Xyzrielle's PoV:
Yehey! Mabuti naman at tinanggap ni Arts ang sorry ko sa kanya kanina. Wala lang talaga akong load kaya hindi ko sya na greet ng good morning. Dagdag points pa 'yung tinatamad akong magtype dahil umagang-umaga pa.
Ang hindi ko lang maintindihan ay parang ayaw nya kay Rian. Before I forgot, she's one of my friends from my previous school.
Nagkamustahan lang kami at wala ng iba pa. I don't get it kung bakit ganon ang trato nya doon sa tao. Baka siguro bad mood sya kaya maldita ang attitude nya.
Aish. Everyday pala syang maldita. I giggled because of that.
Lagi nga akong magpapakabait para bigyan ako ni Athena ng kiss hihihi. Just kidding na medyo true.
Magkahawak ang kamay namin habang binabagtas ang daan papunta sa classroom nya. Ako rin ang nagbibitbit ng bag nua.
Thank God at magaan lang 'yon. Hindi nya na naisipang magdala ng mabibigat na bagay. Jusko. Kapag ganon ay aayaw na ako kaagad. This is one of my responsibilities just like what she've said. Isa akong mabait na tao kaya sinusunod ko ang mga 'yun.
'Sus. Ang sabihin mo lang ay under ka sa kanya.' Sabat ng mahadera kong utak. Che.
Napapatingin sa amin ang lahat ng mga estudyante dahil sa ayos naming dalawa.
Duh. Ikaw ba naman makita ang reyna ng school nyo na may kaholding hands at take note, babae pa ha. Sino ba namang hindi mapapatingin at makikiusosyo?
Alam kong hindi kasama sa dapat kong gawin ang hawakan ang kamay nya. I felt the urge to hold her hand, and so I did. Wala naman akong nakita o narinig na pagtutol mula sa kanya.
Tahimik lamang kaming dalawa ngunit hindi naman awkward ang atmosphere. Parang ine-enjoy namin ang isa't isa which is good.
Hindi na kami magkaklase dahil nag-iba ang schedule naming dalawa. Baka nag reshuffle ulit sila. Gusto kasi ng University na ito na maraming makasalamuha ang mga estudyante at hindi lamang ang mga kaklase nito.
Nang makarating na kami sa kanyang classroom ay nagpaalam na si Athena. Paalis na sana ako nang may maramdaman akong kamay na humawak sa akin. I glanced at the culprit and it was Athena.
"Don't forget, sa akin ka sasabay tuwing break time." She said with finality on her tone. Tumango na lang ako bilang sagot.
Nanlaki bigla ang aking mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa aking pisngi. She kissed me on my cheeks.
My mouth parted a little. Parang napatulala ako. Huli na ang lahat dahil nakita ko na syang papasok sa kanyang classtoom.
Gosh.Wala 'yun sa usapan namin ah. Argh. But I found it sweet. I didn't know na may sweet side rin pala si Athena.
I was brought back into reality nang marinig kong tumunog na ang bell. Hudyat ng nagsisimula na ang klase.
I quickly made my way towards to my classroom. Narinig kong nagsisimula na silang maglesson. I gulped. I heaved a deep sigh before knocking to the door.
"Sir, I'm sorry that I'm late. May I come in?" Magalang kong tanong kay Sir Mark.
"Oh... yes, Ms. Garcel. You may come in." Nakangiti nitong sagot. Nako po, Sir! Kaya kita crush eh. Gwapo na nga, mabait pa.
'Hoy, bawal 'yan. Lagot ka kay Athena kapag nalaman nya ang iniisip mo.' Sabat ni Brain.
Shems. Binabawi ko na 'yung simabi ko kanina. Hindi ko na pala crush si Sir Mark. Faithful na girlfriend kaya ako sa dragonang 'yun.
_____//_____
Nakita kong nasa labas na sina Erin and friends. Probably, inaantay nila ako for break time. Sabay-sabay kasi kami.
"Xyz, tara na. Kumain na tayo." Energetic na yaya sa akin ni Kelly. I was about to say something nang biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Athena.
"Hala guys, hindi muna ako makakasabay sa inyo ngayon. Kay Athena ako for today." I said. Nakita ko kung paano sila nalungkot. Pati rin tuloy ako ay nalungkot.
"But itatry ko sa other day. Ano? Okay ba sa inyo?" Nagliwanag bigla ang mga mukha nila. They nodded their head. Yey!
"Iba na talaga kapag may girlfriend na." Pang-aasar sa akin ni Erin. Hmp. Kapag sya talaga nagkaroon din, aasarin ko rin si Erin.
"Oo nga. Turuan mo naman ako ng mga tricks para magkajowa na agad." Kathrina uttered.
Napailing na lang ako sa mga kakulitan nila. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria.
"Oh sige na, Xyz. Pumunta ka na sa table ng girlfriend mo. Mukhang kanina ka pa nya inaantay." At walang pasintabing tinulak na ako papaalis.
No choice. Nakita kong palinga-linga si Athena na parang may hinahanap. Dumiretso na ako sa table nila. Gosh. I'm embarrassed.
While walking, she's staring at me intently. Hindi nya inaalis ang mata nya sa akin.
"Andito na pala ang girlfriend mo, Athena." Saad ni Ella. I know her. Well, sino nga bang hindi makakakilala sa kanilang lahat? I hope na friendly sya.
"Argh, whatever! Halika na nga at umupo ka na rito sa tabi ko." Masungit nitong asik. I just shrugged and sat beside her.
"Guys, ako na ang mag-oorder. Treat ko kayo kasama ka na Xyzrielle." Infairness, ang bait ni Jared. Sasabay na nga ako palagi sa kanila.
He left our table. Nagsimulang magkwentuhan ang tatlo.
I noticed na si Stacey ang pinakamaingay sa kanilang lahat. Base sa aking naririnig na chismis, she's naughty. And oh, a playgirl.
Nakaka-op naman dito. Parang naligaw lang ata ako sa table na 'to eh. Bakit ba kasi mga dyosa ang mga kasama ko ngayon? Hindi man lang ako naambunan huhu.
Narinig kong tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko itong tinignan.
I just received a text from someone at kay Margarette galing 'yun. Naging friend ko na sya. She's studying here sa school namin. Sya ay isang transfer student dahil na rin sa kanyang boyfriend at ex-bestfriend.
Fr: MarGanda
Elle, gala tayo mamaya. Kain us sa foodcourt tapos tingin-tingin lang.
Napangiti ako dahil doon. Ang kulit talaga nyang magtext. Mahilig din sya gumala which is so me. Madalas kaming gumalang dalawa. Kahit saan lang dalhin ng aming mga paa. Okay na iyon kaysa sa umiyak sya sa lovelife nya.
Magrereply na sana ako nang bigla na lang nawala ang cellphone ko sa aking kamay. Napakunot-noo naman ako dahil doon. Saan napunta 'yun?
"No cellphones allowed kapag kumakain. Kapag manlalandi ka, siguraduhin mong hindi mo ko kasama." Sunod-sunod na turan ni Arts sa akin. Piinaulanan ako ng masasama at pamatay nyang tingin.
What? Ano na naman bang ginawa ko ha? Napatingin sya sa screen ng aking cellphone. Aish. Nakakahiya naman ang typings ni Margarette. She hissed loudly.
"Sa iba nakakapagtext tapos sa akin, hindi? Tsk. Sino naman ang MarGanda na 'to?" I heard that she whispered something na hindi ko masyadong narinig.
"May sinasabi ka ba, Athena? Pwedeng pakilakasan?" Napatingin naman sya sa akin.
"Ano? Bakit Athena na lang ngayon? Kaninang umaga ay Baby tawag mo sa akin. Ang bilis mo naman atang makalimot." Mas lalong sumama ang matalim na titig nito sa akin. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha. Nag-igting din ang kanyang panga.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Damn. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako dahil doon.
Napatingin ako sa mga kasama namin. They're busy watching us na para bang nanonood sila ng isang telenovela. Nakapaskil ang isang mapaglarong ngisi sa kanilang mga labi.
"Eto na ang pagkain natin!" Magiliw na turan ni Jared. Parang nakahinga ako nang maluwag. Whoo! Saved by the bell.
Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang itago ito bigla ni Athena. Napakunot-noo naman ako dahil doon. Ano na naman kayang trip ng isang 'to?
"Akin na muna 'tong cellphone mo. Kumain ka lang dyan. Baka mamaya, may bitch na namang umextra."
Agad kong sinunod ang utos ni Athena. Mahirap na. Ayaw ko kayang mabugahan ng apoy ng isang dragona. Duh.
Pero, mygoodness. Bakit ba kasi ang bingi ko? Sayang. Hindi ko narinig ang mga sinabi nya.