Chapter 44 - Chapter 44

Xyzrielle's PoV:

Damn it.

Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Parang bombang sumabog sa aking pandinig ang sinabi nya. I don't know why. Nababaliw na siguro ako.

Dapat ay hindi ganito ang reaction ko. Dapat nga ay masaya pa ako dahil hindi ko na girlfriend ng malditang babaeng iyon. Pero wala eh. Tinatraydor ako ng sariling damdamin ko.

I can feel my heart is breaking apart. Naninikip ang aking dibdib. The pain is too much to handle. For the first time in my life, ito ang pinakaunang beses na na-experience ko ito.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Sinundan ko lang kung saan ako gustong dalhin ng mga paa ko.

Malaki ang pasasalamat ko sa sarili ko dahil hindi ako nagbreak down sa harap ni Babyl--- err, Athena. Bakit ba may tumutulong luha sa akin? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit sobrang affected ako?

Napansin kong nandito pala ako sa rest room. I cried and cried until my eyes get tired from crying. Gusto ko lang mailabas ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sa dibdib.

I'm confident na walang pupunta ngayon dito dahil kumakain lahat. Atsaka, kakaunti lang ang estudyanteng nagpupunta dito. I'm free to myself to do whatever I want.

Tsk. Parang kailan lang ay ang say- saya pa naming dalawa pero ngayon——aish. Ang bilis talaga ng panahon. Wala eh. Kailangan. Sya na mismo ang nagsabi na tapos na ang lahat. Wala naman siguro akong karapatan na tumutol diba?

Siguro, it's better nga kung magiging magkaibigan na lang kaming dalawa. Mas mabuti 'yon. Para hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero parang ayaw tanggapin ng aking sistema na hanggang doon lang kaming dalawa.

Something on me is hoping that we can be more than just friends.

'Self, wag naman nating pahirapan ang isa't isa.'

I wonder kung nasasaktan din ba sya katulad ko. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa aking naisip.

Tanga ka nga siguro, Xyzrielle. Syempre hindi noh. Siguradong hindi. Siguro ay tuwang-tuwa pa sya kasi hindi nya na ako makakasama pa. She's happy because our plan is successful.

Hmm... naisip ko lang. Totoo kaya lahat ng pinapakita nya sa akin? 'Yung mga kiss at hug nya, totoo ba? Because now, I think, it's all just an act. An act para maniwala ang public na we're on a relationship.

"Are you okay?" Tanong ng kung sino. It's a girl for sure. Tangek naman ni ate girl. Nakitang umiiyak na nga eh. Hindi nya ba nakikita ang ginagawa ko? Hmp.

"Obvious ba?" Hindi ko na maiwasang magtaray. Sorry na agad sa kanya.

Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ang taong nasa harapan ko. I saw that she's surprised. Siguro mukha na akong uhuging bata rito huhuhu.

Wait a minute. Parang nakita ko na sya dati. Familiar ang mukha nya sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan at kaylan. Makakalimutin na talaga ako.

"Xyzrielle?" Tanong nya. Wait, kilala nya ako?

"Bakit kilala mo ako?" Tanong ko habang sumisinghot pa. Wala na akong pakielam sa itsura ko.

"Nakalimutan mo na ata. Ako 'to, si Shane, 'yung nakausap mo nung party." She said.

Prinoseso muna ng aking utak ang sinabi nya. Wait lang. Maaala ko na talaga. Aha! Okay naalala ko na. Sya 'yung matapang na babae huhuhu. 'Yung hindi takot kay Athena.

Lumapit sya sa akin. She pulled me into a tigjy hug. I think, this is her way of comforting me. I didn't hesitate to hugged her back.

Hmm... Infairness, ang bango nya ha. Eto ang kailangan ko ngayon. A comfort from someone. Ayoko namang gambalain sina Erin, Margarette, o kaya ni isa sa mga kaibigan ko.

"Alam ko kung anong nangyari. It's okay, Xyzrielle." She said na syang naging dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya. I was surprised to hear that.

"H-How?" I asked her in disbelief. I saw that she scratched her nape. She also averted her haze.

"Ah... eh... ano, aksidente kong narinig." Pagrarason nya sa akin. Panic is evident on her face. Ang cute.

"Don't worry, magiging maayos din ang lahat. Ikaw pa ba?" I can't help but to giggle at that. Sana nga.

_____//_____

"Tara. Inom tayo." Sinend ko 'yon kay Erin at Margarette. Wala ng paligoy+ligoy pa. Dapat straight to the point na agad. Alam ko naman papayag din sila eh.

Suddenly, I received a text from them. Inuna kong binuksan ang kay Erin dahil paniguradong loloko-loko ang text ni Margarette.

From : ErinQt

Sige lang. By the way, anong ganap? Broken ka ba?

Napasapo ako sa aking noo nang mabasa 'yon. Mukhang nagkamali ata ako ng unang nabuksan ah. Tsk. Hindi na ako nag-atubili pang magreply sa kanya. I opened Margarette's text.

From: MarGanda

G ako agad riyan. May dinadamdam ka ba o inlove ka na?

Ugh! Wala na talagang matinong sasabihin. ang babaeng ito oh. Anyways, tama ako diba? Papayag ang mga 'yan. Mga gala kami remember?

Mabilis lang natapos ang klase namin. Friday ngayon kaya wala akong pasok sa bar. Mabuti na rin iyon. Aish. We decided na magkita-kita na lang. They texted me kung saan magandang magpuntang bar.

I scanned my unit. Parang biglang nagflashback sa isipan ko ang mga memories namin ni Athena. The way she will hug me on the couch. The way how cute she will fell asleep on my bed.

I shooked my head. Agad ko ring tinanggal ang ideyang 'yon sa aking isipan. Itutulog ko na lang siguro ito.

_____//_____

Nagising ako ng past 6 na. I decided to get ready. Naligo muna ako at nagbihis. After that, naglagay ako ng pagkain at tubig para sa aking alagang pusa. Nang maayos na ang lahat ay umalis na rin ako.

I rode a taxi para makarating sa tinext nilang bar. Sinabi ko na lang kay manong driver ang address.

Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana o hindi eh.

Pero infairness, ang ganda ng name ng bar nila ah. 'Yon agad ang napansin ko. Mukhang bagay na bagay sa akin.

Happy and Sawi Bar

- Best place para magparty at mag-emote.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at pumasok na sa loob. Marami na rin ang tao kahit maaga pa. I think, it's one of the popular bar in the town. Agad kong nakita ang dalawa kong kaibigan nang kumaway sila sa akin.

Pumunta ako sa pwesto nila. Nag-order na rin kami. And after that, we started to drink. Okay lang malasing. Wala namang pasok bukas eh. Diba?

"Uhm... anong nangyari sayo?" Pagbubukas ng topic ni Erin ngunit hindi ko ito sinagot. Instead, tumingin na lang muna ako sa crowd na sobrang hyper. Mukhang nasense naman nila 'yon kaya hindi na sila nagtanong pa. Panay na lang ang inom namin.

"So, anong meron sa inyo ni Stacey ha, Margarette?" I asked. Nakita ko kung paano sya nagulat at parang natense. Duh. Dapat hindi lang ako ang magrereveal dito noh.

"H-Ha? Wala noh. Ano bang sinasabi mo riyan?" Kinakabahan nyang sagot at tumawa pa. Ay sus. Ayaw pa umamin eh.

"I saw Stacey winked at you. Atsaka, hindi ka magaling magsinungaling." I said and plastered a smirk. She sighed in defeat. Yes! I won.

"Okay, fine. Ano... May nangyari sa amin eh." Pag-amin nya. My mouth parted a little. Muntik pa ngang maibuga ni Erin ang iniinom nya sa gulat eh.

What the duck? Pano nangyari 'yon? I know na parehas silang straight. But how come?

"What?! Pano nangyari iyon? Ilang beses kayo nagjugjugan?" Erin asked her. Mabuti naman at tinanong nya. Hindi ko maiwasang mapatawa sa term nyang jugjugan.

"Hinaan mo nga boses mo. Baka may makarinig. Parehas kaming lasing noong unang nangya---" Hindi nya na natapos ang kanyang sasabihin nang sumabat ako.

"Ano?! Una? Ibig sabihin, may mga sumunod pa?"

"Ah... eh... oo, maraming beses. Ang hirap humindi sa kanya. Ayan, okay na ba? Nasagot ko na mga tanong nyo. Tsk." Namumula na ngayon si Margarette.

I composed myself first dahil sa kanyang revelation. Okay, next. Si Erin naman ang tatanungin ko.

"What's going on between you and Ella?" Tanong ko rito but she just shrugged.

"She lives in my unit."

We gasped in shock. Nagulat kami dahil doon. What?! Did I heard it right? Mygoodness. Ano na bang nangyayari sa world huhuhu. Wait. Don't tell me....

"Mag-asawa na kayo?" Tanong ni Margarette kung kaya nabigyan sya ng isang hampas ni Erin. Mukhang parehas kami ng nasa isip.

"Tangek, hindi. Wala kasi ang mga magulang nya rito. 'Yung nanay ko, ayon at nagvolunteer. Sa akin na lang daw patirahin si Ella para safe. Tsk. Napakamaldita ng babaeng 'yon." Pagkukwento nya.

"Eh ikaw? Ano namang nangyari sayo?" It's now their time to ask me question.

"Break na kami ni Athena." At lumagok ng isang shot.

"Ano?!" Sabay nilang turan. Nanlaki ang kanilang mga mata. They're looking at me with disbelief. Tsk. Mga bingi ba sila?

"Wait, let me rephrase that. Tapos na ang acting namin. Nagpepretend lang naman kami. It's all an act." I said to them. Halatang shock pa rin sila.

"You mean... lahat ng kiss, hug, at lambing nyo sa school ay hindi totoo?" Tanong ni Erin matapos makabawi. I slowly nodded my head as a response.

"Wow, ang galing nyo naman. Hindi namin napansin 'yon ah. Para kasing totoo kayo. You two looks really inlove." Margarette said. Amusement is written on her face.

We spend the night chitchatting. Paminsan-minsan ay sumama sa hyper na crowd at nakikiparty. Pero mostly ay umiinom kami sa table namin.

_____//_____

Pauwi na sana kami nang may biglang tumawag sa akin. Lumingon ako pero hindi ko maaninagan ang kanyang mukha. Nahihilo na rin kasi ako dahil sa tama ng alak. Pero parang kamukha nya si...

"Athena?" Tanong ko roon sa tao. I heard that person giggled. Napakunot-noo ako. Baliw na ba ang isang 'to?

"Ganon na ba ako kaganda para maging kamukha nya? Ako 'to, si Shane." Ah, sya pala. Ano kayang ginagawa nya rito?

"Oh... ikaw pala 'yan, Miss Chix. Ano namang ginagawa mo rito?" Tanong ni Margarette. Marahil ay namukhaan nya ang isang ito.

"Wala. Nagsaya lang tapos bigla ko kayong nakita kaya nilapitan ko kayo."

"Woah! Ang galing naman. Pauwi na rin kasi kami. Sige, isabay mo na 'yang si Xyzrielle." Lasing na saad ni Erin. Aba't, nakakahiya roon sa tao. Makakaabala pa ako. Magtataxi na lang ako.

"Woah, that's great. Halika ka na, Xyzrielle. Sila na mismo ang nagsabi." Inakay nya na ako papunta sa kanyang kotse. Hindi man lang ako naka-angal.

Nakita kong nag babaye pa sa aking mga loko. Tsk. Ang mga iyon talaga oh. Inilagay ni Shane ang aking kamay sa kanyang bewang habang sya naman ay umakbay sa akin para pangsuporta. Well, mas matangkad kasi ako sa kanya kaya ganon.

I sternly closed my eyes. Hmm.... Eto na naman. Kahit na amoy alak sya ay napakabango nya. Ano kayang pabango ng isang 'to? Matanong nga sa susunod.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may isang pares ng matang nakatingin sa kanilang direksyon. Nasasaktan ito sa kaniyang nasasaksihan. That person is hurting. She's in pain.