Chapter 29 - Chapter 29

Xyzrielle's PoV:

Nagising ako na maulan ang panahon. Argh. Nakatamad kumilos nito lalo na't malamig. Ang sarap humilata na lang at matulog buong araw.

Nagpabaling-baling ako sa kama ko Whoo! Grabe, ang lamig talaga. Sobrang lakas pala ng ulan.

Binuksan ko ang cellphone ko at chineck kung may pasok ba ngayong araw. Pero wala pa daw. Napangiwi ako dahil doon. Ano ba 'yan? Hmm... baka mamaya, nalate lang ang pag-announce.

May bagyo ba ngayon? Kagabi naman ay walang kabakas-bakas ng ulan ah.

Well, kung tinatanong nyo kung anong nangyari after nung panonood namin ng Conjuring, balik normal na ulit.

Eksaktong uwian na nang matapos ang movie na iyon. As usual, hinatid ko uli si Athena sa parking lot dala-dala ang bag nya. Bago sya umalis ay binigyan ko sya ng isang kiss. You can say that it's a goodbye kiss.

Today is Thursday at kahapon ay naging normal lang ang takbo ng araw ko. U

To: Gorgeous Girlfriend❤

YOUTUBE ka siguro because I want YOU TU BE Mine.

Good Morning, babyloves!

Ayan ang pinambungad kong text sa kaniya. Muntik ko pang magawang Youjizz ang Youtube. Buti na lang talaga at nacheck ko muna. Pero isang 'k' lang ulit ang sinagot nya sa akin.

Hindi makatarungan! Huhuhu. Pinag-isipan ko pa naman 'yon nang mabuti. By the way, sy ang nagset ng nickname na 'yan ah. Hindi ako.

Pagdating namin sa school ay nagstart na agad ang couple thingy na acting namin. Pretend dito, pretend doon. Landian here, landian there na talaga nga namang pinapaniwalaan ng mga tao. Minsan nga ay parang naguguilty ako kasi parang niloloko namin sila.

Ang buong araw ng Wednesday ay sobrang nakakastress at nakakasama ng loob. Sunod-sunod na exam ang nangyari sa amin. May galit ba ang mga prof sa amin? O kaya naman ay nag usap-usap sila at nagdecide na magpatest ngayong araw.

Mabuti na lang talaga at kineri iyon lahat ng aking brain.

Tuloy pa rin ang pagtatrabaho ko sa bar. I served everyone with a smile kahit nakakapagod.

So far l, mababait naman ang nakakasalamuha kong mga customer which is a good thing. Mayroon ding mga pasimpleng nanlalandi sa akin. Mostly ay mga babae.

Gusto kong sabihin sa kanila na wala akong talong o lawit huhuhu. At straight akong nilalang.

'Weh? Sraight ka ba talaga?' Pag-extra ng mahadera kong utak.

Okay, fine. Half straight na lang ako. Yung tipong kunti na lang ay mababaliko na talaga ako.

Grr. Kasalanan 'to ni Athena eh. Jusko po. Dati ay sobrang dami ko kung magkacrush sa lalaki pero ngayon ay parang nawalan ako ng gana sa kanila.

'Kasi nabaling na kay Athena lahat yiee!'

Oo, tama ka riya—— este, hindi noh! Tsk. Bahala ka nga, mind. Humanap ka ng kausap mo.

Napagdesisyunan kong hindi na pumasok ngayong araw. Pupusta ako ng bente na suspended ngayong araw.

Kahit naman hindi suspended ang klase ay wala naman na kaming gagawin dahil kakatapos lang namin mag-exam. Sayang lang ang pagpasok ko kung iaannounce din mamaya na wala ng pasok.

Napag-alaman kong mayroong bagyo pa lang paparating kaya malakas ang ulan. Hayst... hindi na talaga ako updated sa mga nangyayari ngayon sa sobrang busy mo.

Itutuloy ko na sana ang pagtulog ko nang maalala kong itetext ko pa pala uli ang babyloves ko.

To: Gorgeous Girlfriend❤

Grabe yung ulan ngayon noh? Ingat ka ha. Ang lakas din ng hangin. Baka mamaya, tangayin ka papunta sa akin.

Good Morning again, Babyloves! Keep safe.

Clinick ko agad ang send para makabalik na ako sa mahimbing kong pagtulog. Hmm.... Miss ko na agad ang panaginip ko.

I'm in the middle of my sleep nang biglang may marinig ako.

*Beep*

Baka si Athena na 'to na nagreply na naman sa akin ng 'k'. Hindi ko tuloy alam kung bubuksan ko ba ang message nya o itutuloy ko na ang pagtulog ko.

Of course, ang buksan ang message nya. Ang buksan ng message nya ang hindi ko pipiliin.

Patulog na sana uli ako nang may marinig na naman akong isang beep. Argh. Chineck ko na ang cellphone ko kung ano 'yon.

I noticed na may text mulay kay Athena.

Hindi nga ako nagkamali dahil 'k' nga ang nireply nya. But wait. May isa pa syang text sa akin.

From: Gorgeous Girlfriend ❤

Papasok ka ba?

Wow. Infairness, nag-iimprove na ang mga text nya sa akin. Anyways, baka tinatamad ding pumasok ang isang 'to. Nireplyan ko sya ng 'hindi' bilang sagot sa tanong nya.

Maya-maya ay narinig kong nagring ang cellphone ko. Galing ang call kay Athena. Hindi ako nagdalawang-isip at sagutin ito. I pressed the answer button. Ano kayang kailangan nya?

"Hello, babyloves?" I said.

"Hindi ka ba papasok ngayon?" She asked. Aba't tumawag pa talaga sya sa akin para makasigurado.

"Oo, hindi ako papasok ngayon. Ang lakas ng ulan eh. Ikaw ba?" Balik-tanong ko sa kanya.

"Great. So pumunta ka eito sa bahay ko. I'll just text you the details. See you." Maawtoridad nitong saad. Yung tipong hindi ka na makakaangal pa.

Tsk. Napakabossy talaga ng isang 'to. Ano naman kayang gagawin namin pag nandoon na ako? Nakakatamad kayang maggalaw-galaw tapos papuntahin nya pa ako sa place nya. Hmp.

"Ano... pwede bang sa ibang araw na lang?" Sana ay pumayag sya. Gusto ko lang humiga at yakapin ang unan ko rito sa bahay the whole day.

"Please, babyloves." She said in a pleading tone.

Nahigit ko bigla ang aking paghinga. Ito ang kauna-unahang beses na narinig ko syang magplease sa akin. And I think, there's something na nag-uurge sa akin na wag syang tanggihan.

I heaved a deep sigh. "Okay, fine. Antayin mo ako riyan."

Kahit ayaw ko pang bumangon ay tumayo na ako. Kumain na muna ako at pagkatapos ay naligo. I also fixed myself. Nakita kong tinext na sa akin ni Athena ang address ng bahay nila.

Pinabantayan ko na muna sa kapitbahay ko ang pusa ko. Baka kasi mamaya ay matagalan akong umuwi rito.

Pagkalabas ko ay agad na tumambad sa akin ang napakalakas na ulan. Buti na lang talaga at naisipan kong magjacket at magdala ng payong. Pumara na ako ng taxi at sumakay.

I told the driver the address of Athena's house. And wow, parang nagulat pa sya.

Matagal-tagal rin kaming nagbyahe dahil na rin matraffic. Maya-maya pa ay nakita ko ang isang napakalaking bahay. Mansion na ata ito sa laki. Well,bexpected na 'yon dahil nakapayaman ng pamilya ni Athena.

Nagding dong ako sa door bell. And in just a snap, bumukas ang gate. Aba, ang bongga naman. Ang high tech ng bahay nila.

Natanaw ko si Athena sa harap ng pintuan. Nakasuot sya ng shorts at sleeveless na damit. Napalunok naman ako ng wala sa oras. She's so sexy. She's an epitome of beauty. Parang wala akong maipipintas sa kanya. Nakikita ko ang makinis nyang balat.

Hindi ba sya nilalamig sa suot nya?

"Eyes up here, Honey." She said and smirked mischievously at me.

I rolled my eyes to her bagp tuluyang sumunod na sa kanya sa pagpasok. Napansin kong wala syang kasama kahit isa. Fuck. Paano na lang kung may nanloob dito? O kaya naman ay may gumawa ng masama sa kanya?

"Wala ka bang kasama rito?" Tanong ko sa kanya. Humarap sya sa akin at hindi ko maiwasang mamula sa nakikita ko. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. Damn. Magkakasala pa ata ako.

"Sa ngayon ay wala dahil pinagday-off ni Mom ang lahat ng kasambahay pati na rin ang mga driver. Tsk. Pinapunta kita rito para naman may kasama ako."

Napatango-tango ako. Okay. That explained everything.

"Besides, it's a good thing because we can do whatever we want here." At ngumisi pa ng nakakaloko. No, no, no. Parang hindi ko gusto 'yan.

"Like w-what?" Nauutal kong turan.

"Let's watch some movies in my room." She said.

Hindi pa ako nakakaalma nang maramdaman ko na lang na hinila na ako ni Athena papunta sa kwarto nya.

I gulped. Hindi na ako papayag na nakakatakot na naman uli ang papanoorin namin. Nooo. Never again.

But wait. Bakit kailangang doon pa? Pwede namang sa sala na lang kami manood. Baka mamaya, may balak na naman sa aking masama ang babaeng 'to huhu.

"So, manonood tayo ngayon ng Annabelle." She announced. My eyes widen in shock because of that.

"No way!" Maagap kong tutol. Nabasa ko kasi na isa 'yonh horror movies.

Well, nagbasa-basa ako ng mga horror movies para hindi na ako maloko ng babaeng ito at para I am ready na rin.

"Anong no? Takot ka lang eh" pang aasar pa nya. Tsk. Hindi nya ako madadaan sa ganyan-ganyan nya noh.

"Okay, fine. Magsuggest ka na lang ng movie. 'Yung maganda ha." Ayan, mabuti naman.

Nag isip-isip ako kung anong magandang movie. Hmm. Maya-maya ay may pumasok sa isipan ko. Aha! Alam ko na.

"Fifty Shades of Grey na lang." Suwestyon ko sa kanya.

"Hmm... maganda ba 'yan?" She asked. Well, hindi ko pa napapanood 'yon at mukhang sya rin. Romance raw at comedy 'to. Atsaka maraming nag rerecommend ng movies na Fifty Shades of Grey.

"Oo, maganda raw 'yon base sa nabasa ko."

"Okay, let's watch Fifty Shades of Grey. It sounds interesting." Sinimulan na ni Athena na isearch 'yon sa Netflix.