Xyzrielle's PoV:
Inihatid ko na si Athena pag katapos ng nangyari. Ipinagsawalang-bahala ko na ang sinabi nya. Alam ko namang nagbibiro lang sya. Duh.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom ko. Naririto na naman ang ilang mga bumabati sa akin. Sa totoo lang ay hindi ako sanay. Pero kailangan ko silang batiin pabalik.
Baka mamaya, madagdagan na naman ang mga bashers ko. Chos, haters lang pala ang meron ako.
Yes po, opo. Nagkaroon po ako ng mga ganoon. Hindi naman talaga 'yon maiiwasan dahil maraming admirers ang aking *ehem* girlfriend.
At hindi nila tanggap na sa akin lang bumagsak ang minamahal nila. Mayroon ngang sabi-sabi na mangkukulam daw ako at ginayuma ko si Athena.
Duh. Sa cute kong ito? Mangkukulam? Ako na siguro ang pinakacute na mangkukulam kung sakali man.
Natigilan ang pag-iisip ko nang may isang babae ang napansin kong nasa harapan ko. Maganda sya. May suot syang salamin. Ang puti nya rin at may pagkawavy ang kanyang buhok. Ang cute nya tignan.
"A-Ahm... Xyzrielle, para sayo. Tanggapin mo sana." She said.
May iniabot sya sa akin na lalagyan. Paheart shape ito at kitang-kita ko na waffle ang laman non. I gulped. Natakam ako bigla sa nakita ko. Yummy.
"Hala! Thank youuu. Sana hindi ka na nag-abala pa, Miss?" Super thankful ako sa ginawa nyang effort.
Hanggang ngayon ay nakatungo pa rin sya. Maybe, she's shy. Nang mag-angat sya ng tingin, kitang-kita ko ang mamula-mula nyang pisngi. I giggled because of that.
"Ako po si Eleanor Walter." Pagpapakilala nya habang hindi pa rin nakatingin sa akin ng diretso.
"Xyzrielle, sana nagustuhan mo 'yan kahit simple lang. Sige, aalis na ako." Pagpapaalam nya.
Ang bilis naman nyang magbabye. Hindi pa kami nagkukwentuhan nang matagal. Siguro ay nagmamadali sya.
"Sana maging magkaibigan tayong dalawa, Eleanor!" Sigaw ko dahil medyo nasa malayo na sya. Jusko. Ang bilis nyang maglakad.
"Of course, magkaibigan na tayo. Pero mas masaya sana kung higit pa roon ang status nating dalawa!" Sigaw nya rin pabalik. Kumindat pa sa akin ang loka.
Nang maproseso ko ang kanyang sinabi ay nagulantang ako. Maya-maya ay napailing na rin. Baka ganoon talaga sya magsalita. Palabiro pala ang babaeng 'yon.
Ibang-iba na talaga ang buhay estudyante ko simula nang magsimula kaming magpretend ni Athena. May mga pros and cons pero mas lamang ang pros. Nararanasan ko na ang mga hindi ko nararanasan dati.
Itinuloy ko na ang paglalakad ko. Hindi ko maiwasang magtaka nang makapasok na ako sa classroom namin.
Bakit parang dinaan 'to ng bagyo? Parang hindi magkanda-ugaga ang mga kaklase ko. Ano bang mayroon? Hindi ata ako nainform.
Nagtanong ako sa isa kong kaklase para malaman kung anong mayroon at bakit ganoon ang mga asta nilang lahat.
"Pst, Zyril. Bakit kayo nagkakaganyan?" Nakakunot-noo kong tanong kay Zyril. He looked at me. Mahahalatang stress na sya. Damn. Mas lalo akong nacurious.
"Nako! Bakit hindi mo alam? Nag mchat si Maam History sa atin. May test daw ngayon na 1-100." Tila kinakabahan nyang saad at bumalik muli sa pagrereview.
Ah... 'yun lang pala eh. Test lang pala na 1-100.
Wait. Ano?! 1-100? Gosh. Ano 'yon? Ang gandang surprise naman talaga. Jusko po.
Wala na akong sinayang na oras at umupo na sa aking upuan. Nagreview na rin ako katulad ng ginagawa ng mga classmate ko.
Mygoodness. Paano ko 'to matatandaan ng ganoon kabilis huhuhu? Sana ay may pagpipilian. Hindi pa naman ako nakapagreview kagabi ng mga lessons namin.
_____//_____
Whooo! Success! Mabuti at break time na.
Gosh. First subject pa lang ay pigang-piga na ang utak ko. Hindi ko alam kung nagkasundo-sundo ba ang mga teacher namin at naisipan nilang magpa-exam lahat ngayong araw.
Baka mamaya yung next naming subject ay maisipan ding mag aganon. Nako po. Jojombagin ko na talaga sila. Chos.
Naglalakad na ako papuntang cafeteria dahil sabay uli kami ni Athena ngayon. Suddenly, nakita ako ni Erin. Patakbo syang lumapit sa akin.
"Waah! Xyzrielle! Thank God at nakita kita." Nakanguso nitong saad. Pwede nang pagsabitan ng baso ang bibig nya dahil sa haba ng kanyang nguso. Just kidding.
"Huh? Bakit? May nang-away ba sayo? Tara resbakan natin." Pag-aya ko sa kanya. Go na go ako sa mga away na ganyan. Chos lang dahil good girl po ako.
"Hmp, hindi. Iniwan na nila ako huhuhu... wala tuloy akong kasabay ngayong kumain." Parang bata syang nagsusumbong sa akin. Aish. Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa isang 'to.
Napag-alaman kong mayroon ding mga exam ang mga kaibigan ko maliban lang kay Erin kaya naisipan nilang magpunta ng library at doon mag-aral. Ano kayang nakain ng mga 'yon?
"Tara. Sumabay ka na lang sa amin. Okay lang naman siguro sa kanila 'yon." Pagyaya ko sa kanya.
Nagliwanag sa tuwa ang mukha ni Erin. Mabilis na inilingkis nya ang kanyang kamay sa akin. Well, clingy po talaga syang tao.
Nang makarating kami sa cafeteria ay saktong nandoo na rin ang tropa nila Athena. We're on time and that's a good thing. Nag-nrder na muna kami bago umupo sa upuan nila.
I faked a cough to catch their attention.
"Uhm... pwede bang makisabay muna sa atin ngayon si Erin? By the way, she's my friend." I said. Ngumiti si Jared habang tumango lang si Stacey. Si Ella naman at si Athena ay walang imik.
"Yeah, sure." Saad ni Jared. My gosh. Ang bait-bait nya talaga huhuhu. Okay, idadagdag ko nga sya sa crush list ko.
Kahit gustong-gusto kong katabi si Erin ay hindi pupwede dahil ang bakanteng upuan ay isa kay Athena, isa kay Ella, at isa kay Stacey. Umupo na lang ako sa tabi ni Athena dahil sya ang girlfriend ko 'kuno'. Naisipan naman ni Erin na umupo sa tabi ni Stacey dahil kaharap nito ang upuan ko.
Kitang-kita kong rumehistro ang gulay sa mukha ni Erin nang makita nya si Ella. Napakatalim ng mga tinging ipinupukol sa kanya ni Ella. She even rolled her eyes to the lalter. Napakunot-noo ako sa aking nakita.
Wait. Magkakilala ba sila?
Nang makaupo na ako sa tabi ni Athena ay naramdaman kong idinantay nya ang kanyang hita sa akin. Mannerism nya siguro ang ganto. I'm not even complaining. In fact, I like it.
Tahimik lang kaming dalawa ni Erin dito sa table. As usual, sila-sila na naman ang nag-uusap. Hindi na ako nag abala pang makinig dahil hindi rin naman ako makakarelate sa topic nila.
"Hey girl, may nasagap akong balita." Pagtawag pansin sa akin ni Erin. Napaayos ako ng upo. Hmm.. ano kaya 'yung nasagap nyang chismis?
"Ikaw ha, hindi mo nasabi sa akin na may mga admirers ka na pala. Dapat binigyan mo man lang ako ng bigay nya." Saad nya at binigyan pa ako ng nakakalokong tingin.
What? Paano nakaabot sa kanya 'yon? Kanina lang nangyari 'yon ah. Iba talaga kapag may pakpak ang balita.
"Sige, sige sa susunod. Tamang-tama at ang sarap nung binigay nya." I said while smirking. Erin pouted. I giggled because of that.
I jumped off in my seat when someone slammed the table loudly. Damn. Ano ba 'yan? Nanggugulat nalang bigla jusko. Napatingin ako sa katabi ko dahil sa kanya nagmula ang tunog na 'yon.
Nakita kong nakakunot ang noo nya. Hindi na rin maipinta ang mukha ni Athena. Geez. Ano na namang kayang trip nya sa buhay ha? Hindi pa ako nakakapagsalita nang mayroon syang itinapat sa aking bibig.
"Oh nganga, tikman mo 'to." Pabalang nitong turan. Hmp. Halatang napilitan eh.
I shooked my head. I took a bite to the food that she's offerinh. I guess, it's a cheese cake. Ang saraap. Heaven. Nang makagatan ko na ang cheese cake ay sya naman ang kumagat doon.
The crowd squealed. Tsk. Kinilig na naman ang mga students na nakakita sa ginawa nya. Sabihin nyo nga sa akin kung anong nakakakilig don ha. Kesyo ang sweet daw nitong babaeng 'to dahil sinusubuan pa ako. Pwe.
"Hey, wag ka nang pumasok sa mga susunod na subject. Sumama ka sa akin kung gusto mong magkabati tayo." Maawtoridad nitong saad.
Akala ko bati na kami kanina. Akala ko lang pala 'yon huhuhu. Baka mamaya, may ipagawa sya sa akin or worse, itorture nya na ako.
I gulped. Hindi ko maiwasang mahintakutan. Kailangan kong maging alerto.
Nagpop up sa akin ang chat heads ng group chat ng section namin. Absent daw ang mga susunod naming teacher kaya super free time kami.
Ugh! Mabuti naman at makakapahinga ang brain ko.