Xyzrielle's PoV:
"Babyloves, pupunta ka ba sa party mamaya?" Tanong ko kay Athena. Wednesday na ngayon at mamaya na ang party ni Akira.
"Pang ilang tanong mo na ba sa akin yan ah? Pa ulit-ulit? Unli ka ba? Sinabi ko na ngang hindi eh." Masungit nyang turan at humalukipkip pa.
Napakamot ako ng aking ulo. G na g sa akin eh. Hmp. Parang nagtatanong lang naman ako huhuhu.
"How about you? Pupunta ka ba?" Napalunok ako ng wala sa oras dahil doon. It's her first time na itanong sa akin 'yan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba.
"Syempre hindi. Wala ka roon eh." Kinakabahan kong sagot sa kanya. I let out a forced a laugh.
Tinitignan ako ni Athena nang mabuti na para bang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Nako po. Hindi pa naman ako sanay na magsinungaling huhuhu.
"Are you sure?" She said habang matamang nakatingin pa rin sa akin.
I faked a cough before amswering her question.
"Oo nga, babyloves. Atsaka, may trabaho ako noon diba?" I reasoned out. At talagang dinamay ko pa ang trabaho kl. Wala akong pasok ngayon dahil sarado ang bar.
"Oh, okay." She nodded her head. Pinagpatuloy na naming dalawa ang kinakain nami..
Yes!
Whooo!
Buti naman at nakaligtas ako!
I think, hindi rin sasama ang mga tropapips nya sa party dahil wala ang kanilang pinakaleader which is a good thing. Walang magsusumbong sa akin.
Pero teka lang...
Bakit ba ako kinakabahan ha? Eh hindi naman ako nagloloko sa kanya. Kumalma ka lang, Xyzrielle. Wala namang mali sa ginagawa mo.
"Guys, don't forget mamaya ah. Sa bahay ko ng 6pm para maaga tayo makapagsimula." Rinig kong sigaw ni Akira which earned a loud cheer from the crowd. Mukhang game na game sila ah. Ako rin eh. Can't wait na makatikim ulit ng alak.
Mabilis natapos ang mga natitira naming subject. Nagdiscuss lang ang ibang teacher at nagpanotes sa amin. Para raw may marereview kami kung sakaling magpaexam sya.
Nang matapos na ang klase namin, nagpunta na ako sa classroom ni Athena. Tamang-tama naman at tapos nang nagdiscuss ang prof na nagtuturo sa kanila.
Mabuti naman at hindi na ako mag-aantay pa. Well, lagi kasing late magpauwi eh. Nako, kung ako yung students non, asar na asar na ako. Grabe eh. Hindi maawat sa paglelecture. Parang walang bukas. Magkikita-kita naman ulit. Hmp.
Agad kong kinuha ang bag ni Athena nang makita kong nakalabas na sya. Nagsimula kaming maglakad papunta sa parking lot ng University.
"So, kamusta ang araw mo?" Pag-oopen ko ng topic sa kanya. I want to know.
"It sucks because I saw my classmate holding my pen. And nung tinanong ko kung kanino 'yon, sinabi nyang sa kanya raw 'yon." Nakabusangot nyang kwento sa akin.
I can't help myself buy to pinch her cheeks. Ang cute nya kasi. Isang matalim na titig ang mabilis na ibinigay nya sa akin.
"I really hate liars pa naman because I believe that liars go to hell." Ramdam na ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan nya.
Mabilis na nagbago ang aking mood. Binalot ng kaba ang aking dibdib. Hindi lo maiwasamg mapalunok. I'm not lying naman, diba? Diba?
Hindi na ako nagsalita pa nang sabihin nya 'yon. Baka kasi may masabi ako na hindi dapat.
We reached her car in no such time.
"Babye, babyloves." She said and kissed me in my cheeks. Awww. Such a sweet girl. Hindi sya ganyan dati. Ang laki na ng pinagbago nya.
"Ingat sa pagdadrive ha." Paalala ko sa kanya.
"Yeah, sure. Ikaw... mag-ingat ka sa work mo. Ayoko pang mawala ka." She quickly gave me a wink. Umalis na rin sya pagkatapos non.
Napailing na lang ako sa kawalan. Hindi ko ma-explain kung anong nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay may kasamang guilt 'yon. Aish, basta. Bahala na nga.
Maya-maya pa ay nandito na rin ako sa bahay ko. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko agad ang pusa kong nakahiga at natutulog na naman.
Hays. Jusko po. Buntis na naman kasi sya. Kaya sya ganyan kasi naglilihi ang pusa kong si BuriCat. Hinimas ko sya pero hindi man lang sya gumalaw. Mukhang malalim ang tulog nya. Ang cute.
Inayos ko muna ang mga gamit ko at nagpalit ng damit. After that, I reached for my phone and composed a message to Athen.
To: Babyloves❤
Nakauwi ka na ba?
Tanong ko rito. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang aking cellphone, senyales na may nagtext.
From: Babyloves❤
Yep. I'm here in our house. How bout you?
I quickly texted her na nandito na ako sa bahay ko. Suddenly, dinalaw ako ng antok at pagod kung kaya't dali-dali akong nagpaalam sa kanya.
Matutulog muna ko, guys. Kelangan ko ng cutie rest.
_____//_____
Isang tawag ang nagpagising sa akin. Argh. Sino ba 'tong tumatawag na 'to? Ginagambala nya ang aking cutie rest. Hmp. Nakapikit pa ang aking mga mata. Sasagutin ko na sana ang tawag nang bigla itong namatay.
Hmm.... baka namali lang ng number. Matutulog na nga uli ako.
Hindi pa ako nakakapikit nang may marinig akong nagtext sa akin.
From: MarGanda
Hoy, mag-ayos ka na. Papunta na ako sa bahay mo. Sabay na lang tayo pumunta roon.
'Yan ang nakalagay sa text. Napatingin naman ako sa orasan at tila nawala ang antok ko nang makitang 6pm na. Fuck. Napasarap ata ang tulog ko. Jusko po. Dali-dali akong tumayo at kumuha na ng damit para makaligo na.
Kumuha na rin ako ng extrang damit para sa swimming mamaya. Nag ayos-ayos muna ako ng aking sarili nang makarinig ako ng isang katok. I think, si Margarette na ito.
I opened the door and it revealed Margarette. Naks, ang galing ko talaga. Tama ang hula ko.
"Tara na, girl. Inaantay na nila tayo roon." She said to me. Wow, ang aga naman pala ng mga kaibigan ko. Early bird pala sila lahat.
Sinigurado ko munang nakalock ang pinto ko para hindi makapasok ang magnanakaw. Hindi ko rin kinalimutan na mag-iwan ng pagkain at tubig sa aking alaga. Lab na lab ko 'yun eh.
I checked my phone and wala akong nakitang message ni Athena. Ano kayang ginagawa nya ngayon?
Sa labas pa lang ng bahay——err.. I mean, mansion ay rinig na rinig na ang malakas na tunog. I think, hyper at masayang-masaya na ang crowd. Maaga pa ah. Parang nakakaexcite tuloy.
Pumasok na kaming dalawa at ang unang sumalubong sa akin ay ang amoy ng alak. Wow. Bumabaha ng alak ngayon.
"Thank you for coming, guys." Nakangiti bati ni Akira at nakipagbeso-beso pa sa aming dalawa.
Kahit na-aawkwardan ay nakipag beso rin ako sa kanya. Well, hindi ako sanay sa mga ganto. Atsaka diba, first time ko lang naman umattend ng party nya.
Nang may mapadaan na waiter sa aming harapan ay nanghingi ako ng isang serve ng alak. Gumihit sa akin ang pait nito nguni nawala rin naman pagkatapos. Oh yeah!
Nagpalit kaming dalawa ni Margarette ng swimming attire namim dahil halos lahat ay nakasuot na ng ganon. Bikini top and short ang suot ko. Pero syempre, hindi kita yung cleavage ko noh. 'Yung tummy lang.
Sexy naman ako. It's just that... hindi lang ako sanay na may makakakitang iba. Pero ibang usapan kapag si Athena na.
Nakita naming nagkakasiyahan na ang lahat. Agad na namataan namin ang mga frenny namin ni Margarette. They're waving at us. Nagsimula na kaming magkuwentuhan.
I decided na magswimming na muna kahit saglit lang. Tamang langoy-langoy lang. Ang sarap talaga ng tubig.
Medyo naaasar lang ako kasi may mga nakikita akong nagppda like naghahalikan. Tsk. Ano ba 'yan?
'Sus. Inggit ka lang eh. Porket wala si Athena.' Kilala nyo na po siguro kung sino 'yan.
Nang mapagod ay naisipan kong bumalik sa pwesto namin. Kinuha ko ang aking towel at nagpunas. Nakita kong nawala na rin ang mga kaibigan ko. Naglaho bigla. Siguro ay naghahanap ng mga Fafa 'yon.
Well karamihan naman kasi rito ay mga gwapo plus may pa-abs pa na yummy hihihi. Tapos :yung mga girls naman ang sesexy. Jusko. Hindi ko tuloy alam kung sinong titignan ko sa dalawa.
"Hi! Are you alone?" Yanong sa akin ng isang babaeng. Maganda sya at sexy.
Paano ko nasabi? Eh kasi nakatwo piece lang sya. Kung kaya't kitang-kita ko ang magagandang tanawin. Napalunok naman ako sa aking nasasaksihan.
"Nope. Pero iniwan na ako ng mga friends ko at nagsaya na sila. I'm fine with that." I said in which I earned a laugh from her. Anong nakakatawa? Nahihibang na siguro ang babaeng ito.
"Mind if I seat here? Ganon din kasi ang ginawa ng mga friends ko sa akin." She said. Dumukwang sya palapit sa akin. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanyang cleavage. Aksidente lang 'yon ha!
'Nako po, lagot ka! Nagkakasala ka kay Athena.'
Luh. Hindi naman eh. Hmp.
"Yeah, sige. Umupo ka na rito." Nakangiti kong sagot sa kanya.
We started chitchatting. Nalaman kong Shane ang name nya at 3rd year din sya katulad ko. Masarap syang kausap. Nakakatuwa 'yung mga kwento nya. Nag-eenjoy ako ng sobra-sobra. Mabilis kaminh nagclick na dalawa.
Naputol lang ang pag-uusap namin nang may tumawag sa akin.
Sumenyas ako kay Shane na sasagutin ko muna ito. Lumayo ako ng kaunti bago ko sagutin ang tawagm
"Hello?" Pambungad ko sa taong tumatawag.
"Where are you, Xyzrielle?" Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone. Ramdam na ramdam ko ang pag-usbong kaba sa aking dibdib. I'm uneasy right now.
"Ah... eh... sa bar, diba?" Pinanatili kong kalmado ang tono ng aking boses para hindi nya mahalata na kinakabahan na ako ngayon.
"Bakit ang ingay naman dyan?" She asked on the other line.
"Nagpaparty-party kasi 'yung mga tao rito." Palusot ko pa.
Naramdaman kong hinawakan ni Shane ang kamay ko. I looked at her and I can't help but to wonder. Bakit naman kaya?
"Asan ka nga ulit?" Tanong muli sa akin ni Athena.
"Nasa bar nga ako." I said once again. Mukhang hindi sya naniniwala.
"Oh really? Eh sino 'tong nakikita kong kamukha mo na may kahawak kamay na babae sa party ni Akira?!" She said sarcastically.
Parang tinakasan ako ng lakas.And that's the time that I knew, I fucked up. Patay ako nito.