Xyzrielle's PoV:
Nang maramdaman kong okay na sya, unti-unti na akong lumayo mula sa pagkakayakap namin kanina. Kahit gusto ko pang ifeel ang moment namin, kailangan ko ng tapusin dahil kailangan na naming umuwi.
My eyes unconsciously darted on her exposed chest. Ganoon din sya. Ramdam kong nag-init bigla ang aking mga pisngi habang si Athena naman ay namumula. Wala sabi-sabi akong tumalikod.
"Uhm... Mag-aayos k-ka muna." Nauutal kong saad. Maya-maya pa, I heard that she said na she's already done.
"Okay ka na ba? Tara. Umlis na tayo rito." Pag-aya ko sa kay Athena. Tumango naman sya bilang sagot. I reached for her hand at hinawakan 'yon. Nagsimula na kaming umalis sa pinangyarihan ng 'you know'.
Napansin kong wala ng tao dahil magsasara na kami. Isang nag-aalalang Marcus ang humahangos na sumalubong sa akin. Mukhang nag-aalala sya.
"Elle, may nangyari raw na gulo kanina malapit sa cr. Diba papunta ka roon kanina? Nakita mo ba ang nagyari?" Tanong nya. Nasabi ko kasi sa kanya ang balak kong gawin.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Athena sa kamay ko. Marahil ay naaalala na naman nya ang nangyari. Marahang pinisil ko ang kanyang kamay at binigyan sya ng isang ngiti.
"Oo, napadaan ako roon kanina. Okay naman na." I answered. Tila nabunutan naman ng tinik sa lalamunan si Marcus.
Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na rin ng bar. Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Athena. Wala akong naririnig na pagtutol sa kanya kaya sa tingin ko ay okay lang naman ang ginagawa ko.
Infairness, ang lambot ng kamay nya. Our hands perfectly fits each other. I wouldn't mind holding her hand every day.
'Chansing ka ha.' Saad ni brain. Umeextra na naman ang papansin na 'to. Hmp.
Hindi ko namalayan na nasa parking lot na kami at nasa tapat na kami ng kotse nya. Napakunot-noo ako.
"So I think, I need to go na. Thank you sa ginawa mo." Saad nito kahit na nanghihina.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Saglit lang 'yon pero sapat na para mapatulala ako. Ang ganda nya talaga.
Bubuksan nya na sana ang kanyang kotse nang pigilan ko sya.
"Hey.... If you want, sa bahay ka na lang muna matulog." She eyes me intently na para bang sinusukat kung may masama akong pakay sa kanya.
Hindi ko maiwasang mapalunok. I raised both of my hands na para bang sumusuko.
"Wala akong gagawin sa 'yong masama, okay? Lasing ka tapos magdadrive ka pa. Paano kung may mangyari sayong hindi maganda? Edi kargo pa ng konsensya ko 'yon. Tapos anong oras na rin. Baka mamaya, mapagtripan ka pa ng mga tambay or lasing dyan." pagkaklaro ko.
Kahit naman masungit ay mataray sya sa akin, nag-aalala pa rin ako sa kanya. Ewan ko ba. Kung hindi sya pumayag, hindi 'yon pupwede. Kung kailangan ko syang buhatin para pumayag, gagawin ko.
"Yung kotse mo, balikan mo na lang bukas. Safe 'yan kaya wag kang mag-alala." Dagdag ko pa. Nakita kong napaisip sya. I'm silently praying na sana ay pumayag sya.
"Okay." Matipid nyang sagot. Good to know.
Sinabi ko sa kanya na malapit lang ang tinitirhan ko kaya nilakad na lang namin 'yon. Hindi ko na hinawakan ang kamay nya. Baka mamaya ay isipin nyang binabastos ko sya. Kumbaga, sabay na lang kami sa paglakad. Mabagal ang ginagawa naming paghakbang dahil na rin sa hilo at wala na syang lakas.
I heaved a deep sigh.
"Athena, pwede bang wag ka munang gumalaw?" Tanong ko. Nakita ko na parang naguluhan sya pero walang imik na sumunod din naman sya sa akin.
Agad ko binuhat ng pabridal style si Athena. Wait. Bakit ang gaan nya? Kumakain pa ba ang babaeng 'to? I can feel that she's surprised. Handa na syang magsalita pero inunahan ko na sya.
"Mas mapapabilis tayong makakarating kapag ganto. Atsaka, alam kong wala ka ng lakas para maglakad." Tila naunawaan naman niya ang point ko. Hinayaan ako ni Athena na buhatin sya.
Naramdaman kong lumingkis ang kamay nya sa aking batok. Parang nakuryente ako dahil doon. Ang weird.
Sino mang makakakita sa sitwasyon namin ngayon ay aakalaing magjowa kami. Wala naman tao kaya okay lang. Wala kang maririnig na nagsasalita sa amin. Katahimikan ang namayani sa amin. Hindi awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
Naaamoy ko ang hininga nya. Ambango pa rin kahit nakainom na. Ramdam kong nakatitig sya sa akin. Nakakailang? Oo, super. I looked at her and I saw na kakaunti na lang ang distansya naming dalawa.
"Grabe ka naman makatitig. Nakakatunaw. Sige ka, kapag tumitig ka pa uli, hahalikan kita riyan." Pabiro kong pananakot kay Athena. I know naman na naiilang sya sa kiss. I hope na masindak sya kahit papaano.
But to my dismay, she just continued eyeing me intently na para bang walang narinig. Nako po, hindi sya nadala doon sa pananakot ko.
"Sabi mo kanina ikikiss mo ako kapag hindi ako tumigil kakatitig sayo. So, asan na 'yung kiss ko? I want it now." Mataray nyang saad. Napalunok ako bigla. Naloko na.
Agad ko syang hinalikan pero sa pisngi lamang. After that ay itinuloy ko na ang paglalakad. Tinignan nya ako na para bang disappointed sya.
What? Ginawa ko naman ang gusto nya ah.
"Bakit sa cheeks lang? Dapat sa lips." Saad nya habang nakakalabi pa. Nanlaki bigla ang mata ko sa gulat.
What?! Ano raw? Nabingi ata ako sa narinig ko. Nakakagulat ang nirerequest ng babaeng 'to.
'Eh diba hinahalikan mo din naman sya? Bakit parang di ka pa sanay?' Pag-extra ni brain.
Baka mamaya, masampal nya ako kapag nasa tamang wisyo na sya. Atsaka, ayoko magtake advantage sa kanya. I composed myself and act as if I heard nothing. Patuloy pa rin ang pag-ungot nya ng kiss sa lips.
Aish. Siguro naman ay titigil na sya kapag ginawa ko 'yung gusto nya noh?
I gave her what she wanted. I kissed her. It was just a peck that lasted for a seconds. After that, lumayo na rin ako. Akala ko ay tapos na ang pag-ungot nya ngunit hindi pa pala.
"Hmp. Moreee~ Hindi ko man lang natikman ang lips mo." Okay. Nag-iisip bata na po sya. Nagtatalo ang isip ko kung bibigyan ko pa sya ng kiss o hindi na. Syempre, ang pinili ko ay bigyan sya ng kiss.
Hindi ko sya chinachansingan. Atsaka, request nya rin 'yon. Pinagbigyan ko lang. Bahala na kapag nasa tamang wisyo na sya.
I quickly gave her 2 kiss. Parehas peck lang. May pasobra dahil special sya.