Xyzrielle's PoV:
"Good Morning!" I energetically said.
"Walang good sa morning." Pambabara nito at inikutan pa ako ng mga mata. Kapg nahipan talaga ng hangin 'tonh si Athena, baka forever ng nakatirik ang mga mata nya.
"What do you want?" Ang pambungad nitong tanong sa akin habang ang mga kamay nya ay nakahawak sa kanyang beywang.
Ang ganda talaga ni Athena kahit minsan ay napakataray nya. Oh wait, madalas pala syang mataray. Isama mo pa na laging nakakunot ang noo nya at nakataas-kilay. Parang laging may problema eh.
"A-Ah.. ahm... ano kasi." Ugh! Eto ka na naman bibig. Hindi ka makapagsalita nang maayoz.
Kapag kinikiss mo si Athena, napaka-active mo. Tapos kapag nagpapalinawag ay nawawala ang angas mo.
"Ano? Umayos ka nga ng pagsasalita mo. Kagabi ka pa ganyan ah!" Singhal ni Athena. Nako po, self. Lagot ka na. Naiinis na sya.
"Err... akin na muna ang bag mo. Ako na ang magdadala." I offered.
Hindi ko na sya inantay pang makaalama dahil kinuha ko na ang mga gamit nya. Walang pag-alinlangan nya itong ibinigay sa akin. Mabuti naman.
"Anong nakain mo at ginagawa mo ang mga gantong bagay ha? Ang bait mo ata. Sabihin mo nga sa akin, nagpapagood shot ka ba ha?" Nakataas-kilay nitong tanong at nagcrossed arms pa.
What? Nakalimutan ba nya na may relationship kami kahit pretend lang?
"What? Hey, paalala ko lang sayo na isa sa mga responsibilities ko ang gawin 'to. Nakalimutan mo na ba na girlfriend mo ako?" Nakakunot-noo kong tanong. Aba, kailangan ko ring umapela noh.
"Oh really?" She scoffed.
"May girlfriend bang hindi nagrereply sa mga text?Hindi man lang pinapaalam kung saan pupunta at kung sino ang mga kasama." Nahihimigan ko ang sarcasm sa tono ng kanyang boses.
Wait. Kasama pala 'yon sa gawain mo kapag may jowa ka. Mygoodness. Sorry naman, Athena. First time ko lang naman 'yung ganto eh.
Parang ayoko na tuloy mapunta sa isang relationship. Ang daming ginagawa. Tapos kapag may nakalimutan kang gawin, bigla-bigla na lang nagagalit ang partner mo.. Baka siguro may sapak lang talaga sa utak si Athena.
"Uhm... sorry ulit, okay? Hindi ko naman kasi alam na dapat ko pa lang gawin 'yon. Sorry na, hindi na mauulit." Nagsorry uli ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ayaw nya pang tanggapin. Hmp. Ano pa bang gusto nyang gawin ko?
"Now you know! Dapat lang na hindi ito maulit! Dagdag 'yan sa mga gawain mo ha. Tandaan mo. Ang dali-dali lang magreply. Tsk. Nakalimutan-nakalimutan ka riyan. Ang sabihin mo, masyado ka lang talagang nag-enjoy doon sa babaeng kasama mo." Mahabang litanya nito at dinuduro-duro pa ako.
She was mad. Magkasakubong na ang dalawa nyang kilay. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha.
Wala sa sariling napalunok ako. Damn. Ang lapit nya sa akin. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango na amoy vanilla. Hindi ko namalayang napakagat-labi na pala ako.
Nakita kong natigilan rin si Athena. Ang kaninang mga mata nyang nakatingin sa mga mata ko ay unti-unting bumababa sa aking kissable lips.
Damn. Wag kang ganyan. Baka madala rin ako.
Parang ang sarap tuloy nyang halikan. Ugh! Erase, erase, erase. Stop. Mali 'yon. Hindi pwede. Straight kami.
'Anong mali? Girlfriend mo naman sya at parehas nyo namang gustong magkiss.'
Hmm... may tama ka riyan, mind. Pero hindi ba parang nakakabastos 'yon sa side nya?
'Hay nako. Kung ako 'yan, kanina ko pa pinugpog ng kiss ang lips nya.'
What the duck? Hayok ka ba, mind?
'Argh! Whatever. Gawin mo na kasi kung anong gusto mong gawin sa kanya.'
Hindi pa ako tapos makipag-away sa utak ko nang may maramdaman kong may humila sa akin. I felt that something soft is pressed on my lips. Laking gulat ko nang makitang si Athena ang gumawa non.
'Shungeks ka ba? Syempre sa kanya 'yon. Wala ka namang ibang kasama bukod sa kanya. Nag-eexpect ka ba ng iba?' Pagbabara sa akin ni mind. Argh! Andito pa rin sya?
Kinagat ni Athena ang aking labi ngunit mahina lag. Nang mapabuka ang aking labi ng kaunti, she quickly inserted her tongue inside of my mouth.
Damn. I didn't know na marunong pala syang humalik. Pero ang sabi nya ay ako ang first kiss nya. I guess, she's a fast learner. Natutunan nya siguro 'yon every time I kiss her.
And here we go again with the feelings thay I cannot explain. I love this feelings. May nararamdaman na naman akong kakaiba sa aking tyan. Para akong naiihi na ewan.
Kilig na naman siguro ito or worse, 'yung tinatawag nilang love. But I'm pretty much confident na hindi 'yon love. Baka attraction lang 'to.
Well, hindi mo maiiwasang maramdaman iyon kapag kasama mo ang babaeng ito. She's irresistible.
Hindi ko maipigilang hindi tumugon sa kanyang halik. Ang sarap. Nakaka-addict. Nang tutugon na sana ako sa kanya ay tsaka sya nagbawi.
What?! Bakit naman huh? Hindi pa nga ako nakakarespond sa kanya.
Agad na sinamaan ko sya ng tingin. Frustration ang nararamdam ko ngayon. Siguro ay dahil sa ginawa nya. Ganto pala ang feeling kapag nabitin.
"We should kiss more often." She announced. Napatsk ako at napanguso ako dahil gusto ko lang. Dagdag sa kacute-an ko.
Anyways, tapos ano? Hindi nya ako hahayaang makarespond sa mga kiss nya. Ang unfair naman non. Nagpapabitin sya. Ayaw ko ng ganon.
Nakita ata nyang nakanguso ako at narealize ang nangyari. Binigyan nya ako ng isang mapang-asar na tawa.
Tawa-tawa ka riyan. Kabagin ka sana. De joke. Ang bad ko naman ata sa part na 'yon.
"Mukhang hindi ka ata nasiyahan." Unti-unting sumilay ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. "It's payback time, baby."
Hindi talaga ako nasiyahan. Argh! Anong payback-payback sya riyan? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang masama sa kanya. Hmp.
Siguro ay iniinis lang talaga ako ni Athena. She's messing with me.
'Sus. Wala ka riyan. Madaming beses mo na syang kiniss, remember?'
Ah, okay. 'Yon nga siguro ang tinutukoy nya. Pero matagal na iyon eh. Hindi pa ba sya nakakamove on? Pwedeng-pwede ko namang gawin uli sa kanya 'yon kapag gusto nya eh. Always naman akong available.
"Tsk. Tara na nga!" Nakasimangot kong saad sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang pagtawag nya sa akin ng 'Baby'. Kahit pa sabihing pabiro lang 'yon.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kilig. Agad ko ring itinago 'yon dahil baka sabihin nyang ang assuming ko.
I reached for her hands and held it. I just found out later that our hands are now intertwined. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang ngiting nakarehistro sa kanyang mukha. Mukhang enjoy na enjoy sya sa nangyayari.
Another day na naman ito sa pagpapanggap namin. As usual, marami ang nakatingin sa amin. Rinig na rinig ko ang usap-usapan nila. Mayroong ding kumukuha ng mga pictures sa aming dalawa. I bet na ipopost nila 'yon sa social media. Kawawa naman ang tahimik kong social life.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad nang maramdaman kong huminto sya. Napatingin ako kay Athehna at kung saan kami huminto.
I'm still frowning. I don't care kung anong sabihin nya. Tsk. Ano bang trip ng babaeng ito at huminto pa? Take note, sa gitna pa talaga ng hallway.
"Awww... my baby is sulking." Malamabing nyang saad at walang pasintabing niyakap ako.
Napanganga ako dahil sa inasta nya. Damn. She's really unpredictable talaga. Kanina kiss tapos ngayon, yakap naman.
I guess, isa na naman ito sa pagpapanggap namin. I still remember na isa sa gawain namin ang maging sweet sa loob ng campus. I heaved a deep sigh bago niyakap sya pabalik.
I can hear that the crowd is squealing. Kinikilig sila sa amin.
"No, babyloves. I'm not." Pagtanggi ko dahil hindi naman talaga. I think, I saw something in her eyes when I called her babyloves.
Oh ha, nag-uupgrade ang tawag ko sa kanya. Kung dati ay baby lang, ngayon naman ay babyloves na.
"Aww... don't worry, papaisahin naman kita mamaya. Mag-antay ka lang." She said and smirked mischievously. Napangiwi ako. Alam kong narinig iyon ng mga nasa paligid namin.
Damn. Ang eskandalosa naman talaga ng babaeng ito. Hindi ko maiwasang mamula sa sinabi nyang papaisahin nya ako mamaya.
Ano bang pinagsasabi nya huh? Ano bang trip nya sa buhay? Sinama nya pa talaga ako. But I would admit na nakaramdam ako ng excitement sa sinabi nya.
She gave me a wink. Hindi nya rin nakalimutang bigyan ako ng flying kiss.
I shooked ny head. Napakabilis talagang magbago ng mood nitong kasama ko. Kaninang pagpasok nya ay napakasungit nya tapos ngayon naman ay sobrang mapang asar. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya.