Chapter 33 - Chapter 33

Xyzrielle's PoV:

Hindi ko mapigilang mapabusangot sa sinasabi ni Babyloves—— este niAthena sa akin. Kanina nya pa kasi ako inaasar. Tsk. Edi wow. Pinagbibigyan ko lang naman kasi sya.

"'Yun lang ba ang kaya mo, Babyloves? Ayun na 'yon? Todo na talaga?" Nang-aasar nitong tanong. She's smirking mischievously at me.

Well, kung tinatanong nyo kung anong ginagawa namin ay naglalaro kami. Hindi bahay-bahayan ah. Joke lang daw 'yung kanina.

Tinitignan nya lang ang magiging reaksyon ko. It's a prank kumbaga. Tuwang-tuwa pa nga sya nang makitang gulat na gulat ako sa sinabi nya.

Tsk. Hindi nya ako masisisi. May double meaning kasi ang laro na 'yon. Argh, basta. Medyo green lang siguro ang mind ko. Sakto pa at kaming dalawa lang dito ngayon. Plus maulan pa kaya hindi ko maiwasang isipin na iba ang tinutukoy nyang laro.

And here she goes again. Inaasar ako ni Athena because she won against me.

Palihim akong umirap dahil baka mamaya ay mahuli nya ako at tuluyang itarak sa akin ang hawak nya kaninang tinidor.

Nakakatakot sya kanina doon. Feeling ko ay namutla ako if ever man na nakikita ko ang sarili ko. I shouldn't mess with her.

Anyways, naglalaro kami ngayon ng tekken sa xbox. Si Lili ang character nya habang ako naman ay si Devil Jin.

"Tsk. Ang weak mo naman pala. Loser." Dagdag pa nya. Tinapunan nya ako ng mapang-asar na tingin.

Aish. Kung alam nyo lang talaga ang nangyari kanina. Okay, sige. Eto na nga. Ikukwento ko na sa inyo para aware kayo.

F L A S H B A C K

"Just kidding. We will play Tekken. So, let's go." Saad nya at hinila ako papunta sa kanilang play room.

Whoo! Parang nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at hindi 'yon ang lalaruin namin. Pagpasok pa lang namin ay makikita mo na ang napakaraming toys, console, gaming gadget, at marami pang iba. Nagningning ang mata ko sa tuwa dahil sa aking nakita.

Wow! Grabe, ang cool!

Meron silang iba't ibang klase ng playstation. Playstation 5 and etc... Mayroon din napakaraming cd na nandoon. Hindi na mabilang sa dami. Oh gosh. Napakadaming pwedeng laruin. Jusko. Magkano kaya ang lahat 'yon? Ang alam ko ang isang cd ay nasa 900 pataas.

Mayroon din silang nintento, Vr, xbox, at marami pang iba. You see guys, I'm a huge fan of gaming. Kaya ganito na lang ako makareact. Ngayon lang talaga ako nakakita ng ganto kadami.

"Isara mo ang bibig mo. Baka pasukan ng dila——este ng langaw." Nakataas-kilay nitong saad sa akin. Heto na po tayo, guys. Bumabalik na sa totoong kaanyuan si Athena. Ang masungit at mataray na sya.

"Hurry up and sit here beside me para makapagsimula na tayo." Bossy nyang saad. Well, super bossy naman talaga sya.

Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon at agad na tumabi sa kanya. Naeexcite na ako maglaro! Sisiguraduhin kong matatalo ko sya. Hindi sya makakabawi.

Wow. Pati ang controller ay kulay ginto. Grabehan naman ito.

Pumili na kami ng character at ang napili ko ay si Hwoarang dahil gwapo sya hihihi... habang kay Athena naman ay si Marshall Law. Pati sa laro ay umiiral ang malanding side ko. Jusko. Hindi man lang pinalampas ang ganito.

Sa unang laban namin ay ako ang nanalo. Sa tatlong sunod-sunod na round kasi ay ako ang winner sa aming dalawa. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling ako sa ganto.

Tinignan ko ang reaksyon ni Athena. She's looking at me with disbelief. Hindi sya makapaniwala. Oh well, ganon talaga.

"What? Isa pang round ulit!" I can feel na naiinis na sya. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha.

Katulad nga ng request nya ay naglaro pa kami ng isang round. And once again, ako uli ang nanalo.

"The fuck? Nagchecheat ka siguro noh?!" Napakatalim ng mga tinging ipinupukol nya sa akin. I giggled because of that. Asar-talo.

"I'm not cheating, sweetie." I said. Binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti. 'Yung tipong maaasar sya ng bonggang-bongga.

"One more round!"

"Argh! Paano nangyari 'yon?!"

"Makikita mo talaga, Xyzrielle. Just wait at matatalo rin kita!"

"Tsk! Bwiset. Ano ba 'to?!"

Ilan lang 'yan sa naririnig ko sa tuwing natatalo ko sya. Hindi talaga sya tumitigil hangga't hindi nya ako natatalo.

I can't help but to smile and laugh because she's so adorable. Ang sarap pugpugin ng halik. Just kiddinh. Namali lang ako.

"What can you say, babyloves? Ang galing ko ba?" Natatawa kong tanong sa kanya. Halatang inis na inis na si Athena sa nangyayari at ginatungan ko pa nga.

"Shut up! Wala kang kiss sa akin kapag nanalo ka ulit." Saad nya. Matatalim na titig ang mga tinging ipinupukol nya sa akin.

What?!

Bakit naman nasali 'yon dito?

Gusto ko pa nga sya ikiss eh.

Ang unfair naman ni Athena huhuhu...

No! Hindi ako papayag!

"What? Bakit naman nasama 'yon dito? Kahit ano namang gawin mo, hindi ka mananalo sa ak---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang sumabat sya bigla.

"Subukan mong tapusin ang sinasabi mo, Xyzrielle. Makikita mo talaga! Tatapusin ko 'tong relationship natin. Sige ka!" Madiin nyang turan.

Hindi ko maiwasang mapalunok sa narinig ko. Nakakatakot sya huhuhu. Tsaka 'yung banta nya ay super nakakagulat. Ang pikon pala nitong babaeng 'to. Hmp.

"Don't even try to test me, Cameron."

Hindi ko alam kung saan nya nalaman ang second name ko but it sounds so good when she called me in that name. Tsaka ko lang naalala na sa kanila pala ang University na pinapasukan ko. She has connections.

"Okay, okay. Chill, darling. Let's play again."

E N D

At iyon na nga po ang naging dahilan at resulta ng kung bakit sya nanalo. Oh diba. Pinagbigyan ko lang talaga sya. Tsk.

"Ano? Natulala ka na riyan. Hindi mo siguro matanggap na natalo kita noh." She said.

I frowned. Sino kaya sa ating dalawa ang nagbabanta noh? Hmp. Ang daya eh.

"Whatever." Ang tangi ko na lang nasabi sa kanya.

Napatingin ako sa labas at nakitang maggagabi na pala. Oh shoot. Mukhang napasarap ata ako rito sa bahay ni Athena ah.

Hindi ko man lang namalayan ang oras. Pahirapan na naman ang pauwi neto. Maggagrab na lang ako para iwas hassle. Hindi pa rin kasi tumitila ang ulan at mas lalo pa itong lumakas.

"Athena——este Babyloves, gabi na pala." Pagtwag ko ng pansin kay Athena. Tumayo na rin ako sa aking kinauupuan.

She looked ay me. Ang kanina nitong masayang mukha ay nagbago at napalitan ng isang malungkot. Awww. I'm sorry kung sinira ko ang kasiyahan nya.

"Uuwi ka na ba?" Malungkot nyang tanong sa akin. Ayaw kong tumingin sa mga mata ni Athena dahil baka mamaya ay humindi ako. Baka maisipan kong dito na lang muna magstay at magpalipas ng gabi.

"Oo eh. Kailangan. Don't worry, I'll text you atsaka, hindi pa naman ito ang last." I said.

Akmang titignan ko na sana ang kanyang reaksyon nang kumulog nang malakas at alam kong may kasama itong kidlat.

In an instance, nawala ang kuryente. Hindi lang ang bahay nila kung hindi pati na rin ang kanilang mga kapitbahay.

"Oh shit." I said in surprised. Hindi naman ako takot sa brown out na ganto. Nagulat lang talaga ako.

"Aaa! Cameron, where are you?!" Athena shouted. Gosh. Grabe makatili ang babaeng 'to. Hindi naman ako nawawala eh.

At dahil nga madilim, hindi ko sya makita. Nagsimula akong mangapa-ngapa. Maya-maya pa ay may nahawakan. I smiled. Alam na alam kong kamay 'to ni Athena.

"Fucking ghost! Don't come near me, you little shit! Cameron, where the are you!" She exclaimed.

Pilit nyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. Mukhang hindi nya pa alam na ako ang nakahawak sa kanya.

"Athena... Athena... It's me. Don't freak out, okay?" After I said thay, bigla na lang akong nakaramdam na may yumakap sa akin. Niyakap nya na pala ako. I just let her to hugged me.

Maya-maya pa ay nakarinig na lang ako ng hikbi. Palakas ito nang palakas.

"Damn it!" I cursed on my mind. Ayaw na ayaw kong nakikita na umiiyak si Athena.

"Hey, darling... hush now. I'm here na. You're safe." Pagcocomfort ko sa kanya katulad noong kamuntikan na syang *ehem* marape sa bar.

I hugged her tighter. I placed my hand on her waist. Gusto kong iparamdam sa kanya na safe sya.

"No! I'm not yet safe lalo na kung ganito kadilim at iiwan mo pa ako!" Parang bata nitong saad at humikbi pa.

Siguro kung hindi ganito ang sitwasyon namin ay aasarin ko sya dahil para syang bata na inagawan ng candy eh. Ang cute.

"I changed my mind. I'm gonna stay here with you, Louise. So stop crying na." Pag-aalo ko pa sa kanya. I called her Louise dahil alam kong ito ang second name nya.

"Promise?"

"I cannot promise it." Sagot ko. Well, hindi talaga ako nagpapromise kasi I believe that promises are meant to be broken.

Naramdaman kong paiyak na sya uli kaya nagsalita na ako.

"Hindi ako nagpapromise dahil ginagawa ko kung anong sinabi ko, Louise."

And the next thing I know, our lips are pressed together. She's kissing me.

I slowly closed my eyes. Hindi ako nagdalawang-isip na tumugon sa kanyang halik.