Xyzrielle's PoV:
Ilang araw na rin ang nakakalipas nang matapos ang pretend thingy namin ni Athena. Hindi ko pa sya nakikita o nakakasalubong man lang sa mga nagdaan na araw na i'yon. Siguro ay busy sya. I admit, I miss her already.
Iba't iba ang naging reaksyon ng mga estudyante sa Sarxel University. Halos lahat ay nagulat. May nalungkot at natuwa. Sayang naman daw kasi. Sayang din daw 'yung mga fansclub na nabuo nila.
Natuwa ang iba dahil pwede na silang magbigay uli ng mga gift kay Athena since she's single na nga. They are hoping na may pag-asa sila sa kanya. Sus, sobrang mapili ng babaeng 'yon eh.
Kung tinatanong nyo kung paano nalaman ng lahat na 'break' na kami, nag post lang naman si Athena sa kanyang social media. She said there na parehas naming gusto 'yon at mas better na lang kung magiging friends na lang kaming dalawa. Ouch.
Oo na, aaminin ko na. Nasaktan ako roon sa part na hanggang friends lang kami. Hindi ko alam kung bakit. May sira na siguro ako sa utak. Aish. Makausap nga ito mamaya.
Marami rin ang nagtatanong kung bakit ko pa raw pinakawalan si Athena kesyo ang swerte-swerte ko na raw dahil nasa akin na sya. Hmp. Acting lang naman ang lahat ng 'yon eh. Kung alam lang nila. Syempre, hindi namin ipapaalam sa lahat.
Ang may alam lang sa totoong status namin ay si Erin, Margarette, Shane, at sa tingin ko ay mga kaibigan nya.
Speaking of Shane, nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa kanya. Napakakulit kasi ng babaeng 'yon hahhahaa. Pero nag-eenjoy ako ng super sa company nya. She's fun to be with. Plus points na lang 'yung amoy nyang mabango. Parang nawawala-wala sa isipan ko 'yung sakit. Mabuti naman.
Nabalik ang aking atensyon nang may narinig akong nangangalampag ng aking pinto. Napakunot-noo naman ako dahil doon. Grabe naman makakatok ang isang 'to. Parang sisirain 'yung pinto eh.
Sino kayanh poncio pilato ang nambubulabog sa akin ng ganito kaaga huh?
Habang papalapit ako sa pinto ay parang nagkakaoo na ako hinuha kung sino 'yon.
I shooked my head. Aish. Ang babaeng iyon! talaga oh. Mga tulog pa 'yung kapitbahay ko eh. Ang lakas-lakas pa naman ng boses non. I opened the door at hindi nga ako nagkamali sa aking naisip.
"Babe!!" Energetic nitong turan at agad akong dinamba ng yakap. Napayakap din ako sa kanya para hindi kami tuluyang bumagsak.
Hmm... kung tinatanong nyo kung sino 'yon, It's non other than Crystal Shane Parker! Normal na pangyayari lang 'yung ganto sa amin. Masanay na kayo. Babe ang tawagan naming dalawa. Sya ang nagsuggest non. Um-oo na lang ako. Wala namang kaso sa akin ang ganoon. Walang magagalit.
"Aish. Babe, ang lakas talaga ng bunganga mo. Hinaan mo nga kahit kaunti." Masungit kong turan sa kanya. I saw how she pouted.
"Hmp. Bilisan mo na nga lang dyan para makapasok na tayong dalawa, Babe." She said while sulking. Dire-diretso syang pumasok sa aking bahay at nakadekwatrong umupo. Feel na feel at home ang loka.
After kong maayos ang lahat, umalis na rin kaming dalawa at nagsimula ng maglakad. Walking distance lang naman ang school at bahay ko eh. Ipapaalala ko lang sa inyo.
Oo nga pala, sabay na kaming pumapasok nitong si Shane. Wala eh. Gusto nya raw. Hindi ko alam kung anong trip nya sa buhay. Malapit lang rin ang bahay nya sa akin. Mas masaya raw kasing may kasama pumasok. Hindi nya pa kasi naeexperience 'yon base sa sinabi nya sa akin. Kawawa naman sya kung ganoon.
We started chitchatting habang naglalakad. Pampawala rin ng boredness. Ang dami ko ng nalaman tungkol sa kanya. Nalaman kong nakatakda pala syang ikasal but sadly nawawala ang taong 'yon. She said na mas okay na raw 'yon para hindi matuloy ang kasal.
Tsk. 'Yan ang hirap sa mga mayayaman eh. Hindi man lang kinoconsider 'yung happiness ng mga anak nila. Hindi ko nilalahat ah. 'Yung iba lang.
'Owemji! Anong meron sa kanila?'
'Sila na ba?'
'Don't tell me, kaya sila nagbreak ni Queen kasi may third party?'
'Bagay naman sila kaya okay lang'
'Okay, may new ship na ako at sila iyon'
Napapailing na lang ako sa kawalan dahil sa mga bulungan nila. Isa rin kasi sa mga sikat dito sa school itong kasama ko. Kaya hindi maiwasang magawan ng issue. I wonder kung bakit ako ang pinili nyang samahan. Ramdam ko naman ang pagiging totoo nya sa akin.
"Uy babe, narinig mo 'yon? Bagay daw tayong dalawa hihihi.." Shane said at tinataas-taas pa ang kanyang kilay. Hmp. Nang-aasar na naman ang isang 'to.
"Mukhang nagkakamali ata sila roon, babe. Tao ako tapos ikaw, isang kuneho." I said and smirked at her.
Bakit ko nasabing kuneho? May bunny teeth kasi sya na katulad ng sa kuneho. She's so cute. Parang gusto ko syang ibulsa.
I succeeded because I saw how her smiley face turned into a frown. Asar-talo.
"Tsk. Bwisit ka talaga!" At binigyan ako ng isang malakas na hampas. Napangiwi ako. Ang sakit huhuhu. May lahi ba syang volleyball player huh?
"Awww... ang sama mo talaga sa akin, babe." Nakangusong turan ko but she just rolled her eyes to me.
"Hmp. Bahala ka riyan. Hindi kita bati!" Jusko. Umiiral na naman ang pagka isip-bata nya. Parang ano.... parang may naaalala ako sa ugali nyang ganto. Parang si Athe—— aish, erase, erase, erase.
"Huwag kang mag-alala, babe. Kung magiging kuneho ka man, ikaw na ang pinakacute sa kanila." I said at pinisil ang kanyant pisngi.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o hindi pero lrang nakita ko kasing namula sya. Ah... Siguro aycdahil sa pagpisil ko.
"Tss. Edi wow na lang sayo." At sinimulan nang kumapit sa akin. Napangiti ako dahil doon. It means, bati na kaming dalawa. Madali lang naman syang pa-amuhin.
'Owemji! Nakita nyo 'yon, guys?'
'Kinikilig ako sa kanila hihihi...'
'Ang sweet. Sana all.'
'Team XySha for da win!'
Napatawa na lang kaming dalawa sa naririnig. Aish. Iba talaga. Ang daming issue. We started walking not minding them. Hinayaan na lang namin sila.
Naputol lang ang pagkakakapit sa akin ni Shane nang may biglang dumaan sa aming gitna.
Napakunot-noo ako. Bakit mismong sa gitna pa talaga namin dumaan ang isang 'yon? Pwede naman sa tabi namin.
I noticed that it was a girl. I gulped. Likod pa lang nya ay kilalang-kilala ko na. How I miss her. Tsk. Stop it, self.
"Miss, hindi ka ba magsosorry?" Tanong ni Shane. Mukhang hindi nya pa alam kung sino ang taong dumaan sa pagitan namin.
Unti-unti humarap ang babae. Parang nagslow motion ang lahat. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko. Damn.
Hindi ako nagkakamali dahil walang iba kung hindi si Athena ang dumaan sa pagitan namin. Mas lalo syang gumanda sa paningin ko. Nandoon na naman ang kanyang famous death glares na ipinupukol sa amin.
"Oh, it's you again pala. Masama ba ang ginawa ko? Daanan ito. Alam nyo naman siguro ang dapat gawin kapag may ganto diba? Of course, dinadaanan." I'm not sure peeo parang nahihimigan ko ang sarcasm at pagka-asar sa tono ng kanyang boses.
Napatingin ako sa paligid. Ang laki-laki pa naman ng space para lakaran ah. Atsaka, hindi naman kami nasa gitna ni Shane. Infact ay nasa gilid pa kaming dalawa.
"Paalala ko lang pala sa inyo, bawal ang PDA rito. Kung gusto nyong maglandian, doon sa hindi makikita ng tao. Ang sakit nyo sa mata!" Mataray nitong saad at sabay nagwalk out.
Napatanga ako sa aking narinig.
What?! Anong PDA ang sinasabi nya riyan?
Atsaka, naglalandian ba kaming dalawa ni Shane? Nag-uusap lang kaya kami. Hmp.
_____//_____
Break time na at naririto ako kasama sina Erin, Margarette, at Shane. Magkakasama kaming apat na kumain. Nauna na muna kaming umorder ng pagkain. Pagkatapos ay naghanap na kami ng mauupuan.
Sadly, ang vacant na lang ay ang katabing table nila Athena. Nandito rin sila. Dahil nga hindi ako bitter, umupo na kami roon kaysa naman sa wala. Kaming dalawa ni Shane ang magkatabi samantalang sina Erin at si Margarette naman ang nasa harapan namin.
Napatingin ako sa kabilang table at nakitang nakatingin silang lahat sa amin. Masama ang tinging ipinupukol ni Ella kay Erin samantalang nang-aakit naman kay Stacey at ibinabato nya 'yon kay Margarette. Naalala ko tuloy kung anong namamagitan sa mga 'to. Ramdam ko ang uneasiness sa kanila.
"Kumusta na, Xyzrielle?" Bati sa akin ni Jared.
"Eto, okay lang. Cute pa rin naman." Pagbibiro ko. I heard he giggled pati na rin ang katabi ko. Dumako ang tingin nito kay Shane.
"Sino 'yan? Girlfriend mo?" Jared asked. Nakita ko kung paano nya tinapunan ng tingin si Athena. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon nya dahil hindi ko makita.
"Uhm... ano, hindi. Si Shane, kaibigan ko." At ngumiti sa kanya. He smiled back at me.
"Oh, narinig mo 'yon? Kaibigan nya lang pala eh. Hindi mo kailangang magselos."
We started to eat in silence. Ganto talaga kapag pagkain na ang usapan. Galit-galit muna tayo. Ang sarap-sarap kumain eh.
"Babe..." Rinig kong tawag sa akin nitong katabi ko. I'm sure na narinig din ito ng katabing table.
"Yes, babe?" Nakangiting baling ko sa kanya. Nakarinig naman ako ng diskusyon sa kabila ngunit hindi ko masyadong maintindihan.
"Woah! Wag mo namang murderin 'yang cake."
"Kalma, Athena."
"Tss. Kaibigan daw pero babe ang tawagan."
"Tikman mo 'to. Feeling ko ay magugustuhan mo 'to. Masarap sya." Itinuro nito ang kanyang pagkain sa akin na nakalagay na sa tinidor.
Hmm... Mukha ngang masarap ah. Ibinuka ko na lang ang aking bibig para maisubo niya sa akin ang pagkain.
"Woah! Ang sarap nga." Tuwang-tuwa kong saad. Nalalasahan ko roon ang chocolate. Tama lang ang lasa. Mayroon din akong nalasahan na oreo. Sa susunod nga ay ito ang oorderin ko.
Naputol ang aking pagka-amaze nang may marinig na isang malakas na kalabog. Napatingin ako sa pinanggalingan ng ingay at doon ko nakita ang isang hindi maipintang mukha ni Athena. Mukhang galit sya.
Magkasalubong ang dalawa nyang kilay. Nanlilisik din ang kanyang mata. Her eyes, parang laser. She's also gritting her teeth. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa kami nakabulagta ni Shane.
Walang pasabing dire-diretso syang umalis. Agad syang sinundan ng mga kaibigan nya.
Aish. Ano na naman kayang problema nya?