Xyzrielle's PoV:
We've reached my apartment. Katamtaman lang ang laki nito. Mabuti na lamang at nakapaglinis ako ng bahay. Hindi nakakahiya sa maarteng babaeng kasama ko ngayon. Wala syang masasabi.
Nakita kong tulog si Buricat. Aish. Puro tulog na lang ang alam nya kaya sobrang taba eh. Ay, okay na pala na palagi syang tulog kaysa naman lumandi sya sa pusa ng kapitbahay namin at mabuntis na naman.
Mukhang hindi ko na kailangang sabihan si Arte ng feel at home dahil feel na feel na nga nya. After nyang maibaba ang mga gamit nya, dumiretso na syanh umupo sa sofa at nagdekwatro pa.
I gulped. Parang ang sexy nya sa pwesto nya. Ugh! Erase, erase. I shouldn't think that way. Ano ba 'tong naiisip ko?
"Anong gusto mo?" I asked her. Baka mag to mamaya sabibin wala man lang akong binibigay sa mga bisitang katulad nya. Mahirap na noh.
"Uhm... You." My eyes widen in shock. Did I heard it right? Ano raw? Ako? Ako ang gusto nya?
Napangisi ako. Sinasabi ko na nga ba at may lihim na pagtingin ang babaeng 'to sa akin eh. Well, hindi ko naman sya masisi dahil ang ganda ko naman talaga.
"Ako ang gusto mong kainin?" I asked. I'm sti smirking. Naninigurado lang ako. Kung gusto nya akong kainin, pwede naman. Wala namang kaso sa akin 'yon.
Just like me, her eyes widen in shock nang marealize ang tinanong ko sa kanya. Kitang-kita ko kung paano namula ang kanyang pisngi. So cute.
"Pervert! What I mean is ikaw ang bahala." Masungit nyang saad at umirap pa sa akin. Papatirikin ko talaga ang mata nya kapag hindi pa sya tumigil kakairap. Hmp. Palusot pa more.
I change first into a comfortable clothes. Loose shirt at cycling since nasa laundry pa ang iba kong damit. Mas komportable ako sa ganito. Babae din naman 'tong kasama ko. Walang lawit kaya keri lang.
I decided na magluto ng adobong manok for us. Tamang-tama at may stocks ako. Ilang oras lang din ito maluluto at sobrang dali lang. Syempre, mas magandang busog kami kapag nag-usap kami mamaya.
After 20 mins, I'm done cooking na. Napadesisyonan kong icheck ang lagay ni Arte. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya eh.
And there, I saw her na sobrang busy na manood ng TV. At cartoons ang palabas. She's also holding a pillow.
I was amazed to see her in this state. Woaahh! Hindi halata sa kanya na nanonood pa sya ng mga ganyan. May pagkaisip-bata rin pala ang babaeng 'to.
Maya-maya pa, tinawag ko na rin sya.
"Athena, let's eat muna." I said to her. She just nodded and followed me.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako but I saw admiration on her eyes when she looked at me. Agad din syang umiling at dumiretso na sa hapag-kainan.
"Hey, ang dami namang kanin. Hindi ako masyadong nagkakakain ng sobrang maraming rice. And what's this ulam ha?"
My mouth parted a little. Huwat? Hindi nya alam kung ano ang adobo? Pilipino ba ang isang 'to?
"Minsan lang naman 'to kaya kainin mo na. Atsaka marami ba yan? Ang konti nga eh. Anyways, adobo ang tawag sa ulam na 'yan. Don't tell me, hindi ka pa nakakatikim nyan?" Asa bahay ko sya kaya kailangan nyang ubusin 'yan. Duh.
She heaved a sigh. "Okay, fine. I wouldn't tell you. Anyway, let's eat na nga."
We started to eat pero hindi namin nakalimutang magdasal. I finished my last serving and based on my observation, nag-enjoy naman si Athena sa luto ko.
Nang matapos kaming kumain ay inilagay ko na ang mga plato sa sink. Mamaya ko na lang 'yan huhugasan.
"Let's go to my room." Pag-aya ko sa kanya. Tapos naman na kami kumain. May lakas na kami para gawin ang dapat gawin.
"W-What? Anong gagawin natin sa kwarto?" Nauutal nyang saad. Parang namumula pa sya. Hala. Sabi ko na nga ba at hindi sya sanay sa mainit eh. Mabuti na lang talaga at may aircon ako sa kwarto.
"Syempre, mag-uusap. Ano pa bang gagawin natin bukod doon?" Natatawa kong sagot.
"I thought--- Argh! Whatever."
I closed the door once we came in. I pulled her in my bed.
"Uhm... tungkol nga pala sa gagawin nating pagpepretend." Panimula ko.
"Oh, yeah. So since alam mo naman 'yung video at picture na kumakalat sa ating dalawa, might as well sakyan na lang nating dalawa 'yon. I want to get rid of my super kulit na manliligaw na si Lucas." Mahabang lintanya nya.
Ano namang makukuha kong kapalit sa ginagawa namin? Matanong nga.
"Art--- Athena, anong benefits naman ang makukuha ko sa ginagawa natin?" Pwe. Mntik ko pa syang matawag na Arte. Mabuti at hindi ko natuloy.
"Ugh! Really? Tinatanong pa ba 'yon? Okay, I'll explain it to you. First, wala nang mambubully sayo because we're in a relationship. Second, magiging girlfriend mo ang pinakamagandang babae sa campus. Isn't that enough?" Nakataas-kilay nitong sagot sa akin. Okay ako doon sa una.
'Una lang ba talaga?'
Okay, fine. Sige, pati na rin 'yung pangalawa. Pero may iba pa akong gusto eh. Sasabihin ko nga sa kanya.
"Since manliligaw mo si Lucas at ayaw mo naman sa kanya, after nito... pwede bang ipakilala mo ako sa kanyai?" Chance ko na ito para makilala ang future boyfie ko.
Mukhang hindi nagustuhan ni Athena ang suggestion ko dahil napakasama ng mga tinging ibinibigay nya sa akin. Parang may nakikita akong dark aura na nakapaligid sa kanya.
I gulped because of that. Unti-unti syang lumapit sa akin.
"Do you like that guy huh? Hindi naman sya kagwapuhan kung tutuusin. Bakit hindi ka na lang tumingin sa akin? I'm a goddes. I'm gorgeous and I have sexy body. Am I not enough?"
Mas lalo ako kinabahan when she sat on my lap. Gosh. Bakit ang init? Nakabukas naman ang aircon. Atsaka, bakit may pa upo-upo pa sya? Nakakadistract.
She encircled her arms on my nape. unconciously held her waist. Since nakacycling lang ako at nakapalda lang sya, ramdam namin ang legs ng isa't isa.
Naramdaman nya siguro ang pagkabalisa ko kaya ang kaninang matalim nyang tingin ay napalitan ng nang-aakit.
Bakit ka ganyan, Athena? Nakakapanghina.
"Answer me, Xyzrielle. Kaya ba tumitingin ka pa sa iba?" Idinampi nya ang kanyang labi sa aking tenga na nagdulot sa akin ng kiliti. I shivers in that contact.
Hala. Asan na ang mataray at masungit na Athena. Pakibalik naman sya huhuhu. Hindi ko kaya 'yung ganito.
"Hindi ka naman mabiro, Baby. Ikaw lang naman ang gusto ko. Gustong-gusto kitang ikiss." Malambing na saad ko. Tinawag ko na rin syang Baby kasi malay nyo gumana. Ang galing ko diba?
I felt that she smacked me. It hurts. Ang sakit. Jusko po.
"Argh! Whatever!" Masungit nyang saad at tuluyan nang isinubsob ang sarili sa akin. Nakayakap na sya sa akin.
Sinong hindi magugustuhan ang free hugs? I didn't think twice and hugged her back.
Oh shit. Here we go again with the kakaibang feeling na nararamdaman ko kapag kasama ko sya. Ang hirap iexplain. Basta comfortable ako and I'm happy when I'm with her. She's the only who can do this to me.
"So, we will talk about sa rules and regulations ng relationship natin." Hindi na sya umalis pa sa pagkandong sa akin. We're still hugging each other.
"Ako ang masusunod sa relationship natin. That's why you should follow me." She added. Napamaan ako dahil doon. What? Hindi naman ata makatarungan 'yon huhuhu...
"Wait. Bakit naman?" Nakataas-kilay kong tanong. Hmp. Kailangan kong idefend ang rights ko.
Napakatalim ng nga tinging ipinupukol nya sa akin. Hindi ko maiwasang mapalunok. Nakakatakot. Para syang monster.
"Bawal kang umangal. Atsaka diba sabi mo na ako 'yung gusto mo? Kaya sundin mo ako." She said with finality on her tone.
Fine. Pagbibigyan ko muna sya sa ngayon. Aish. Bahala na nga. Mukhang ma-uunder ako sa babaeng 'to.