Xyzrielle's PoV:
Isang magulong kwarto ang nadatnan ko nang buksan ko ang kwarto ni Athena. Parang dinaan naman 'to ng bagyo. Kanina lang ay medyo maayos pa ito ah. Pero anong nangyari ngayon?
Ganon ba kagalit si Athena para gawin nya ang mga 'yan?
Hindi ko maiwasang mapalunok. Kinakabahan na ako dahil sa naisip ko. Feeling ko ay matitigok na ako anytime.
Parang makikita ko na ata si San Pedro nito o baka naman si Lucifer. Bubugahan na ako ng apoy ng isang dragona at sa isang iglap lang ay bubulagta na ako.
Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako sa ginawa ko. Bakit kaya wala sa unahan ang pagsisisi?
Aish. Nako, Xyzrielle. Ano ba kasing pumasok na kokote mo at nagdrawing ka sa mukha ni Athena? Marker pa talaga ang ginamit mo. Ang hirap pa naman tanggalin non.
"Xyzrielle! Where the hell are you?! Halika rito!" Rinig kong sigaw nya. Sa tingin ko ay hindi nya pa alam na nandito na ako sa taas. Alam kong nasa restroom sya ngayon.
"O-Oo, wait lang. Antayin m-mo ako." Nauutal na ako. Sa totoo lang ay hindi na ako mapakali.
Kahit kinakabahan ay pumunta ako sa kinaroonan nya. Pagbukas ko ng pintuan ay isang toothbrush nakita kong lumipad papunya sa akin. Automatic na nanlaki ang aking mata. Huli na dahil tumama na 'yon sa akin.
Hindi pa ako nakakarecover nang may isang tissue na naman ang tumama sa akin.
"Damn you! Why did you do thay huh?" Okay. Unang banat para kay Athena.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot. Nakikita ko pa rin ngayon ang mga drawing sa mukha nya. Namumula rin sya. Hindi sa kilig kung hindi sa galit and that's for sure.
Pero kahit na ganoon ay hindi man lang nabawasan ang kanyang ganda. Hmp. Napaka-unfair talaga. Sa susunod nga ay mas super pa ang gagawin ko sa kanya.
'Kung may susunod pa.' Pag-extra ng aking brain.
Oo nga tama ka riyan, brain. Tumpak. Kuhang-kuha mo. Kung meron pa ngang susunod. Sa tingin ko ay hindi na ata ako makakalabas ng buhay dito huhuhu.
Oh Athena my babyloves, have mercy on me.
Nabalik ang aking katawang lupa nang makitang isang malaking lagayan ng shampoo ang hawak nya ngayon. Agad na ibinato nya 'yon sa akin.
Whooo!!!
Buti naman at naiwasan ko 'yon. Ligtas na ako. Pero akala ko lang pala. Naging sunod-sunod na ang pagbabato ni Athena sa akin ng kung ano-ano. Kung anong mahawakan nya na pwedeng ibato ay ibinabato nya sa akin.
Panay rin ang aking ang pag-iwas ko. At mukhang swerte ako dahil walang tumatama sa akin kahit isa.
Pwe! Hindi naman pala sya sharp shooter eh. Ako lang pala ang ganon sa aming dalawa. May hint na siguro kayo kung anong tinutukoy ko.
"Argh! Fuck you! Ano? Hindi ka sasagot? Leche!" She yelled at pinagbabato na naman ako ng kung ano-ano.
Ano raw? Ipa-fuck nya ako? Hala. Bata pa kami para riyan. Pero kung sya naman ang may gusto, why not? Chos lang.
Talagang galit na talaga sya huhuhu. Ngayon ko lang sya narinig na magsabi ng leche eh. Pero, paano kaya ako makakapagsalita nang maayos kung patuloy pa rin si Athena sa ginagawa nya?
"Ah... eh... babyloves, pwedeng bang kumalma ka muna?" Suggestion ko sa kanya. She just gave me her famous death glares.
"Fucking shit! Paano ako kakalma ha? Bwiset ka talaga kahit kelan, Xyzrielle!"
Isang bidet na ngayon ang hawak nya at any minute ay pwede nya itong buksan then boom. Magiging wet ako bihla. Nako po. Masama iyon kapag nagkataon. Kailangan ko syang pigilan.
"Babyloves, wag yan. Mababasa tayo nyan. Wala pa naman akong dalang extrang damit." Kinakabahan kong saad.
"I don't care! Edi umuwi ka ng basa sa inyo!" She exclaimed at me. Nanindig ang balahibo ko nang ngumisi sya ng parang isang demonyo.
Nakita kong akmang bubuksan na ni Athen ang bidey. Hindi ako nag-atubili pang isarado ang pintuan para hindi ako mabasa. Napakatalino ko talaga. Grabe.
Napasapo naman ako sa aking noo. Kung ganto lang pala ang magiging resulta ng ginawa ko, edi sana hindi ko na lang 'yun itinuloy pa.
Napakalikot kasi ng kamay ko eh. Hindi mapalagay sa isang tabi. Kaya ayan, kung ano-anong kinakalikot. Guys, help me naman. Paano ba paamuhin ang isang dragona?
Heto ako ngayon, nakaupo sa kanyang kama. Hindi pa lumalabas si Athena sa restroom. Mabuti naman at kung ganoon. Baka tinatanggal nya na 'yung marka ng pentel pen. I hope na kumalma na sya.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at inilabas ang isang babaeng may hawak na gunting.
*Gulp*
Chuckie is that you? Babae na pala sya ngayon. Joke lang. Si Babyloves ko lang pala iyon.
Pero wait lang. 'Yung pagkakahawak nya roon sa gunting ay parang kutsilyo na handang manaksak ano mang oras. Matalas pa naman 'yung dulo.
Nanlaki ang aking mata at napanganga. Feeling ko ay namumutla na ako ngayon.
Nahkaideya na ako sa gagawin nya. What the duck?! Don't tell me, sa akin nya itatatak yan?!
At mukhang tama nga ako dahil dali-dali syang lumapit sa aking pwesto. Napatayo ako at nagsimula nang tumakbo.
"Babylove, maawa ka. Mahal kita—— este, mahal ko pa ang buhay ko!" I yelled back pero parang wala syang naririnig.
Para kaming naglalaro ngayon ng patintero at sya ang taya. Sana naman ay manalo ako sa kanya huhuhu.
Pero hindi.
Isang malaking H-I-N-D-I.
Hindi pumayag si tadhana.
Heto ako ngayon at nacorner na nya. Ang tanga mo kasi, Xyzrielle. Dapat pala nangaliwa——este, kumaliwa ka para hindi ka na corner.
Habang papalapit sya sa akin ay sya namang pag-atras ko. At engk! Dead end na. Katapusan ko na talaga huhuhu. Wala akong magawa kung hindi panoorin na lang sya kung paano maglakad papunta sa akin.
'Sana po ay madulas sya or anything huhuhu...'
Parang medyo masama naman ako sa part na 'yon. Pero bahala na. Mukhang nadinig naman ng aking guardian angel ang hiling ko dahil nakita kong natapilok sya.
Aba ang galing!
May magic na ata ako ah.
Nang makita kong napaupo sya ay tsaka na ako lumapit sa kanyang kinaroroonan.
"Ouch. Ang sakit." Daing nya. Awww... kawawa naman ang babyloves ko oh.
"Bakit kasi hindi ka nag-iingat?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. She just rolled her eyes to me. Luh. May gana pang magtaray ah.
"Pinapagalitan mo ba ako? Sino kaya sa ating dalawa 'yung nag---"
"Babyloves, sorry na nga po." Pagputol ko sa kanyang sasabihin. Tinaasan nya ako ng kilay.
"Tapos ngayon magsosorry ka bigla?" Hala. Nabingi na ba sya at hindi nya narinig 'yung sinabi ko? Uulitin ko nga uli.
"Sorry na po, babyloves. Tara. Let me help you in cleaning that." I said to her. Hindi ko na inatany pa ang reaksyon dahil mabilis na syang hinila. Hinayaan nya lang naman ako.
Ako na ang nagpresinta na magtanggal ng marker sa mukha nha. Hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin si Athena. Masama ang mga tingin na ipinupukaw nya sa akin. Hindi ko na lang pinansin 'yon.
Suddenly, she smacked me really hard. Napangiwi ako.
"Ano ba kasing trip mo ha?!"
Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam hehehe. Ayan tapos ko na sya agad. Yey! Ang galing ko talaga.
"Tsk. Tignan mo. Ang panget ko na tuloy!" Pagmamaktol niya. It's now my turn para magtaka.
"What?! Anong panget ka riyan? Kahit anong gawin mo, maganda ka pa rin sa paningin ko, Athena." Nakakunot-noo kong saad sa kanya. Mainit ba? Namumula kasi sya eh.
"Wag mo nga akong bolahin!"
"Hindi ka bola para bolahin. Duh. Totoo nga 'yung sinasabi ko." Nagsasabi naman ako ng totoo eh. Ayaw nya lang maniwala. Hmp.
"Paano kapag nakahanap ka ng mas maganda kaysa sa akin?" Out of nowhere nyang tanong.
"Pakielam ko sa kanila." Sagot ko sa kanya. Nakita kong napangiti si Athena.
"So ibig sabihin ba non, ako lang ang pinakamaganda sa paningin mo?"
"Hindi. Pakielam ko rin sayo." Isang malakas na batok ang natanggap ko mula sa kanya. Napanguso ako. Awww. Bakit naman kaya?
"I hate you!"
"Labyu too——este, I hate you too." Ano ba 'yan? Namali pa ako.
I felt her lips on mine. Gosh. Totoo ba 'to? Sya ang nag-initiate ng kiss sa aming dalawa? Might as well na ienjoy ko ang kiss na 'to. Saglit lang 'yon.
I guess, it's a good morning kiss. Pero guys, wala syang bad breath. Paano 'yon nangyari?
Inutusan ako ni Athena na kumuha ng damit para makapagpalit sya. Isang volleyball shorts at simplenh shirt ang kinuha ko at ibinigay ang mga 'yon sa kanya.
Nang matapos na si Athena ay tsaka nya ako tinawag. At mygoodness! Bigla nya akong sinuntok. Grabe naman. Awww... Boksingera na pala sya tapos ako 'yung punching bag nya. Hindi man lang ako na inform.
"Carry me downstairs." Maawtoridad na utos nya. Hindi ko maiwasang mapamaang dahil doon.
Ano sya? Prinsesa?
"Hindi ako prinsesa." I mentally slapped myself dahil mukhang nasabi ko ang dapat na sa isip ko lang.
"But I'm your baby na loves na loves mo. I'm your babyloves, right?"
Napanganga naman ako sa kanyang sinabi. Ginugulo mo talaga ang buhay ko, Athena.