Chapter 38 - Chapter 38

Xyzrielle's PoV:

Pagkatapos naming kumain ay nanghiram ako sa kanya uli ng damit. Well, maliligo kasi ako. Alam nyo na. Hindi ako girl scout. Hindi ako ready sa ganto.

'Hindi ka naman talaga girl scout kasi gay scout ka. Duh.' Pagsingit ng aking mahaderang utak.

Che! Manahimik ka nga riyan. For your information, hindi kita kinakausap. Tsk. Paano ba 'to i-off at nang hindi na makasabat pa sa tuwing nagkukwento ako sa inyo. Kapag alam nyo, pakipm naman sa akin. Search nyo na lang ang name ko. Bibigyan ko kayo ng kiss.

Pero ano raw? Anong pinagsasabi nh mahadera kong utak na gay scout? Bakit parang ngayon ko lang narinig 'yung ganon ha?

Anyways, mabuti naman at pumayag si Athena sa aking hiling. Kask kung hindi, bubugbugin ko sya. Bubugbugin ng aking pagmamahal. Char lang.

I'm here and I'm super fresh. Bagong ligo. Nakakarefresh. Ganoon din si Athena dahil basa ang kanyang buhok at naaamoy ko ang kanyang shampoo. Ang bango, grabe. It's a mixture of vanilla and strawberry. Hindi ka magsasawang amoy-amoyin. Ano kayang brand non? At nang mabili ko.

Naririto kami ngayon sa sala nila at nakita kong nanonood sya ng Cartoons. Spongebob pala 'yon.

Napailing na lang ako sa kawalan. May pagkaisip-bata talaga ang babyloves ko. Kung titignan mo sya ng mabuti ay hindi mo 'yon mahahalata. Syempre, masungit eh atsaka mataray. Kahit ako rin eh. Hindi sumagi sa isipan ko na may side syang ganto.

Umupo ako sa tabi ni Athena pero may space pa rin naman sa pagitan namin. Napasimangot naman ako nang hindi man lang nya ako binigyan ni isang tingin.

Relax, Xyzrielle. Baka kasi nakafocus si Athena sa pinapanood nya kaya ganoon.

Kumalma ako sa aking naisip. Oo nga, baka nga ganon. Sumama na lang ako sa kanya at nanood na rin ng Spongebob.

Well, tapos ko nang panoorin lahat ng episodes nyan simula season 1 hanggang season 12. Pati na rin 'yung mga movie nyan like Lost in Bikini Bottom, Sponge out of water, at marami pang iba.

"Ang cute talaga ni Patrick noh." I said to catch her attention. Pero hindi man lang sya sumagot o tumingin sa akin. I'm sure na narinig nya ang sinabi ko.

"Bakit naman ganon si Plankton?" Tanong ko uli. Sinilip ko ang kanyang reaksyon pero wala. Nanatili lang na nakatingin ang kanyang mga mata sa TV.

Hindi ko alam pero feeling ko ay hindi nya ako pinapansin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.

A. Kulitin sya.

B. Manood na lang din.

C. Hayaan si Athena sa kanyang trip at maglaro na lang ng ML.

D. Halikan sya.

I think D. ang pipiliin ko——este, mali. Ano ba 'yan? Bakit naman nasama sa choices ko 'yan? Hmm...  Maganda naman ang lahat ng pagpipilian kl pero sa tingin ko ay A ang pinakada best sa lahat. So I'll go for it.

Pero paano naman? Aish. Bahala na nga.

"Babyloves." Pagtawag ko sa kanya pero wala syang response. Ilang beses ko pa syang tinawag muli pero hindi talaga sya tumitingin sa akin.

"Babyloves."

"Babyloves."

"Babyloves."

Pero wala pa rin syang response kahit isa. Aha! Alam ko na! Baka kasi gusto nyang Athena ang itawag ko sa kanya. Ang talino ko talaga. Bakit ngayon ko lang ba naisip 'yon?

"Athena." I called her. And wow, success. Napatingin sya sa akin. Isang matalim na titig ang ibinigay nya sa akin. Parang napaurong ang dila at lakas ko dahil doon.

"It's not Athena! Argh! Babyloves 'yon diba?!" Masungit nyang turan at itinuon na muli ang atensyon sa palabas.

Luh. Kanina ay tinatawag ko sya ng ganon, hindi naman nya ako pinapansin. Ano pa bang gusto nya? Ako? Charot lang.

"Oy, Babyloves." But this time, may kasama ng dutdot.

"Oy."

"Pansinin mo naman ako." I said to her but then again hindi nya pa rin ginawa. Huhuhu.

I slowly placed my arms on her shoulder. Wala naman akong narinig na violent reaction mula sa kanya. Straight face pa rin si Athena. Unti-unti rin akong lumalapit sa kanya.

"Pansinin mo naman ako. Aalis ako, sige ka." Pananakot ko kay Athena. Wala lang, trip ko lang hehehe. Baka mamaya ay kumagat sya eh. Napatingin naman sya sa akin.

"Edi umalis ka. Ihatid pa kita eh. Isama mo na rin 'yung mga kalandian mo." Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay sa aking marinig. Anong kalandian ang sinasabi nya riyan ha? May nakikita ba syang hindi ko nakikita?

"Joke lang, babyloves. Sabi ko nga, dito lang ako sa tabi mo hehehe." Awkward kong sabi sa kanya. Talo na naman ako sa kanya huhuhu. Isang irap lang ibinigay nya sa akin

Hmm. Ano pa bang pwede kong gawin para makuha ko ang atensyon nya? Suddenly, may pumasok na ideya sa aking isipan. *Ting*

I started to gently kiss her shoulders. Naramdaman kong nagitla si Athena. Well, it's a good thing I guess. Maya-maya ay ang pisngi naman nya ang hinalikan ko.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?" Mataray nyang tanong sa akin.

"Uhm.... getting your attention?" painosente kong sagot sa kanya. I even smiled sweetly at her.

Pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanyang pisngi. Wala naman syang sinabing na tumigil ako diba. Pero tsk. Naasar na ako ha. Kahit anong gawin ko ay walang epekto sa kanya.

Kalma ka lang, Xyzrielle. Nang-aasar lang 'yan kaya ganyan sayo.

Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa at itinulak na sya pahiga. Bahagya lang syempre. Ayoko syang masaktan eh.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay para hindi na sya makapalag pa sa akin. I placed it on top of her head. I'm pinning her.

Akmang magsasalita na sana si Athena. But I shut her up using my lips. Yup, that's right. I kissed her. Noong una ay hindi sya tumutugon sa aking mga halik ngunit kalaunan, she kissed me back.

"Ugh! Hmm.." Rinig kong ungol nya na syang nakapagpatigil sa akin. Agad akong nagbawi but I'm still on top of her.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?" I'm not sure kung frustrated ba sya or naiinis.

"Bakit kasi ayaw mo akong pansinin, babyloves?" Nakanguso kong tanong sa kanya.

"Tsk. Ano ba! Umalis ka nga riyan!" She exclaimed at pilit na pinapaalis ako sa itaas nya.

"Isa, Xyzrielle. Wag kang makulit!" Pagbabanta nya sa akin. Agad na dinalaw ako ng takot dahil nagbibilang na sya. Tinatawag nya na rin ako sa pangalan ko. Nako po. Naloko na.

Unti-unti akong umalis sa kanyang itaas. Wala eh. Tiklop ako pagdating sa kanya huhuhu.

Agad nya akong pinaulanan ng masasamang titig. Wala sa sariling napayakap ako sa kanya. So scary. Pero kailangan ko syang paamuhin.

"Darling, I'm really sorry. Pansinin mo na ako. Hindi ko na uulitin 'yon. Bati na tayo, please." I said. I started to plant small kisses on her shoulder.

Wala akong narinig na salita sa kanya so I checked her reaction.

"Okay, fine. Apology accepted." I'm really happy with that. Hindi ko maiwasang ang sarili ko na bigyan sya ng halik.

'Sus. Para-paraan ka lang eh.'

Wews. Bida-bida ka naman, brain. Wala kang magawa sa buhay mo huh?

"Kapag 'yon inulit mo pa, hindi mo talaga magugustuhan kung anong gagawin ko sayo, Xyzrielle." Nakakatakot na banta ni Athena sa akin. Napalunok ako dahil doon.