyo ang isa't isa." Dagdag pa ni Tito.

"Athena, ang galing mo palang pumili. She's not afraid na ipaglaban ang relationship nyo." Tita said while clapping her hands. She seems amused.

"Syempre, Mom. Ako pa ba?" Proud na sagot ni Babyloves.

"Hindi naman ako tutol sa inyo. As long as masaya kayo then I'm okay with it. Tutal, matagal naman naming alam." Mygoodness. Ang daming revelation ngayon araw. Parang hindi na ata kakayanin ng brain ko.

"What?! How?" Athena is surprised too.

"Pinasundan kasi kita anak. Nagtataka kasi kami kung bakit parang ang saya-saya mo nitong mga nakaraang araw. Hindi ka na rin masyadong mataray at ma-attitude tapos boom! Nalaman namin na you're inlove na."

"Mabuti naman at kaya mong ihandle ang attitude ng anak namin, Iha." Tita said. I smiled at her.

"Opo naman. Immune na ata ako sa katarayan at kasungitan nya. Kanino po ba sya nagmana?" Hindi ko maiwasang itanong. Nakita kong nagkatinginan ang parents nya.

"Hay nako, Xyzrielle... sa Mom nya malamang. Napaka-attitude eh. Mabuti na lang talaga at napakagwapo ko. Nadala ng aking charm." I giggled because of Tito's remarks. Now, I know.

_____//_____

Mabilis natapos ang dinner namin. Pinilit ako ni Athena na dito na lang matulog. I'm okay with that naman.

Paakyat na sana kami nang makasalubong namin si Tita. Mukhang papunta ma rin sya sa kwarto nila.

"Oh anak, saan ang punta nyo?"

"Sa kwarto, Mom." Mukhang isang ideya ang sumagi sa isipan ni Tita.

"Anak, don't forget to use protection." At ngumiti pa ng nakakaloko sa amin. Bago pa kami makapagreact, mabilis syang umalis sa aming harapan.

Pero may pahabol pa pala sya.

"Pwede kayong mag-ingay ng sobra. Soundproof naman 'yan. Basta balitaan mo na lang ako kung kelan kayo ikakasal ha!"

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag