Xyzrielle's PoV:
Nagising ako nang maramdamang may isang pares ng mga kamay ang nakapulupot sa aking beywang. Agad akong naging alerto. Baka mamaya ay masamang tao ito eh.
Once I'm ready, I looked ay the owner of the hands and I'm stunned. I just saw a goddess. It was Athena. She's sleeping peacefully na kung hindi mo sya kilala ay hindi mo malalamang napakataray nya.
I think, hindi ako mapapagod na magising araw-araw kung sya ang sasalubong sa akin kapag binubuksan ko ng ang aking mga mata.
Totoo 'yung sinabi ko na 'yon ha. Baka isipin nyong nagsisinungaling lang ako.
Tinanggal ko nang dahan-dahan ang mga kamay nyang nakapulupot sa akin. But then again, bumabalik lang 'yon.
Tsk. Ano ba yan? I tried again na alisin iyon pero katulad nga lang din ito ng naunang nangyari.
This is my third time na alisin at sobrabg dahan-dahan ko na itong ginawa. And luckily, nakaalis din ako. Yes! Success!
As soon na makatayo ako ay naramdaman ko na agad ang hilo. Nagdadalawa ang paningin ko. Napahawak naman ako sa kung saan bilang pangsuporta.
Fuck. Sumasakit din ang ulo ko. Parang binibiyak. Argh. Umaatake na 'yung hang-over sa akin. Tsk. Lagi talagang may kapalit ang lahat ng bagay noh.
I walked into my cabin dahil lagi akong may nakareserve na gamot for hang-over. Well, mabuti na talaga at I am ready ako sa mga ganito.
I'm sure na masakit din ang ulo ni Athena dahil uminom din sya kagabi. I took the medicine. Gosh. Before going out, I took some pic of Athena while she's sleeping. Pangdagdag ko lang sa mga memories.
I slowly walked papuntang kusina to cook some food. Nakita kong mayroong bacons, eggs, and hotdogs dito. Sa tingin ko ay ito na lang ang lulutuin ko for us.
Simple breakfast won't hurt right? Atsaka, simplicity is beauty. Nagsaing na rin ako para bongga na talaga.
Perfect package na talaga ako. Aish. Wala bang bibili sa akin dyan? Mura lang. Walang shipping fee. Maalaga, marunong magluto, mabait, cute, mapagmahal, at magaling manghalik. Ano pa bang kulang sa akin?
'Ang hangin, girl. Pwe! Tinatangay ako'. Pagsabat ng aking echuserang utak.
Hindi ko na ito pinansin pa dahil baka mamaya ay mabad vibes ako. Umagang-umaga pa naman.
Saktong tapos na lahat ng gawain nang biglang nagbukas ang pintuan ng aking kwarto at iniluwa noon ang isang dyosa. Char. Si Athena lang pala. Halatang kakagising lang nya. But despite of that, napakaganda nya pa rin talaga. Hmp. Bakit ganon?
"Good morning, Babyloves! How's your sleep?" Energetic kong bungad sa kanya. She just let out a loud groan.
"Morning to you too, babyloves." Matamlay nitong bati sa akin. Natuwa naman ako nang marinig ko ang tinawag nya sa akin. Pero bakit parang wala sya sa mood? Anong nangyari?
"My freaking head hurts like hell!" Larang bata nyang sumbong sa akin at ngumuso pa talaga.
My heart flutters. Ang cute. Gustong-gusto kong pisilin ang kanyang pisngi kaso baka mamaya ay mabad trip lalo. Sa susunod ko na lang siguro gagawin 'yon.
I guess, ito na nga ba ang sinasabi ko kanina. Nakakaranas din sya ng katulad sa akin. Hang-over. Inihanda ko ang gamot at agad na iniabot 'yon sa kanya. Kinuha nya ito at ininom na rin para mawala ang sakit ng kanyang ulo.
"Let's eat."
"Thank you for this." Umupo sya sa isang upuan na nasa kaharap ko. I smiled because of that. Dati rati ay hindi sya marunong magpasalamat sa akin. Ang laki na talaga ng pinagbago nya.
We prayed first before eating. Nagpapasalamat kay Lord sa mga blessings. Katahimikan ang namayani sa amin habang kumakain. It's a comfortable silence for me. Walang sinuman sa amin ang nagbring up ng nangyari kahapon which is a good thing. Ayoko naman kasing pag-awayan na naman naming dalawa 'yon.
"Uhm... babyloves." I called her. She hummed as a response.
"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong ko. Hindi na kami pumasok na dalawa since super late na rin. And I'm sure, marami rin ang absent dahil na rin sa hang-over sa party kagabi.
"Hmm... as far as I know, wala naman. I'm free today. Bakit mo natanong?" She said while eating.
"Gala tayo." Pag-aya ko sa kanya.
Well, itong idea na ito ay nagcome up sa akin kagabi. Matagal-tagal na kaming mag *ehem* jowa pero hindi pa kami nakakaalis na kaming dalawa lang.
"Hmm.... So, it's a date?"
Ha? Tama ba ako nang pagkakarinig? Nabingi ata ako roon.
What the duck?
Date bang matatawag 'yon?
Bakit naman nya naisip ang mga ganoong bagay? Jusko.
"No, no, no. Hindi 'yon uhm... date." Pagtutol ko. I saw how her one eyebrow arched a little.
"Then I'm not going if it's not a date." She said with finality on her voice. Napakademanding naman ng babaeng ito. Hindi naman talaga date 'yon eh. Tsk.
"Okay, fine. It's a date then." I said defeatedly. Wala eh. Wala na akong magawa pa. Sigurado akong totoohanin nya ang kanyang sinabi.
I saw how her lips started to form a smile. Napasimangot naman ako dahil doon. Hmpm
_____//_____
"Bakit hindi mo naman sinabi na rito pa lang ang punta natin? Nakakaasar ka!" Athena exclaimed and gave me a smack on my shoulder.
Sus. Naasar raw. Nakikita ko ngang nakangiti sya. Mukhang nahihiya ata ang babyloves ko.
"Hindi ka naman nagtanong eh." Ang simple diba? Once again, hinampas nya ako. Napangiwi ako dahil doon. Gosh. Ang lakas.
"Aray naman. First time mo ba rito?" I asked but she just rolled her eyes to me.
"Hindi. Ilang beses na akong nakapunta rito." Oh ayun naman pala eh.
"Pero iba pa rin talaga lapag may taong nagdala sayo rito. And so you know, ikaw ang unang gumawa non." She said in a duh tone.
"Tsk. Tara na nga." Pagsusungit ko sa para matakpan ang nag-iinit kong mga pisngi. Aasarin na naman nya ako for sure kapag nakita nya ang pangyayaring 'yon.
I bought us tickets. Oo nga pala. Nasa echanted kingdom pala kami ngayon. Nakalimutan kong sabihin sa inyo. Ang ganda dito. Ang saya ng mga rides. Halos lahat ay nasakyan ko na maliban sa isa. At 'yon ang EKstreme. Parang nakakatakot kasi eh.
"So... anong uunahin nating sakyan?"
"Ayon na lang siguro." Saad ni Athena at itinuro ang... Space shuttle?!
Nanlaki ang aking mata at napanganga. Seryoso ba sya riyan?!
Hindi ko maiwasang mapalunok. Pwede na rin siguro 'yun. Warm up lang ba. Para wala ng masyadong effect 'yung ibang rides.
Through the whole ride, hindi ko binuksan ang aking mga mata. Argh!. Ang sakit sa likod. Grabe. The best. Kahit ang sakit sa tyan.
After that, tinry na namin ang kung ano-anong available na rides. Well, mabuti naman at hindi madaling mapagod itong kasama ko. I think, she's up for adventure also katulad ko.
We tried the roller coaster, disco magic ride, anchor's away, 'yung balloon, and many more. Na try din kami nung kabayo.
Ano ba tawag roon? Wala kaming pake kahit malalaki na kami. We bought some shirt matapos naming mabasa sa jungle log at sa rio grande na ang baho ng tubig.
Ang cute nga ng damit na napili namin eh. Pwede na. Kahit napakataas ng presyo. Akala mo ginto eh. Hmp.
Namg mapagod ay nagpahinga muna kami at bumili ng makakain. After that ay naglibot-libot kaming dalawa. Lagi ko syang kinukuhanan ng mga litrato. Pandagdag uli sa memories. Ang rami na rin naming photos.
Magkahawak-kamay kami the whole time. Wala ni isang bumibitaw. I find it cute though. Halatang enjoy na enjoy sya.
Nandito na kami ngayon sa ferris wheel. I guess, this will be our last ride for today. May pasok na rin kasi. It's already night at napakagandang pagmasdan ng paligid. Kitang-kita mo dahil na rin sa lights.
"Wow. It's breathtaking." I heard Athena said. Yeah, she's right.
"Pero walang papantay sa ganda mo." I said out of nowhere. Mabilis na natuptop ko ang bibig.
Aish. Ano ba namang bibig 'to? Bigla bigla na lang nagsasalita. Hmp.
Napatingin sa akin si Athena at nakita kong namumula ang kanyang pisngi.
"I know. No need to say that." Masungit nitong turan. I just shrugged. Kinuhanan ko ng litrato ang paligid pati na rin ang babaeng katabi ko ngayon.
"Xyzrielle.." She called me. I hummed as a response. Ano naman kaya 'yon?
"Thank you." Sincere nyang turan na syang ikinagulat ko.
"Thank you for bringing me here. Thank you for making me experience many things. Thank you for everything, babyloves." She said and smiled sweetly to me.
Wala sa sariling napangiti ako dahil sa kanya. I guess, parehas kaming ng gustong sabihin.
Unti-unti syang lumalapit sa akin. At alam ko kung anong mangyayari sa susunof. So I closed my eyes and feel her lips onto mine.
We kissed with so much passion and emotion. It's a magical kiss because we're now on the top of the ferris wheel. I think, ito na 'yong sinasabi nila na 'The Magic stays with you'.
And yeah, I hope she stays with me.
But I know, hindi 'yon mangyayari. Niloloko ko lang ang sarili ko.